Share

Chapter Six

Hindi pa man ako nakakalapit sa classroom namin ay rinig ko na nga ang ingay sa loob. Ngayon lang nangyari ang ganito.

“Nakakakilig naman!”

Isa iyon sa mga sinasabi nila at tinitili nila. Napapailing ako nang pasukin ko ang kuwarto at makita silang nagkukumpulan di-kalayuan sa upuan ko, o baka sa upuan ko nga mismo?

“Sana pati ako makaranas nang ganiyan.”

“Ang swerte naman ni Andres at may secret admirer siya.”

Huh?! What the heck are they talking about? Secret admirer?

“Uy, andiyan na si Andres.”

Tinignan ko sila nang masama dahil hindi ko gusto ang lapit nila sa lugar ko. Nang medyo lumayo na sila sa desk ko ay mabilis na lumapit ako para malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon.

Nakunot ang noo ko bigla. Isang pulang rosas na nakapasok ang tangkay sa isang DIY bracelet. Kinuha ko iyon para makita ko pa nang malapitan habang ang mga kaklase ko ay di na mapigilan ang tilian. Isampal ko sa kanila ito, e.

“Kanino galing ito?” Tanong ko pero walang sumagot. Nagkatinginan pa silang lahat bago nagsi-ilingan.

“Andres, mukhang may tinamaan sa iyo, ah?”

Inirapan ko lang siya bilang sagot. Noon ko lang napansin na wala si Gracie. Wala siya sa upuan niya.

“Anong kaguluhan iyan diyan?”

It's Sir Perez.

Hindi ko inaasahan ang biglang pagkabog ng dibdib ko! Malakas at parang bubutasin na ang katawan ko. Bigla ko na namang naalala yung sinabi niya sa akin.

“May secret admirer po si Andres, Sir.”

Wala talaga akong mapagkakatiwalaan sa mga kaklase ko. Napakatsismosa nila.

Napansin kong mabilis na tumingin sa akin si Sir, sa hawak ko at bumalik din ang tingin niya sa laptop niya.

I don’t know who has a motive to do this. I am not that approachable and I talk often. Who the freak is tripping on me again, huh?

I mark the date.

Yun ang unang beses na may natanggap ako. At simula noon ay araw-araw na akong nakakatanggap ng regalo, maliit na regalo mula sa hindi ko kilala. Araw-araw iyon kaya araw-araw ko ring naririnig ang mga kaklase kong nagtitilian. Hindi ko tinatapon ang lahat ng bulaklak para mailagay ko sa isang flower vase.

Hindi ko pa rin kilala ang taong naglalagay ng bulaklak sa desk ko at gusto kong malaman kung sino iyon.

“Nakatanggap ka na naman niyan?”

Tinanong agad ako ni Cosmo nang makasakay ako sa kotse. “Oo.” Marahan kong hiniga ang bulaklak sa bakanteng upuan na katabi ko. “Kanino kaya galing ito?”

“Huwag mo nang kukunin iyan dahil hindi iyan titigil. Malay mo ba kung sinong may masamang balak iyan sa iyo?”

“Grabe ka naman,” bulong ko.

This is my seventeenth time to receive this. Bracelets and a single rose. Red rose lahat ng bulaklak na natatanggap ko mula sa estrangherong iyon.

Hindi ko magawang pumasok nang maaga dahil hindi ko kayang magising rin nang maaga. Ito pang si Cosmo ay mabagal pa sa babae kung mag-asikaso. Ilang beses ko nang sinubukang pumasok nang maaga pero hindi siya nakikisama. Buwiset siya.

Pumasok na naman ako. And of course, nakatanggap uli ako ng bulaklak kasama ang DIY bracelet na iyon. Siguro, siya ang gumagawa ng bracelet na ito.

Kinuha ko sa desk ang dalawang iyon at nakita ko namang nakaburda roon ang pangalan ko. Siya ang gumagawa ng bracelet na binibigay niya sa akin.

Tulala ako sa buong klase ni Sir Perez dahil iniisip ko nang mabuti kung sino ang puwedeng gumawa nito. Hindi naman si Cosmo dahil tutol rin siya sa ganitong pakulo ng kung sino man siya. Mas okay sana kung love letter. Mas nakakakilig raw kapag nakatanggap ang isang babae ng sulat-kamay ng lalaking may pagtingin sa kaniya.

“Tapos yung sulat-kamay ay parang kay Sir Perez,” napangiti pa ako sa naisip kong iyon dahil kakaiba naman talaga ang sulat niya. “I mean, kahit naman kasi sino ay kikiligin kapag ganun ang sulat na matatanggap mo, haha.”

Tuluyan na ngang lumawak ang ngiti sa labi ko habang ini-imagine pang nagbabasa ng sulat mula kay Sir Perez.

Nag-angat ako ng tingin nang mapansin kong tumahimik ang klase. Napanganga ako nang mapagtanto kong… oh, shit. Naisawika ko pala ang dapat ay sa isip ko lang!

Lahat tuloy ng mga kaklase ko ay sa akin nakatingin, ang masama pa, pati si Sir Perez na may hawak na libro ay sa akin din nakatingin.

Hindi ko alam ang gagawin ko! Sana kainin na lang ako ng upuan ko ngayon din. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-iinit ang pisngi ko, shitt!

Binaba ni Sir ang hawak niyang libro saka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa malaki niyang desk.

Napapikit ako nang mariin. I’m dead. Why did I even imagine such that?

“Miss Domingo?”

Napilitan akong tignan si Sir Perez na nakatingin din sa akin. Yung mga kaklase ko ay hindi pa alam kung tatawa o mag-uusap na parang mga palakang gustong maulanan.

“Can you wait me outside?”

Shit. Kakausapin niya ako nang kaming dalawa lang. Madalas mangyari ito kapag wala akong ginagawa sa klase niya dahil nakatingin ako lagi sa bintana.

Napalunok pa ako bago tumango.

Ang tanga ko talaga. Kahit kailan hindi ko nakokontrol ang mga naiisip ko. Akala ko kasi ako lang ang tao rito at nasa kuwarto ako.

Bawat hakbang ko ay siya namang tawanan ng mga kaklase ko sa akin.

“Nanaginip nang gising,”

“Ano raw? Sulat ni Sir Perez?”

“Naging partner niya lang si Sir Perez sa P.E, nag-imagine na.”

Nakakahiya ako, sa totoo lang. Para akong styro na binubuhusan ng chlorine. Nalulusaw. At tingin nila ang sumisira sa akin.

“That’s enough.”

It was Sir Perez. Nakalabas na ako nang tuluyan sa room namin. Tahimik sa labas dahil class hour. Bukod sa tahimik ay medyo madilim. Anak ng paaralan ito, wala bang maintenance department dito?

Humakbang ako palayo sa kuwarto namin para kung sakaling kausapin na ako ni Sir ay hindi kami marinig. Mga tsismosa pa naman sila.

Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na masabi iyon. Malay ko bang maririnig pa nila ako. Bulong lang naman iyon.

“Miss Domingo,”

Nandiyan na si Sir Perez. Naririnig ko na ang bawat yabag ng sapatos niyang nag e-echo pa sa pasilyong ito.

Hindi ako makatingin. May hiya pa rin ako sa katawan ko kahit na medyo makapal ang balat ko.

“Sir, pasensiya na. Hindi ko naman sinasadya na masabi iyon, may iniisip po kasi ako tapos bigla kong naalala yung sulat-kamay ninyo na… na… na ano, na maganda ang pagkakasulat.” Mabilis akong nagsalita dahil baka pagalitan niya agad ako kapag hindi ko dinepensahan ang sarili ko. Baka isipin niyang pinagsasamantalahan ko na siya sa isip ko. Oh no. I can’t do that. My brain is still virgin.

“And how did you know my penmanship?”

“Doon po sa binigay niyo kay Gracie, nakita ko lang ho.” Humina yata ang boses ko nang sabihin ko iyon.

“Ano nga iyong sinabi mo kanina? Tama bang sabihin mo iyon sa gitna ng klase ko? You are distracting… the class.”

“Sorry, Sir.” Nakayuko lang ako dahil hindi ko nga kayang tumingin sa kaniya.

“Your eyes are beautiful.”

Napapikit na naman ako. Parang isang sumpa na bumabalik sa alaala ko ang sinabi niyang iyon. Hanggang ngayon ay ginugulo ako ng bulong niya sa akin. Parang nakikita ko pa ang mukha niyang nakatitig sa mga mata ko. Bakit naman niya gagawin ang ganoon sa estudyante niya? Nakakapagtaka.

“Nakakakilig? Hmp. Too much for your daydreams, Miss Domingo. I just want you to know that we are different, I am your teacher and you're just my student. Kung sakali man na pumatol ako sa estudyante ko, baka kailanganin kong talikuran ang pagtuturo na hindi kailanman mangyayari."

Ang suplado. Sa tingin niya ba ay kinikilig ako sa naisip kong iyon? Kadiri, ah. Akala siguro niya ay crush ko siya. Kahit isang porsiyento ng feelings ay wala akong makita sa sarili ko. Siguro nga kumakabog ang dibdib ko kapag malapit siya, pero iyon ay dahil kinakabahan ako sa kaniya. “Bakit, tama rin ba na sabihin ang your eyes are beautiful sa estudyante?”

“Ano?”

Bigla kong natakip ang sarili kong bibig nang maisawika ko na naman ang dapat ay nasa isip ko lang. Traydor ang bibig ko ngayon. Mukhang pasmado pa ako.

“It was just a compliment. Isn’t that nice to have received a good compliment?” Nameywang siya.

“Well, I don’t need a compliment.” Pagsagot ko naman kay Sir.

Hindi naman siya nakasagot agad dahil napatingin siya sa kamay ko. Sinuot ko pala ang bracelet na bigay sa akin ng secret admirer ko, maganda kasi siya dahil nakaburda ang pangalan ko. Tinago ko iyon mula kay Sir.

Napailing naman siya. “Tss.” Singhal niya bago pumasok sa classroom.

Bwisit na bunganga, hindi mapigilan.

And as usual, sabay kaming sumakay sa kotse ni Cosmo nang mag-dismiss na ang mga teacher. Alam kong napansin niya ang bagay na nasa kamay ko pero hindi siya nagsalita.

“Oo nga pala, alam mo na ba kung bakit hindi pumapasok si Gracie?” Inutusan ko si Cosmo na alamin kung bakit halos apat na araw nang hindi pumapasok si Gracie simula nang Monday.

“Yes. May malalang sakit ang nanay niya at kasalukuyang nasa ospital. Hindi siya makapasok dahil problema rin nila ang perang ipambabayad sa ospital.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi niya man lang sinabi sa akin. Sinabi ko naman na sa kanila na kahit ano pa ang kailangan nila ay puwede nilang sabihin sa akin, as long as I can help.

“Saan mo nakuha iyang info na iyan?”

“Binasa ko yung excuse letter niya kay Sir Perez. Walang tao sa faculty kanina kaya pumasok na ako.”

“Sige, pumunta tayo ngayon sa ospital.”

“I knew it.” Napangiti ako nang yun ang isagot sa akin ni Cosmo. “Hindi maikakaila na isa ka ngang Laevii dahil diyan sa kabaitan mo.”

“Maybe,”

“Swerte rin ng lalaking makakasama mo.”

Hindi ko siya sinagot. Huminto ang sasakyan namin sa loob mismo ng parking lot. Hinintay ko lang na mai-settle niya ang kotse para sabay na kaming pumasok ng ospital.

“Dito tayo,” aniya saka kami lumapit sa nurse station. “Hi, nurse.” Si Cosmo ang kumausap sa isang nurse na walang ginagawa sa buhay niya.

“Hi po,”

Aysus! Ayan na nga. Ang lapad ng ngiti nung babae kay Cosmo. Ngayon lang nakakita ng lalaki?

“May pasyente ba ritong Gracie Villa?”

Biglang kumunot ang noo ko sa tinanong niya sa nurse. Nilapitan ko sila saka ko binatukan si Cosmo.

“Wala po,”

“He meant, Villa. Is there any patient named Villa here?” Ako na ang kumausap sa nurse.

“Ma’am, marami pong Villa sa ospital, sino po ba sa kanila?”

“Wow. Huhulaan ko pa ngayon? Sabihin mo na lang sakin kung sino at anong kuwarto ang pinaka-huling Villa na na-admit dito.” Pagsusungit ko. Aba! Ako ang kausap pero kay Cosmo nakatingin?!

“Sige po,”

Hinawi pa niya ang buhok niya at ngumiti na naman nang pagkalawak-lawak.

“Emily Villa ho ang huling patient na na-admit. Makikita niyo po siya sa room 36, right saide ng hallway..”

“Salamat.” Sumenyas ako kay Cosmo na umalis na kami dahil nakakabanas yung ngiti niya. “Lakas ng tama sa iyo nung nurse.” Bulong ko saka ko siya siniko sa tiyan.

“Eh, ganiyan talaga.”

“Yabang,” pumasok kami nang sabay sa elevator at pinindot ko ang eight floor. “Ano kaya ang sakit ng mama niya?”

“Hindi ko rin alam,”

Hindi na ako nagsalita nang bumukas ang pinto sa elevator at sumalubong ang katahimikan ng ika-walong palapag ng ospital na ito.

We're here at room 36.

Pinaulit-ulit ko iyon sa isip ko dahil baka makalimutan ko ang kuwarto niya. Gusto ko ring makita si Gracie para makausap ko siya nang maayos.

“36,”

Napahinto ako nang makita na ni Cosmo ang kuwarto. Nakatayo lang ako sa harapan ng saradong pinto dahil hindi ko rin alam kung dapat ba akong pumasok.

“Ano? Papasok ba tayo o tatayo na lang?”

Tss. Panira ng moment ang gunggong na ito. Napairap tuloy ako sa kaniya. “Mauna ka na,” bigkas ko. Agad niyang sinundan ang utos ko at binuksan nga ang pinto.

“Hello po, ako ho si Cosmo Anueva.” Pagbati niya sa loob. “May bisita ho kayo.” Pagkasabi noon ni Cosmo ay pinapasok niya ako sa kuwarto.

Nakita ko roon ang isang babae na nakahiga sa kama niya. Hindi ko gustong makita ang kalagayan niyang ito dahil parang hinahampas ng tubo ang puso ko at nasasaktan rin ako.

“Andres?”

Kusang bumaling ang tingin ko kay Gracie na may hawak pang mineral bottle.

“Gracie,”

“Anong ginagawa mo rito? Saka, paano mo nalaman?” Bumakas sa mukha niya ang pagtataka, gayundin ang pag-aalala.

Nginitian ko siya. “Nakalimutan mo na yata,” aniko habang humahakbang palapit sa kaniyang ina upang magmano. “Ako ho si Andres Domingo, kaklase ko ho ang anak ninyong si Gracie." Pagbati ko sa nanay niya na nakatingin sa amin.

"Andres," bulong niya bago niya hatakin ang kamay ko at sinama ako sa labas ng kuwarto.

"Bakit?"

"Anong ginagawa mo? Pakiusap, huwag mo nang isipin ang kalagayan namin, hayaan mo kami."

Nalilito ako. "May problema ba? I just wanted to help."

"Hayaan mo na lang ako–kami."

"I really want to help you, Gracie. Your mother's life matters."

"Hindi," naiinis na sagot niya. Bakas na rin sa mukha niya ang pagkairita. "Umalis na kayo. Salamat sa pagpunta."

"Gracie, ano bang problema mo sa akin?"

She look straight into my eyes. There, I saw how a tear escaped her eye. "Isang linggo na lang ang itatagal ni mama. Wala nang dahilan para gumastos. Malala na ang sakit niya, kumalat na sa katawan niya, Andres. Huwag mo nang ipilit na iligtas siya, hindi na rin niya kaya."

"What?"

Hindi na niyaako sinagot dahil nagmamadali na siyang pumasok ulit sa kuwarto. Naiwanakong tulala at nagtataka. Ganoon na lang ba iyon kadali sabihin? Ang suwerte niya at may ina siya na kasama. Ako ay wala.

I can help her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status