Share

Chapter Seven

“Oh, yeah?”

Ang arte ng boses ng babaeng ito. Siya raw ang transferee na tinutukoy nila. Wala naman akong pakialam sa kaniya pero ang ingay niya lang. Wala pa kaming teacher, siguro nagkaroon ng unexpected meeting.

“Thank you. Actually, my dad bought this in The United States and sabi niya that hindi niya need ang phone na ito. Mura lang naman ito.”

Naramdaman ko ang biglaang pagtabi sa akin nina Andrei, Adrian at Edzell. Sa madaling salita, yung fantastic three. “Ayoko sa kaniya, Andres.” Bulong sa akin ni Adrian.

“Tinanong mo na ba siya kung gusto ka niya?” Tanong ko naman sa kaniya.

“Grabe ka naman,”

“Nung nakaraan, bago-bago pa siya rito, pero habang tumatagal, nag-iiba na ang ugali niya.” Si Andrei iyon.

Tinigil ko ang pagguhit ko sa yellow pad saka ko naman tinignan ang pinag-uusapan nila. Hmm, maganda siya. Matangkad pa sa akin kung susumahin. At sobrang puti. Malalaman mong mayaman talaga siya dahil sa porma niya. Maayos na pananamit, mga alahas sa katawan at pabangong ginagamit.

“Talaga? Ang yaman mo naman. Alam mo, itong selpon ko ay secondhand lang.” Sagot ng isa sa mga kaklase ko.

“So cheap naman. Bakit hindi ka bumili ng brand new? Iphone ang piliin mo. Look at this, Iphone eleven.”

Napailing ako dahil hindi ko gusto ang ugaling pinakikita niya. Masyado siyang mayabang sa bagay na meron siya.

“Pakitaan mo lang ng sapatos iyan, taob sa iyo yan, Andres.” Si Edzell.

“Ewan ko sa iyo. Tignan mo nga itong suot kong sapatos, may butas na sa gilid. Marumi pa.”

Natawa lang sila bago may isang estudyante na pumasok sa kuwarto namin. Ang school president. “Good morning, Seniors. As of now, all of our teachers are having unexpected meeting for the upcoming culminating activity of the school…”

Sabi ko na.

“You may now take this time as your vacant and use as your rest time. Only for an hour and after that, you will be asked to get in here as soon as possible. After all, regular class will continue from first period. Thank you.”

Lumabas na siya ng kuwarto at sinara pa ang pinto pagkasabi niya noon. Agad namang nagsi-hiyawan ang mga kaklase ko.

“Yes! Isang oras tayong walang klase?” Si Edzell.

“Oo. Tambay muna tayo sa canteen.” Sabi ko.

“Aba, sige ba!” Silang tatlo

“Hintayin natin si Cosmo. Nandiyan na pala siya.” Ang bilis niyang makapasok sa kuwarto namin at siya pa ang nagbuhat ng bag ko.

Naging crowded tuloy ang pasilyo dahil sabay na nagsilabasan ang mga estudyante ng lahat ng Senior. At ano pa ba ang dapat asahan kapag ganitong dikit-dikit kami?

Naramdaman kong umakbay sa akin si Cosmo. Napansin niya sigurong naiirita ako. Hindi rin nagtagal ang lapit ng katawan naming dalawa dahil nagkahiwalay ang mga estudyante. Hindi yata nila balak ang kumain.

“Nope. Actually, after this school year, uuwi na ako sa America.”

I heard the transferee’s voice again. I know it’s her voice. Nakakasuya ang english accent niya. Parang akala mo ay isang slut na nang-aakit ng kambing.

“Dito na kayo maupo,” ani Cosmo.

“Anong kakainin niyo? Sabihin niyo na kay Cosmo.” Umupo na ako pagkasabi ko noon.

“Spaghetti sa akin tapos carbonated drinks.” Natawa ako sa sinagot ni Edzell. Carbonated drinks, tama naman.

“Chicken sandwich at strawberry milk.” Si Adrian.

And as usual, wala akong inorder dahil hindi ko sinasanay ang sikmura ko na magkaroon ng laman pagkatapos kong kumain three hours ago. After breakfast, wala na akong ibang kakainin bukod sa paglagok ng maraming tubig. Sa lunch naman ay veggies at fruits lang ang kailangan ko. I am not the kind of a person who’s in love to fatties.

Hinanda naman nina Cosmo at Edzell ang mga snacks nila dahil medyo marami-rami iyon.

“Let’s eat na..”

Tumango lang ako nang yayain ako ni Cosmo. Ngayon ay kumakain na siya kasabay ng tatlo.

“Oh, nandito rin pala sila. Classmate namin kayo, right?”

Kilala ko na kung sino iyon pero hindi ko siya o sila nilingon. Abala ako sa ginagawa ko sa cellphone kong nakalimutan ko na namang i-charge. Lagi na lang nangyayari ito.

“Edzell, right?”

“Ah, oo,”

“Oh, why naman kayo lang ang kumakain? How about Andres Domingo?”

Kahit pa narinig ko na ang pangalan kong binanggit ng bunganga niya ay hindi ko pa rin siya nililingon. Sasayangin ko lang ang oras ko sa mayabang na iyan.

“Ah, ano kasi…” susubukan pa sana ni Adrian na magsalita pero hindi niya nagawa dahil kumuda na naman ang maingay na transferee.

“Here, Andres, take my tray na. I want to be your friend. Actually, almost half of our classmates are my friends na.”

Nilapag niya sa harapan ko ang tray niyang puno ng pagkain. Napatitig lang ako roon at hindi nagsalita.

“Okay lang, bibili na lang uli ako. Hindi naman mabigat sa akin ang gumastos para sa kaibigan. Three hundred yata lahat ang nagastos ko diyan, pero sa iyo na. Wala ka kasing food.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang bigyan ng presyo yung tulong at bigay. Mahahalata naman sa kaniya na mayaman siya pero hindi ako nagtanong.

Nilingon ko siya at mabilis na nginitian ang mukha niya. Dagli lang ang ngiting iyon at agad ko ring binawi. “Salamat, Ms. Transferee, pero hindi ako nagugutom.”

“It’s Chelsea, not Ms. Transferee. Chelsea Duncan.”

Oh, whatever the name is. “Sa iyo na iyan, Chelsea.”

“Why? Ayaw mo ba akong maging friend mo?”

“Hindi sa gano’n, hindi ko lang matatanggap ang pagkain mo.”

Ngumisi siya nang sabihin ko iyon. “Are you envious?” Humalukipkip siya. May mga kasama siya na kaklase namin, ang sama ng tingin. Ano ba ang problema nila?

“Huh?”

“Oh! Hindi mo nga pala maiintindihan dahil hindi ka marunong mag-english. Look at your image, you look like a rag. A messy rag to be exact.”

Hinawakan ko sa braso si Cosmo nang akma siyang tatayo. “May problema ka ba, Ms. Duncan?” Seryosong tanong ko sa kaniya pero nananatiling kalmado ang boses ko dahil baka ma-trigger siya.

“Ako, wala. Pero ikaw yata ay meron.” Kinuha niya sa tray niyang nasa harapan ko ang isang carton ng fresh milk doon. “Hindi ka pa yata nabibinyagan eh, ako nang bahala!”

Napapikit ako nang hindi ko man lang napigilan ang kamay niya na alam kong ihahampas sa ulo ko yung karton. Ngayon ay hindi ko na rin alam kung maayos pa ba ang hitsura ko dahil nabasa na ako ng gatas na iyon mula sa ulo ko hanggang sa uniporme ko.

Hindi na ako nakagalaw.

“Ooohh!!”

Hiyawan ng mga estudyanteng saksi sa naganap na kalokohang ito. Hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko.

“Oh, I’m sorry, Andres.”

“Ano bang problema mo?!” Boses iyon ni Cosmo. “Bago ka pa lang rito pero ang asta mo ay daig pa ang daga sa basement.”

“Don’t you dare talk to me like that!”

“Hali ka na, Andres.” Bulong sa akin ni Cosmo habang pinupunasan ang buhok ko gamit ang tissue.

“Huwag mo siyang patulan,” sabi ko sa kaniya dahil bakas sa kaniya na may balak siyang patulan ang kapiraso ng katangahan na iyon.

“Kailangan mong magpalit. Pagkatapos ay irereport natin iyan sa teacher mo.”

“Huwag mong pag-aksayahin ng oras iyon,”

Sinamahan niya ako hanggang sa CR ng mga babae. Buti at walang masyadong eatudyante rito, agad kaming nakapasok sa banyo.

“Basa na iyang uniform mo, tsk!” Asta pa sana niyang pupunasan ang uniporme ko pero pinigilan ko siya.

“Ako na, balikan mo sila at baka gutay-gutay na ang katawan nila.”

“Ayos lang ba na iwan kita nang mag-isa?” Nag-aalala ang isang Cosmo sa akin. Nung una ko siyang nakilala ay akala ko isa siyang bad boy.

“Ayos lang. Kaya ko na ito.”

Tinanguan niya ako pagkatapos at dali-daling umalis para sundin ang inutos ko.

“Tss,” singhal ko habang pinupunasan ang mukha ko dahil para akong ginataang isda sa dami ng gatas na naibuhos sa akin.

Pagkatapos kong makapagpalit ng uniporme at paghugas ng buhok ko ay pinusod ko iyon. Ayaw ni John na tinatali ko nang basa ang buhok ko pero wala akong magagawa. Sagabal lang ang buhok ko.

Tinapon ko ang sandamakmak na tissue sa sink na kaharap ko bago ko tinignan ang reflection ko sa salamin.

Napangisi pa ako nang makita kong maluha-luha ang mga mata ko. Bago pa iyon tumulo ay inunahan ko na iyon ng tissue.

“Andres!”

Nakita ko mula sa salamin na pumasok ang fantastic four sa CR.

“Ayos ka lang?” Si Adrian.

“Oo naman,” sagot ko sa kaniya. Nag-aalala silang lahat at hindi na maipinta ang mga mukha.

“Gago yata yung babaeng yun e! Ang lakas ng loob niyang hampasin ka ng gatas?!”

“Huwag mong galitin ang sarili mo dahil doon.” Edzell.

“Kung hindi lang babae iyon, baka nasuntok ko na iyon.” Si Andrei naman na kinuyom pa ang mga kamao.

“Ang mahalaga, hindi tayo gaganti. Kung tutuusin, siya ang mas nakakaawa sa aming dalawa. Wala siyang ginawa sa buhay niya kung hindi ang i-advertise ang yaman niya.” Sinserong aniko na nagpatahimik sa kanila.

“Papasok ka pa ba?”

Napatingin ako kay Cosmo na nakasandal sa pinto ng CR at pinanonood kami.

“Kailangan kong pumasok,”

“Pero, nandun naman yung transferee.” Sagot niya.

“Wala akong magagawa. Malaking kahihiyan sakin ito, pero mas nakakahiya kung hindi nila ako makikita sa classroom.”

“Tama, Andres!” Si Edzell. “Ipakita mo sa kaniyang hindi ka nasisindak sa gatas niya…”

Kusang gumalaw ang mga mata ko para tignan si Edzell. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya sa sinabi niya. Maging ang tatlo ay sa kaniya na rin nakatingin.

“Ah—bakit?”

“Ang ibig mo bang sabihin sa gatas ay…?” Putol na tanong ni Cosmo kay Edzell.

“Yung gatas mismo.” Sagot naman niya kaya napairap na ako at umiling.

“Whatever,” sagot ko sa kaniya. Inayos ko na kalaunan ang gamit ko para maituloy namin ang pagtambay namin sa canteen.

Mabuti nga at wala na roon si Chelsea Duncan pero yung tingin sa akin ng mga estudyanteng narito ay hindi na maalis sa mukha ko. Kaya ako sumisikat, e. Bukod sa hilig ko ang kalokohan, ako ang natitipuhan ng kalokohan. Buhay nga naman.

Naroon lang kami sa canteen ng halos isang oras o dalawa dahil wala naman silang mapupuntahan bukod sa canteen. Ayaw naman nila sa library dahil hindi sila makapag-iingay.

Pumasok kami sa classroom na ganoon pa rin ang tingin at titig sa akin ng mga kaklase ko. Siyempre, kasama roon si Chelsea Duncan. Ang tingin niya sa akin ay parang sinasabi na siya ang dapat katakutan ko.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi naman ako mahilig sa gulo. Umupo kami ni Andrei sa mga upuan namin.

“Mukhang may bagong ligo, ah…”

It was Chelsea trying to cheer her clan.

Hindi ko hinayaan na tumingin sa kanila ang mga mata ko dahil kapag nangyari iyon, iisipin nilang naaapektuhan ako.

“Bagong ligo ng gatas. WAHAHAHA!”

Doon na nga sila nagsimulang magtawanan nang tumbukin na ni Chelsea yung punchline niya. Gusto kong tumawa para dagdagan sana yung anim niyang fans pero, di bale na. Baka kabagin pa ako kung ibubuka ko ang bibig ko.

Ilang minuto lang din ang hinintay namin bago dumating si Sir Perez dala ang isang cellphone na tinitignan niya ngayon at bumakas sa kaniya ang pagkadismaya. Siguro?

Binati namin siya na agad naman kaming pinaupo at pinagpatuloy pa rin ang pinanonood sa cellphone na hawak niya.

Interesting.

“Pasensiya na kung hindi kayo nagkaroon ng klase ng halos dalawang oras, nagkaroon kasi ng meeting sa office ng principal.” Panimula niya pero doon pa rin siya sa cellphone nakatingin. Ano bang meron doon? “Nandiyan ba si Andres Domingo?”

Bigla akong kinabahan! Nadawit na naman ang pangalan ko. Hindi naman nakakagulat na lagi akong natatawag pero nakakakaba pa rin.

“Nandito po, Sir.” Isa sa mga kaklase ko ang sumagot kay Sir kaya binaba niya ang cellphone na hawak niya at tumingin sa akin.

Segundo lang ang tinagal ng tingin na iyon bago siya umupo sa desk niya pero ang isang binti niya ay nananatiling nakatapak sa tiles. Muli niya akong tinignan.

“Akala ko hindi ka papasok,”

“Ha?”

Nagtaka ako nang sabihin niya iyon pero hindi niya inaalis sa akin ang tingin niya.

“Akala ko ay hindi ka papasok pagkatapos nang nangyari sa canteen.”

Okay, nalaman niya agad. May pakpak nga ang balita.

Kahit pa nalaman na niya ang nangyari kanina ay hindi ko pa rin binalak na tapunan ng tingin si Chelsea Duncan.

“May nagbigay sa akin ng footage na nakuha kanina sa sagutan ninyo ni Miss Duncan hanggang sa pag-alis mo.” Pagkasabi niya noon ay nilipat niya ang tingin niya sa transferee. “Transferee ka, tama?” Parang nag-iba ang tono ni Sir nang tanungin niya si Duncan na mabilis siyang tinanguan.

Ngayon ko lang naisipan na tignan si Duncan. Mahahalata ko na sa kaniya ang pamumula ng mukha niya, siguro dahil sa hiya. How dare she abashed me?

“Tumayo kayong dalawa,” ani Sir.

Tumayo agad ako. Alam kong wala akong mali kaya wala akong dapat katakutan.

“Hindi ko gaanong napanood yung video, ano bang nangyari?”

Sasagot na sana ako pero parang kidlat naman itong si Duncan sa pag-atake. “Si Andres po kasi, Sir.”

Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya. “Anong ako?” Takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

“I was just tryn’a make friend with her, I even bought her snacks kasi wala siyang food kanina pero sinagot niya ako nang pagalit. She told me na ayaw niya sa mga transferee kaya hindi niya tinanggap ang food na binili ko. 300 pesos pa lahat yun.”

Napairap ako sabay nang pag-iling ko. Binabaligtad niya ang kuwento niya. Gusto niya akong siraan. Hindi muna ako sumagot dahil baka maakusahan pa akong guilty sa kuwento niya. Kailangan ko munang marinig ang opinyon ni Sir bago kumontra.

“Is that really what happened?” Tanong niya pero sa akin siya lumingon. “Andres?”

Ako ang tinatanong niya!

“Mali ho ang kuwento niya.” Kalmadong sagot ko.

“Anong mali?! You were angry earlier insisting that you hate me ‘cause I’m only a transferee!” Bulyaw ni Duncan.

Is that how a student should act? She looks like an ill-mannered educated lady.

“Hoy! Gumagawa ka ng kuwento mo!” Napalingon ako kay Edzell nang sumabat siya kaya sinenyasan ko siya na kumalma lang na agad naman niyang sinunod.

“Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi sa inyo ng totoo. And I am sure that some of your classmates will agree to each of you.”

Huminga ako nang malalim. Laging nangyayari ang diskusiyong ito at ang tanging paraan lang na ginagamit ko para malagpasan ito ay ang maging kalmado. Hindi ko kailangang ipagpilitan ang salita ko kung may iba silang lengguwahe, hindi nila ako maiintindihan.

“Miss Domingo,” pukaw sa akin ni Sir Perez. Tumingin ako sa kaniya nang walang emosyon at reaksiyon na makikinita sa mukha ko. “I want you to apologize to Miss Duncan.”

Ano kamo?!

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Sir Perez. I just can’t believe this. Pero kahit na ganoon ay pinili ko pa ring lingunin si Duncan kahit pa ayaw akong sundin ng mga labi ko para magsalita. It wasn’t even my fault.

I saw it. I saw the grin drew on her lips, but it was just a flick.

“Chelsea,” pagtawag ko sa pangalan niya. “I am very sorry for what happened earlier.” Sorry dahil hinampas mo sa akin yung karton ng gatas mo. Sorry dahil mamaya ay patuturuan kita ng leksiyon kay Cosmo. Medyo pagod na akong maging inosente, ah. Sorry dahil papasok ka nang may pasa sa mukha bukas. At sorry dahil dito ka pa talaga nag-transfer.

“Apology accepted, Andres.” Sagot niya saka niya ako nginitian nang purong kaplastikan.

Pinaupo na kami ni Sir Perez pagkatapos noon at simula noon ay hindi na ako nakapag-focus sa mga klase.

Iniisip ko nang mabuti ang malinis na leksiyon para sa kaniya. Hindi ko nagustuhan ang pagpitik niya sa korona ko at hinulog iyon sa lupa kaya kinailangan kong yukuan siya. Madudumihan pa tuloy ang kamay ko kapag binalik ko ang korona ko mula sa lupa.

Huwag ako, Duncan. Andres din ang pangalan ng bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Baka ikaw ang palayain ko sa Pilipinas kung magtagal man.

Naikuyom ko ang kamao ko. Bago pa lang siya rito pero ang tindi na agad nang pinakikita niya. Dinaig niya pa ang ibang estudyante na ganiyan din ang ugali. Sinungaling siya.

Tahimik kaming naglalakad ngayon ni Cosmo papunta sa sasakyan. Nag-iisip pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko matanggap na tinalo ako gamit ang kasinungalingan. Kaya ko namang tanggapin ang pagkatalo ko kung ako talaga ang may kasalanan, pero hindi.

“Ano bang iniisip mo?”

Bumuntong-hininga ako bago ko siya nilingon. Tumigil muna ako sa paglalakad at muling bumuntong-hininga. “Naiinis lang ako kanina pa. Nakakatawa dahil nag-sorry ako sa kaniya.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Nakalimutan kong hindi ko nga pala siya kaklase kaya hindi niya alam ang nangyari kabina sa loob ng kuwarto namin.

“Nalaman ni Sir Perez ang nangyari, pero hindi naman niya napanood nang buo yung video kaya tinanong niya kung ano ba ang nangyari and unfortunately, binaligtad ni Duncan ang nangyari kaya inutusan ako ni Sir Perez na mag-sorry kay Duncan.” Maikling pagpapaliwanag ko sa kaniya.

“Aba, gago yun, ah!”

“Huwag mo nang patulan si Duncan.” Bigkas ko.

“Hindi siya. Yung teacher mo ang tinutukoy ko. E, bobo pala yun, e!”

Napailing na lang ako sa inasta niya. Ang akala ko pa naman ay si Duncan ang tinutukoy niya.

“Gusto mo bang takutin ko iyang si Duncan?” Bigla ay nagseryoso siya.

Nag-isip pa ako saglit bago ko siya sinagot. “Sa tingin ko, mababaw na dahilan ito kung gagawin mo iyan. Saka, may mga bagay na mas importante dito. Doon ko sasayangin ang oras ko.” Sagot ko.

“Kung iyan ang desisyon mo, pero kung kailangan mo, nandito ako.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status