Share

Chapter 23

"What!?" nailayo ko ang cellphone mula sa aking tenga. 

"You heard it right, Ate," I replied then sighed. 

"It must be Phenny! Later, I'll ask Xion, baka may alam siya." 

"Thanks, Ate Xyrile. Hindi ko na kasi alam ang gagawin, e," tumikhim ako. 

"Don't worry, Yvonne. I trust my brother, may dahilan siya kung bakit niya nagawa 'yon."

Sana nga, sana maayos ang dahilan niya. Ilang minuto pa kaming nag usap sa cellphone, kailangan ko ng ibaba ang linya dahil malapit nang magsimula ang klase namin. 

"Yvonne, ano ba? Focus!" napaigtad ako, mahina akong niyugyog ni Ivory. 

"I'm sorry," bigla akong nanghina, I almost got zero on our quiz, big deal iyon sa'kin lalo na't grade conscious ako. Our teacher was kinda disappointed, madalas kasi ay ako ang may mataas na score sa lahat, mabuti na lang at hindi gano'n kabigat ang quiz namin. 

Natapos ang buong klase nang hindi ko nakakasama si Xavion kahit isang minuto man lang. Pagdaan namin sa classroom nila, wala na naman siya. Hindi na ako nag-abalang magtanong o maghanap pa, umuwi na kami kaagad. 

Si Phenny naman ang kasama niya, e. Ang kaniyang future fiancée. Sa dulo, ako rin ang walang karapatan para umangal kung magkasama sila. 

"Sagutin mo na," sabi ni Eleanor. Napabuntong hininga ako, I remained starring at my phone, ang caller ay si Xavion. 

"Hey.." bati ko, trying to compose myself. 

"Yvonne! Nakauwi ka na ba?" He sounds so worried. 

"Oo, why?" 

"I'm sorry, nalaman ko sa mga classmates ko, hinanap mo raw ako," I smiled bitterly. I was busy finding you and yet you were busy with someone else.

"Hmm, sabay sana tayo nag-lunch kanina," he sighed. 

"Bukas! I promise, sasama ako sa inyo," aniya pa. 

"Okay, daanan ka na lang namin." 

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. What do I expect? Mukhang wala siyang balak ipaalam sa akin ang ginawa niya kanina. 

"May sasabihin ka pa?" tanong ko. 

"Wala na, are you busy?" 

"Hindi naman." 

"Pwede ba tayo magkita?" nabuhay ang diwa ko sa sinabi niya. 

"Sure, saan ba?" tumayo na ako at umakyat papunta sa aking kwarto, nagtingin na ako ng pwedeng maisusuot. 

"Ayala Mall, baby. Susunduin kita." 

"Okay, see you." 

Ako ang naunang nagbaba ng cellphone, he might be wondering why am I like this, sana lang at marealize niya kung bakit. Kailan pa siya natutong magsinungaling sa akin?

Blanko ko siyang tinitigan habang nagmamaneho pero pasikreto ring pinupuri ang mukha niya. 

"Hey, why are you looking at me like that?" nilingon niya ako saglit, hindi ako sumagot. 

"I'm starting to get scared, Yvonne. What's the matter?" 

"Wala, na-miss lang kita," sabi ko, hanggang kailan ko na lang ba siya mapagmamasdan?

Dinudurog na ako kaagad, walang kasiguraduhan ang mayroon kami ngayon, pwedeng mamaya, bukas o oras, hindi na siya sa'kin. 

"I miss you too," he smiled, sumilip ang dimples niya na talaga namang nagpabaliw sa akin. 

"Grabe ka naman makatitig sa akin. Para naman akong mawawala niyan," he's still wearing his smile, hindi ako magsasawang titigan iyon. 

Kumain ang una namin na ginawa dahil pareho kaming gutom at hindi pa naghahapunan. Pagkatapos ay sinamahan niya ako sa NBS para tumingin ng libro. 

"Nagbabasa ka ng gan'yan!?" asik niya, tumatawa akong tumango. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa librong erotika. 

"Hell? Bakit ka pa bibili ng libro na naglalaman ng gano'n, kung kaya ko naman ibigay sa'yo?" 

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi, he smirked. 

"Magtigil ka nga, Xavion!" pagalit kong sabi, mas lalong lumawak ang ngisi niya sa labi. 

"You know, my car is free and wide." 

Hinampas ko sa braso niya ang makapal na libro, natatawa siyang d*******g.

"Bwisit ka!" 

"Kidding!" nag-peace sign ito, umiiling akong nag iwas ng tingin.

"But if you want to.." kinindatan niya ako, napasinghap ako sa kaniya, nagpapadyak ako.

"Xavion! Napakahayop mo!"

Inaya niya akong mag shopping, hindi ako sumagot at nagpatangay sa kaniya. Ang unang pumasok sa aking isip ay ang eksena nila ni Phenny na naabutan ko, dumako ang paningin ko sa kaniyang braso. Para akong sinampal nang tuluyang maalala ang lahat.

"What's wrong?" huminto siya nang huminto ako sa pag lalakad. Sinakop ng kaniyang palad ang pisngi ko.

"Hey," masuyo niyang dinampian ng halik ang labi ko. 

Gusto ko na lang maiyak, hindi ko alam kung pagkatapos nang gabing ito, magagawa niya pa akong halikan. Hindi ko alam kung sa akin pa rin ba siya uuwi. Paano kong n*******n niya na rin si Phenny?

"May naalala lang ako, I'm fine," ipinatong ko sa kaniyang kamay ang akin bago ngumiti.

"Yvonne, ilang araw ka nang ganito? Hindi ko 'to basta na lang palampasin. Don't make me a fool, may hindi magandang nangyayari sa'yo!"

"Is it about my engagement?" kinurot ang puso ko. His engagement? Bakit pakiramdam ko'y handang handa siyang gawin iyon? 

Tumango na lamang ako. "Huwag mong masyadong isipin, ako na ang gagawa ng paraan, bigyan mo ako ng panahon para kumbinsihin si Papa na ipahinto ang balak nilang engagement."

Hinila ko siya at mahigpit na niyakap, baka kasi ito ang huli. 

"We'll end up happy, right?" napahagulgol ako sa kaniyang dibdib. 

"Do you trust me?" tumango ako. 

"Then, we will make it."

I'm not yet ready to let go. Pero kung ang pagbitaw ko ay ang ikakabuti niya, gagawin ko. Kung para sa buhay niya, bakit hindi? Pero natatakot ako na bumitaw, e. Ako na naman ba ang maiiwan sa dulo?

"Girls! I have good and bad news!" nagmadali sa pagbaba si Lyndsey. 

"What is it?" itinuon ko ang tingin sa sinusulat pero ang pandinig ay nanatiling nasa kaniya. 

"Dad said, it's time to renovate this house! Ang kaso lang, we have to look for a temporary shelter habang ginagawa 'to," tumango kami. 

"E, kung mag-condo muna tayo?" sabi ni Ivory. 

"Or you could stay in our house for a while?" nakangiting sabi ni Lyndsey, we all agreed to her idea. We'll moving out next week, ayon sa napagkasunduan namin. 

"Good morning," h*****k muna sa akin si Xavion bago inalalayan papasok sa kotse.

"Good morning," bati ko. 

"Kumain ka na?" I nodded and fired the same question back to him. 

"Syempre naman." 

"Sasabay ka ba mamaya sa amin?" may bahid ng lungkot ang aking tono. 

"Of course," he caressed my cheek before stealing a kiss. Pero ang saglit na halik ay napalitan ng mapupusok. Kaunti na lang ay dumantay na siya sa akin para maabot ang labi ko. 

"Tastes like macaron," we both chuckled. Tumuloy kami sa daan papuntang school, we're both listening to music at panay ang asaran. We were both happy until someone showed up. 

Hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya sa harap namin. Si Xashna at Ate Xyrile, sa harap nila ay ang babaeng kasama ni Xavion kahapon. Madilim ang tingin sa kaniya ng magkapatid, kaunti lang ay maari ng patumbahin si Phenny. 

"Tonton!" masayang sabi ni Phenny kay Xavion pero napalitan ng pagtataka ang ngiti niya nang makita ang magkasiklop na kamay namin ni Xavion. 

"Ton, who is she?" ilang beses siyang kumurap, nalilito na tumingin sa amin.

"She's my girlfriend." 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status