Home / Romance / Haplos Ni Judas / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Babz07aziole
last update Huling Na-update: 2024-12-02 15:09:30

TULUYAN nakauwi si Judas kasama ang ina. Sakay ng mamahalin na kotse naman ng Tita Adelaida niya. Sa araw na iyon ay nakilala niya rin ang asawa nito. Ang Tito Arnulfo niya na halos ka edad lamang ng ina.

 

"Ayaw mo pa bang umalis dito ate, sobrang sikip at—" pabitin pang sabi ni Adelaida sa nakatatandang kapatid habang pinagmamasdan nito ang maliit na tinitirhan nila.

 

Kulang na lang ay masuka ito sa kaartehan.

 

"Huwag ka ng mag-abala pa Adel, mas nanaiisin ko na mamatay na lamang dito sa mismong bahay na ito. Kaysa ang umalis, kung ayos lang naman ay si Judas ang isama mo. G-gusto kong magbago ang buhay niya hindi pa naman huli ang lahat," umaasam ang tinig nito habang may luha sa mga mata.

 

"Ma... kung hindi kayo aalis ay ganoon din ako!" Pagmamatigas ni Judas. Ginagap naman ng matandang babae ang kamay niya at pinisil-pisil iyon.

 

"Makinig ka sa akin Duran, walang akong ibang maasahan na tutulong sa iyo upang makaahon sa kahirapan kung di ang Tita mo. Bata ka pa, maari ka pang magkaroon ng magandang edukasyon at trabaho sa hinaharap. Habang ako matanda na, malapit na rin akong mamatay!" pumiyok pa ito sa huling sinabi.

 

"Tumigil na kayo Ma, ligtas na kayo sa kapahamakan. Hindi ba 't sabi ko gagawin ko ang lahat upang mabuhay kayo para sabay tayong makaahon sa hirap." Tigasin si Judas ngunit sa anak na tulad niya ay lumalambot ang pagkatao niya sa sariling ina.

 

Huminga naman ng malalim si Judith at napatutok ang pansin sa lumang kisame ng kanilang bahay. Kitang-kita niya ang binutas na plywood mula roon kung saan nagtagusan ang mga bala ng baril dati.

 

"Duran... pakiusap, gawin mo ang hinihiling ko. P-para sa Papa—" Biglang natigilan ito sa pagsasalita. Hanggang sa sunod-sunod itong napaubo.

 

"Ate!"

 

"Mama!"

 

Nagsabay-sabay pang pagsasalita ng lahat. Agad na dinaluhan ni Judas ang ina na hirap na sa pag-ubo at halos patiran na rin ng hininga.

 

Dali-dali naman nanguha ng tubig sa may kusina si Adelaida.

 

"Duran," pilit na pagtawag sa pangalan niya ni Aleng Judith.

 

"B-bakit po Ma," nahihirapan na rin si Judas. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.

 

"H-hindi ko na kaya 'nak, p-patawarin mo si Mama. Sana man lang sundin mo na ang hiling ko. Sumama ka sa Tita mo, gawin mo ang lahat para umangat ka sa buhay. Balikan mo ang taong nagpapatay sa Papa mo," matapos bigkasin iyon ay tuluyan nanlupaypay ang kamay na hawak-hawak ni Judas.

 

Parang tumigil ang buong mundo sa kaniya. Tanging nakikita lang niya ay ang hirap na hirap na mukha ng namayapa niyang ina. Sa nanginginig na boses ay sunod-sunod siyang sumigaw at paulit-ulit niyang tinawag ang ina.

 

"Mama!!! Ma..."

 

SOBRANG bigat ng pinagdaan ni Judas habang nakaburol ang ina. Wala man lumalabas na luha sa mata niya ay kakikitaan pa rin ng kalungkutan ang buong katauhan ng binata.

 

Sa mga panahon na iyon ay naroon lamang ang Tita Adelaida niya at maging ang ilang katulong na isinama nito para magsilbi sa lamay.

 

"Ang mabuti pa'y magpahinga ka muna sa iyong silid Judas." Ang pagtawag pansin ng Tita Adelaida sa kaniya. Ayaw sana niya ngunit pinilit na siyang patayuin nito, hinang-hina ang pakiramdam ng binata. Hindi naman kasi siya kumakain ng tamang oras at pati ang pagtulog ng sapat ay mukhang nakalimutan na rin niya.

 

Hanggang siko lang naman niya ang babae, dahil maliit ito. Kaya kung ipagtatabi siya rito ay magmumukha pa siyang mas ma-edad kung titignan.

 

Pumasok na nga sila sa loob ng silid kung saan natutulog si Judas. Halos sabay pang bumagsak sa kama ang dalawa.

 

Akmang aalis mula roon si Adelaida ng pumalibot ang buong braso ng binata.

 

Inaakala ni Judas na itutulak man lang siya nito, ngunit hindi iyon nangyari. Dahil kusang ito mismo ang humalik sa kaniya. Lalaki lamang siya at kahit anong pagpipigil at babala mula sa isip ang nagsasabing kapatid ito ng ina ay hindi nangyari.

 

Tuluyan siyang nabilanggo sa halik at bisig ng mapang-akit niyang Tita.

 

TULUYAN nailibing ang ina ni Judas, sa pagkakataon na iyon ay tuluyan pumayag ang binata na sumama sa poder ng Tita niya.

 

Bago ang lahat ay nag-paiwan muna siya ng ilang araw sa tahanan nila upang aysuin na rin ang mga natirang kagamitan doon ng ina. Ipapaupahan na lang niya siguro iyon, habang abala sa pagliliglit ay biglang naisipan ni Judas na silipin ang ilalim ng kutson kung saan humihiga ang Mama niya.

 

Laking gulat niya dahil nakita lang naman niya roon ang napakaraming tableta na iniinom lang naman ng Mama noong buhay pa ito at pinapahirapan ng sakit nito.

 

Hindi sukat akalain ni Judas na mas pinili na nitong mamatay na lamang agad.

 

"Bakit Ma! bakit!" Hindi makapaniwalang bulalas niya habang pinagsusuntok niya ang sementadong pader.

 

Hindi naman ay napansin niya ang parisukat na maliit na lata na nakasuksok sa may gilid ng kama ng ina.

 

Nang usisain niya ang nilalaman niyon, nakita lang naman niya ang isang lumang litrato ng ama na may kasamang lalaki na halos hindi nalalayo sa edad nito. Ngiting-ngiti ang mga ito sa kuha. Binaligtad niya iyon at nabasa niya ang date kung kailan iyon kinuhanan.

 

Araw iyon ng graduation niya sa highschool. Pinagmasdan at binasa niya ang nakasulat na notes doon.

 

"Find me Judas"

 

-Ramonsito Sylvestre

 

Ang kasama ng ama niya roon ay hindi man lang niya nakita noong nabubuhay ito. Kaya blangko sa isip niya kung sino ito sa buhay ng ama, kung pagbabasehan sa kuha ng mga ito maaring malapit na kaibigan nito.

 

Iwinaksi na lang niya ang pag-iisip. Sa ngayon ay iyon muna ang panghahawakan niya, kailangan niyang hanapin ang lalaki. Baka ito pa ang maging susi upang makilala niya at mapagbayad ang pumatay sa ama.

 

Kung suwe-swertihin siya baka ang lalaking ito mismo ang hinahanap niyang killer.

 

Dahil sa sobrang pagod ay hindi na namalayan ni Judas na nakatulog siya mula sa kama.

 

Paggising niya ay nanatili pa rin naman siyang nakahiga. Ngunit agad-agad siyang napabangon nang makarinig siya ng lagabog sa may sala.

 

Hindi man lang siya natakot na lumabas ng kuwarto.

 

"Sino kayo!" pagsisigaw ni Judas sa mga lalaking nakatakip ng itim na bonnet sa mukha.

 

Ngunit mukhang hindi siya nakikita ng mga ito dahil dire-diretso lamang pumasok ang mga ito sa nilabasan niyang silid.

 

Kitang-kita niya ang pagmamakaawa ng sariling ama habang nakatutok dito ang nguso ng lalaking may hawak ng baril.

 

"Ilabas mo na siya, kung 'di pasasabugin ko ang ulo mo!" Pagsisigaw nito. Ngunit hindi natinag ang ama niya.

 

"Patayin niyo na lamang ako, dahil wala kayong malalaman sa 'kin!" matigas pa rin saad ng Ama niya.

 

"Huwag Papa! magsalita ka na lang pakiusap!" Pagmamakaawa ni Judas. Ngunit napapitlag siya sa pagkagimbal dahil natumba sa mismong paanan niya ang ama. Habang butas ang bungo na inaagusan na ngayon ng mapupulang dugo galing rito.

 

BIGLANG nagising si Judas mula sa masamang panaginip na dumalaw sa kaniya. Akala niya ay hindi na siya babalikan ng mga bangungot ng nakaraan. Ngunit dahil sa pagkawala ng ina at sa huling habilin nito ay muling nabuhay sa kaniya ang matagal na niyang nililimot na alaala.

 

Nakita niya ang litrato na hawak pa rin at tinago na nga niya ang iyon sa loob ng jacket na suot. Kailangan na niyang bilisan dahil naghihintay pa sa kaniya ang Tita Adelaida niya na kailangan niyang pagsilbihan.

 

Matulin na lumipas ang isang Buwan, akala niya ay magiging maayos na siya sa poder ng Tita Adelaida niya. Ngunit mukhang malabong mangyari iyon, dahil imbes na maging maayos ang pakikitungo nito ay parang taga silbi lamang siya kung ituring nito.

 

Pinapalinis nito ang mga kotse na ginagamit ng mga ito at pati ang garden na hindi niya sakop ay ipinapaasikaso nito sa kaniya. Mas gusto na lang niyang layasan ito at magpakalayo-layo hahanapin niya ang swerti sa ibang lugar. Ngunit pinipigilan siya ng sarili sa kadahilanaan na nagugustuhan din niya ang nangyayari sa pagitan nila ng Tita niya. Lalo kapag wala ang asawa nito.

 

"Bwesit talaga! ang walang hiya!" pagigil na saad ni Adelaila na narinig naman ni Judas na pababa ng hagdan. Katatapos lang niyang ihanda ang sasakiyan ng Tita niya. Nabasa siya ng kaunti kanina dahil sa kinailangan niyang banlawan iyon.

 

"Okay na po ang sasakiyan Tita, aalis na po ba tayo?" Pagtawag-pansin ni Judas dito.

 

Buhat doon ay napabaling ang atensiyon nito sa kaniya. Ang galit na galit na mukha nito kanina ay nahalinhinan ng kakaibang katuwaan.

 

"Andito ka na pala, sumama ka sa akin. Ipagmaneho mo ako ngayon din! Pupuntahan natin ang babae ng Tito Arnulfo mo! at gusto ko na akitin mo ang babae niya para mawala sa landas namin!" Utos nito sa kaniya. Wala naman nagawa si Judas kung 'di mabilis na sumunod at gawin ang lahat ng naisin nito. Kung may magandang kapalit naman niyon pagkatapos.

 

Matagal niyang ipinagmaneho ang Tita niya. Tuloy-tuloy lang siya at paminsan-minsan itinuturo nito ang tamang daan sa pupuntahan nila. Hanggang sa ipatigil nito sa kaniya ang sasakiyan sa isang parking lot ng malaking hotel.

 

"Halika! Judas dito ka sa tabi ko. May ipapagawa ako sa 'yo," pagtawag ng Tita Adelaila niya sa kaniya.

 

Dali-dali naman lumapit ang binata at naghintay sa nais ipagawa nito sa kaniya.

 

"Nakikita mo ba ang babaeng iyon." Sabay turo nito sa isang dalaga na pababa mula sa magarang sasakiyan. Saglit siyang natulala sa gandang taglay nito.

 

Wala itong nakalagay na make up sa mukha at napaka-disenti nitong tignan mula ulo hanggang paa. Katulad ito ngg mga babaeng nakikita niya sa magazine.

 

"Sure ba kayo na siya iyong sinasabi mo Tita?" Paniniguro ni Judas na mataman pa rin nakatitig sa papasok na ngayon na babae sa isang luxury hotel.

 

"Oo naman! magkakamali ba ako. Siya lang naman ang babaeng nahuli kong kasama ng Tito mo. May isang linggo na ang nakararaan, kaya sige na umpisahan mo na ang ipinag-uutos ko. Dahil kung hindi—" ibinitin pa nito ang sinasabi. Upang tapunan ito nang tingin ng binata.

 

"Ano iyon, tita." Napalunok pa siya ng magkaroon ng ideya sa sinasabi nito.

 

"Kung papalpak ka ay hindi mo na ulit matitikman ang langit ng Tita Adelaida mo." May ngisi sa labi at pang-aakit sa tinig nito. Dahil sa narinig lalong nag-ibayo kay Judas ang kagustuhan sa inuutos ng Tita niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Haplos Ni Judas   Special Chapter

    "GENTLEMAN! You come back!" masiglang salubong sa kaniya ng abogadong si James Sven. Kaagad na nagyakap ang mga ito.Kararating lang ni Judas mula sa Casa. Doon na ang bagong kitaan ng grupo. Hindi katulad ng naunang lugar ay naiiba iyon. Malinis, bago at tahimik, pag-aari iyon ni Dr. Matthew Zaiden Bidales.Lahat ng naroon ay napagawi ang tingin sa kanya. Sina Jude at Bart na mukhang ikinatuwa rin ang nakitang pagdating niya. Kaagad siyang nilapitan ng dalawang binata."We're glad you're here JD, akala namin nitong si Jude hindi ka na babalik," wika naman ni Bart.Siniko naman ito ni Jude na mukhang natatawa, "Hey! Hindi ganyan ang sinabi ko. Akala ko kasi ay pinaalis na siya ni Onyo." Halos pabulong lamang nitong sinabi iyon.Naguguluhan siya sa usapan ng dalawa. Halos hindi nalalayo ang mga edad nila. Carefree at may pagka-introvert ang mga ito. Katulad ngayon, may hawak na laptop si Jude, dahil nakahiligan nitong magsulat. May ilan na rin itong published book sa Azarcon.Habang si

  • Haplos Ni Judas   Epilogue

    AFTER TWO YEARSNANATILI ang tingin ni Judas mula sa labas ng malaking bintana ng SOMMC. He was merely there in his private office. Oras na ng uwian. Kaya wala na halos natiirang tao sa building. Nang isang katok mula sa pinto na nakasarado ang naulinigan niya. "Are you still here, JD, at this hour? May hinihintay ka pa ba. Come on! We have to go. May alam akong restau na tiyak kong magugustuhan mo. Gosh! I need some rest; that's why I came to see you today," malambing na saad ni Dra. Helarie na kumawit pa sa may braso niya. Niyugyog nito ang balikat niya, dahil nanatiling nakatuon ang pansin ng binata mula sa labas. Takang-taka man ito, wala naman kakaiba roon. Kung 'di ang unti-unting papadilim na siyudad. Soon it will be six o'clock in the evening. Hindi niya alam kung bakit palaging ganoon ito na nagpapaiwan ang binata sa loob ng opisina nito. "I hardly imagine, JD. But you're the big boss here. Pero, parati kang OT. Hindi ka mabibigyan ng medalya o award sa pinaggagawa mo, k

  • Haplos Ni Judas   Chapter Twenty Six

    NAGMAMADALING lumabas ng mansyon si Judas, after receiving a call from Ross indicating Monalisa is gone missing. Kung saan ito nagpunta ay walang ibang nakakaalam. Minabuti niyang magmaneho. Ngayon na wala siyang aasahan kay Ramonsito. Pupunta siya sa lugar kung saan naroon ang mga taong malaki ang maitutulong sa kanya.Walang iba, kung 'di ang grupong kinabibilangan niya... Ang ARIAL "What are your next plans, Judas? Are you guaranteed that Julio abducted Monalisa?" replied Dr. Matthew Zaiden. Sinusundan siya ng tingin sa patuloy na hindi mapakaling pabalik-balik na paglalakad niya sa harapan nito at ni Simon Rhyss. There were just three of them: he, Simon Rhyss, and Dr. Matthew. Ang ilan sa mga kasama nila ay mamaya pa nila inaasahan na makakarating. Dahil sa may kaniya-kaniyang obligasyon ang mga ito sa kanilang buhay. Lalo, biglaan din ang pagkikita ng kanilang grupo sa tagong kitaan na iyon. "Olivarez, calm down first; you need to clear your thoughts so you can think c

  • Haplos Ni Judas   Chapter Twenty Five

    NANG makapasok si Monalisa sa loob ay kaagad na hinarap ni Judas si Simon Rhyss. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Ngunit, nais kong ipaalam na paglabag itong ginagawa mo sa grupo natin. Hindi mo nanaisin na tugisin ka ng ARIAL sa sandaling matunton nila ang kinaroroonan niyo.” Pagpapaalala sa kanya ni Simon. “I understand, kung iyon ang gusto niyo. Kusa kong isusuko ang sarili ko. After this, just give me ample time. Para makasama pa si Mona,” pakiusap niya. Simon Rhyss eyes focused on him after he said that. “Hanggang kailan mo ito gagawin ginoo. Mas ginagawa mong kumplikado ang lahat at bakit mo hinayaan na humingi ka ng tulong kay Jameson Zion. Hindi mo siya dapat pinagkatiwalaan. Kung umaasa ka na pagtulong ang ginawa niya. Nagkakamali ka dahil siya mismo ang magpapahamak sa iyo! Pakiusap, maari mo pang maituwid sa ayos ang lahat. Ibalik mo lamang sa pamilya niya ang babae, para matapos na itong gulong pinasok mo.” Mahabang diskusyon ni Simon. Umaasang makikinig si Judas s

  • Haplos Ni Judas   Chapter Twenty Four

    PINAGBIGYAN ni Monalisa ang kahilingan ni Judas. She decided to stay on the island, where they were."Tatlong araw lang ang maibibigay ko, after that, you will take me back home," sabi niya rito habang naglalakad sila sa dalampasigan. They stayed there, dahil inaabangan nila ang paglubog ng araw."Walang problema, sige tatlong araw... But I'll make sure that you're not going anywhere, so you will stay by my side," Judas uttered. Ang huling mga pangungusap ay hinanaan nito. Ngunit tila tinangay pa iyon mula sa pandinig ni Monalisa."Are you saying something?" She looked at him again."Nothing, maigi at magkasabay ulit natin mapapanuod ang paglubog ng araw sa ngayon." Pag-open ng topic ng binata. Kaagad nitong iniba ang usapan nila, ngayon ay balak niyang ipaalala sa babae ang kanilang nakaraan. Mamulat ito ulit sa dapat nitong maramdaman sa kanya.Na siya lang ang dapat na kailangan nito.Monalisa just smiled. Muli ay natitigan na naman ni Judas ang mga ngiting iyon."Your right, it's

  • Haplos Ni Judas   Chapter Twenty Three

    DILIM ang bumungad kay Judas nang buksan niya ang kurtina na nakatabing sa malaking bintana. Mula sa silid na banyaga, kung saan siya naroroon.Sa pagkakataon na iyon ay blangko lamang ang isipan niya sa mga nangyayari. Tanging ang nais niya ay maisagawa sa madaling panahon ang kanyang plano.---"ANG pabor ko lang naman ay sana matulungan mo ako ginoo," wika niya kay Jameson Zion. Kaharap niya ito ngayon, sinadiya niya ito sa pribado nitong yatcha. Upang mahingan ng tulong. Nang magpunta siya kung nasaan ito ngayon ay kapansin-pansin ang mga nakakalat nitong tauhan sa lugar. Kahit naman saan ito pumaroon ay may taga-sunod ito. Kulang-kulang ay nasa dalawampu katao ang bantay nito.Sa tindig at aura pa lamang nito ay kababakasan na ang pagiging makapangyarihan nito."Hindi ako nagbibigay ng tulong ng libre Kabalyero," malamig nitong tugon. Nagsindi ito ng primerang tabacco mula sa harap niya. Humahalo na ang matapang at mamahalin amoy niyon sa silid na konaroroonan nila.Wala itong s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status