Papaling-paling si Kiah sa higaan nang gabing iyon. Hindi kasi siya makatulog pagkatapos nang namagitang halik sa kanila ni Aki. Tila nararamdaman pa nga niya ang malambot na labi ng lalaki sa labi niya. Ganoon pala ang unang halik, hindi maipaliwanag. . . ani Kiah sa isipan sabay hawak pa sa kanyang labi.
Kakaiba rin ang bilis ng tibok ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Kinakabahan siya, ngunit hindi dahil sa natatakot siya, kung hindi, pakiramdam niya ay may bahagi ng kanyang pagkatao ang nagdiwang dahil sa kakaibang halik na iyon.
Iyon ang una niyang halik, kung kaya't bago sa kan'ya ang pakiramdam. Kanina, habang ramdam niya ang labi ni Aki sa labi niya'y linukob siya ng kaba, ng nerbiyos, at maging ng saya.
"KIAH, please pack your things. Aalis tayo."Nilingon ni Kiah ang lalaki nang sabihin nito iyon saka ginawaran niya ng nagtatanong na tingin. "B-Bakit? May pupuntahan ba tayo?"Saglit munang tumingin sa kan'ya ito at tila nag-isip, pero mayamaya rin ay bumuntong-hininga. "Uuwi tayo sa Cavite, sa parents ko." Hindi naman maiwasang magulat ni Kiah sa narinig. "Ayaw kitang iwan dito mag-isa kaya isasama na lang kita. Dalhin mo na rin ang school bag at uniform mo, ihahatid na lang kita bukas ng maaga sa school mo," sunod-sunod pang utos nito.Walang nagawa si Kiah kung hindi sumunod na lamang sa lalaki. Inimpake niya ang mga mahahalagang gamit na alam niyang kakailanganin niya sa eskwelahan. Naglagay din siya ng mga ilang pares na damit-bihisan. At wala pa ngang isang oras ay sakay na sila ng sasakyan nito at binabagtas ang kahabaan ng Edsa, ayon na r
BUMANGON si Kiah at lumabas nang silid nang makaramdam ng pagkauhaw. Ala-una na iyon ng madaling-araw at tahimik na ang buong kabahayan. Marahan na tinalunton ni Kiah ang pasilyo patungo sa kusina ng malaking bahay ng mga Tetsuya.At bagaman isang beses lang siyang nagawi kanina sa kusina noong sabay-sabay silang maghapunan, ay natatandaan pa rin niya kung nasaan ito naroroon.Pagpasok ni Kiah sa kusina ay nagulat siya nang may maaninag siyang taong naroon. Madilim kasi roon dahil nakapatay ang ilaw. Kaya naman ang tanging liwanag lamang na tumutunghay sa kabuohan ng kusina ay nanggagaling sa poste sa labas ng bahay.Sandali munang nakatayo si Kiah sa bungad ng pinto at pilit inaaninag kung sino iyon. Nakaramdam din siya nang kaba sa pag-aalalang baka masamang tao ito o kaya naman ay kawatan.
MALINAW ang isip ni Aki nang mga sandaling iyon. Lasing man siya, pero matino ang kanyang isip. Kaya ramdam din niya ang pagtutol ni Kiah sa mapangahas na kilos n'ya. Pero hindi na niya kayang kontrolin pa ang sarili.Ang alam lang niya nang mga oras na 'yon, gusto niyang pagbigyan ang sarili. Sapat na siguro ang matinding pagpipigil niya noon, lalo pa't nagpapaubaya naman ang babae sa pananalakab niya ngayon."Oh, Kiah! I want you. . ." anas niya habang walang sawang pinaliliguan ng halik ang magkabilang dibdib nito. Nanatili namang hindi kumikibo si Kiah at hinahayaan lamang siya sa ginagawa, pero naramdaman niyang bumabaon ang kuko nito sa kanyang balikat dahil nakahawak ito roon ng ubod ng higpit. "I want you, Kiah. Can you please let me?" masuyong tanong
"GOOD luck sa first day mo, love. Alam kong kayang-kaya mo 'yan."Hindi mapigilang mapangiti ni Kiah nang marinig ang sinabi na iyon ni Aki. Nakakataba iyon ng puso, lalo pa't pakiramdam niya ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kan'ya.Mas maging malambing kasi ito ngayon. At dahil doon, nagkaroon siya ng munting pag-asa na baka may damdamin din para sa kaniya ang lalaking minamahal."Salamat. Ikaw rin, mag-iingat ka sa trabaho," aniya sa lalaki saka kiming ngumiti. Matamis naman itong ngumiti bilang sagot.Umasta nang bababa si Kiah sa kotse nito nang hawakan siya nito sa pulsuhan. Nasa parking lot pa kasi sila ng unibersidad ni Aki ng mga oras na iyon. Nilingon niya ang lalaki ngunit nagulat siya ng bigla siyang kabigin nito at walang sabing hinagkan sa labi.
"KIAH, kumusta ang first day mo sa school? Okay naman ba?"Mula sa labas ng bintana ng sasakyan kung saan sila nakalulan, ay nilingon ni Kiah ang lalaki sa tabi niya. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit, pero nakaramdam siya ng paninibago sa kadahilanang Kiah lang ang tawag nito sa kaniya at hindi ang Love.Diretso ang tingin ni Aki sa kalsada habang nagmamaneho nang tingnan niya. Pakiramdam tuloy niya ay may hindi magandang nangyari sa pag-uusap ng magkapatid. Hindi pa kasi ito nagkukuwento sa kan'ya."Maayos naman. Kaya lang, nanibago ako nang bahagya, lalo na sa mga aralin. Pagdating ko nga sa bahay ay babalikan kong muli iyong mga pinag-aralan namin kanina," salaysay niya sa lalaki habang nakatingin rito. Nakita naman niyang ngumiti ng lalaki sa tinuran niya."G
HABANG lulan ng sasakyan ni Aki patungo sa bahay ng mga magulang nito sa Cavite, walang kibo si Kiah sa kinauupuan. Samantalang si Gavin na katabi niya, ay panay ang kausap sa kaniya. Paminsan-minsan, palihim na sumusulyap ang dalaga kay Aki na siyang nagda-drive.Maging ang lalaki ay hindi rin masyadong kumikibo, maliban na lamang kung kakausapin ng nakababatang kapatid. Hindi rin sila nag-uusap pa nito pagkatapos nang namagitan sa kanila noong nagdaang gabi. Kaya naman ang nararamdamang sakit, lungkot, at hinanakit para sa lalaking minamahal ang namamayani sa dibdib ni Kiah ng mga sandaling iyon.Naiinis din siyang kung umakto ang lalaki ay tila wala lamang dito ang lahat ng namagitan sa kanila. Ang pakiramdam tuloy niya ay nagpaubaya lamang siyang gamitin nito ng paulit-ulit.Kasalana
MAY dalawang linggo na simula no'ng umalis si Kiah at lumipat sa bahay ng parents ni Akihiro. At isang linggo na ring hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari sa kan'ya. Lagi kasi niyang iritado o kaya naman ay wala sa hulog. Madalas din siyang uminom na para bang may mabigat siyang problema, kahit ang totoo ay wala naman.Halos araw-araw din siyang may inuuwing iba't-ibang babae sa condo niya. Ayaw niya kasing umuwi d'on ng mag-isa. Hindi niya gusto ang pakiramdam na para siyang may hinahanap na kung ano. Pero sa tuwing nag-uuwi naman siya ng babae ay iisa lang ang nangyayari, nauuwi lang 'yon sa away."Oh, shit! Please enter me, honey!" halinghing ni Zea nang umalis siya sa pagkababae nito at ihanda ang sarili sa pagpasok sa pagkababae nito.Pero after a minute, hindi niya maintindiha
"Hello kups, napatawag ka? Ano'ng atin?" dinig niyang tanong ni Heinz mula sa kabilang linya."Good evening, kups! Busy ka?" agad na tanong ni Aki sa matalik na kaibigan. Balak kasi niya itong yayaing lumabas para mag-inom ng kaunti. Bored na bored na kasi siya sa condo at wala naman siyang maisip na tawagan kung hindi ito. Isa pa, ang sabi ng private doctor niya, kailangan niya ng makakausap para mabawasan ang stress niya."Yes, I'm free. Ano'ng mayr'on? Mukhang seryoso iyan, ha