“Gabi na, bakit naririto ka pa?” Salubong kay Elias ni Zhione pagpasok niya sa bar nito.
Doon siya tumuloy matapos matanggap ang tawag ni Jacob. May importante raw itong sasabihin sa kaniya.
“Where are those idiots?” inis na tanong niya at agad na iginala ang mga mata sa loob ng club nito. Walang tao roon kung hindi sila ng kaibigan at ang mga tauhan nito.
Zhione’s brow creased. “Who?”
Nagdikit ang mga kilay niya. “Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Where are they?”
“Be specific. Hindi naman ako manghuhula,” nang-aasar na tugon nito.
“Fu— F*ck!” malutong niyang mura nang mawalan ng ilaw. “What the hell is happening? Hindi ka ba nagbabayad ng kuryente?” Hindi sumagot ang kaibigan. “Zhione!” Hindi pa rin ito tumugon.
Wala siyang nagawa kung hindi ang sanayin ang sariling mga mata sa dilim. Pakapa siyang nag-apuhap ng mauupuan, pero napatid siya sa kung saan. At kasabay ng pagmumura niya nang malakas ay ang muling pagbubukas ng ilaw at ang malakas na hiyawan. Sumabog rin ang makukulay na confetti sa buong paligid at ang pagturutot ng mga walanghiya niyang kaibigan.
“Happy birthday!”
Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ang mga salarin. Lumapit ang mga loko-loko niyang kaibigan sa kaniya sa pangunguna ni Jacob.
“Happy birthday, a**hole!” nakangising bati nito.
Napahilamos siya sa mukha. Tiningnan niya ang suot na relo at tiningnan kung anong date sa mga sandaling iyon.
“Okay! He forgot! Nasaan na ang mga taya ninyo,” ani Lucas na nakalahad ang isang kamay sa harap ng kanilang mga kaibigan. “I told you; he won’t remember it. Hindi marunong mag-birthday si Elias. ’Di ba, brod?” Nginisihan siya nito.
Kakamot-kamot sa ulo ang kanilang mga kaibigan habang humuhugot ng pera sa kanila-kanilang mga wallet.
“Wala pala akong cash,” ani Kristoff.
“Ako rin,” segunda ni Sandro.
“Kailan ba tayo nagkaroon ng cash?” ani Harvey sa mga ito.
“Sa susunod kasi huwag pumusta kung matatalo rin lang,” ani Joaquin na malapad rin ang pagkakangisi.
“Ops! Hindi uobra ang mga paandar ninyong iyan sa akin. I will just collect your debit cards instead,” ani Lucas na ang mga mata ay makislap pa sa ilaw ng bar ng iyon ni Zhione.
“What?! No! Baka kung ano pa ang bilhin mo!” mabilis na tanggi ni Harvey.
“Well, I’ll just buy myself a jaguar. What do you think?” Ngumisi nang nakaloloko rito si Lucas.
Hindi na maipinta ang mukha ni Elias sa naririnig na bangayan ng mga ito. Hinarap niya s Jacob. “Ano na namang kalokohan ito, Lagdameo?”
Nagkibit ito ng mga balikat. “What should suppose to happen.” Iniaro nito ang birthday cake sa mukha niya. “Hipan mo na bago ko pa ito ipahid sa mukha mo dahil kanina pa ako nangangalay. Sa lahat na lang ng okasyon, ako na lang lagi ang may hawak ng cake. Wala na ba talagang iba?”
“Ako pa ba ang kausap mo?”
“Hindi. Sarili ko.” Nakalolokong ngumisi si Jacob.
“Hipan mo na iyan. Taon-taon na lang, Elias!” palatak pa ng iba nilang kaibigan.
He gave them a middle finger sign. Sinagot lang naman iyon ng tawanan ng mga ito.
Nang tingnan niyang muli ang cake na nasa harapan, saka pa lang niya hinipan ang kandila niyon. Malakas namang nagpalakpakan ang lahat.
“Alright! Let the party begin!” sigaw ni Kristoff.
“Yeah!” parang iisang taong hiyaw ng kanilang mga kaibigan.
Pumailanlang sa ere ang malakas na tugtugin. May lumabas ding mga babaeng dancer sa maliit na stage ng club ni Zhione. Mga naggagandahan at nagseseksihan ang mga ito.
Kahit paano ay napangisi siya sa pakulong iyon ng mga kaibigan; na hindi nakalilimot ng kaniyang kaarawan. Sa tuwing sasapit iyon, ang mga ito talaga ang unang bumabati sa kaniya.
“Happy!” malakas na tanong sa kaniya ni Jacob.
Pabiro niya itong sinuntok sa balikat. “Kung hindi ganito ang nangyari, baka kanina pa kita naupakan!” tugon niya sa malakas ding tinig.
Napahalakhak ito. “Bakit? May naunsyami ba? Nabitin ka ba?”
Napailing na lang siya na kumuha ng alak mula sa waiter na umiikot. Uminom siya nang bahagya bago iginala ang mga mata sa paligid. Malakas na nagtatawanan ang kaniyang mga kaibigan sa sari-saring kalokohan ng mga ito. Si Lucas na nanalo sa pustahan ay kinukulit pa rin ang ilan sa mga kapustahan nito. Hindi talaga ito kahit kailan magpapalamang.
“Common! Enjoy your party!” Hinila siya ni Sandro papunta sa stage. Naghiyawan naman ang kanilang mga kaibigan. They even cheered his name habang malakas na isinisigaw na sumayaw siya.
Pinaunlakan niya ang mga ito. He danced in front of them like a real call boy. Bawat giling ng katawan niya, malakas na hiyawan ang kasunod. Hindi rin nawawala ang malakas na tawanan at asaran. They even joined him on stage and sang their hearts out. Para silang hindi mga bilyonaryo. Para bang mga nakawala sa hawla kung umasta.
Lumalalim na ang gabi, subalit parang nagsisimula pa lamang ang party niyang iyon. Bumabaha ang inumin at hindi na niya alam kung nakailang baso na ba siya.
Enjoy na enjoy ang lahat, maging siya. Nasisiguro niya, pare-pareho silang hindi makauuwi sa gabing iyon.
**
Masakit ang ulo ni Vhanessa nang magising siya. Pilit niyang inaalala sa isip kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi habang unti-unti iminumulat ang mga mata. She blinked twice. Hindi niya alam kung lasing pa ba siya o totoo talaga ang nakikita niya.The room was not familiar to her. Ang kulay kremang ceiling niyon ay may cute na chandelier na dim lang ang liwanag. May malaki iyong painting na nakakabit sa dingding; na may malamlam na asul na wallpaper. Ang kamang kinahihigaan niya ay napakalambot. Halos lumubog na roon ang katawan niya.
She looked on her left side. Nakita niya ang purse na bitbit kagabi at pabastang nakapatong sa bedside table.
Nang tumingin siya sa sahig, bigla siyang kinabahan. Kasabay niyon ay lumipad ang mga mata niya sa kanang bahagi ng kinahihigaan niya.
Napasinghap siya nang malakas kasunod ng mabilis na pagtatakip sa bibig.
There was a man sleeping beside her! Hanggang sa may kalahati lang ng katawan nito nakabalot ang asul na blanket, kaya kitang-kita niya ang bato-bato nitong abs.
Mabilis niyang sinuri ang sarili. Ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang makitang wala siyang kahit na anong saplot. Tama nga na ang nakita niyang mga damit sa sahig kanina ay sa kaniya.
Umusod siya palayo sa lalaki. Ngunit bigla rin siyang napatigil nang maramdaman ang pananakit ng kaniyang katawan, partikular sa nasa pagitan ng mga hita niya!
“Diyos ko! Ano ba itong pinasok ko!” Nag-p-panic na sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Ilang beses din siyang lumunok bago muling sinulyapan ang lalaki sa kaniyang tabi. Napakunot-noo pa siya dahil parang pamilyar ang mukha nito sa kaniya, hindi niya lang maalala kung saan.
He stared at him for a long while. Kahit kalahati lang ng mukha nito ang nakikita niya, nasisiguro niyang marami na itong pinaiyak na babae.
The man has thick brows, thick and long eyelashes— which could hold a toothpick. His nose is the most prominent pointed nose she had ever seen. Ang mga labi nitong mapupula ay medyo makapal. May parang dot sa gilid niyon na kulay itim; na nasisiguro niyang nunal. Medyo pangahan ang mukha nito, habang malinis ang pagkakagupit sa buhok. Halatang isang kagalang-galang na propesyunal ang lalaki.
What captured her attention was his glass glowing brown-skin. Dinaig pa ang sa babae. Mas makinis pa nga yata ang kamay nito sa kaniyang mukha.
Napasabunot siya sa hanggang balikat na buhok. Pilit niyang inalala sa isip ang mga kaganapan nang nakaraang gabi . . .
“Essang, luwas ka mamaya,” malambing na wika ng kaibigan niyang si Myca sa kabilang linya.
Napatingin siya sa kawalan. Naroon pa siya sa trabaho niya sa Salviejo Law Firm. “Mamaya? Bakit? Ano’ng mayroon?” sunod-sunod niyang tanong.
“Hay, naku! Ayan na naman po siya!” palatak nito. Nakikini-kinita na niya sa isip ang pag-irap nito.
Sumandal siya sa kinauupuan. “Ano nga? Saka, ang layo ng byahe. Mabuti sana kung isang oras lang, eh, limang oras,” nakangusong tugon niya.
“Don’t worry, ipasusundo kita sa chopper namin. Saglit lang, narito ka na.”
Napataas ang isang kilay niya. “Ganoon ba ka-importante ang gabing ito para ipasundo mo pa ako?”
Hindi problema kay Myca ang ganoon dahil anak ito ng isang senador. Nagtataka pa nga siya noong umpisa kung paano niya ito naging kaibigan. Magka-opisina sila nito dati sa Maynila sa isang malaking kompanya; na pag-aari pala mismo ng pamilya nito, bago siya umuwi sa kaniyang bayan sa Tierra del Ricos mahigit dalawang taon na ang nakararaan. Itinago pa sa kaniya ng kaibigan ang katotohanan noong una-una. Subalit, nang mas lumalim ang pagkakakilala nila sa isa’t isa, isiniwalat na rin nito ang totoong pagkatao sa kaniya. Kaya sa tuwing na-m-miss siya nito, ito na mismo ang gumagawa ng paraan para makita siya. Hindi naman nga kasi iyon problema rito.
“Alam mo, gusto ko na lang talagang isipin na dala ng edad natin kaya ka nagiging ulyanin,” komento nito.
Napairap siya. “Ayaw mo pa kasing sabihin kung bakit tayo magkikita.” Halata ang iritasyon sa tinig niya.
Sa tuwing mapag-uusapan ang kanilang edad, umaasim ang mukha niya. Paano, single pa rin kasi siya hanggang sa mga sandaling iyon. At the age of thirty-seven, she was never been kissed, and never been touched. Kaya palagi siyang nakakantyawan nito at ni Lassy, isa pa nilang kaibigan. At sa kanilang tatlo, siya na lang ang walang asawa. In short, napag-iiwanan na siya!
Well, hindi man niya totally ginusto ang maging single, pero pabor na rin iyon sa kaniya. Marami kasi siyang inaasikaso. Sila na lang ng kaniyang ina at lola ang magkakasamang namumuhay ng payak sa kasalukuyan. Siya rin lang ang may trabaho, kaya hindi niya masyadong mapaglaanan ng atensyon ang pakikipagrelasyon. Isa pa, ayaw niyang maiwan sa bandang huli. Masakit iyon, baka hindi niya kayanin. Kaya never niyang sinubukang makipagrelasyon.
“Ano na? Lassy will also be here kaya hindi p’wedeng humindi,” untag sa kaniya ni Myca.
Napailing na lang siya sa narinig. “Magpapaalam muna ako sa amin.”
“Don’t worry about it. Natawagan ko na si Lola Cresing. Pumayag na siya kaya dapat ganoon ka rin. Sinadya ko pa namang i-set ang araw na ito. Nagpaalam pa kaming pareho ni Lassy sa mga asawa namin para payagan ngayong gabi, tapos, ganito ka. Ano na—”
“Oo na. Oo na! May magagawa pa ba ako kung inunahan mo na ako?” Mabilis talagang umaksyon ang kaibigan. Ilang beses na rin naman itong nakapagbakasyon sa kanila kaya kilala na ito ng kaniyang lola. Ito pa mismo ang bumili ng cell phone ni Lola Cresing; na pinakatanggihan niya dahil marami na rin itong naitulong sa kanila, pero hindi pumayag si Myca. Iyon naman daw ay kailangan talaga nito lalo na kung may emergency.
Mula noon, naging phone pal na ang dalawa. Mas madalas pa itong kausap ng kaniyang lola kaysa sa kaniya. Ngunit, natutuwa rin naman siya. Dahil kahit papaano, nalilibang ang lola niya sa kanila.
“Alright! See you later. Bye!”
Iiling-iling na ibinaba niya ang cell phone sa ibabaw ng lamesa. Wala sa loob na napatingin siya sa kalendaryo. Curious siya kung ano nga ba ang mayroon sa araw na iyon. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nakita.
“Sh*t!”
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito