LOGINIn a world where everyone sees only black, white, and gray, meeting one's soulmate means experiencing the world in full color. Anastelle Villareal has spent her life creating beautiful designs despite never seeing their colors, relying on memorized shades, textures, and fabric specifications to pursue her passion. Alexander Monteverde, a billionaire fashion executive, once believed he had found his soulmate in his late wife. Even after her passing, he never imagined loving another woman. But at a charity ball honoring her legacy, he meets Anastelle, and both experience the impossible: the world bursts into full color. Their encounter challenges humanity's belief that everyone has only one soulmate. Unwilling to accept this extraordinary connection, Alexander rejects Anastelle. However, an arranged engagement forces them into a life neither expected. As Anastelle fights for her independence and Alexander struggles with his unresolved grief, an unexpected affection begins to grow, teaching them that destiny may bring two people together, but love requires a choice.
View MoreAnastelle's POV
Black. Gray. White. Tanging ito lamang ang nakikita ko sa aking paligid. Tahimik ang buong studio maliban sa mahinang ugong ng mga makinang panahi at paminsan-minsang kaluskos ng mga telang nakalatag sa aking worktable. Nakatayo ako sa harap nito, abala sa pagsusuri ng bago kong koleksiyon. Nakakalat sa ibabaw ang mga sketch, mga piraso ng tela, talaan ng sukat, at maliliit na kard na nagsisilbing gabay ko. Bawat bagay ay may kani-kaniyang puwesto. Dinampot ko ang isang piraso ng telang kulay abo at itinapat iyon sa sketch ng isang evening gown. Para sa ibang tao, isa lamang itong karaniwang tela. Ngunit para sa akin, mayroon itong tiyak na pagkakakilanlan. Charcoal gray. Makapal na satin. Bahagyang makintab kapag nasisinagan ng ilaw. Angkop para sa mga disenyong nangangailangan ng matibay na estruktura. Matagal ko nang binuo ang sarili kong sistema. Dahil hindi ko nakikita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay, natutuhan kong isaulo ang lahat ng iba pang detalye—ang antas ng bawat kulay sa grayscale, ang tekstura ng tela, ang paraan ng pagbalik ng liwanag mula sa ibabaw nito, at ang eksaktong espesipikasyong nakasaad sa etiketa. Bawat tela ay may katumbas na numero at tala sa aking kuwaderno. Nakasulat doon ang tunay nitong kulay, uri, kapal, at iba pang impormasyong kailangan ko sa pagdidisenyo. Maaaring hindi ko makita ang pagkakaiba ng pula at berde, ngunit alam ko kung aling tela ang nakatalaga sa bawat kulay. Muli kong hinaplos ang mga piraso ng tela, tinitiyak na tugma ang tekstura ng mga ito sa aking mga tala. Umatras ako nang ilang hakbang upang muling suriin ang aking mga sketch. Nandoon ang mga disenyong matagal ko nang pinag-isipan. Hindi ko man nakikita ang mundo sa pamamagitan ng mga kulay, hindi iyon naging hadlang upang lumikha ako ng kagandahang kayang makita ng lahat. Halos tumalon ang puso ko mula sa aking dibdib nang biglang kumalabog ang p***o ng studio ko. Paglingon ko rito, sumalubong sa akin ang babaeng halos magsalubong na ang mga kilay sa sobrang pagkakakunot ng noo niya. “Designer ka, ‘di ba?” tanong sa akin ng kapatid kong si Cassandra. Mataray ang tono nito at halos umikot na ang mga mata sa likod ng ulo niya. “Bakit ito lang nagawa mo? It’s too plain! Paano na ako mapapansin niyan mamaya ni Alexander ko sa ball mamaya kung ito ang susuotin ko?” Napabuntong-hininga na lamang ako at sinubukang kumalma. “Hindi naman plain iyan, Cassandra. The gown actually emphasizes your features very well. Mas bagay sa iyo ang matte gowns. I customized that corset to fit you—” “Wala akong pakialam! Hindi ito pasok sa standards ko,” putol niya sa akin. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng itim niyang buhok nang humarap siya sa akin. “Alam mo namang colorblind na ulit si Alexander simula nang mawala ang asawa niya. Hindi niya ako mapapansin kung hindi shiny ang gown ko!” “Then maybe, you should raise your standards?” tanong ko sa kaniya. “Actually, the gown is meant to compliment you. If the gown stood out too much, it may overpower you instead.” Tila nag-usok ang ilong ni Cassandra sa narinig. Sumalubong sa akin ang nanlilisik na itim niyang mga mata. Bahagya niyang tinaas ang kaliwang kilay at napasinghal. “Hoy, Anastelle! Ayus-ayusin mo ‘yang mga salitang lumalabas sa madumi mong bibig, ha! Tandaan mo, kaya ka lang naman nandito sa bahay namin ay dahil naawa sa ‘yo si Dad. Wala kang karapatang sagot-sagutin ako!” “Pero anak niya rin ako at kapatid kita. Nagtatanong lang naman ako nang maayos—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong sinampal ni Cassandra sa kaliwang pisngi ko. Rinig na rinig ang paglagapak ng palad niya sa pisngi ko. Saglit ko lang naramdaman ang sakit sa pisngi bago ito mamanhid. Ang lakas n’on… “A-Aray,” daing ko. Ramdam kong nangingilid na ang luha ko. Hindi ako sanay na masampal. Kahit sina Mama at Papa ay hindi ako kailanman sinaktan. “Hindi kita kapatid! Step-sister lang kita,” sigaw niya. Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Tila sinampal naman niya ang puso ko nang itakwil niya ako. “You and your old hag of a mother no longer have places in Dad’s heart! Hindi ko nga alam kung bakit kinukupkop ka pa rin Mom and Dad. Nakakadiri ka!” Ramdam kong tumulo ang luha ko sa pisnging sinampal niya, ngunit agad ko naman itong pinunasan. Dahan-dahan kong iniyuko ang ulo ko dahil kapag nagtagpo pa ulit ang mga mata namin ay baka mas malala sa sampal ang abutin ko. Sanay na rin naman na ako. Kahit pa baliktarin ang mundo, kapatid ko pa rin siya. “Look at you. You’re so pathetic,” dagdag niya pa. “Pathetic ka na nga, ang pangit pa ng designs mo. Hindi ka aasenso, Anastelle! Saan ka na lang kaya pupulutin kung wala ang pera namin—” Hindi na natapos ang panglalait ni Cassandra nang biglang nagbukas ang p***o ng kwarto. May dalawang matandang mag-asawa ang pumasok sa loob. Kahit parehas silang nasa mid-60’s na at mapuputi na ang buhok, hindi halata sa itsura nila ang edad nila. Alagang-alaga kasi talaga namin sila. “Mom! Dad!” masayang tawag ni Cassandra kina Papa at Tita Margaret, ang ina niya. “Do I look beautiful?” Ang bilis magpalit ng mood nito. Parang hindi niya ako sinampal kani-kanina lang. “Cassie, sweetie, you look absolutely fabulous!” komento ni Tita Margaret. Napakahinhin niya magsalita. “Lalong lumitaw ang kagandahan mo, anak. Not too flashy, but the bold red color definitely stands out.” Bold red color. Ano kayang itsura ng red? Yumuko na lamang ulit ako dahil nahihiya na ako kina Papa at Tita. Sobra siguro ang pagkamuhing nararamdaman niya para sa akin ni Cassandra para laitin niya ako nang ganoon. Baka may pagkukulang na naman ako noong ginawa ko ang damit niya. “Anastelle,” tawag sa akin ng malumanay na boses ni Tita Margaret. May matamis na ngiting nakapinta sa kaniyang manipis na labi. “Mauuna na kami sa ball, hija. Hindi kasi tayo kasya sa sasakyan.” Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Syempre, lagi nilang uunahin si Cassandra. Sino nga naman ba ako sa pamilyang ito? Ipinatong ni Papa ang kamay niya sa kaliwang balikat ko. “We’ll just send for the other car to pick you up, okay? Sumunod ka na lang sa venue.” “Okay, ‘Pa,” sagot ko. Hindi ko sila sinuklian ng ngiti. Baka naman ayaw lang nilang makita sila ng publiko na kasama ang anak ni Lorenzo Villareal sa una nitong asawa. Pinanood ko lamang silang lumabas ng studio ko nang magkakasama. Bago isara ni Cassandra ang p***o, lumingon muna ulit siya. “If you or this ugly dress ruins my chance at becoming the next Mrs. Monteverde, you will face severe consequences for it,” banta niya. Humigpit ang hawak ko sa suot kong gown. Wala na kong ibang nagawa nang ibagsak niya ang pagkakasara ng p***o ng studio ko. Kasabay nito ay ang paninikip ng dibdib ko at ang pagtulo ng luha ko. Don’t worry, Cassandra. I won’t get in your way. …Or so I thought.Alexander's POV Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko. Anastelle. Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora. Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya. "Alexander?" Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina. Nakatayo si Ele
Anastelle's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako n
Anastelle's POV Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang
Anastelle's POV “Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyo
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.