MAGMULA ng iwan siya doon ng Tita Adelaida niya ay hinintay niyang muling lumabas ang babaeng itinuro mismo nito.
Monalisa Brilliantes sikat na modelo at actress sa sariling business ng pamilya nila ang "Brilliant Entertainment Company". Ilang hotels and restaurants mula naman sa step-Dad niya ang ipapamana sa kaniya balang-araw. Sa edad na benti dos ay successful na ito sa buhay. Nakabukas na ang mga ilaw sa poste sa highway ng matanawan niya ang paglabas nito. Nagdumali na siyang naglakad palapit sa babae matapos niyang itapon ang hinihithit na sigarilyo. Bigla ay sang puting van ang tumabi mismo dito at nagsilabasan mula roon ang limang kalalakihan na nakabalot ng itim na tela ang mukha. "S-sino kayo?!" nahihintakutan saad ni Monalisa na nakarating pa sa pandinig ng binata. Kaya natiyak nitong nasa panganib ang babae. Walang nagsalita sa mga lalaking tinanong nito. Nagulat si Monalisa dahil bigla na lamang siyang hinawakan ng dalawang lalaki at pilit siyang ipinapasok sa loob ng sasakiyan ng mga ito. Nagtitili at nagpumiglas si Monalisa. Nilapitan sila ng security guard akmang bubunutin nito ang nakasukbit na baril sa may beywang ng mabilis na naunahan ito ng isang lalaki bago pa makalapit. Dahil naka-sentro ang lahat sa sekyu ay iyon na ang nakuhang pagkakataon ni Judas na makalapit. Hindi nagdalawang isip ito na agad naglakad sa maingat na paraan. Katulad ng madalas na mangyari kapag napa-pa trouble ang binata ay isa isa niyang pinagsusuntok at tinadiyakan ang mga lalaki na nagulat sa pagdating niya. Kaagad niyang inagaw ang baril ng isang lalaki at agad na itinutok iyon sa ulo nito at mahigpit na hinawakan. Sinipa niya sa mukha ang dalawang lalaki, sa lakas ng puwersa ay nagsitumba ang mga ito habang sapo ang mga mukha. Nakita niyang mabilis na hinila ng pang-apat na lalaki si Monalisa at nanginginig na idinikit sa tagiliran nito ang nguso ng hawak nitong baril. "Please iligtas mo ako, a-ayuko pang mamatay!" impit na pagmamakaawa ng babae kay Judas na nakatitig lang naman sa kaniya. "Tumahimik kang babae ka! At ikaw ibaba mo ang kamay mo na may hawak ng baril!" mando sa kaniya ng lalaking mahigpit na hawak si Monalisa. Kaagad na nilapitan ng pang limang lalaki si Judas matapos na makinig at gawin niya ang utos na ibaba ang baril na hawak. "Nagpaka-bayani ka pa, wala rin naman mangyayari!" Tumatawang kantiyaw nang papalapit na lalaki. Akmang kukuhanin nito ang baril nang mabilis pa sa alas-kuwatro na inabot ni Judas ang leeg nito at basta na lang binali iyon. Nagulat ang lalaking may hawak kay Monalisa, mabilis na itinutok at binaril nito ang direksyon ni Judas. Ngunit iniharang lang nito ang katawan ng kasama nitong binalian niya sa leeg. Kaya upang ito ang sumalo sa lahat ng bala. Isang bigwas sa mukha ang ginawa niya, upang biglang mabitiwan nito si Monalisa na nagtatakbong palapit na ngayon kay Judas. HINDI sanay ang binata na kinukuhanan siya ng litrato ng mga taga-media. Tahimik lamang siyang nakaupo habang hinahayaan niya lang magsalita ang babae at ang manager nito. Maging ang marinig niya sa mga bibig ng mga nag-i-interview mismo sa dalaga na siya ang taga-pagligtas nito ay ibang-iba sa kaniya. "So Ms. Brilliantes ano na pong balak niyo ngayon. Siguro naman ay bibigiyan niyo ng pabuya ang super hero niyo," sabat ng isang reporter na nasa harapan. Ngumiti naman ang dalaga na siyang nakaagaw nang pansin mismo kay Judas. Mas maganda kasi ito kapag ngumingiti, nang una niyang makita ito ay walang reaction rito. Mukha pa nga itong malungkot. "Yes! Actually dahil sa nangyari, it's time na kumuha ako ng bodyguard ko na magbabantay sa akin. Gusto ko sana si Mr. Olivarez." Ang biglang anunsiyo ng dalaga. Tinapunan pa siya nang tingin nito upang marinig sa kaniya ang pagsang-ayon. "Ayos lang naghahanap talaga ako ng trabaho ngayon," sagot naman niya. Nasisiyahan naman nangiti si Monalisa sa pagpayag niya. Ang hindi alam ng babae na parte iyon sa mga binabalak pa ni Judas upang makapasok ito sa buhay ng magandang dalaga. Matapos pa ang ilan pagtatanong ay tuluyan na silang umalis doon. Sumakay na sila sa isang magarang sasakiyan. "May gusto ka pa bang puntahan?" tanong ni Monalisa na abala sa hawak na celpon. "Wala na. Uuwi na ako," sagot naman ni Judas na nag-alis ng bara sa lalamunan matapos na mahuli siya ni Monalisa na nakatitig. "Ihatid ka na namin, mag-impake ka na agad." "Bakit?" kunot-noo na tanong ng binata. Pasimple lang naman siyang pinakatitigan ni Monalisa. "Hindi ka ba nakikinig kanina sa announcement ko. Kinukuha na kitang bodyguard ko at gusto ko bukas na bukas mag-umpisa ka nang magtrabaho sa akin, siya nga pala bago ang lahat magpapakilala ako. Monalisa Brilliantes pala," wika nito at inilahad ang kamay sa harap niya. Natapos na ang lahat lahat ay hindi pa pala sila pormal na nagpakilala sa bawat isa. Mukhang nangawit na si Monalisa at basta kinuha na lang ang palad ng binata. "Thank you and it's nice meeting you..." Naghihintay ito sa pagsagot niya. "Judas... Judas Duran Olivarez." Monalisa just keep smiling back after that."GENTLEMAN! You come back!" masiglang salubong sa kaniya ng abogadong si James Sven. Kaagad na nagyakap ang mga ito.Kararating lang ni Judas mula sa Casa. Doon na ang bagong kitaan ng grupo. Hindi katulad ng naunang lugar ay naiiba iyon. Malinis, bago at tahimik, pag-aari iyon ni Dr. Matthew Zaiden Bidales.Lahat ng naroon ay napagawi ang tingin sa kanya. Sina Jude at Bart na mukhang ikinatuwa rin ang nakitang pagdating niya. Kaagad siyang nilapitan ng dalawang binata."We're glad you're here JD, akala namin nitong si Jude hindi ka na babalik," wika naman ni Bart.Siniko naman ito ni Jude na mukhang natatawa, "Hey! Hindi ganyan ang sinabi ko. Akala ko kasi ay pinaalis na siya ni Onyo." Halos pabulong lamang nitong sinabi iyon.Naguguluhan siya sa usapan ng dalawa. Halos hindi nalalayo ang mga edad nila. Carefree at may pagka-introvert ang mga ito. Katulad ngayon, may hawak na laptop si Jude, dahil nakahiligan nitong magsulat. May ilan na rin itong published book sa Azarcon.Habang si
AFTER TWO YEARSNANATILI ang tingin ni Judas mula sa labas ng malaking bintana ng SOMMC. He was merely there in his private office. Oras na ng uwian. Kaya wala na halos natiirang tao sa building. Nang isang katok mula sa pinto na nakasarado ang naulinigan niya. "Are you still here, JD, at this hour? May hinihintay ka pa ba. Come on! We have to go. May alam akong restau na tiyak kong magugustuhan mo. Gosh! I need some rest; that's why I came to see you today," malambing na saad ni Dra. Helarie na kumawit pa sa may braso niya. Niyugyog nito ang balikat niya, dahil nanatiling nakatuon ang pansin ng binata mula sa labas. Takang-taka man ito, wala naman kakaiba roon. Kung 'di ang unti-unting papadilim na siyudad. Soon it will be six o'clock in the evening. Hindi niya alam kung bakit palaging ganoon ito na nagpapaiwan ang binata sa loob ng opisina nito. "I hardly imagine, JD. But you're the big boss here. Pero, parati kang OT. Hindi ka mabibigyan ng medalya o award sa pinaggagawa mo, k
NAGMAMADALING lumabas ng mansyon si Judas, after receiving a call from Ross indicating Monalisa is gone missing. Kung saan ito nagpunta ay walang ibang nakakaalam. Minabuti niyang magmaneho. Ngayon na wala siyang aasahan kay Ramonsito. Pupunta siya sa lugar kung saan naroon ang mga taong malaki ang maitutulong sa kanya.Walang iba, kung 'di ang grupong kinabibilangan niya... Ang ARIAL "What are your next plans, Judas? Are you guaranteed that Julio abducted Monalisa?" replied Dr. Matthew Zaiden. Sinusundan siya ng tingin sa patuloy na hindi mapakaling pabalik-balik na paglalakad niya sa harapan nito at ni Simon Rhyss. There were just three of them: he, Simon Rhyss, and Dr. Matthew. Ang ilan sa mga kasama nila ay mamaya pa nila inaasahan na makakarating. Dahil sa may kaniya-kaniyang obligasyon ang mga ito sa kanilang buhay. Lalo, biglaan din ang pagkikita ng kanilang grupo sa tagong kitaan na iyon. "Olivarez, calm down first; you need to clear your thoughts so you can think c
NANG makapasok si Monalisa sa loob ay kaagad na hinarap ni Judas si Simon Rhyss. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Ngunit, nais kong ipaalam na paglabag itong ginagawa mo sa grupo natin. Hindi mo nanaisin na tugisin ka ng ARIAL sa sandaling matunton nila ang kinaroroonan niyo.” Pagpapaalala sa kanya ni Simon. “I understand, kung iyon ang gusto niyo. Kusa kong isusuko ang sarili ko. After this, just give me ample time. Para makasama pa si Mona,” pakiusap niya. Simon Rhyss eyes focused on him after he said that. “Hanggang kailan mo ito gagawin ginoo. Mas ginagawa mong kumplikado ang lahat at bakit mo hinayaan na humingi ka ng tulong kay Jameson Zion. Hindi mo siya dapat pinagkatiwalaan. Kung umaasa ka na pagtulong ang ginawa niya. Nagkakamali ka dahil siya mismo ang magpapahamak sa iyo! Pakiusap, maari mo pang maituwid sa ayos ang lahat. Ibalik mo lamang sa pamilya niya ang babae, para matapos na itong gulong pinasok mo.” Mahabang diskusyon ni Simon. Umaasang makikinig si Judas s
PINAGBIGYAN ni Monalisa ang kahilingan ni Judas. She decided to stay on the island, where they were."Tatlong araw lang ang maibibigay ko, after that, you will take me back home," sabi niya rito habang naglalakad sila sa dalampasigan. They stayed there, dahil inaabangan nila ang paglubog ng araw."Walang problema, sige tatlong araw... But I'll make sure that you're not going anywhere, so you will stay by my side," Judas uttered. Ang huling mga pangungusap ay hinanaan nito. Ngunit tila tinangay pa iyon mula sa pandinig ni Monalisa."Are you saying something?" She looked at him again."Nothing, maigi at magkasabay ulit natin mapapanuod ang paglubog ng araw sa ngayon." Pag-open ng topic ng binata. Kaagad nitong iniba ang usapan nila, ngayon ay balak niyang ipaalala sa babae ang kanilang nakaraan. Mamulat ito ulit sa dapat nitong maramdaman sa kanya.Na siya lang ang dapat na kailangan nito.Monalisa just smiled. Muli ay natitigan na naman ni Judas ang mga ngiting iyon."Your right, it's
DILIM ang bumungad kay Judas nang buksan niya ang kurtina na nakatabing sa malaking bintana. Mula sa silid na banyaga, kung saan siya naroroon.Sa pagkakataon na iyon ay blangko lamang ang isipan niya sa mga nangyayari. Tanging ang nais niya ay maisagawa sa madaling panahon ang kanyang plano.---"ANG pabor ko lang naman ay sana matulungan mo ako ginoo," wika niya kay Jameson Zion. Kaharap niya ito ngayon, sinadiya niya ito sa pribado nitong yatcha. Upang mahingan ng tulong. Nang magpunta siya kung nasaan ito ngayon ay kapansin-pansin ang mga nakakalat nitong tauhan sa lugar. Kahit naman saan ito pumaroon ay may taga-sunod ito. Kulang-kulang ay nasa dalawampu katao ang bantay nito.Sa tindig at aura pa lamang nito ay kababakasan na ang pagiging makapangyarihan nito."Hindi ako nagbibigay ng tulong ng libre Kabalyero," malamig nitong tugon. Nagsindi ito ng primerang tabacco mula sa harap niya. Humahalo na ang matapang at mamahalin amoy niyon sa silid na konaroroonan nila.Wala itong s