MAINGAT na nakakubli si Aki sa isang malaking kargamento kung saan, mula sa kanyang kinaroroonan ay palihim niyang minamanmanan ang mga tauhan ni Alejandro Montenegro. Tama ang report ng Intelligence na kahina-hinala ang shipments na isinasakay ng mga ito sa barko.
Minabuti pang mas lumapit ni Aki sa mga ito para makuhanan niya ng surveillance camera ang nagaganap na operasyon. Maingat at maliksi siyang nagtungo sa isang nakaparadang trailer truck at umilalim doon. At palibhasa, itim ang overall suit na kanyang suot, tiyak na hindi siya mahahalata ng mga ito.
Mula sa pinagtataguan ay kuhang-kuha ng camera niya ang nangyayaring operasyon. Kasalukuyang naroon si Alejandro Montenegro at binabantayan ang pagkakarga ng malalaking kahon ng kargamento sa malaking cargo ship. Ang problema, hindi niya marinig ang usapan ng mga ito dahil may kalayuan ang pinagtataguan niya sa mga hudas
"KIAH, are you okay? May sakit ka ba? Para kasing namumutla ka."Mula sa labas ng bintana ay nilingon ni Kiah si Gavin nang sabihin nito iyon. Katabi niya ang lalaki sa backseat ng sasakyan na naghahatid sa kanila sa pagpasok at pag-uwi mula sa unibersidad. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya."W-Wala ito, Gavin. Hindi lang siguro ako nakatulog nang maayos kagabi," pagsisinungaling niya rito.Pero nagawa man niyang magsinungaling sa lalaking kaharap, alam ni Kiah na hindi niya kayang magsinungaling sa kanyang sarili.Alam niyang kaya siya matamlay at walang kagana-gana ay dahil ramdam pa rin niya ang sakit sa kanyang puso. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin lubos-maisip ni Kiah kung bakit kailangan niyang masaktan.Nag
PAG-UWI galing sa flower farm ay binilhan pa ni Gavin si Kiah ng isang bouquet ng white roses. Matapos niyon ay nagdesisyon na ang dalawang umuwi na. Pagdating ng mga ito sa bahay, naabutan nilang nasa sala si Mrs. Tetsuya at Akihiro na tila seryoso ang pinag-uusapan.Nagulat pa nga si Kiah nang malamang naroon pa pala ang binata. Ang buong akala kasi ng dalaga ay nakauwi na ito kanina pang umaga."Oh, hijo? Ang aga naman yata ninyong umuwi ni Hezekiah?" agad na salubong ni Mrs. Tetsuya sa pangalawang anak. Bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa mga bagong dating.Nahihiya namang napayuko na si Kiah. Lalo pa nga't nakita niyang matamang nakatingin si Aki sa kan'ya. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin sa ginang kaya hinayaan niyang si Gavin na lamang ang sumagot niyon.
NAGTIPON ang pamilya Tetsuya sa library para pag-usapan ang isang nakababahalang bagay. Iyon ay tungkol sa sulat na dinala ng isang mail boy galing sa isang unknown sender.Si Akihiro ang nakatanggap niyon pero agad niyang ipinagtaka dahil walang pangalan at address ang naturang sulat. Ang tanging nakasulat lang sa labas ng sobre ay para iyon sa kanila. Kinutuban na agad si Akihiro dahil kahina-hinala iyon.At hindi nga siya nagkamali nang mabuksan niya ang sobre, nakasulat sa isang puting papel ang mga katagang, "Get ready for my revenge, Akihiro Tetsuya!"Kaya naman noon di, ipinasya niyang sabihin iyon sa mga magulang maging kay Gavin upang maging aware at makapag-ingat ang mga ito."Kung gan'on Kuya, kailangan mo palang mag-ingat," nababahalang sa
Pagkatapos masiguro ni Akihiro ang seguridad ng pamilya, muling lumuwas ng Maynila ang lalaki para magtungo sa pier kung saan ayon sa Intelligence, ay muling may nagaganap na kahina-hinalang pagkakarga ng shipments sa pangunguna ni Alejandro Montenegro.Alas-onse na iyon ng gabi kaya naman wala nang masyadong tao ang naroroon sa pier. May pailan-ilan man, ito ay iyong mga nagkakarga ng shirpmee na kailangang ibiyahe ng cargo vessel.Bitbit ang Calibre 45 na may silencer at spy camera na gamit niya para kuhanan ng footage ang nangyayaring operasyon, maingat na tinahak ni Aki ang isang container truck at doon kumubli. At tama nga ang nakuhang niyang report sa Intelligence na may nagaganap na operasyon doon.Katulad no'ng una, nakita ni Aki si Alejandro Montenegro na minamandohan ang mga tauhan
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang