Share

Kabanata 2

"PABILI NGA ng bouquet of Santan and Bougainvillea flowers, miss."

Itinuro ni Beverly ang kanyang sarili ng sa kanya nakatingin ang customer na lalaki. Nandito siya sa flowershop ni Architect Xander Leeyung para mamasyal ngunit napagkamalan pa siyang tindera ng mga bulaklak.

"Miss?"

"Ay naku sir. Mukhang sarado pa ang flowershop ni Architect kasi wala pa namang mga tindera..."

"Hindi ka ba crew sa shop na ito gayong kitang-kita naman ang mga bulaklak sa malalapad na estante?" Ramdam niya na ang iritasyon sa mukha ng lalaking customer.

"Naku sorry po. Napabisita lang rin ako dito e kaya pasensya kung hindi ko kayo..."

"Makaalis na nga!" Ay mabuti pa nga para wala ng istorbo sa pamamasyal ko rito. Doon kasi siya dinala ng mga paa niya at nakapokus nalang ang atensyon sa mga bulaklak ni Architect na nanganganib manakawan dahil masyadong exposed ang mga iyon sa bawat estante.

"Bakit pinaalis mo ang customer?" Nilingon niya ang nagsalita at nakita niyang nakabulsa ang mga kamay ni Bruce Bergman habang nakatingin sa kanya. "Tinatanong kita kung bakit pinaalis mo ang customer?"

Nangangapa si Pauleen ng sasabihin. Kaya nang umungol ang lalaki dahil sa iritasyon ay mas lalo namang umawang ang labi niya pero hindi niya alam kung ano ang isasagot. FVC men were all a Greek God. Good looking and a panty wrecker with just that stare. Kung mas guwapo ang mga ito sa kung saan niya nakikita sa kahit saang websites. Talagang mas guwapo ang mga ito sa personal. Lalo na ang lalaking kaharap niya ngayon na tila ay kasalanan pa ng langit at lupa para iangat ang sulok ng labi sa pagngiti. The essence of his beauty na sa Internet niya lang nakikita ay tipikal na nakakagayuma at nakakahalina sa malapitan.

Masyado hulma ang mga bisig nito na wala siguradong palya sa work outs. His thighs...his oozing wide and long legs—

"Are you checking out on me?"

"Ha?"

"Waste of time. Estupida." Napansin niya ang pagtiim bagang nito kaya doon lang natauhan si Pauleen at natamaan siya sa sinabi ng binatilyo habang naglalakad na ito palayo.

"Hoy! Sino ang estupida?! Hoy, Bruce Bergman!" Hindi siya nito nilingon kung kaya't hinubad niya ang suot niyang sapatos at agad niyang ibinato kay Bruce pero napangiwi rin ng mukhang malakas yata ang impact niyon dahil lumingon ito sa kanya gamit ang nakakamatay na tingin na parang gusto na siyang kainin nito ng buhay.

Ang mga titig nito na parang tinatarak siya ng libo-libong kutsilyo. Hindi niya alam kung saan siya ngayon tutungo ngayong si Bruce ay napabalik sa dinaanan ng wala sa oras dahil sa napuruhang batok nito.

"H-hey, I didn't mean to b-be that way..." Litse at talagang nag-stutter pa siya.

"You did not mean that way, pero sapol na sapol mo ang batok ko. Ako ba ay pinagloloko mo?"

Napalunok siya. There's no way Pauleen can escape in his hawklike eyes. Parang anumang oras ay gusto siya nitong tuklawin. Naipikit niya ang mga mata nang wala na siyang maatrasan pa dahil naramdaman niya na sa kanyang likuran ang cemented wall.

Naghihintay siya na tatama ang kamao ni Bruce sa pisngi niya. Isa, dalawa at tatlo. She didn't feel any pain with his punches. Idinilat niya ang isang mata at nang makita ang pares ng sapatos ni Bruce sa ibaba. At ang sapatos niyang hawak nito sa kanang kamay. Umangat ang tingin ni Pauleen sa galit na galit na itsura ng binata gamit ang umiigting na panga at rinig niya pa ang tunog sa nanggagalaiting ngipin nito.

Nanliit siya sa sarili dahil nagmistulang unano siya sa puntong iyon. O sadyang mataas lang talaga ang lalaking ito para ma-concious sya sa kanyang sarili. Sakto lang naman ang height niya at sa katunayan ay magkasingtangkad nga lang sila ni Beverly. But why does she felt small with this man in her front that still moving his jaw?

"I hate to say this, but you are annoying." Napatili siya sa labis na kaba at naipikit muli ang mga mata ng itinaas nito ang kamay na may hawak sa kanyang sapatos dahil iyon siguro ang ipupokpok nito sa kanya.

"Stupid. Kahit gustong-gusto kitang tirisin. My conscience can not."

"Uy! Bruce! Wala sa lahi natin ang manakit ng babae."

"Get out of this messed Xorxell..." Naramdaman nalang niya ang pagyapos ng kung sino sa kanyang katawan. Only to find that Xorxell was now in her front dahil itinago siya nito sa likuran.

"Huwag kang makialam—"

"Wait, bud. Huwag mong daanin sa init ng ulo mo ang nangyari. Dapat naman siguro ninyong pag-usapan ni Pauleen..."

"Pauleen huh?" Then he towered his gaze on her kaya sumuksok siya sa likuran ni Xorxell ng husto. Gumilid pa si Bruce para matingnan ng buo ang mukha niya bago nanliit ang mga mata pagkatapos ay muling gumalaw ang mga panga.

Galit nga.

"Bumalik ka na sa villa ni Cognac, Pauleen." Nabaling ang tingin ni Bruce sa nagsalitang si Xander. "What the hell this woman doing here Xander?"

"She's with Beverly—"

"Alam ko iyon. Pero bakit kailangan pang isama ang babaeng ito dito? Not to mention that she's planning something dito sa flowershop mo."

"T-teka," agad siyang binalingan ni Xander for an indication not to say anything. Marahan lang nitong sinenyasan siya without Bruce notice kaya natigil siya sa pagsasalita para depensahan sana ang sarili.

"Go back to Cognac's villa."

"No! That woman hit me with her shoe. You see this?" Inangat nito ang sapatos niya na nanggagalaiti pa rin sa galit. "Hindi ko ito palalagpasin..."

"Easy. May sinabi ka siguro na naka-offend sa kanya. Alam mo naman iyang dila mo ay walang habas na nagsasalita kahit alam mo ng nakakasakit ka na. Come on Bruce." Inakbayan ni Xander iyong huli. Siya naman ay nilingon ni Xorxell.

"Go now. Huwag mo ng alalahanin ang sapatos mo ngayong distracted pa si Bruce sa pakikipagnegosasyon kay Xander. Go!" Tinulak siya nito kaya paika-ika siyang tumakbo palayo makatakas lang sa Bruce na iyon.

Hindi niya inaasahan na masama pala ang ugali ng taong parte sa pinagnasaan niyang mga lalaki sa FVC. Pakiramdam tuloy niya ay nawala ang amor ng Bruce Bergman at ekis na ito sa booklist niya. Masyado kasing mainitin ang ulo at muntikan pa siya nitong madisgrasya.

Sa unang pagkakataon ay dismayado siya. Pero bakit naman siya makakaramdam ng ganoon e lalaki naman iyong si Bruce and she knew that men has the same skin to fathom. Pero si Xorxell...hay, ang sarap sa feeling na pinoprotektahan. Ang nag-aalala nitong tingin sa kanya habang pinapaalis siya dahil distracted pa ang Bruce na iyon. Why does she felt being a princess locked in his protection?

"P-Pauleen?"

Beverly's brows knotted while looking at her. Sa paraan ng pangungunot ng noo ng kaibigan ay parang sinasabi nito na nababaliw na siya.

"Nababaliw ka na ba?" Ay sinabi nga!

"Paano mo nasabi?" Bumaba ang tingin nito sa paanan niya saka ngumiwi. "Hindi pa ba sapat na ebidensya iyan para sabihing baliw ka na? Nasaan ang pares ng sapatos mo?"

Doon lang yata siya natauhan sabay seneryoso ang mukha. "Ang Bruce na iyon. Naiinis ako sa kanya ng makita niya akong nakatayo sa harapan ng flowershop ni Xander kaya ng sinabihan niya akong estupida. Binato ko siya ng sapatos ko at nasapol siya sa batok."

"Kaya ba nakafoot-sock nalang iyang paa mo?"

"Oo."

"So you had an interactions with one of the mysterious guy in the FVC huh? Mabait naman iyang si Bruce eh. Siguro sa mga kakilala niya lang."

"Hah! Mabait ba iyong gusto na akong lapain ng buhay? Ang ugali na katulad ng lalaking iyon. Mabuti kong ibabanlaw sa kubeta. Nakakaasar."

"Huwag mo nalang siyang pansinin."

"Aba'y hindi ko nga siya papansinin. Ano siya artista na kailangan kong atupagin?"

"Bad mode ka nga yata. Tulungan mo nalang akong linisin itong sala ni Cognac since nabo-bore ako. Ay, tayo pala."

"Call. Para naman mawala ang init nitong ulo ko sa Bruce na iyon."

Dahil yamot siya kay Bruce Bergman. Lahat ng gamit panglinis na hinahawakan ni Beverly ay walang pinalagpas si Pauleen. From vacuuming the floor, mopping, kasama ang walis tambo at basahan. Umani ng sandamakmak na papuri si Pauleen sa mga kamay at bibig ni Beverly dahil maligalig pala siyang maglilinis kapag galit. Kaya'y nang makauwi si Cognac na sa pag-aakala niya'y matutuwa ito sa kanyang ginawa. Cognac's reaction gives her a ghostbump.

"What have you done to Bruce, Pauleen?"

"Wait Cognac. Pauleen told me..."

"What have you done to Bruce?" Kalmado nitong tanong pero nalasahan niya ang galit sa bawat tono nito. Cognac turned to see his cousin. "Hindi mo alam ang totoong kwento Bev so please stay back with your friend's messed."

"Nasabi niya sa'kin ang nangyari—" pero bumaling sa kanya muli si Cognac. "I don't really like you in the first place. Kaugali mo talaga itong si Beverly. And I'm sorry. Hindi kita kaano-ano para atupagin ang haharaping problema mo."

"B-bakit? Anong mayroon?"

Napasabunot si Cognac sa buhok na tila ay gigil na gigil sa kanya. "Cognac, what happened?" Beverly asked the same question too.

"Dumulog si Bruce kay Zeus at nagsumbong sa ginawa mo. Binato mo 'raw siya ng sapatos nang nasa harapan kayo ng flowershop ni Xander. Bruce was a wanton man. Hinding-hindi iyon papakabog sa mga kalaban niya. Even woman hindi niyon pinapalagpas. And since you are here in the FVC under my name at hindi ito basta lugar lang for your freedom and whims. Your presence was called on Zeus office. I'm sorry. Now go. Hindi namimigay ng mabibigat na parusa si Zeus sa mga babae.

"Hindi ka ba na-orient nitong si Beverly tungkol sa mga batas dito even harassing an FVC member?'

"H-Harass—Harassing? A-ako? Hinarass ang lalaking iyon? Ano siya babae?"

"Stop complaining and just show yourself in Zeus's office. Beverly, follow me in my room. May sasabihin ako."

Pauleen can't believe it. Isang araw pa lang siya dito sa FVC ay tumunog na agad ang pangalan niya dahil sa bukbuking utak ng Bruce na iyon?

Naiwan siyang hawak pa rin ang basahan sa sala ng villa ni Cognac...at ano nga ulit iyon? Siya? Pinapatawag ang presensya sa opisina ni Zeus? Pupunta ba siya? Siyempre hindi.

Subalit nakarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok sa labas at dahil siya lang ang namumukod-tanging pinakamabuting tao sa mga oras na iyon. Walang pasubaling binuksan niya ang pinto.

"Hi, Pauleen."

"Oh, sya iyon?"

"Oo siya iyong nakadisgrasya kay Bruce." Awang ang labi niyang nagpalipat-lipat ang tingin sa apat na kalalakihang nasa kanyang harapan with a meaningful smile in the lips.

Sina Henjie, Barkley, Dwight at Zhared.

"Pinapasundo ka ni Zeus papuntang opisina niya." Kahit alam niya na ang dahilan ay nagtanong pa rin siya. Dwight give her an apologetic smile. "Come to us then you'll see. Hindi naman nangangagat si Mr. Ferrer. Mabait iyon sweetie."

"Isusumbong kita kay Chelsea, Dwight. Makikita mo."

"Gago. Mahal pa rin naman ako no'n. Atsaka, bisita itong si binibining Pauleen. She must put an extra amusement kung sakaling patatalsikin siya ni Zeus ngayon dito sa FVC."

Ano? No! She wasn't ready.

Pauleen felt like she was a prisoner in the crime of snatching dahil hawak talaga siya sa braso nina Barkley at Henjie. Hindi lang siya makatakas at may dalawa pa sa likuran na sina Dwight at Zhared.

As soon as she entered Zeus's office together with Bruce. Nanliit ang mga mata niya na nakatingin sa lalaki gayundin ito sa kanya at walang balak magpaawat sa kanila. Kung nakakamatay lang ang tingin ay patas lang ang resulta at bagsak na sila ngayon sa sahig.

When Xander coughed.

"Do your thing Zeus. Nandito na si Ms. Alegre."

Mula sa hinamay ng kanyang inaasahan ay hindi siya sa ganitong lugar makilala at makadaupang-palad ang mga lalaking laman ng pantasya niya. This is not the right place for her dreams and fantasies with the FVC members. Pero dahil sa dilaw na utak ng isang miyembro, hayun at lantaran niyang nasilayan ang mga mukha ng mga ito.

Iyon nga lang ay sa hindi magandang pagkakataon.

"The complainant, Bruce Bergman came to my office with this matter Ms. Alegre. I'm sorry to deprived but the best word to utter with your actions is harassment." Inangat ni Zeus ang sapatos niya na nasa kustodiya na pala nito. Napalunok si Pauleen. Masyadong na-pollute ang utak niya para patayin si Bruce ng sangkaterbang armalite sa utak niya.

"Sa iyo 'to di'ba?"

"O-oo, pero wala naman talaga akong intensyon na gawin iyon sa kanya..."

"You are not Zeus Ferrer to talk to his part woman. Stop defending yourself."

"Both of you stop talking—"

Ngunit nauwi sa sisihan ang nangyaring making ups sa pagitan nilang dalawa ni Bruce. Kung kaya't napuno ng sigawan nilang dalawa ang opisina ni Zeus Ferrer. Walang sino man sa kanila ang nagpakumbaba at parehong matataas ang pride. Bruce for his ego and Pauleen for her vacation. Kahit ang ibang miyembro ay hindi sila maawat-awat sa matinding alab na namayani sa kwartong iyon.

Doon lang sila natauhan pareho nang kinalampag ni Zeus ng pagkalakas-lakas ang lamesa enough para mabingi si Pauleen.

"Both of you...you will both seeing yourself hanggang sa matapos ang bakasyon mo dito Ms. Alegre."

"What do you mean by that Zeus?" Naunahan lang siya ni Bruce na magtanong.

"Pauleen Alegre will stay in your villa until her vacation ended."

What? Ano 'raw?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status