Monalisa Brilliantes is a prominent model and actress. Judas Duran Olivarez grew up in a struggling environment. After saving her from the men who wanted to kidnap her, the woman hired him as a bodyguard. They will find love, even if they are different in life. But everything became terribly crazy. Monalisa's family dragged her to jail. Judas wasn't guilty of any crimes. Even she abandoned him in the end. Eight years later, they met. The man has changed greatly. He will be able to keep up with those who disdain his name. Will he be able to seek justice, or will his usual life be disrupted again when he gets back?
view moreMARAHAN lamang naglalakad si Judas sa makipot na eskinita. Tangan ang nakasinding sigarilyo sa bibig ay dire-diretso lamang ito sa paglalakad. Alas-diyes na ng tanghali, ayon sa napagtanungan niyang naglalako ng bigas sa daan kanina.
Umaga pa lamang ay ramdam na ang alinsanagan sa Sitio Bayaac. Ang pinakasentro ng Bayan sa Bolanos. Dikit-dikit ang ilan sa mga ipinasadiyang bahay, nalalanghap ang amoy sa masangsang na estiro na hinahaluan ng iba’t ibang basura galing din sa mga residenting nakatira doon. Kaya kapag may malakas na pag-ulan ay binabaha ang kanilang lugar. “Judas! Mukhang tiba-tiba ka ngayon. Marami ka na naman bang nabiktima sa may simbahan,” turan ni Manny, isang tambay na kasalukuyan tumutuma ng gin sa gilid ng daan. Kasama nito ang mga barkadang wala na rin suot na pang-itaas. “Ayos naman, sapat sa pangaraw-araw namin at gamot ni Mama,” pagsagot niya. Tumayo ang lalaking nagsalita kanina at inakbayan siya. “Baka naman may pandagdag tayo diyan?” Pagtatanong nito sa kaniya. Nginitian naman ito ni Judas. Inipit na niya sa bibig ang nakasinding tabacco. Isinuksok na nga ang isang kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang kupasin maong na pantalon. “Mukhang hindi ka nagkakamali, heto may maipandagdag sa pulutan niyo.” Saboy abot niya kay Manny sa nalukot na isang daan piso. Tuwang-tuwa na kinuha iyon ng lalaki na nagtawag ng isang binatilyo na kasalukuyan naglalaro malapit sa mga ito. Upang bumili ng sisig sa maliit na karinderya ni Aleng Rosa. “Salamat tol, hulog ka talaga ng langit sa amin!” Galak na galak pa nitong wika. Isang tapik pa ang ginawa nito sa balikat ni Judas bago ito tuluyan umupo sa puwesto nito kanina. Malimit siyang sitahin ng ina kung bakit hinahayaan niyang magbigay ng lagay sa mga mangengenom sa kanila. Ang tanging maida-dahilan lang niya ay mas mainam na ibigay na lang niya ang pera. Hindi naman iyon masiyadong kalakihan, pakikisama na rin kumbaga. Kaysa makipagbasag-ulo pa siya para sa kakarampot na pera. Kilala si Judas Duran Olivarez sa kanilang lugar, lumaki siya sa mahirap na pook na iyon. Kung saan naglipana ang mga iba’t ibang mabababang antas ng tao sa lipunan. May patapon ang buhay at meron naman lumalaban pa rin para makaraos sa araw-araw. Isa na roon si Judas, bagama’t lumaki siyang tarantado dahil kabalian ang gulong kinasasangkutan niya magmula ng magbinata siya. Dahil sa madalas na pakikisama niya upang magkaroon din ng sariling pera. Sa edad na benti singko ay labas masok na rin siya sa presinto. Kahit paano ay nakalulusot siya sa mga patong-patong na kaso. Ang sabi nga ng ilan ay may nagbabantay sa kaniyang anghel dahil sa swerti niya. O kaya, isa siyang anghel na naputulan ng pakpak at bumagsak sa mundo ng mga tao. Pinagtatawanan na lang iyon ni Judas. Ang importante lang para sa binata ay makapag-uwi ng pera para sa ina niyang may malubhang karamdaman. Na-diagnosed si Aleng Judith ng Chronic Obstructive Polmunary Disease, isang uri ng sakit sa baga. Inalis na niya ang suot na diyaket dahil malapit na rin siya sa kanilang tahanan. Lumantad tuloy ang mga tattoo na halos sakupin na ang magkabilaan niyang braso. Ang namumulang balat niya dahil sa madalas na pagbibilad niya sa arawan. Ang buhok niyang hindi maayos na nasuklay, makakapal ang kilay niya at ang halos may katangusan na ilong niya na bumagay sa manipis niyang labi na kapag ngumigisi ay nakakapag-init sa pakiramdam. Judas has a mascular built in body, hindi man alaga sa gym dahil wala siyang panahon para roon ay natagtag naman siya sa mga mabibigat na trabaho sa construction site kung saan siya nagpa part time job. Napadako ang tingin niya sa mga bata na abalang nakikipaglaro na saglit na tumigil upang batiin siya. Tigasin siya ngunit pagdating sa mga bata ay bumabait siya. Ang mga matatanda naman doon ay napagawi lang ang tingin sa kaniya pagkatapos ay muling bumalik sa pagsusugal at pagchi-chismisan. Ang isa roon ay nilapitan ng binata. “Heto manang, salamat sa pagbantay ulit kay Mama,” pasasalamat niya sa babaeng nag-aasikaso sa ina sa tuwing may lalakarin siya. Hindi na kasi ito makabangon, dahil madali na itong kapusin ng hininga at madaling mapagod. “Naku! Wala iyon, salamat din dito kahit paano may pandagdag na akong pambili ng ulam mamayang gabi,” hagikhik nitong sabi at umalis na rin doon. Bago buksan ni Judas ang pinto ng kanilang bahay ay dinig pa niya banda roon mag-asawang nagsisigawan. Bit-bit ng babae ang anak nitong wala pang isang taon gulang. Natalo na naman sa sugal kagabi ang mister nito. Kaya walang naiabot na pambili ng gatas sa asawa. Sa mahigit dalawampu’t dekada at anim na taon niya sa mundo. Ganoon uri na ng pamumuhay ang nalakihan niya. Bago siya pumasok sa loob ay agad niyang ibinato sa tabi ang hihithit na sigarilyo. Binuksan na niya ang pinto at mabilis na pumasok. Dumiretso na siya sa lamesa upang ipatong ang mga nabili niyang pagkain at gamot para sa ina niyang may sakit. “Narito ka na pala Duran, mukhang wala ka pang tulog,” paos na wika ng ina sa binata. Pinilit nitong bumangon pero agad siyang inawat ng binata. “Mahiga na lamang kayo, huwag niyo na akong isipin pa nakatulog naman po ako kanina ng nagbiyahe ang jeep na sinakiyan ko Mama,” sagot niya sa ina. Kumuha na siya ng isang mangkok at kutsara para maidulot na rito ang binili niyang sopas. Agad siyang naghila ng monoblock na uupuan. Tuluyan niyang itinabi ang oxygen mask na tinaggal ng ina. “Kahit pa, mas mabuting matulog ka ng mahabang-habang oras ‘nak. Mahirap na at baka magkasakit ka pa,” nag-aalalang wika ni Judith sa anak. Muli itong inubo matapos na makapagsalita. “Huwag na nga kayong nagsasalita Mama, mahirapan pa kayo. Ininom niyo ba kaninang umaga ang gamot niyo?” pagtatanong na lang ni Judas na tumabi sa papag at inumpisahan ng subuan ang ina. “Oo naman, makakaligtaan ko ba,” usal ng babae na nag-iwas ng tingin. Umeedad na ng sing kwenta ang ina ni Judas, nagtitinda ito ng isda sa may palengki dati. Ngunit ng ma-diagnose itong may polmunary acute disease may dalawang taon na rin ang nakararaan ay napilitan na tumigil ito sa paghahanap buhay para sa kanila. Kaya sa batang edad ay pinasan ni Judas ang lahat ng obligasyon na nakaatang para sa ina. Wala naman siyang pagpipilian, dahil maging ang ama ay maaga rin kinuha ni kamatayan. “Kung narito lamang ang Papa mo, tiyak ibang-iba sana ang buhay natin.” Malimit iyon ang sabihin ng Mama ni Judas. At sa tuwing naririnig niya iyon ay magkahalo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniya. “Huwag niyo ng isipin pa si Papa, alam kong nasa maayos na siyang lugar. Hindi na siya mahihirapan katulad ng nararanasan natin ngayon. Mabuti pa’y bilisan niyo ang paggaling Mama para lumakas na kayo, miss na miss ko na ang mga luto mo Ma,” usal ng binata na hinaplos pa ang ulonan ng ina. Hindi naman siya bulag, dahil kitang-kita niya na unti-unti ng nilalamon ng karamdaman ang katawan lupa ng ina. Ngunit umaasa siya na magkakaroon ng milagro pasasaan at gagaling din ang ina niyang may sakit. Ngunit hindi pa natapos ang linggo ay isinugod sa pagamutan ang Mama ni Judas. Kailangan nitong maoperahan sa lalong madaling panahon para maisagawa na agad at ng mailigtas sa kapahamakan ang buhay ng ina nito. Mahigit isang daan libong piso ang kakailanganin niya para sa operasyon. Dahil halos walang maisip na paraan si Judas ay isang mabigat na pagpapasiya ang ginawa niya upang ma-operahan ang ina. Ang kumapit sa patalim."GENTLEMAN! You come back!" masiglang salubong sa kaniya ng abogadong si James Sven. Kaagad na nagyakap ang mga ito.Kararating lang ni Judas mula sa Casa. Doon na ang bagong kitaan ng grupo. Hindi katulad ng naunang lugar ay naiiba iyon. Malinis, bago at tahimik, pag-aari iyon ni Dr. Matthew Zaiden Bidales.Lahat ng naroon ay napagawi ang tingin sa kanya. Sina Jude at Bart na mukhang ikinatuwa rin ang nakitang pagdating niya. Kaagad siyang nilapitan ng dalawang binata."We're glad you're here JD, akala namin nitong si Jude hindi ka na babalik," wika naman ni Bart.Siniko naman ito ni Jude na mukhang natatawa, "Hey! Hindi ganyan ang sinabi ko. Akala ko kasi ay pinaalis na siya ni Onyo." Halos pabulong lamang nitong sinabi iyon.Naguguluhan siya sa usapan ng dalawa. Halos hindi nalalayo ang mga edad nila. Carefree at may pagka-introvert ang mga ito. Katulad ngayon, may hawak na laptop si Jude, dahil nakahiligan nitong magsulat. May ilan na rin itong published book sa Azarcon.Habang si
AFTER TWO YEARSNANATILI ang tingin ni Judas mula sa labas ng malaking bintana ng SOMMC. He was merely there in his private office. Oras na ng uwian. Kaya wala na halos natiirang tao sa building. Nang isang katok mula sa pinto na nakasarado ang naulinigan niya. "Are you still here, JD, at this hour? May hinihintay ka pa ba. Come on! We have to go. May alam akong restau na tiyak kong magugustuhan mo. Gosh! I need some rest; that's why I came to see you today," malambing na saad ni Dra. Helarie na kumawit pa sa may braso niya. Niyugyog nito ang balikat niya, dahil nanatiling nakatuon ang pansin ng binata mula sa labas. Takang-taka man ito, wala naman kakaiba roon. Kung 'di ang unti-unting papadilim na siyudad. Soon it will be six o'clock in the evening. Hindi niya alam kung bakit palaging ganoon ito na nagpapaiwan ang binata sa loob ng opisina nito. "I hardly imagine, JD. But you're the big boss here. Pero, parati kang OT. Hindi ka mabibigyan ng medalya o award sa pinaggagawa mo, k
NAGMAMADALING lumabas ng mansyon si Judas, after receiving a call from Ross indicating Monalisa is gone missing. Kung saan ito nagpunta ay walang ibang nakakaalam. Minabuti niyang magmaneho. Ngayon na wala siyang aasahan kay Ramonsito. Pupunta siya sa lugar kung saan naroon ang mga taong malaki ang maitutulong sa kanya.Walang iba, kung 'di ang grupong kinabibilangan niya... Ang ARIAL "What are your next plans, Judas? Are you guaranteed that Julio abducted Monalisa?" replied Dr. Matthew Zaiden. Sinusundan siya ng tingin sa patuloy na hindi mapakaling pabalik-balik na paglalakad niya sa harapan nito at ni Simon Rhyss. There were just three of them: he, Simon Rhyss, and Dr. Matthew. Ang ilan sa mga kasama nila ay mamaya pa nila inaasahan na makakarating. Dahil sa may kaniya-kaniyang obligasyon ang mga ito sa kanilang buhay. Lalo, biglaan din ang pagkikita ng kanilang grupo sa tagong kitaan na iyon. "Olivarez, calm down first; you need to clear your thoughts so you can think c
NANG makapasok si Monalisa sa loob ay kaagad na hinarap ni Judas si Simon Rhyss. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Ngunit, nais kong ipaalam na paglabag itong ginagawa mo sa grupo natin. Hindi mo nanaisin na tugisin ka ng ARIAL sa sandaling matunton nila ang kinaroroonan niyo.” Pagpapaalala sa kanya ni Simon. “I understand, kung iyon ang gusto niyo. Kusa kong isusuko ang sarili ko. After this, just give me ample time. Para makasama pa si Mona,” pakiusap niya. Simon Rhyss eyes focused on him after he said that. “Hanggang kailan mo ito gagawin ginoo. Mas ginagawa mong kumplikado ang lahat at bakit mo hinayaan na humingi ka ng tulong kay Jameson Zion. Hindi mo siya dapat pinagkatiwalaan. Kung umaasa ka na pagtulong ang ginawa niya. Nagkakamali ka dahil siya mismo ang magpapahamak sa iyo! Pakiusap, maari mo pang maituwid sa ayos ang lahat. Ibalik mo lamang sa pamilya niya ang babae, para matapos na itong gulong pinasok mo.” Mahabang diskusyon ni Simon. Umaasang makikinig si Judas s
PINAGBIGYAN ni Monalisa ang kahilingan ni Judas. She decided to stay on the island, where they were."Tatlong araw lang ang maibibigay ko, after that, you will take me back home," sabi niya rito habang naglalakad sila sa dalampasigan. They stayed there, dahil inaabangan nila ang paglubog ng araw."Walang problema, sige tatlong araw... But I'll make sure that you're not going anywhere, so you will stay by my side," Judas uttered. Ang huling mga pangungusap ay hinanaan nito. Ngunit tila tinangay pa iyon mula sa pandinig ni Monalisa."Are you saying something?" She looked at him again."Nothing, maigi at magkasabay ulit natin mapapanuod ang paglubog ng araw sa ngayon." Pag-open ng topic ng binata. Kaagad nitong iniba ang usapan nila, ngayon ay balak niyang ipaalala sa babae ang kanilang nakaraan. Mamulat ito ulit sa dapat nitong maramdaman sa kanya.Na siya lang ang dapat na kailangan nito.Monalisa just smiled. Muli ay natitigan na naman ni Judas ang mga ngiting iyon."Your right, it's
DILIM ang bumungad kay Judas nang buksan niya ang kurtina na nakatabing sa malaking bintana. Mula sa silid na banyaga, kung saan siya naroroon.Sa pagkakataon na iyon ay blangko lamang ang isipan niya sa mga nangyayari. Tanging ang nais niya ay maisagawa sa madaling panahon ang kanyang plano.---"ANG pabor ko lang naman ay sana matulungan mo ako ginoo," wika niya kay Jameson Zion. Kaharap niya ito ngayon, sinadiya niya ito sa pribado nitong yatcha. Upang mahingan ng tulong. Nang magpunta siya kung nasaan ito ngayon ay kapansin-pansin ang mga nakakalat nitong tauhan sa lugar. Kahit naman saan ito pumaroon ay may taga-sunod ito. Kulang-kulang ay nasa dalawampu katao ang bantay nito.Sa tindig at aura pa lamang nito ay kababakasan na ang pagiging makapangyarihan nito."Hindi ako nagbibigay ng tulong ng libre Kabalyero," malamig nitong tugon. Nagsindi ito ng primerang tabacco mula sa harap niya. Humahalo na ang matapang at mamahalin amoy niyon sa silid na konaroroonan nila.Wala itong s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments