Share

Chapter 13

"Mga batang ito talaga, dito pa talaga kayo natulog."

Hindi ko matignan nang maayos si lola. Panay naman ang mahinang hagikgik ni Marian marahil ay sa nasaksihan niya. Xavion was busy making coffee for us.

"Nagsabi na lang sana kayo at nahandaan ko kayo ng unan at magandang sapin."

We ended up sleeping late. At sa kubo pa nga. Kailangan pa niya akong samahan bumalik para kumuha lang ng kumot at mga unan. It was my idea after all. Kahit pa-paano ay worth it naman ang pagtulog namin dito sa kubo.

Ini-rolyo ni lola ang nagamit naming banig habang naghahanda ng makakain si Marian. Si lolo naman ay maagang umalis dahil may gagawin pa raw ito sa bukid.

"Dito ba ulit kayo matutulog mamayang gabi?"

I nodded. "Opo."

"No."

Napalingon ako kay Xavion. Inilapag niya sa lamesa ang mug. Sinamaan ko ito ng tingin dahil hindi siya pumayag.

"Why not? Masarap kaya ang tulog ko."

"Iyon na nga, e. Tulog mo lang! Did you know how many times I removed your legs, panay ang gatong mo sa'kin!"

My cheeks turned red. Marian almost squealed. Inambaan ko naman ng suntok si Xavion.

"What? Sobrang likot mo."

"E'di huwag! I can sleep here alone," I hissed.

Kumunot ang noo nito sa'kin, 'di kalaunan ay tumalim ang titig marahil ay sa inis.

"You sure about that? You're paranoid, Eve!"

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko, para akong natusok sa kaniyang sinabi. I think he noticed my reaction, he immediately cleared his throat.

"I'm sorry."

Pilit akong ngumiti bago tumango. Napansin din yata ni Lola ang tensyon sa pagitan namin dahil nakatuon na ang atensyon nito sa aming direksyon.

"It's fine," I replied.

"I'm just worried."

You always does. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung totoo bang nag-aalala lang ito para sa'kin. Hindi ako sigurado kung naawa siya at hindi ko rin gugustuhin 'yon. I don't want anyone to pity me.

"Ate, Kuya. Kakain na po," pambasag ni Marian. Napilitan akong kumain kaagad, sinusubukan ko lang iwasan ang mabigat na tensyon.

After we ate, tinulungan ko si Marian na maghugas ng plato, tutol sila doon pero nagmatigas ako.

"Sama ka, Ate?"

"Saan?" tanong ko habang nag-i-isis ng kaldero.

"D'yan lang malapit sa bukid, magpapastol kami ng kambing."

I nodded. Curious lang din ako kung paano ang sinasabi nilang pagpapastol ng kambing. Pagkatapos naming maglinis ay dumiretso kami sa kulungan ng kambing kasama si Xavion.

"Sa'yo ang kulay puti, Ate." Inabot sa'kin ni Maria ang lubid na nakakabit sa collar ng kambing.

The moment I grabbed the lace, the goat stared at me deeply. Napaatras ako sa kaba nang bigla itong tumakbo.

The next thing I knew, I was running away from the white goat.

Napatili ako habang narinig ko na naman ang pagtawa ni Xavion.

"Don't just stand there! Help me!" sigaw ko. Napailing silang dalawa. Humabol si Xavion sa'kin at saka ako hinawakan sa braso. I was panicking when he just stood infront of me, stopping me from running.

"What the hell was that?" Hindi makapaniwalang tanong ko, pinagmamasdan ang kambing na huminto sa pagtakbo at nilampasan ako para kainin ang damo sa gilid.

"Give me that." Kinuha niya sa'kin ang lubid.

"Just watch us do our thing, tsk."

Nanginginig akong sumunod sa kaniya. I can't believe that I got chased by a goat! Nanatili ako sa tabi ni Xavion. I'm lowkey watching the goat, baka bigla na lang ako nitong habulin.

"Dito na lang, Kuya!"

Naghukay sila sa lupa gamit ang itak, doon ay ibinaon nila ang lubid na nakapulupot sa kahoy at saka tinabunan ng lupa. Ang iba naman ay itinali nila sa mababang sanga ng puno.

"This is enough, let's go back. Be alert, Marian, baka biglang umulan."

Bumalik na ako sa kwarto at tinignan ang email kung may naipasa ba sa'kin ang seatmate ko.

"Anong gusto mong gawin ngayong araw?" Xavion asked. I shrugged my shoulders.

"I thought we're going to Alaminos?"

"Ah, about that."

Bumaling ako sa kaniya at naguguluhang tinignan ito. Matunog siyang bumuntong hininga muna bago nagpakawala ng salita.

"Is it okay If we'll stay on my uncle's house?"

Tumango ako. Tutal ay hindi naman ako gano'n kaarte. Kung gano'n hindi na kami matutulog dito mamayang gabi.

He sighed because of relief.

"Sa hotel dapat tayo, but my uncle found out that I'm staying here, he wants me to visit." Hinawi niya ang puting kurtina. Tumagos sa bintana ang sinag ng araw at dumampi sa aking balat.

"It's fine, when are we leaving?"

"Later, isasama natin si Marian. She probably misses her family."

Magtatanghalian na saka lang ako lumabas. Si Xavion ay abala sa paglalagay ng gamit sa kotse. Pansamantala lang akong humiram ng damit kay Lola, mamaya ay dadaan kami sa bayan para bumili ng gagamitin ko.

"Ingat kayo mga apo." H*****k sa pisngi ko si Lola. I gave her a sweet smile before offering a tight hug.

"Ilang araw kayo doon?"

"Dalawa lang, Lola. May pasok din kasi kami, we have to come back early as possible. Ihahatid na lang namin si Marian dito."

"Gano'n ba? Sayang naman, balik kayo rito sa susunod, ha? Sama ka ulit, Eve." Ngumiti ito sa'kin.

"Sikayo lan mambaga et tatay, a?"

Iyon na naman ang parang banyagang salita nila. Pangasinense raw ang tawag sa dialect na ginagamit nila rito. I'm lucky they know how to speak Tagalog.

"On, nu umpawil kayo dya, dapat aruen molay Eve."

"Ay siren? Nengnengen tayo."

Bago ako pumasok sa kotse ay inalalayan ko munang makapasok sa kotse si Marian. Sumunod ako at saka nag-connect sa Bluetooth. Si Marian ay nasa back seat at nagbabasa na ng pocket book.

"Pst, Marian," I called her, it was almost a whisper.

"Bakit po?" inosente itong tumingin sa'kin.

"Anong ibig sabihin ng mga sinasabi nila?" Sigurado akong narinig niya ang pinag-uusapan kanina dahil katabi niya si Lola.

Her lips suddenly formed a smirk. She closed the book and slowly leaned forward.

"Sigurado kang gusto mong malaman, Ate?"

Napahagikgik ito kasabay ng aking pagtango. I couldn't help but to smile. Maganda ang batang ito. Makinis ang balat at napakaputi. I can't belive she's just fourteen years old.

"Sabi ni Lola, kapag bumalik kayo rito, sana kayo na raw."

My cheeks heated. Ilang beses akong napakurap. I know she's telling the truth, dito siya lumaki, e.

"Ang sagot naman ni Kuya. Titignan daw nila. In English, we'll see!" Napahagalpak ito ng tawa.

My lips parted, I leaned on my seat and peaked outside the window. Naroon pa rin si Xavion at Lola na nag-uusap.

Is he looking forward for the both out us?

"Bagal talaga ni Kuya."

Napaayos ako ng upo nang pumasok na ito. Marian opened the window and waved at Lola, ngumiti lang ako rito. Sinarado lang nito ang bintana nang umandar na.

"Drive thru tayo?"

"Ayos lang sa'kin, how about you, Marian?" Nag-thumbs up ito sa'kin.

"What's with your faces?" Alanganin ang ngiti ni Xavion. Marian was trying her best to maintain her serious look.

"Nothing, nagkwentuhan lang kami," I answered.

"About?"

I closed my eyes tightly. Bakit kailangan niya pang alamin? Pekeng napaubo ni Marian.

"Ah, wala lang. Pinag-uusapan lang namin kung anong gusto mo sa girl," si Marian naman ang sumagot ngayon. Hindi ko alam kung magiging mahinahon na ako dahil sa isinagot nito.

"Hmm." Tumikhim ito at tumango-tango.

"Well, what do you think is my type?"

Tinignan niya sa salamin si Marian bago sandaling bumaling sa'kin. Napaiwas ako ng tingin. I knew it! He'll ask!

"Amm, type mo siguro 'yong mabait at matulungin."

"What else?"

"Maganda! Tapos medyo mahinhin!"

Xavion chuckled. I looked at the mirror and met Marian's eyes. Puno iyon ng pang-aasar at paulit-ulit na tumataas ang kilay sa'kin.

"You forgot something." Mapaglarong ngumisi si Xavion.

"Ay? Ano 'yon, Kuya?"

I bit my lower lip, mahigpit din ang kapit ko sa short.

He took a glimpse at me.

"Someone who is extraordinary."

-

@GrandDandelion

:Sorry for giving you guys short chapters, been very busy!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status