Share

Hanggang Sa Walang Hanggan -3

Hanggang Sa Walang Hanggan

Chapter Three

Napuno ang buong sulok ng pamamahay na tanging ungol lang ng dalawa ang nagsisilbing musika sa kani-kanilang mga tainga.

Walang pakialam ang mga ito kung sino sa mga buhay nila ang niloloko nilang dalawa. They are both emotionless sa taong nagmamahal sa kanila ng lubos. Taong nagtitiwala sa kanila ng buong-buo.

Hanggat sa natutugunan nila ang makamundong pagnanasa nila sa isa't-isa ay iyon lang ang tanging mahalaga at wala ng iba.

"Woah!" pabagsak na wika ni Agustin kasabay nang kanyang pag bagsak sa ibabaw ng likuran ng babae matapos n'yang labasan sa loob nito . Hingal na hingal s'ya at pawis na pawis ganun din si Erza.

Halata sa mukha ng mga ito that they enjoy f* cking each other.

"That was amazing, Agustin. Ang wild, your so wild. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa alapaap. You're damn good, Agustin!" hinihingal na puri ni Erza na may diin sa kanyang tinig. She wear a very satisfied voice and smile on her lips.

Inalis ng lalaki ang kanyang sarili na nakapatong sa likuran ng babae at nahiga sa kama with a smile too on her lips.

"Nagustuhan mo ba?" anito at naka-ukit sa mukha nito ang pagka-konteto at pagka-proud. Alam n'ya sa sarili n'ya that he gave her a very good f*ck.

"Oo naman, sumasabay nga ang katawan ko sa katawan mo. Sa bawat pagdiin at pagbayo mo sa akin. Ang sarap, sobrang sarap. Ang sarap ulit-ulitin. Nakaka-adik ka, sobrang galing mo when it comes to f*ck, Agustin," sagot nito.

"Back when we were in high school, Erza. I know you will enjoy kung ako ang kasama mo. But why did you choose Loco over me?" tanong nito.

"Simple lang. Kasi mahal ko si Loco noon at maging hanggang ngayon. I love my husband, Agustin," sagot nito na kinabura ng mga ngiti sa labi ng lalaki.

"I don't understand, Erza. Anong meron si Loco na nagustuhan mo? Anong meron s'ya na wala ako?" anito sa seryosong tinig.

"A loving person. A loving husband," matapat na sagot ni Erza sa lalaki.

Napa-sabunot naman ng sarili n'yang buhok ang lalaki at disappointed na nilaro ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig.

He wanted to hear that Erza is slowly unloving her husband dahil nabibigay naman n'ya ang kailangan ng katawan nito at s'ya ang kapiling nito sa araw-araw. He wants to hear that Erza is slowly forgetting to love her very own husband.

"Erza, I don't understand it. You should love me instead of him, diba?'' Hindi na nito matiis na sabihin. "Look, wala s'ya sa tabi mo and he is not here for you. Bagong kasal kayo pero saan s'ya? Wala. And me? I am the one who is here for you, Erza. Look, I'm rich, I have alot of business branches and I can give you what you need and what you want. You will be safe with me. Your future is sure with me," wika nito trying to convince Erza and lure her to choose him over his friend Loco.

"I know. Alam ko na kaya mo akong bigyan ng lahat, Agustin. Like you said, you are rich. And I don't need your wealth to be mine. All I need is 1 Million peso from you. And I only need you to hide my secret. This secret of mine will be kept by you and me only. I need you because I need this big amount of money. You need me because you want my body," sagot n'ya rito.

Bumuntong-hininga si Agustin.

He hates his friend now. He hates him so much.

"I hate your existence, Loco. Dahil sa'yo ay malabo akong mahalin ng taong gusto ko. You are the reason why I cannot have her. Sana lumubog ang barko na sinasakyan mo," devilish nitong hiling sa loob ng kanyang isipan.

Lumipas ang tatlong buwan ay patuloy pa rin sa pakikipag-talik si Erza kay Agustin para sa isang milyon n'yang hinihiling.

Ayaw n'yang lokohin ang kanyang asawa pero kailangan n'yang gawin iyon para rin sa ikabubuti ni Loco.

Sa katunayan ay wala s'yang ligayang nararamdaman sa tuwing nagtatalik silang dalawa but she needed to act na parang nasasarapan s'ya para mas mabilis na ibigay ni Agustin ang nais n'ya.

Her secret will be her secret only. Hindi pwedeng malaman ni Loco ang kanyang lihim. Kung ang kumapit sa patalim ang kinakailangan upang manatiling sikreto ang sekreto n'ya ay gagawin n'ya. She don't want to hurt Loco day by day because of her dark secret, kung ano man iyon ay mag-isa n'yang lulutasin.

Sa kabilang banda naman ay nasa mall si Aling Marilyn upang mamili ng kahit anong matipuhan n'ya sa mall. Nag eenjoy ang matanda sa pagtingin ng mga bagong sale na mga damit. Na-i-inganyo s'yang tumingin at bumili dahil sa murang presyo ng mga ito nang bigla s'yang nakarinig ng isang boses na sobrang pamilyar sa kanya. Agad na bumalandra sa mga mata ng matanda ang sweet na sweet na dalawang taong sobrang kilalang-kilala n'ya. Halos mag lingkisan ang mga ito na parang ahas habang namimili ng mga damit. Malakas na kabog ng dibdib ang natamasa ng matanda. Pakiramdam nito ay uminit ang kanyang paa mula sa kanyang kinatatayuan.

"Diyos ko po!" mahinang bulalas n'ya sa kanyang sarili sabay napa-cross sign s'ya.

"Mahabagin, bakit ganito ang nakikita ko? Mahal ko ang mga batang ito. Sana ay mali ang kung anumang iniisip ko," dugtong n'ya at ang tinutukoy n'ya ay ang asawa ng kanyang anak at ang kaibigan nitong si Agustin na s'ya ring itinuturing n'yang anak na hindi naiiba sa pag turing n'ya sa tunay n'yang anak na si Loco.

"B-baka mali lang talaga ako ng iniisip," kumbinsi n'ya sa kanyang sarili sabay dali-dali s'yang nag tago sa mga damit nang biglang lumingon sa gawi n'ya ang kanyang manugang na si Erza. Mabuti at mabilis n'yang naikubli ang kanyang sarili at hindi s'ya nito nakita.

"Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ako nagtatago sa dalawang ito? Hindi naman siguro sila magkalaguyo. Malabong lokohin ni Erza ang anak ko. Mahal na mahal ni Erza si Loco at alam kong hindi katataluhin ni Agustin ang matalik nitong kaibigan," patuloy na kumbinsi ng matanda sa kanyang sariling nakikita.

Muli s'yang sumilip sa dalawa at kitang-kita ng dalawa n'yang mga mata kung paano halikan ni Agustin si Erza sa noo nito.

Nagkukumahog na hinalungkat ng matanda ang kanyang phone mula sa loob ng kanyang bag. Nanginginig ang kanyang mga kamay na may taranta kaya mas natagalan s'yang makuha ang kanyang phone.

"Hay naku! Nandito ka lang pala!" sabi n'ya sa kanyang sarili ng mahanap na n'ya ang kanyang phone. Dali-dali n'yang kinuhanan ng picture ang dalawa na magkasamang naglalakad.

Habang sa kabilang banda naman ay nasa isang sulok lang si Loco at nakatingin sa isang litrato ng naka-ngiti n'yang asawa. He is looking at his wife wearing a white wedding dress noong ikinasal sila.

"Ang ganda mo talaga. Ang ganda ng asawa ko," wika n'ya habang naka-ngiting nakatitig sa picture ng asawa.

Kinuha n'ya ang phone mula sa bulsa ng uniform . Akmang tatawagan n'ya ang asawa sa oras ng break time n'ya nang biglang tumawag ang kanyang mama.

"Nay, bakit po?" agad n'yang tanong sa Ina. Nagtataka s'ya kung bakit ito napatawag gayong hindi naman nito ugali ang tumawag sa kanya lalo na kung nasa laot s'ya.

"Anak, kailan ang uwi mo?" agad nitong tanong. Kunot noo'ng nagtataka si Loco sa garalgal na tinig ng Ina. Para kasi itong kinakabahan, o nanginginig. Daig pa nito ang nakakita ng multo.

"Sa susunod pa na buwan, nay. Bakit po?"

"Nakita ko si Erza at Agustin magkasama! May relasyon silang dalawa, anak!" Walang alinlangan nitong pagbubunyag sa anak.

Tila tumigil ang mundo ni Loco sa narinig. Parang sa isang iglap lang ay huminto ang orasan para sa kanya . Sumikip ang kanyang dibdib, hindi n'ya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ngayon. Halo-halong katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan. Sa kagustuhang iwaglit ang pangit na dinaramdam ay ngumiti na lang s'ya bago sinagot ang kanyang ina.

"N-nay, ano ba ang pinagsasabi mo? Si Erza iyan, Nay. Asawa ko at ang kaibigan ko ang pinagbibintangan mo, nay. Hindi magandang bintang iyan," Paalala nito sa ina.

Baka kasi nagkamali lang ito ng inaakala. There is no way na lolokohin s'ya ng kanyang asawa at matalik na kaibigan.

"Nakita ko sila dito sa mall, magkasama! Hinalikan pa ni Agustin ang asawa mo sa noo!" may malisyang bigkas nito.

"Nay, nay, kalma ka lang po. Noo lang 'yon. Walang malisya iyon. Hindi masamang humalik sa noo," sagot nito kahit parang hindi na tama ang kanyang nararamdaman. Sa muli ay iwinaglit n'ya sa kanyang puso't isipan ang mga salitang sinabi ng kanyang ina sa kanya. Kinukumbinsi n'ya nalang ang sarili at binubulag sa salitang mahal s'ya ng kanyang asawa at hindi s'ya nito magagawang pagtaksilan kahit isang segundo lamang.

"Nay, ganito na lang. May pruweba ka ba sa mga sinasabi mo?"

"Meron! Meron! Saglit lang at ipapasa ko sa'yo ang litrato na nakuha ko,"

sagot ng ina sa kanya.

Hindi man n'ya gustong maramdaman pero kinabahan s'ya sa sagot ng ina. Katunayan ay natatakot s'yang makita ang ipapasa nitong litrato. Ilang paglunok ng sariling laway ang kanyang nagawa at kay bilis ng pag tibok ng kanyang puso.

Nag-aagaw ang kaba at takot sa kanyang katauhan.

Paano kung tama ang kanyang ina? Paano kung niloloko nga s'ya ng dalawang taong sobrang mahalaga sa kanya? Paano kung pinagtataksilan nga s'ya ng sarili n'yang asawa?

Kung ano man ang iniisip n'ya ay nananalangin s'yang walang totoo kahit Isa sa mga ito dahil kapag nagkataon ay hindi n'ya ito makakayanang tanggapin.

"Nakita mo na ang litrato?" agad na sabi nito sa anak matapos maipadala ang litrato na nakuha . Ngumisi naman si Loco sa nakita.

"Nay naman. Mukha bang may relasyon ang dalawa na ito? Eh magkasama lang naman sila na bumili sa mall ah. Alam mo, Nay. Itigil muna iyang hinala mo. Hindi ako magagawang lokohin ng asawa ko at ni Agustin. Isa pa, utos ko kay Agustin na samahan n'ya ang asawa ko sa mall. Napapansin ko kasi minsan na kapag nag video call kami ng asawa ko ay namumutla s'ya. Parang pumayat din," anito sa ina.

"Haaay, baka nga anak mali ako ng iniisip kanina. Baka mali ako, sana nga mali ako. Nga pala, baka buntis si Erza?" dugtong nito na agad namang ikinasaya ni Loco na isiping buntis ang kabiyak. Pero malabong mangyari iyon. Kung buntis si Erza ay sana malaki na ang t'yan nito lalo na at anim na buwan na s'yang nasa barko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status