Share

Chapter 16

HALOS isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkasagutan sila ni Kade.

Hindi umalis si Rizel sa condo nito dahil sa takot na baka totohanin nga nito ang sinabi. Although hindi niya ipagkakailang naroon pa rin ang takot niya sa pwedeng gawin din ng ama nito pero iba kasi ang kay Kade. Parang ibang tao na ito sa mga nakalipas na araw kaya mas nagiging nakakatakot ito sa paningin niya. Ito na ba 'yong sinasabi nitong hindi niya gugustuhing makita itong galit? Kasi sa totoo lang, kinikilabutan pa rin siya kapag naaalala niya ang itsura nito habang pinagbabantaan siya sa pwedeng mangyari kapag ginawa niya ang gusto ng ama nito.

Umiling siya. Hindi pa nga niya lubusang kilala si Kade.

Sa mga nakalipas din na araw ay hinihintay niya ang gagawin ng ama nito pero sa awa ng Diyos wala pa naman.

Ayaw man niyang isipin pero parang pinoprotektahan ni Kade ang pamilya niya. Dahil narinig niya ito isang gabi.

Flashback

Papasok na sana si Rizel sa kwarto nila ng marinig niya ang boses ni Kade
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status