Share

Chapter 21

KABANATA 21

••••••

Ouen POV

Limang araw na rin ang lumipas at sa mga araw na 'yun ay talagang napakaboring at nakakabwisit. Bantayan ba naman ako ni Ryan para hindi raw ako mambabae, boiset.

Nagsisimula palang akong baguhin ang sarili ko, alam kong marami pa akong pagdadaanan para maitino ang sarili ko, pero ang mokong na yun ay gustong agad agaran.

Flashback 

"Hi, Ouen" agad akong napalingon sa likod ko ng may kumalabit sa akin. Napakamot ako sa batok ko ng makita ko ulit yung isa sa babae na nakausap namin ni Marshall, which is tinakasan ko sa pakana ni Ryan. 

"Hi" nahihiya kong pagbati. 

"Hmm, wala kasi akong kasama. Baka gusto mong samahan ako, maglibot libot tayo" 

"Ahh, gano'n ba? Kasi ano...." 

"I will take that as a yes, let's go?" aniya at kinawit ang braso niya sa braso ko. 

Paalis na sana kami ng biglang bumangga sa amin at hinila ako.

"Sorry miss, nag llbm kasi ako, papasama lang ako kay Ouen" 

"Putcha, anong gagawin ko sa cr? Tagahugas ng pwet mo? Bitawan mo nga ako" akma kong tatanggalin ang pagkakahawak ni Ryan ng biglang nagsalita si Iris-- siya yung babaeng tinutukoy ko. 

"Hmm, okay lang. Mukhang kailangan na talaga niyang mag cr. Hmm, maybe next time?" 

"Yeah, go!" sigaw ni Ryan at tumakbo habang hila hila ako. 

"Ano bang problema mo?" irita kong tanong sa kaniya. 

"Sabi ko sayo wag ka lumapit sa mga babae" 

"Hoy, akala ko ba kaya tayo nandito 

dahil mambababae tayo!" 

"Correction, ako lang ang pwedeng mambabae"

"Hah?! Kapal talaga ng mukha mo Ryan." 

"Heh! Kung ayaw mo sumunod, ojay lang sasabihin ko nalang kay Koshiro na crush mo siya" 

Ha? Edi sabihin niya, hindi ko naman talaga crush si Koshiro, namamangha lang ako dahil may nabubuhay pala na gano'n kagwapo maliban sa akin.

Alam niyo naman si Ryan wala pa sa kalingkingan ko, baka nga kung aabot siya sa standard ko e hanggang kulugo lang, kawawang bata. 

Nakalimutan kong masyado palang maisyu ang isang to. Wala naman akong pake kung sasabihin niya, kasoooo baka mag feeling si Koshiro at asaron ako nang asarin mas nakakaasar yun, 'di ba? 

Hmm, argh. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong' to. Dapat pala nanood nalang ako ng boring na labanan, pero mukhang hindi naman nila masyadong siniseryoso, kitang kita na nag eenjoy lang silang lahat. 

"Uy, natahimik siya. Crush mo talaga 'no, ikaw ah, HAHAHAHHA. Binata ka na Ouen, HAHAHAHA" nabalik ako sa ulirat sa naging tawa ni Ryan, putcha tawa palang mukhang may gagawin ng masama. 

"Tumahimik ka nga, oo na oo na. Hindi na ako lalapit sa mga babae" 

Inaamin ko naman na naeexcite pa rin ako kapag nakakakita ng babae pero, hindi naman katulad noon. Siguro nabago rin dahil the fact na I'm a girl, it really change me, little by little. Hmm, siguro in my situation I'm a bi.

End of Flashback 

"Hoy, ano na namang iniisip mo Ouen ah!" nanlalaking mata habang nakaturo ang hintuturo sa akin ni Ryan na kakapasok sa kwarto namin.

Tumabi siya sa akin at umiling iling na parang dissappointed.

"Ouen, Ouen, Ouen" pag ulit niya sa pangalan ko habang umiiling "Lason ang mga babae, Ouen. Stapppp dat, okayy?" dugtong niya

"Baka nakakalimutan mong babae ako"

"Ay, hehe sorry." sinamaan ko nalang siya ng tingin at nagtanong.

"Ano bang ginagawa mo dito? ang aga aga"

"Ay te hindi ka ba updated?"

"Ayusin mo nga bunganga mo, Ryan"

"Ito na, seryoso na ako. Laban na ni Leiyh mamaya, ano wala kang balak na I cheer?"

"Sabi mo mamaya pa?" 

"Syempre ipapractice natin yung mga lines for Leiyh, ano ba bangag ka na ba?" 

"Ang aga aga pa. Bukas ka nalang manggulo" aniya ko at humiga pabalik sa higaan. 

"10 na Ouen, susmaryosep!" sigaw niya at hinila ako sa higaan hanggang sa mahulog ako. 

"Ano ba! Gusto ko pang matulog!" 

"Wala ka talagang support sa kaibigan mo 'no, alam ko namang si Koshiro lang ang susuportahan mo per---" 

"Tumahimik ka nga, oo na. Mamaya may makarinig at may mag assume na crush ko si Koshiro kahit hindi naman. Masyado kang maisyu, ilayo layp mo yang bunganga mo sa akin at baka ipitin ko yan gamit bunganga ng buwaya!" 

"Mukhang gising ka na ngaaa! Goods yan HAHAHAHA" sigaw niya at hinila na ako palabas, hindi man lang ako pinagpalit ng damit at pinaayos.

Hindi man lang natinag sa mahabang litanya ko kanina, saan ba to pinaglihi. Kung haunted ang bahay niyo siguradong kapag pinatuloy niyo si Ryan doon, mga aswang o multo na siguro mag aadjust na umalis dahil sa ingay ng vunganga ng isang 'to. 

"Hoy, mamaya sinasabihan mo na naman ako ng masama sa isip mo ah" 

"Hindi' no" sagot ko at nagpatangay nalang sa kaniya papunta sa cafeteria.

"Good morninggg, kuya Ouen!" sigaw ni Jaleb pagkalapit ko sa kaniya. Pwede bang maging hangin nalang, ay wag na pala ang dami palang may bad breath sa mundo. 

"Hey, zup Ouen. Where di you go yesterday? Hinahanap ka ng mga chicks mo" 

Sasagutin ko na sana si Marshall ng biglang pumagitna si Ryan. 

"Bawal siya mang chicks" napatingin kaming magbabarkada sa kaniya at ako naman ay gusto ko na siyang ipalamon sa mga dinasour at ipatapon sa mars. 

"Bakit naman?" seryosong tanong ni Jaleb habang halatang pinipilit niya ang ngiti niya. Baka natatae. Tinignan ko naman si Koshiro na kanina pa tahimik pero nakangisi. 

"Oo nga, bakit?" dugtong na tanong ni Marshall. 

"Alam niyo naman sigurong galing kaming probinsya...." putol ni Ryan "At magagalit sa akin ang girlfriend niya kapag nalaman niyang maraming dumidikit kay Ouen" aniya at nagkunwaring natatakot. Ano bang pinagsasabi nito? Nakalunok na naman ba 'to ng katol? Nakasinghot ng garapata? 

Kailan pa ako nagkagirlfriend? 

"Saan doon? I think he had 20 girlfriends there and nakipag break na siya sa mga yun" tanong ni Koshiro at sinandal ang likod niya sa upuan. 

"Woah, you're rock! 20 girlfriends? what the actual fuck, HAHAHAH" aniya ni Marshall. 

"Naaalala mo ba yung tumawag sa kaniya noong paalis na tayo?" 

"Yeah" maikling sagot ni Koshiro. 

"Ayun! Yun yung tunay na girlfriend niya" napaayos ng upo si Koshiro at napatingin sa akin. Wait, why?? Kailangan ba nila ng confirmation?? 

"Yeah, eunece is my girlfriend and we didn't broke up" mygoodness kailangan ko ba talagang magsinungaling.

"It seems that you really love your girlfriend, huh?" aniya ni Marshall, ngunit may nahimigan akong pagkasarkastiko doon at hindi na maipinta ang mukha niyang pinipilit niyang pangitiin. Si Jaleb naman ay mukhang lumiwanang ang mukha.

"Where's Leiyh?" tanong ko sa kanila. 

"Kasama ng coach nila, Kuya Ouenn!" maligalig na sagot ni Jaleb at ininom ang gatas niya. 

"Puntahan ko lang siya ah" pagpaalam ni Jaleb at umalis na. 

Pagkaalis ni Jaleb ay kinain ko na ang nasa plato ko, pagkaalis ni Jaleb di ko alam pero parang bumigat ang atmosphere dito sa table namin. At mukhang ako lang ang nakapansin dahil si Ryan ay mukha na namang walang pake dahil nagpipicture siya. Teka lang, bakit may mga cellphone sila tas ako wala??? 

"Tapos na ako kumain, hehe. Sundan ko lang si Jaleb ah? Babyeeee" pipilitin ko pa sana siya na wag ng umalis pero nagmamadali ang loko. 

Tinignan ko ng palihim ang dalawa na sabay nagbuntong hininga. Wtf, ano bang ginagawa ko dito. Anong problema ng mga to at sabay pa silang nagbuntong hininga. 

"I have something to do pa, maya nalang" pagpaalam ni Marshall at umalis. Nakayukod naman akong kumakain dahil binibilisan ko na. 

"and me as well, tsk tsk tsk" aniya ni Koshiro at umalis na. Ano bang problema ng mga kulugung yun. Napakamot nalang ako sa ulo at inubos ang pagkain ko ng mag isa. 

Masyado siguro silang naiisstress sa pag practice. Ouen, mukha kang walang kwenta dito, hindi ka man lang nag eeffort. Ano ba kasing gagawin ko? Anong talent ang gagawin ko?! Mag macho dance kaya ako? Ay wag, baka mareveal ang sikreto ng mga gwapo. 

Nakatunganga lang ako habang kumakain, nag iisip ako kung anong gagawin ko sa talent portion. Bakit naman kasi hindi ko nakikinig ng maayos. Ay bangag nanginig pala ako pero wala lang akong pake. Mukhang kailangan pa naman ni Leiyh ng. pera huhuness. 

"Hi, Ouen!" napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang matinis na boses. Boses palang alam ko na kung sino. 

"Oh, eddie? Anong ginagawa mo dito?" 

"Ano pa ba, girl? Syempre kakain! Ang chaka naman siguro kung iihi ako dito sa cafeteria" tinitigan ko siya ng masama. Wala ako sa mood na bakla ka. 

"Chararat, ang highblood mo naman gurl. Kasi naman nalate nang nagising ang mader mo, kaya itey late na lalamon. Tsaka mukha kang lonely, y mag isa lang?" 

"Kagigising ko lang din" 

"Parehas lang pala tayo" aniya at nagsimula ng kumain at pasilip silip sa cellphone. 

"Are you waiting someonep?" 

"Actually, yes! Yung partner ko sa pageant. Kung saan saan naman kasi nagpupunta, sabi ko lalamon kami at nang makahanap na ako ng boylet" 

"Ahh, kaibigan mo pala" 

"Korak" 

Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain, ako naman ay palingo li gon habang kumakain habang siya naman ay pasilip silip sa cellphone niya. Disente tignan ngayon si Eddie, mukha siyang lalaki kung titignan at may itsura rin siya, pero wag mo lang pagsasalitain at buko na ang sikreto. Lahat nalang nang nakikita ko dito may mga itsura. 

"Hey, sorry I'm late" aniya ng bagong dating at umupo sa tabi ni Eddie na ngayon ay kaharap ko. Pasimple kong tinignan ang bagong dating at halos masamid ng makita kung sino ang kasama niya. 

Y-yung kulay pula ang buhok. Napalunok ako at iniwas ang tingin ng magtama ang tingin namin. 

"Gurl, si Cyrus nga pala, friend ko. Cyrus si Ouen, new friend ko" 

"G-ganon ba? Nice to meet you" 

"Nice to meet you, Ouen" tumindig ang balahibo ko ng magsalita siya. Ouen, bakit ka napunta sa sitwasyong 'to!! dapat hindi nalang ako nagising kanina! 

"Bakit ka nakayukod?" tanong niya at tinaas ang baba ko gamit ang hintuturo niya, nang magtama ang tingin naming dalawa ay napangiti siya. 

"Did I startled you? Look, I'm not that bad." aniya at tumawa. Napatingin naman ako kay Eddie na natawa rin sa naging reaksyon ko. 

Tinanggal ko ang hintuturo niya sa baba ko at tumayo. 

"Aalis na ako" pagpapaalam ko at naglakad na paalis. 

"Wait, Ouen!" tawag ni Cyrus. Napatigil ako saglit, haharap ba ako o hindi? ano bang gagawin ko? bakit ako napunta sa sitwasyong 'to?!? In the end ay humarap pa rin ako, may sumilay na ngisi sa labi niya nang humarap ako. 

"You left this" turo niya sa pinagkainan ko. Oo nga pala, kami nga pala dapat ang nagbabalik non. Dali dali akong bumalik at kinuha ang mga pinggan na pinagkainan ko.

Umalis na ako at hindi sila binalingan ng tingin habang hawak hawak ang tray na pinaglagyan ko. Inilagay ko kagad ito sa pinaglalagyan ng mga hugasin at umalis na. Hahanapin ko nalang sila Ryan, magpapractice pa pala kami. Hindi ko na muna masyadong iisipin baka kumawala na puso ko sa kaba. 

Papubta na sana ako sa auditorium ng may narinig akong sigaw sa kaliwa ko, malapit sa cr. 

"Just let me explain" 

"Explain? Sapat na yung mga nakita ko, Jaleb" 

"May mga rason ako" 

"Just stop, stop brainwashing me. I TRUSTED YOU, fck that!" 

Pupuntahan ko na sana sila para tanungin kung bakit sila nagsisigawan ng hilahin na ako paalis ni Ryan. Ramdam ko ang inis niya sa paraan ng paghawak niya. 

Putcha, nadamay pa ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status