Share

Kabanata 1

PANG SAMPONG beses na yata siyang napapagawi ang tingin kay Beverly nang marinig ang malalakas na buntong-hininga nito. They are in the fashion boutique na collaboration nilang dalawa. Mangilan-ngilan rin sa mga gawa nila ay na-fatured na ni Eerah sa mga modelong masyadong maamor para irampa ang mga iyon sa fashion week.

And Pauleen concluded that with their tandem. The Beverly-Pauleen collaboration. They would pass as the great designers in the world. Dinaig nila ang mga pusong babae na naayon sa designing ang mga kurso. And she can say, kahit mas stick si Beverly sa pamamahala ng Pretsonsubway. Mas nakahiligan ng kaibigan ang fashion designing. Kaya nga labis ang paghanga niya rito na wala ng kinikilalang pahinga. Makahawak lang sa mga gowns na pinaghirapan nilang buuin.

Pero batid ni Pauleen na may bumabagabag kay Beverly. Lalo na ng maispatan niya ang mens magazine na featured roon ang guwapong mukha ni Architect Xander Leeyung at Engineer Jackson Lim. Mukhang nawalan ng poise ang mukha nito. Gusto niya mang itanong o magtanong pero mukhang pagod si Beverly. Lalo na nang makita niya sa personal si Xander Leeyung na pinsan palang puro ni Athena Mendez. Isa sa mga top models na under ni Eerah. Bunsod doon ay umusbong ang isyu ng dalawa.

Doon na siya nagkaroon ng matinding hinala. Could Beverly and Architect Xander still in love with each other? Napapansin niya iyon sa tingin ng binatilyo nang imbitahin sila ni Eerah sa isang pananghalian kasama si Xander at Athena.

"H-hoy babae..."

"Ano?" Napaatras siya at napasign of the cross. "What are you doing Pauleen?" Still Beverly with her unnemoured look. Parang gusto siya nitong kainin ng buhay ngayon.

"E ikaw? Ano iyang ginagawa mo? After Xander followed you in the parking lot ay ganyan na ang ikinikilos mo. Would you mind to tell me para hindi naman ako magmukhang magandang clueless dito?"

"Ano ang aaminin ko?"

"That you and Xander was still in love with each other..."

"At saan mo nahithit ang balita na iyan? Si Xander? Hah! Ang hambog na lalaking iyon."

"E bakit ano ba ang nangyari?"

Nang banggitin ni Beverly ang lahat nang nangyari sa parking lot ay wala siyang maintindihan basta ay literal na napahalakhak nalang siya.

"Walang nakakatuwa sa sinasabi ko Pauleen."

"Mukha ka pa ring in love habang kinikiwento kung paano ka niya hinalikan kasunod ay ang flashes ng media cameras. Well girl, alam nating pareho na hindi basta lumalapit ng kahit na sinong babae ang guwapong Architect na iyon. But in your case, aba'y hayagan pang inutusan ang mga reporters na burahin ang mga kuhang litrato ninyo?"

"Kaya nga naiinis ako. Hay ewan! Uuwi na ako."

"Sige Bye! Panaginipan mo sana si Architect—"

"Heh! Umuwi ka na rin."

"Oo. After kong daanan ang cake shop ko."

She went on her car after she closed their boutique. At dahil may oras pa siyang gugulin para sa pagb-browse ng media accounts niya. Nagsimula na naman siyang kulitin ang pinsan ni Beverly na si Cognac Wyatt para makabisita siya sa FVC under his name.

She maybe a thickface talking to him about that. Pero pagdating talaga sa mga FVC boys at sa mismong lugar mismo. Nawawala ang kahihiyan at umaandar ang kapal ng kanyang mukha.

Pauleen knows that Cognac was a busy man. Pero nagawa pa rin nitong replyan siya.

"I don't want to. Stop pestering me."

Oh di'ba? Kahit nawa'y negatibo ang reply nito. Pakiramdam ni Pauleen ay nasa cloud 9 siya at personal na kausap ang nagpang-abot na kilay ni Cognac. Kinikilig niyang iniimagine ang mukha nito na ganoon ang feature. Kaya nang kinagabihan ay nagulat siya nang tumawag si Beverly upang sabihin sa kanya na ipinaparating ni Cognac na tigilan niya na ito.

"...ganoon mo ba talagang ka gusto na makapunta sa FVC, Pauleen?"

"Of course."

"Kaya ka nakikipagnegosasyon kay Cognac e alam mo namang masyadong pilosopo iyon para atupagin ka." Napanguso nalang si Pauleen, pero may pahabol pa si Beverly. "...at nakukulitan siya sa'yo kaya sa akin sinabi ang lahat ng pantukoy na bagay sa'yo. He even said na masyado mo raw'ng kaugali ako. Kaya iyon ang kinaiinisan niya ng husto."

"Whatever you say at least I have him contacted me."

"Heh! Ikaw ang unang komontak sa kanya. Paalala lang."

"Oo na nga. Ang damot mo talaga sa pinsan mong iyon. E di'ba ay single naman 'yon?"

"Single pero hindi na available ang puso niya."

"Ang taray ng Lolo mo! May ganoon palang salita ano?"

"Oo at sa kanya lang marapat iyon. O matulog ka na. Maaga pa tayo bukas sa trabaho."

"Ikaw kamo ang maaga. Naku Beverly ha? Hindi na ako magtataka kung bakit isang araw ay nakahimlay ka nalang sa kabaong mo at ang dahilan ng pagkamatay ay over fatigue o di kaya ay brain aneurysm. Sige ka! Mag-unwind ka rin minsan uy! Hindi ka naman tatakasan ng kompanya mo."

She knows the story behind Beverly's fondness of her works.

"As long as I want to. My works cannot."

"E bakit hindi? Nasa sa iyo ang batas—"

"Goodnight Paula."

Kumibot-kibot ang labi niya ng pinatayan siya nito ng tawag. Her brother Rancho went on her bed na nagkukusot ng mga mata. He was 8 years old now. Still killing her fondness of FVC boys. Kaya nang sinubukan nitong ibuka ang bibig ay basta nalang niyang pinanlakihan ng mata ang kapatid.

"Matanda ka na for still fascinated with that men."

"Ano ang pakialam mo?"

"You're gross." Saka ito sumampa sa kama niya. "dito muna ako. Mommy and daddy didn't go home. And you are the only person near my room." Hindi na siya nakipag-argumento pa. Alam naman niyang kaya hindi ito sa kwarto matulog ay natatakot itong mag-isa roon. Nakatulogan nalang rin niya ang pagtapik-tapik niya ng balikat sa kapatid. Kahit naman kasi ay nakakayamot at naalibadbaran siya kay Rancho. Hindi niya maikakaila na magaan ang pakiramdam niya sa kapatid. Parang si Beverly, na kahit walang humpay ang kanilang sagupaan. Kaibigan niya pa rin ito paglubog ng araw.

Nagising siya na wala na si Rancho sa tabi niya. Nabuhay silang magkapatid na walang kinikilalang Yaya. Their parents raised them like a dependent child. Kaya hanggang sa lumaki siya at si Rancho ay iyon na nga ang nakasanayan nila.

May school bus ang kanyang kapatid kaya hindi siya kailangan pang abalahin ang sarili para ihatid-sundo ito sa eskwelahan. Diretso na lamang siyang pumasok sa cake shop niya na nagmistulang coffe shop. At doon niya nakita si Beverly. Nakadantay ang kabilang tuhod nito sa kanan while sipping her coffee. Nang namataan siya nito ay agad siya nitong binati.

"My parents wants me to leave the country for the vacation. Pero ayoko."

"E bakit hindi?" Pero ang totoo ay gusto niyang sumama sa kaibigan dahil sigurong sa Pilipinas ang punta nito para magbakasyon. "Time mo na iyon to unwind. Ayaw mo no'n, malalayo ang exposure mo sa reyalidad ng mundo. It's time for you to rest and enjoy trips."

"Hindi ka sasama?"

"As long as I wanted to. Hindi pwede."

"Kahit na sabihin ko sa'yo na sa FVC ang punta ko dahil kakuntyabo ni mommy at daddy ang pinsan kong si Cognac na doon ako magbakasyon sa FVC?"

Tila ay tumunog ang kampana sa kailaliman ng tainga niya. And Beverly didn't finished her words dahil may pahabol pa. "And I am routing my cousin to let you with me under his name."

"OMG! Ano ang sinabi niya?"

"Iyon nga e. Hindi pa siya sumasagot. Hays, kapag siya hindi papayag. Hindi ako luluwas pa-Pilipinas." Pauleen frantically shed her fake tears dahil na-touch siya sa kaibigan. Ayaw nitong hindi mangyari ang pinangarap niyang makapunta sa FVC. Kaya nang kinunotan siya ng noo ni Beverly, she let her friend in that way.

"Napakahirap talagang punasan ang mga luha na hindi umaagos ano? Alam mo Ikaw, minsan talaga ay napakasarap mong ipakanlong sa Blender Pauleen. Hah! Umayos ka nga. Hindi ka hihiranging best actress ng FAMMA'S Award dahil hindi convincing ang paiyak-iyak mo na 'yan."

"Hayaan mo akong mag-emote boba ka!"

"Naalibadbaran ako sa emote emote mo na iyan e. Kaya umayos ka."

"Sige na nga!" Naghila siya ng high stool at nakaharap na umupo kay Bev. "Bakit ang aga mo yata ngayon sa shop ko?"

"Para ipaalam sa iyo ang bakasayon ko na iyon. Better yet, start packing your things dahil malakas ang kutob ko na papayag si Cognac sa ideya ko na isama ka sa FVC."

"Paano kung hindi mo mapipilit iyong si Cognac?"

"Hindi ako matitiis niyon. Malakas ang charm ko sa kanya."

Oo na at aminado si Pauleen. Masyadong na-pollute ang utak niya kakaimagine sa FVC boys with their jerseys habang naglalaro ng basketball sa covered court. Swak na swak pa ang ngiti ni Xorxell sa kanya at inalok pa siyang panoorin ang liga. Linsyak lang dahil malakas siyang binato ng hawak na notebook ng kapatid niya.

"Ano ba ang problema mo Rancho?" Nakasungaw kasi ang ulo nito sa pintuan ng kwarto niya. Nagpang-abot ang mga kilay nito at mukhang yamot na sa kanya.

"I've been calling you five times now. Hindi ka namamansin."

"Bakit, anong mayroon at kailangan mo pa akong batuhin niyang notebook mo?" Hinaplos niya ang ulo na sinalpok nito kasabay ng madilim na titig na iginawad niya sa kapatid.

"Your friend Beverly ay kanina pa tumatawag sa cellphone mo na naiwan sa ibaba. Babain mo na agad iyon para hindi na ako maalibadbaran sa panay pag-ring niyon."

"Aba't marunong ka na lang ng tagalog namimilosopo ka na."

"Whatever. I am smart you know." Tuwid na kung magsalita ng tagalog si Rancho dahil siya mismo ang naging tutor sa kapatid niyang dugyutin.

Hindi naman talaga mahirap turuan ang kapatid niya. Maliban nalang kung ang antok na nito ang kokontra. Pauleen can't even utter an adjective for her eight years old brother laying in the bed. Masyado kasi itong bungangero kapag gising at mukhang anghel na inihulog mula sa langit kapag tulog.

"... Cognac agreed. Pumayag na siyang isama kita sa FVC kaya simulan mo ng mag-empake ng mga gamit. And oh, ipinagpaalam ka na ni mommy kay tita Aurelia. Your mother agreed to leave for work with me."

Siya na yata ang pinakamasayang nilalang sa balat ng lupa sa anunsyong iyon ni Beverly kinagabihan. Ito na talaga at abot-kamay niya na ang mga lalaking sa internet at magazine niya lang nakikita o kahit sa palabas sa tv.

She was crying her heart out with total excitement. Kaya ngayong hawak niya ang maliit na baggage at ngayo'y palabas na sa eroplano. Pauleen hugged her lifesaver na noon ay clueless dahil basta nalang niyang itinapon ang sarili kay Beverly.

"What's with you Pauleen?"

"I am just happy. Thank you Bev."

"Naaaa. Don't thank me. Si Cognac ang pasalamatan m—oh, he's here! Hey! Cognac!"

Teka! Hindi pa siya handa na makita ang lalaking...

"Welcome for your arrival ladies." Wait.

"Salamat Owen. Oh," tinapik ni Beverly ang balikat niya dahil nanatiling nakatalikod siya sa mga ito. "Pauleen, anong tinitingnan mo riyan?"

"H-ha? Ah..eh..."

"Hi, I am Owen. Nice meeting you. Ikaw siguro ang kaibigan nitong si Beverly. Welcome to the Philippines."

Kimi niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. Kaya natauhan lang siya ng siniko siya ni Bev para siguro patigilin na siya sa daydream niya. Sunod niyang kinamayan ay si Cognac. After a seconds of introducing therselves. Cognac invited them in the car.

"Diretso na tayo sa FVC dahil iyon ang nasa kundisyon ni Zeus. And let me remind you Pauleen Alegre—ah! Si Beverly na pala ang bahalang mag-explain sa'yo kung ano ang mga patakaran sa lugar na iyon."

Pakiramdam niya ay panaginip pa rin ito. Ni hindi niya pinansin ang usapan ng mga kasama niya sa sasakyan dahil nasa labas lang ng sasakyan ang kanyang atensyon until they entered the NAIA II. Hinila siya ni Beverly palabas sa sasakyan ni Cognac at mas lalo siyang namangha ng makita ang pagsampa ni Owen sa private chopper na kung saan ay si Cognac ang nasa ignition portion.

"The only transportation to go there ay ang choppers. That's Cognac's chopper by the way. Let's go Paula."

Nagpahila nalang rin siya ni Beverly hanggang sa pumasaere na ang kanilang sinasakyan. She did enjoy stealing glances below lalo na at paliit ng paliit ang mga bahay roon. Hiyang si Pauleen na nakangiti. Her happiness can't extend the tallest Eifel tower. At nang makarating na sila sa helipad. Mas lalong namangha si Pauleen sa mga lalaking sumalubong sa kanila.

Si Xorxell, Zeus and Jackson...

"Welcome in the FVC again and again Beverly and your...well, what's your name again Miss?"

"Pauleen. Pauleen Alegre, Zeus."

"Orayt Pauleen. Welcome here in the FVC. May you enjoy your vacation here."

"Ofcourse." Bumulanghit siya ng tawa. Xorxell then extend a hand for her. "I am Xorxell—"

"Oo at kilala kita. Pwedeng payakap?"

"Sure."

Malanding sinamyo niya ang pabango nito kasabay ng halakhak ni Xorxell kung kaya't nahihiya siyang bumitiw sa yakap. "Sorry."

"Ah, no worries. Women are fascinated with us. Walang problema."

"Let's go bago pa tayo maabutan ng ulan dito." Nabaling ang tingin niya sa lalaking nakasandal ang likuran sa hood ng Ferrari at walang pakialam sa kaganapan para hindi makisabay sa mga kaibigan nito para salubungin sila.

It's Bruce Bergman. Lihim nalang siyang ngumuso ng mapagawi ang tingin nito sa kanya na halatang nababagot.

"Waste of time,"

She wasn't sure if that word was for her. Pero pakiramdam ni Pauleen ay sa kanya talaga iyon lalo at hindi iniwas ang tingin ni Bruce sa kanya.

Ano ang problema ng lalaking ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status