ANMELDENA Collection of Love Stories! Have you ever met someone who became the focus of your love? Have you ever been passionate to the point of obsession? Have you ever felt desire for somebody? Here's a collection of stories about the people who were confused on what they felt for each other. Read about their Heart's Desire!
Mehr anzeigen"A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob."Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?""Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas.Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander..."Papa--""Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang.""Pero, Papa--""Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library."Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."Nalinga
The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire. Nakaramdam ng kilabot si Kate kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.'I want you...' bulong niya sa sarili.Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae. Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?Kate giggled with the realization.Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?"Are you drunk, Kate?" Narinig niya ang tanong ni Zander kaya nagpilit na naman siyang dumilat."No--" Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo."Yes, you are, sweetheart," pakli ng lalaki. "I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine."Kate giggled again. Her eyes were closed again."Am I drunk?" tanong pa niya.Hinaplos ng isang kamay ni Zander ang kanyang noo at buhok n
"Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin," untag nito.Sumulyap siya kay Kate. Nakatitig ito sa hawak na kopita."Kate?"Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Zander would like to kick himself for being such an insensitive fool. His wife looked ready to collapse. Tumingin siya sa biyenan. It was up to him for now.Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kate. Hinugot niya ang papeles sa loob ng breast pocket ng suot na blazer na abuhin."Ikinasal po kami ni Kate kahapon, sir," simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya."Ikinasal?" ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Mas malaki ang pag-aalala.Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon."Kate?" Ang anak ang binali
Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae."So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito."I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak."Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy
"M-maawa ka sa akin..." pagsusumamo nito habang nagpupumilit ibangon at ilayo ang sarili. Pinigil niya ito. Niyapos niya nang mahigpit ang nanginginig na katawan."Hey, don't be afraid," Zander crooned softly against her ear. "I won't hurt you anymore."Ibinaling ng babae ang mukha ha
Zander cleared his throat guiltily. "You're too young to be unchaperoned on a vacation trip," katwiran niya."I'm twenty-seven," pahayag ng babae.Nagulat siya dahil hindi mukhang twenty-seven ang kaharap."What do you do in Zamboanga?""May rantso si Papa. At tumutulong a
But it's done now... Nothing could ever restore her ruined future. She would remain an emotional wreck forever. She could not shake off the heavy shrouds of depression."Wala ka bang sasabihin, Dorothy?" untag ng lalaki. "You can get mad at me. Saktan mo rin ako. Pagmumurahin. Tatanggapin k
Muli, may kung anong sumundot sa kanyang konsensiya. 'Could he ravage a helpless woman?' tanong ni Zander sa sarili.Ngunit agad na sumingit ang larawan ni Sonia, pati ang mga biktima ng walang habas na pambobomba na kagagawan ng mag-amang Saldivia."Don't act like a sacrificial lamb,






Rezensionen