Share

Chapter 24

"Tell me more about yourself," ani Phenny matapos uminom mula sa kaniyang baso.

"I am planning to take med?" naiilang kong sabi, pinisil ni Xavion ang kamay ko, nakapatong iyon sa lamesa.

"Good for you, hindi kasi ako gano'n katalino," ngumiti siya. Tahimik kaming kumain, mas nangingibabaw ang kaba sa loob ko. Kung hindi ko kasama si Xavion, baka hindi ko kayanin. 

"You know, I like Xavion." 

Nag-iwas ako ng tingin. Actually, she's not bad. Malayong malayo siya sa inaakala ko. 

"I feel so sorry for you. Kahit ako, walang magawa para pigilan ang engagement," malungkot siyang ngumiti. 

Bigla na lang nadagdagan ang insecurities ko. Sa tingin ko'y tama ang ama ni Xavion, I sighed. Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin. 

"I think I have to go na, see you, Ton," she smiled at Xav, he only responded with a nod.

"Huwag kang magpadala sa ugali niya ngayon, Yvonne. Nakita ko na ang tuloy na kulay no'n," nakangiwing sabi ni Ate Xyrile. 

"True! Kung hindi lang inutos ni Papa na samahan siya, talagang papabayaan ko siyang maligaw dito. Good thing, she has her driver now," dagdag ni Xashna. 

"O? Kung gano'n, kauri niya pala si Sara," natatawang sabi ni Devika, mahina ko siyang siniko. 

"What? Totoo naman, a." 

Umiling ako, kinuha ni Xavion ang buong atensyon ko. Nakikita ko sa kaniyang itsura ang paghihirap dahil sa sitwasyon namin. 

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, okay?" 

Sa condo ako ni Xavion umuwi, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang magaganap na paglipat namin kay Lyndsey. Kung pwede nga lang ay dito na ako tumuloy habang ginagawa ang bahay, pero hindi naman pwede iyon, nakakahiya sa kaniya. 

Pumatong siya sa akin at isiniksik ang mukha sa leeg ko, hindi ko mapigilan na makiliti nang maramdaman ang paghinga niya doon. He played with my fingers, tahimik lang kaming dalawa. 

"Yvonne, what if buntisin kita?" 

Biglang nanlaki ang mata ko, mahina kong pinalo ang braso niya. 

"La? You can't do that to me," sabi ko. 

Ayaw ko pang mabuntis, I have dreams. As much as I want their engagement to be cancelled, hindi sa gano'ng paraan. At saka paano kung nangyari nga? Pero matuloy pa rin ang engagement nila? It's not worth it. 

"I'm sorry, sobrang hirap kasi, e. I can't just let you go so easily, mababaliw ako, Yvonne."

I smiled bitterly, paano kung hindi? May naiisip na akong ideya para maging masaya at malaya kaming dalawa. At hindi niya magugustuhan iyon. 

"Sa'yo lang dapat ako ikasal. Ikaw dapat ang ihaharap ko sa altar."

Nakatulog ako matapos ang pag uusap namin. Pero bigla na lang akong nagising sa gitna ng mahimbing kong pagtulog. Tahimik kong pinakikinggan ang mga boses sa labas ng kwarto. Nagtangis ang bagang ko doon, my tears won't stop falling. 

"Ano bang hindi mo maintindihan, Xav!? Ginagawa ko 'to para sa atin!" I can hear his father's voice. 

"Ikakasaya mo ba 'yan, Pa?" sagot ni Xavion gamit ang baritonong tono. 

"Oo! Ayaw mo bang maging maganda ang buhay natin? Don't be so selfish, anak! Kapag hindi mo 'to ginawa, pamilya rin natin ang magiging kawawa!" 

"Pero ako, Pa. Ikakasaya ko ba?" nanginig ang tinig ni Xavion. 

I covered my mouth with my two hands, pinipigilan ang paghikbi. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. 

"Xav, anong maibibigay sa'yo ng batang 'yon?" 

"Pagmamahal at kasiyahan, Pa. Mga bagay na hindi niyo magawang ibigay sa'kin." 

"Makakain mo ba 'yan, ha!? Hindi di'ba? Matalino ka! Gamitin mo naman sa tama!" 

"No, Pa! Alam ko ang ginagawa ko!" Xavion fired back. "Huwag niyo akong pilitin!" 

"There's nothing you can't do about it! Magaganap ang engagement party niyo after two weeks. Wala akong pakialam kung sumipot ka, dahil nando'n ka man o wala, matutuloy iyon!" 

My heart broke into pieces, I was gasping for air. Marahas kong pinunasan ang aking luha. I have to do something, hindi pwedeng umiyak lang ako dito. My tears won't help me.

"I'll give you a week to dump your girlfriend, Xavion. Ayoko ng issue!"

Pagkatapos ay nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto. I can't help but to cry again.

"Anak, I'm sorry," nahimigan ako ang lungkot sa kaniyang ina.

The next day, sa bahay na ako umuwi, kasama ang girls. Tulog pa si Xavion nang nagpasyang umuwi ako, nag-text na lang ako sa kaniya para ipalam ang pag alis ko. Xion caught me leaving, ang sabi ko'y uuwi na ako kaya hinayaan niya akong umalis. I came home devastated, my girls were worried.

"Inom tayo!" their eyes widened, halos ibato na nila sa akin ang buong sofa sa kanilang itsura.

"Baliw ka na! Hindi madadaan sa gan'yan ang problema n'yo ni Xav," Ivory hissed, pagod akong umupo. Naramdaman ko ang mainit na pagyakap nila sa akin, bumuhos muli ang aking luha. 

"Nagbago na ang isip ko. I think, we badly need to drink," saad ni Ivory. 

I invited Adiel, I even told him to bring Sara. He immediately replied, pupunta raw siya kasama ang ilang niyang kaibigan, he said that Sara can't come, nasa psychiatrist daw ito ngayon para magpatingin muli. 

"Tama na 'yan, Yvonne," inilayo nila sa'kin ang alak, umungot ako at sinubukang abutin iyon pero hindi ako nagtagumpay. 

"Ano ba? Gusto ko pa, e!" untag ko, umiling sila sa akin. 

"May tama ka na!" napahalakhak ako. Yeah, right. Nagsisimula nang maging doble ang lahat ng nakikita ko.

"Hayaan niyo na ako, pati ba naman kayo ipagkakait sa'kin 'to?" nangilid ang aking luha. 

"Oh my god! Let's just call Xavion!" 

"Give me that!" tumayo ako at hinablot ang alak, napahawak ako sa lamesa nang maramdaman ang hilo. 

"Yvonne!" saway nila, nagpatuloy ako sa pag inom. Hindi pinansin ang unti unting pagkahilo ko. Hindi ko na magawang ayusin ang pagsalin ko ng alak, I decided to drink directly from the bottle. 

Natagpuan ko na lamang si Xavion na nasa harap ko na. Sapo niya ang mukha ko at nag-aalala akong tignan. 

"Hi, baby!" ngumisi ako, niyakap ko siya at hinalikan sa labi. 

"Squishy, hihi," I pinched his cheeks, narinig ko ang hagikgikan nila Devika. 

"Yvonne, You're drunk," matabang na sabi ni Xavion. 

"Hindi kayaaa," pumikit pikit ako, umiling siya sa akin. 

"Dadalhin ko na siya sa kwarto niya," I felt his arm at my back, hindi ko na madamdaman ang kinauupuan ko. 

"Kumapit kang mabuti," I smiled then nodded. Ikinawit ko ang braso sa kaniyang batok, binuhat niya ako papunta sa taas. 

Marahan niya akong inilapag sa kama, nakangiti ko siyang pinanood, inayos niya ang posisyon ko at saka kinumutan. 

"Dito ka na muna, please," nagbabadya ang pagluha ko. "Para kahit papaano, maramdaman ko na may pag-asa pa." 

Lumambot ang ekspresyon nito. Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa noo. 

"Pagod ka na ba?" ngumuso ako at tumango, bumuntong hininga siya. 

"Then rest, tomorrow, we'll fight again." 

"Pero pagod na'ko, Xav.." nanghihina kong sabi. "Pagod na pagod na." 

"Hindi na kita pag-aari sa mga susunod na linggo." 

"Shhh," pinagdikit niya ang noo namin pero nanatili ang kaniyang tingin sa aking mata. 

"Sleep. I love you." 

"Will you be here when I wake up?" 

"Yes, baby," pinatak niya ng halik ang tungki ng ilong ko, pagkatapos ay sa labi naman. 

"Hindi ako mawawala, Yvonne," you won't, pero ako hindi ko alam. Mayro'n na lamang kaming dalawang linggo para maging masaya, I want to spend my time with him, bago siya mawala. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status