How to Compensate The Loner's Years

How to Compensate The Loner's Years

By:  Ane Daniels  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
14Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Youth is a series of dreams, friendships and struggles. As Amber Amerjia and Ian Jarvi approach and befriend the silent and reserved Yuhan Go, they get to find out there are more deeper things and conflicts that youth has to offer in their life. Yet, their biggest fear is that Yuhan Go might leave them (or, perhaps, as Amber would upset herself about). They have to prove the purity of their friendship and their genuine sympathy to the boy that they care about as they try to compensate the loner’s years.

View More
How to Compensate The Loner's Years Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
14 Chapters

Chapter 1: Different Victories

Youth, itself, is wonderful. It is a candid grace generously given to children, filling them with hope, lessons, and experiences. It has its own beauty in an unknown time. It is when tears become meaningful. It is the threshold to quest for the meaning of life. The time rolling in this stage is once again meeting love in different faces and intentions. The comradeship keeps blooming and earnestly growing between circumstances and challenges. Past the rays of the blazing sun, bathing in sweat and dust, while Amber's face and neck had some tips of grasses attached, she keeps dribbling the soccer ball. Her fierce eyes are blazing before her opponent as she runs for the ball. As she received it from an anxious opponent, she advanced with a turning kick. Her favorite word, goal, is shouted throughout the field and spectators. The general triumphant noise was roared. She threw a superman ceremony while shouting her word. Their team won. Holding the me
Read more

Chapter 2: Approach and Response

"When one is young, he is often exposed to diverse dreams."---Minsan ko nang nabanggit kay papa na naguguluhan ako sa kung ano nga ba ang gusto kong makamit sa buhay. Kaya noong tinanong kami ni Ma'am Sally kung ano nga ba ang pangarap namin ay isa lamang ang namamayani sa isipan ko. Ang maging isang war strategist. Isinulat ko kaagad ang pangarap kong propesyon sa index card na binigay ng class adviser sa amin. Nakaguhit ang ngiti sa mga labi ko habang lumalapit ako sa teacher upang ipasa ang card.Maayos kaming lahat na nakaupo habang pinapanood ang adviser na binabasa ang mga card. Tiningnan niya ako nang matapos mabunot ang sa akin."Amber, sigurado ka ba rito?" tanong ni Ma'am Sally sa akin."Opo," tugon ko matapos tumayo. "Pangarap ko po ang maging isang war strategist upang masigurong mananalo po ang kampo na aking pinagsisilbihan.""Ang weird ng gusto mo. Bakit pa giyera?" tanong naman ng kaklase ko na parang nadismaya sa sagot.
Read more

Chapter 3: Someone Who Knows You

Yuhan Go, marinig ko pa lang ang pangalan niya ay napapabuntong hininga na ako. Halos lahat kasi ng boys sa school namin ay marunong sa basketball at maaasahan sa anumang palaro. Pero kahit na matangkad siya ay mapapapikit ka na lang dahil hindi niya magawang i-shoot ang bola. Hindi marunong magdribble at mas lalong mahina sa depensa. Matangkad si Yuhan ngunit sinabayan naman ito ng pagkapayat niya. Kumpara sa tropa ko ay hindi mapapansin ang kurba sa braso niya –mas malaki pa nga yata ang mga muscles ko kay Yuhan. Tahimik din siya at saka mailap. May kaibigan naman siyang tinatawag na Anthony pero mahilig umabsent kaya madalas kong nakikita si Yuhan na mag-isa.Kahit hindi ko kaklase si Yuhan ay kabisado ko na ang ugali niya. Ayaw niya ng chicken wings at ayaw niya rin ng green peas. May mga pagkakataon ding inaalis niya ang mga carrot at bell pepper sa plato niya. Hindi naman nawawala ang suka bilang sawsawan sa kainan niya. Hindi siya mahilig sa juice at soda kaya tu
Read more

Chapter 4: Inevitable Intrigue

Kapag tapos na ang klase ay madalas kaming dumideretso ni Ian sa paglalaro ng basketball sa loob ng village namin. Pero gusto ko sanang kumustahin si Yuhan. Sinubukan ko siyang matingnan mula sa bintana ng classroom namin ngunit hindi ko siya mahagilap. "Maglalaro kami mamaya nina Thomas, sama ka?" Si Thomas ang isa sa mga kalaro namin ni Ian sa basketball. Kapitbahay lang din ni Ian si Thomas kaya madalas silang naglalaro sa basketball court malapit sa block nila. Madalas ko silang nakalalaro tuwing summer at kung wala kaming training ni Papa sa Sanda."Hindi muna siguro," tugon ko habang tumitingin sa mga naunang naglalakad sa amin. Baka hindi pa nakalalayo si Yuhan."Bakit? Wala namang nalalapit na exam at assignment ah?" Halos magtagpo na ang mga kilay ni Ian habang hinihintay ang tugon ko. "Masakit ba tiyan mo?" Pag-aalala pa niya. "Ayaw ko lang munang maglaro ngayon. Gusto ko munang umuwi nang maaga," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "Sa su
Read more

Chapter 5: Chances and Constraints

Lunes na at wala pa ring siguradong desisyon si Ian kung sasali siya sa peer lecture. Kahit na ganoon ay ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aapply. Maaga akong nagising at nagawa pang magjogging sa bakuran namin.  Tumigil lamang ako nang sinabi ni Papa na tinatawag ako ni Ian mula sa telepono."Ano?" sabi ko at inaasahan nang sasabihin niyang ako na lang mag-isa ang aapply."Sasali na ako sa peer lecture," desidido niyang tugon."Talaga? Baka napilitan ka lang?" paninigurado ko."Totoo, napilitan nga ako. Pero paano kung matanggap ka at maassign sa Class A? Sasali lang ako para maprotektahan ka mula sa kanila," seryoso niyang pahayag kaya napangiti ako."Kaya ko man ang sarili ko ay natuwa ako sa sinabi mo. Sabi na nga bang hindi mo ako matitiis!" sabi ko at humalakhak."At saka syempre, gusto ko rin ng 3k allowance. Hindi ko hahayaang ikaw lang mag-isa ang nagbubunyi na may pera. Ayaw kong magmukhang alipin sa tabi mo," dagdag niya kaya m
Read more

Chapter 6: Getting It Wrong

Matapos ang afternoon class namin ay nagmadali kaming pumunta ni Ian sa gym kung saan ay nagpa-practice ang basketball seniors. Pagmamaktol pa ni Ian na ako lang daw ang nagmamadali at hinihila ko lang daw siya sa kung ano ang gusto ko. Kahit na ganoon, ay alam ko namang nais ring sumama ni Ian. Pagdating pa lang namin ay ang paglalaro kaagad ng basketball ang kaniyang inatupag.Samantala, lumapit ako sa pwesto nina Kuya Mav, Kuya Ashton, at Kuya Daryll. Ang tatlong paborito kong kuya ay may isang taon na lang bago grumaduate sa high school at tumuloy sa kolehiyo. Pumasa sila entrance exam sa Willoughby Sports University. Dahil sa galing nila ay may scholarship na sila. Dagdag pa ng kanilang pagiging student athlete ang pagiging honor students nila. Talaga nga namang nakamamangha ang mga kuya ko."Amber, gusto mong maglaro?" tanong ni Kuya Daryll habang nagdi-dribble."Hindi po kuya. May itatanong lang sana kami ni Ian," sabi ko habang binubuksan
Read more

Chapter 7: Best of Our Intentions

Hatinggabi pa lang ng Biyernes ay makapal na ang ulap sa kalangitan. Ang buwan na madalas kong pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato ay natakpan. Matagal akong natulog dahil kausap ko si Cheska sa telepono. Tumigil kami sa pag-uusap nang kumidlat. Pinagalitan din ako ni Papa dahil gabing gabi na ay nasa telepono pa rin ako. Mahina pa ang ulan nang natulog ako. Ngunit pagkagising ko ay malakas na ang ulan at malakas din ang hangin. Hindi masyadong binabaha ang village namin dahil walang bumabara sa waterways. Ngunit sa kondisyon ng panahon ay kinansela namin ang plano na pumunta sa arcade. "Inaasahan ko pa naman na ito ang magiging unang bonding natin kasama si Yuhan," sabi ko habang kausap si Ian sa isang video chat. "Kakagising mo lang ano? Kanina pa kami nagmessage ni Yuhan sa GC na hindi na tayo matutuloy," tugon naman ni Ian. "Late na akong natulog kasi nag-usap kami ni Cheska," sabi ko habang inaayos ang pwesto ng phone sa dingding na mala
Read more

Chapter 8: Appreciate Your Efforts

Nahihilig na yata ako sa pamihiin at mga sabi-sabi. Kahit man lang tungkol sa mga panaginip ay napapaisip ako kung ano ang ibig sabihin. Sa nangyari kanina ay napagtanto ko na bahagyang totoo nga ang sinasabi nila. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa totoong buhay. Nanaginip ako na pinagbabato si Yuhan ng mga papel. Laking pasalamat ko nga at hindi yun nangyari. Ngunit, tila mas malala pa ang nangyari. Naengganyo man sa pakikinig ang Class C sa mga leksyon namin, may isa sa kanila ang umamin na hindi nila masyadong naintindihan ang paksa. Nahirapan silang intindihin ang mga tinuro Yuhan kasi imbes na nakuha na nila ay tila mas naging magulo pa ito. “Pasensya ka na kasi inaya pa kita rito sa study room para ituro ito ulit,” pahayag ng isa sa mga Class C student. Coincidence man, ay siya yung may suot-suot na sports headband. Kaya nga ay pamilyar at nasali sa panaginip ko kasi minsan ko na siyang nakita sa basketball court. Wika ng iba, nakahiligan na raw niyan
Read more

Chapter 9: Dance Youth

Kung masaya ang umaga ay malungkot daw ang hapon -- na sana'y hindi naman. Kasi sapat ba itong sabihing dahilan kung bakit nakasimangot si Yuhan?  Niyaya kami ni Ian sa bahay nila dahil may mga padala raw na mga regalo at chocolates ang Tita niyang nakabase sa Basel. Bahagya namang ngumiti si Yuhan nang binahagian siya ng ilang pirasong chocolates. Kung tutuusin, mas marami pa ang kaniya kesa sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuhan. "Kanina ka pa kasi nakasimangot." Nakatulala lamang kasi siya habang nakatitig sa apoy kung saan ay nagbabarbeque ang mama ni Ian. “Tungkol ba yan sa school? Sa nalalapit na Quiz Bee o sa klase niyo?” sunod-sunod kong tanong habang mas lalong lumalapit sa kaniya. Umiiwas naman siya kada lapit ko. “Paano naman makasasagot si Yuhan niyan kung sinisingitan mo siya?” sabat ni Ian at pinilit pa akong umusog sa dulo ng swinging chair. “Ano ka ba, Ian? Hindi na tayo kasya,” sabi ko pero tumalima na rin sa paggal
Read more

Chapter 10: His Partner

Minsan, ay ganito ang takbo na pag-aaral. Sa tuwing malapit na ang araw ng performance ay doon na natin maalala ang ibang pang dapat na gawin. Suot-suot ang dress at naka-heels pa ay nagmadali akong tumakbo sa hallway upang mahanap ang teacher namin sa PE. Hinihingal man ay nakayanan ko namang ilahad ang sadya sa kaniya. "Amber, buti na lang at nandito ka na." "Sorry po talaga at nakaligtaan kong pumunta para bumunot." Sinabihan na kami noong nakaraang araw na pumunta sa office niya upang malaman kung pang-ilan kami na magtatanghal. Walang ni isa sa amin nina Ian at Yuhan ang nakapunta dahil sa dami ng gawain na iniatas din sa amin. Madalas ang pagrereview ni Yuhan sa school at si Ian ay pinatatawag para magcoordinate sa Sports Fest namin.  Wala sana akong gagawin pero isinulat pala ni Rica ang pangalan ko sa mga reserved players ng Football team. May preliminary match mamaya kaya para akong pinalilibutan ng mga oras, numero at init dahil hindi k
Read more
DMCA.com Protection Status