Share

Chapter 19

KABANATA 19

••••••

Marshall POV

I was eating alone while walking when I saw Koshiro and Ouen. Hindi sila magkalayo, hindi rin sila gano'n kalapit, alam mo 'yung sakto lang.

Makakasalubong ko sila kaya agad akong nakihalubilo sa mga estudyante. I don't know, but something deep inside me urging na sundan ko sila. 

I'd never experience being a stalker, but yeah so we'll fck this mess. 

Pasimple akong sumusunod sa kanila. Gusto ko mang lumapit para marinig ang pinag uusapan nila ay hindi ko magawa, baka mahuli pa ako.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nagtatawanan silang dalawa. Knowing Koshiro, bihira lang siya magpakita ng mga ganyang reaksyon. 

Susundan ko pa sana sila ng tumigil silang dalawa at hinubad ni Koshiro ang jacket niya at ipinatong sa balikat ni Ouen. 

I suddenly felt pang on my chest. Iniwas ko nalang ang tingin ko at hindi na sila sinundan. 

Baka nagugutom na naman ako. 

Sirang sira na diet ko. 

"Marshall! Baka gusto mong sumali nag jajack en poy kami" inis ko namang tinignan ang katabi ko. Si Lucas, grade 11 student. Bakit naman kasi halo halo pa, ang dami tuloy isip bata dito. 

"I'm not in the mood to play shitty things" 

"Oww, okayyy. Sayang naman yung Bugatti La Voiture Noire kapag nanalo. Babyeee" pagpaalam niya at tumakbo na. 

B-bugatti La Voiture Noire, 

What the!

Tumakbo na kaagad ako para hanapin siya. Ang mahal mahal kaya ng kotse na yun at sobrang ganda pa.

"Where's that motherfcker" bulong ko sa sarili. Ang bilis namang kasing nawala sa paningin ko. Kapag hindi ko nakuha ang kotseng yun, malamang sa malamang pagsisihan ko 'to habang nabubuhay ako sa mundong 'to. 

"Oi, Marshall!" 

"O-ouen? Anong ginagawa niyo dito?" 

I faked my smile nang makitang nakaakbay si Koshiro. What's this feeling, bago ito sa akin. May parte sa akin na nasasaktan kahit hindi ko alam ang dahilan. 

"Gumagala lang kami, wanna join us?" yaya ni Koshiro. 

"Don't mind me. Hahanapin ko pa si Lucas" I showed them my best faked smile. Paalis na sana ako ng hawakan ni Ouen ng kamay ko, agad ko naman itong binawi. 

"Nandoon sila sa f-field" mukhang nagulat si Ouen sa ginawa ko. Binalingan ko nalang siya ng tingin at dumiretso na papuntang field. 

What the fck is wrong with me?! 

"Akala ko ba hindi ka sasali? " he smirked

"Wala ka ng pake do'n. Dali nasaan na ang iba?" iritable kong tanong habang lumilingon lingon.

"It was a joke, okay? HAHAHA Hindi ko alam na papatulan mo yun, HAHAHAHA" 

"Lucas!" 

"Para kasing broken hearted na natatae kanina, HAHAHA" 

"I'm gonna kill you, motherfcker!" I was irritated and yelled at him. When I got close enough to rip his head off, he was already running and laughing.

That idiot!

Ouen POV 

"I swear! If I catch you’ll be a dead meat, moron!" 

"If you'll catch me, I swear I'm gonna give you a Bugatti La Voiture Noire, HAHAHAHAHA" 

"Do you really think na uto uto ako!" 

Napakamot ako sa ulo ko nang makitang naghahabulan si Lucas at Marshall. Sinundan ko siya dahil akala ko galit siya sa akin

May mga sapak talaga 'tong mga mokong na 'to. 

"He's not angry. Let's go" nakangiting yaya ni Koshiro. Nakakunot noong tumingin ako sa kaniya, ang weird talaga ng isang 'to, baka naman namaligno' to. 

Nanlaki ang mata ko ng samaan niya ako ng tingin. Tama nga ako, namaligno ang isang 'to. 

Napaatras siya ng lumapit ako sa kaniya. 

"What are you d-doing?" tanong niya ng hipuin ko ang leeg at noo niya. Wala naman siyang lagnat, ipatawas ko kaya 'to. Hayaan nalang, atleast good mood siya, bumabait eh. Utusan ko kaya? 

"Kuhaan mo nga ako ng tubig"

"Baliw ka ba?" aniya at sinamaan ako ng tingin. Sabi ko nga hindi na, hehe. 

"Joke lang, ito naman. Saan mo ba gustong pumunta, tara naaa!" 

"Tss, nawalan na ako ng gana. Dito nalang tayo" umupo siya sa bench at sumunod na lang rin ako. Ang bobo mo talaga Ouen, ayun na yung pagkakataon sinira mo pa! Minsan talaga gusto ko nalang sipain sarili ko e'. 

Napakamot nalang ako sa ulo at napatingin kay Koshiro na nakatingin sa kanila Marshall na pabirong hiniheadlock si Lucas. 

Bakit ang gwapo niya pa rin kahit nakasideview?

Tinignan ko ang mata niyang nakatingin sa akin, kapag tinitignan ko ng maigi ang mata niya. Napakaraming emosyon ang nakikita ko.

Ang matangos niyang ilong at ang lab----t-teka matang nakatingin sa akin?! 

I averted my gaze when I heard him chuckled. Feeling ko pulang pula mukha ko ngayon. Ano bang nangyayari sa akin? Kahit sarili ko hindi ko na maintindihan. 

"Look at me again, I don't mind even if you stare at me all day" he said and throw a playful smirk. 

"A-asa ka naman!" I rolled my eyes secretly when he laughed. 

"Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap" napatingin ako kay Leiyh at nakipag apir. Wala lang trip lang namin, ganito kasi yung mga mag friends. 

"Tss" 

"Ba't mo pala kami hinahanap?" tanong ko, mukha kasing badtrip na naman ang katabi ko. 

"Madilim na, balik na raw tayo sa mga room natin" 

"Ahh, tara na" sumabay na ako sa paglalakad kay Leiyh. 

"Teka, si Marshall pa----Hoy Marshall! Come here baby, punta na tayo sa kwarto!" 

"Magbabakbakan na ba tayo sa kama fafa Leiyh?" malanding tugon ni Marshall. Napatawa ako ng mahina sa inaasal nila.

"Gusto mo sa morgue?" 

"Nako, 'wag sayang kagwapuhan ko" 

"Saan banda wala akong makita?" he stopped talking and looked at me while we are walking. "Mayroon ka na ba sa talent portion?" tanong ni Leiyh at umakbay. 

"Ano kasi, hehe" 

mag isip ka Ouen! 

"Oo naman! Sikret muna ngayon" 

"Ikaw talaga, HAHAHA" aniya at ginulo ang buhok ko. 

"Huwag 'yang buhok ko" inis na ani ko ay inayos ng kaunti buhok ko. 

"Oo na, HAHAHA. By the way, are you hungry? Samahan kita" 

"Hmm, busog pa ako. Matutulog nalang ako" nakangiti kong sagot. 

Feeling ko nagkaroon ako ng instant kapatid. Matagal ko ng pangarap magkapatid kaso imposible yun dahil wala naman na akong magulang, pero ngayon kahit hindi ko man siya--sila kadugo tinuturing ko na silang pamilya. 

"Sige, pero nag away ba yung dalawa?" bulong ni Leiyh

Tinignan ko si Koshiro at Marshall. na hindi maipinta ang mukha. Confirmed! Namaligno talaga 'tong dalawang' to. Ang sakit nila sa utak. 

Nagulat ako ng biglang nahiwalay si Leiyh sa akin at pumagitna sa amin si Koshiro at Marshall. 

"Ang babagal niyo namang dalawa. Aside from that, I thought ako lang fafa Leiyh, bakit nangangaliwa ka kaagad harap harapan pa" pag iinarte ni Marshall at pinunasan ang imaginary tears niya. 

"Let's hurry, I'm tired" aniya ni Koshiro na diretso ang tingin sa daan. 

Habang naglalakad kami ay muli naming nakasalubong si Lucas na busangot ang mukha at may inihagis kay Marshall. 

"Here's the key, nasa labas ng university" nagulat ako ng biglang tumakbo habang patalon talon si Marshall at nagsisigaw. Nag aadik ba ang mga ito. 

"Ano yun?" tanong ko kay Lucas na kasabay na naming maglakad. 

"I gave him a car" 

"Woah, walang bayad?" 

"Oo" 

Tumahimik na muna ako saglit at nag isip. Kung dumikit kaya ako dito palagi kay Lucas, malay mo bigyan din ako ng kotse, bwahahaha. 

"Tss, anong tinatawa mo dyan. Baliw ka na talaga" aniya ni Koshiro habang lumilingon lingon at pumasok na sa kwarto ng mga varsity player. 

Sumabay nalang ako kay Leiyh, kaming dalawa nalang pa, hindi ko alam kung saan napadpad si Lucas. 

"Uy, Leiyh. Magkasama ba tayo sa kwarto?" 

"Hmm? Oo, kasama natin yung instructor natin pati na rin mag aayos sa atin" 

"Ayun, ayos. Pakita mo sa akin yung dance moves mo ah"

"Sige ba, nandito na pala tayo"

Pagkapasok namin ay kinuha niya sa bag ang cellphone niya at may pinindot. 

Hindi ko maintindihan ang tugtog at mukhang ibang lengguahe. Medyo nahuhuli siya dahil pumunta pa siya sa harap ko at lumayo ng kaunti. Nang nakapwesto na siya ay nagsimula na siyang sumayaw. 

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kaniya at nang matapos siya---"POTANGIN--dejk, pre ang angas!" sigaw ko sa pagkamangha at pumalakpak. 

"Salamat, hahaha" lumapit ako kaagad sa kaniya at tinapik tapik ang likod niya. 

"Anong kanta yun?" 

"Fever ng Enhypen. Sikat yun ngayon, lalo na sa tiktok" 

"Grabe Leiyh, sobrang angas mo kanina. Medyo kulang ka lang sa expression sa mukha, pero grabe ang astig!" 

"Facial expression talaga ako nahihirapan, pero don't worry magpapractice pa ako nang magpapractice" nakangiti niyang sagot. 

"Sa tiktok ba nakatira yung sumayaw niyan?" napatanga naman siya sa naging tanong ko at kalaunan ay napatawa ng mahina. 

"Sa KOREA nakatira yung MGA sumayaw ng FEVER. Atsaka yung tiktok APP yun, marami kang makikita sa tiktok. Tignan mo 'to, wait" 

Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang app na kulay black na parang nota. Lumabas kaagad ang orihinal na sumayaw ng fever. I'm starting to simp, sobrang hot at pogi nila. Gusto ko magtatalon sa kilig, kahit na sumasayaw lang sila kaso baka makita pa ako ni Leiyh. 

Pagkatapos niyang ipakita yun ay tumango tango ako at nagpahinga na kaming dalawa sa kaniya kaniya naming kama. 

Humiga ako sa kama at nagkumot na hanggang dibdib. Inalala ko yung mga lalaking nakita kong sumayaw. Hindi ko mapigilang mapakagat labi habang nakapikit. Sobrang gwapo nila! Hindi ko na alam, matutuwa ba ako dahil nararamdaman ko 'to o maiinis ako kasi ganito ako mag isip ngayon? 

Biglang sumagi sa isip ko ang nakangiting mukha ni Koshiro, bakit mas gwapo si Koshiro?! I shook my head and groaned while biting my lips because of what I'm thinking right now. 

"Ouen! HAHAHA" dinilat ko ang mata ko ay tumingin kay Leiyh na nakangisi ngayon na nasa kaharap ng kama ko. 

"Bakit?" tanong ko sa kaniya ng walang boses. 

"Mag cr ka kung gagawin mo yan. Mahiya ka naman sa akin! HAHAHAHA" 

Tinignan ko siya nang nagtatakang tingin at nang malaman ko kung anong ibig sabihin niya ay nanlaki ang mata ko at namula ako.

Tumalukbong ako sa kumot at pumikit ng mariin, tinakpan ko na rin ang tainga ko para hindi marinig ang nangangasar na tawa ni Leiyh. 

"Yes, Hello?... Yeah.. Okay.. Where??... Tsk, fine.. bye.." tinanggal ko ang pagkakakumot sa akin at tumingin kay Leiyh na tumatayo na sa higaan para umalis. 

"Leiyh, pwede bang pahiram muna ng cp? Manonood lang ako" sumipol naman siya at ngumisi. 

"Manonood ka ba ng eHeM? hmm, sige, alis na ako ah, HAHAHA" aniya sabay bigay ng cp niya at umalis.

Pagkaalis niya ay inopen ko na kaagad ang tiktok at nanood. Akala ko puro sayaw lang ang makikita dito, nakakaentertain manood. 

Nanood lang ako nang nanood. Papatayin ko na sana nang makuha ang atensyon ko ng isang lalaking sumasayaw. Ang astig ng choreo, pati na rin ang kanta tinignan ko sa comment section kung ano ang title at sinearch ko ito sa youtube.

'The Eve by Exo' 

Ipinuwesto ko ang cellphone at prinactice ang tutorial ng dahan dahan. 

Magaling talaga ako sumayaw, sumasayaw lang kasi ako dati sa baranggay namin para makakuha ng chicks, pero dahil alam niyo na nagbabagong buhay. Wala rin namang dahilan para sumayaw ako at malaman pa nila. 

Pagkatapos ko magpractice ay kinuha ko ang cellphone at naupo. Muntik ko nang mahagis ang cellphone ni Leiyh nang magulat ako na nakatingin yung lalaking nabunggo ko kanina. Seryoso ang tingin niya at nagbuntong hininga bago umalis. 

Nakakakaba talaga siya. Gwapo naman siya kahit kulay apoy ang buhok niya. Kaso CREEPY! Kapag titignan mo palang ay kikilabutan ka na sa takot. May aura siya na 'hindi mo ako dapat banggain' yung gano'n aishh. 

Pero bakit siya nakatingin sa akjn sa labas ng bintana? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status