Share

10 - Anino

Author: red_berries
last update Last Updated: 2024-11-25 21:54:17

Nagsalubong naman ang kilay ni Elle. Tiningnan pa niya ang delata bago sumagot.

"Delata. Hindi mo ba alam ang ulam na 'yan?"

Tamad naman na tumingin si Jack kay Elle bago nilayo ang nilapag na deleta.

"Kuhanin mo at itabi. Kaya kong kumain ng walang ulam."

Hindi alam ni Elle kung maiinis ba siya sa pagtanggi nito o sa wala itong ulam.

"Marami pa naman ang kanin mo kaya sige na kainin mo na 'yan. Ipagpalagay na lang natin na hindi ka na nakapagluto ng ulam mo dahil gabi na ng umuwi. Hindi ko naman pababayaran iyan sayo."

Ngumunguyang tumingin sa kanya si Jack na kalaunan ay tumayo muli para kumuha ng mangkok, madali na lang na buksan iyon dahil hindi na gagamit pa ng kutsilyo. Tahimik na iniwan na lang niya si Jack sa kusina habang kumakain. Hindi naman palabas sa telebisyon ang pagkain ni Jack para panoorin niya kung paano nito nguyain ang kanin.

Humiga na siya sa papag, pero hindi pa man, nakaramdam na siya ng init, mas malamig pa sa labas kaysa sa loob ng bahay. Hindi naman
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise    11 - Pagpapanggap

    Umangat ang gilid ng labi ni Jack, at habang nakahalukipkip ay muling niyang tinanaw ang tao na alam niyang nakamasid sa kanilang dalawa ni Elle. "Pag patak ng alas-singko ng umaga ay dapat gising ka na, dahil libre ang bigas para sayo, ikaw ang magsasaing mula umaga, tanghali, at hapon." "Ha?!" Nilakasan talaga ni Elle at ginawa niya iyon malapit sa tenga ni Jack. Napapikit naman ang binata at at napakamot sa kilay nito. "Ang ingay mo, pero iyon na talaga ang dapat mong sundin. Iyon na lang ang bayad mo sa kanin na kakainin mo." Napangiwi si Elle. "Parang sinabi mo na rin na nakatira ako ng libre sa bahay na 'to. Fyi lang ha, magbabayad rin ako buwan-buwan sa bahay na 'to!" "Bahay lang, hindi kasama ang pagkain doon. Hindi ka naman siguro tamad para hindi sundin ang utos ko." "Hindi ako tamad no!" Bumuntong-hininga si Jack at naghanap na lang ng tarapal na itatabing niya sa bigas. Walang makakakuha niyon dahil sa bantay niyang mga nakatago sa halaman, hindi lang isa kung hind

  • Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise    10 - Anino

    Nagsalubong naman ang kilay ni Elle. Tiningnan pa niya ang delata bago sumagot. "Delata. Hindi mo ba alam ang ulam na 'yan?" Tamad naman na tumingin si Jack kay Elle bago nilayo ang nilapag na deleta. "Kuhanin mo at itabi. Kaya kong kumain ng walang ulam." Hindi alam ni Elle kung maiinis ba siya sa pagtanggi nito o sa wala itong ulam. "Marami pa naman ang kanin mo kaya sige na kainin mo na 'yan. Ipagpalagay na lang natin na hindi ka na nakapagluto ng ulam mo dahil gabi na ng umuwi. Hindi ko naman pababayaran iyan sayo." Ngumunguyang tumingin sa kanya si Jack na kalaunan ay tumayo muli para kumuha ng mangkok, madali na lang na buksan iyon dahil hindi na gagamit pa ng kutsilyo. Tahimik na iniwan na lang niya si Jack sa kusina habang kumakain. Hindi naman palabas sa telebisyon ang pagkain ni Jack para panoorin niya kung paano nito nguyain ang kanin. Humiga na siya sa papag, pero hindi pa man, nakaramdam na siya ng init, mas malamig pa sa labas kaysa sa loob ng bahay. Hindi naman

  • Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise    9 - Pang-asar Na Lalaki

    Tumingin si Franz sa table at inalala kung ano nga ba ang date bago mag-alas-dose ng gabi. Nang mapagtanto niya ang lahat ay agad siyang lumapit kay Elle, ngunit hinawi lang nito ang kanyang kamay. "H-Huwag na huwag mo saking idadahilan na kailangan ka na naman ng kaibigan mo kaya hindi mo naalala ang special na araw para sa ating dalawa! Sawang-sawang na ko sa paulit-ulit mong rason!!" Muling bumuhos ang luha ni Elle na puno ng hinagpis para kay Franz. "I-Im sorry... hindi ko naala—" "Bakit mo nga naman aalalahanin? Simula ng dumating ang kaibigan mo na 'yon, lahat ng special satin parang naging normal na lang para sayo, at minsan nakakalimutan mo na ang lahat satin, mas naaalala o pa ang sinasabi sayo ni Blair!!" Sinubukan hawakan muli ni Franz si Elle pero lumayo muli ito. "H-Hayaan mo muna akong magpaliwanag kung bakit hindi ko naalala kanina. Nadulas siya sa banyo at tanging ako lang ang tinawagan niya kaya nagpunta ako sa bahay niya, pero hindi ako maka-alis dahil wala sa

  • Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise    8 - Sakit Ng Nakaraan

    Sinubukan ulit pagdingasin ni Elle ang kahoy, at sa pagpipigil na mawalan ng pasensya ay tuluyan ng nag-apoy ang ilang pirasong kahoy. Sinalang niya ang kaldero at iniwan iyon doon para pumasok ng kwarto. Mamimili siya ng delata para sa hapunan niyang ulam, kakain na siya pag naluto na ang kanin. Hindi naman niya alam kung saan nagtungo si Jack, at isa pa, hindi na niya kailangan pang hintayin ang lalaki. Muling bumalik si Elle sa kusina para tingnan ang sinaing, tinaas niya ang takip ng kaldero, kumukulo na iyon at malapit ng maluto, kaya inalis na niya ang ibang kahoy para hindi masunog ang ilalim ng kanin. Kumuha siya ng mangkok, kutsara, at plato para handa na siyang kumain pagkatapos maluto ng kanin. Ilang minuto lang ang hinintay ni Elle ay luto na ang kanin. Kahit mainit ay nagtiyaga siyang kumain kahit halos mapaso na ang dila niya sa init, puwede namang palamigin at kainin, pero ewan ba niya at gusto niyang kumain ng maaga ngayon. Pagkatapos ubusin ang lahat ng kanin at de

  • Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise    7 - Gigil Sa Apoy

    Pumasok si Jack sa kwarto at sinarado agad ang pinto. Naiwan naman si Elle na natulala. Kalaunan ay umamba na lang siya ng suntok sa pinto ng kwarto ni Jack bago pumasok sa kwarto niya para punasan ang papag na makapal na ang alikabok. Nagtiyaga si Elle si pagpupunas hanggang sa nawala ang alikabok sa papag. Kailangan malinis iyon dahil wala naman siyang sapin o kumot man lang. Inis niyang tinapon ang damit na kinuha pa niya sa loob ng bag niya, ginulo ang buhok at nagbuga ng hangin. Nawa'y magtagal siya sa lugar na 'to, dahil ito lang ang lugar na puwede siyang hindi makita ni Franz. Nahiga si Elle. Kahit paano ay may unan siyang nakita na nakapatong sa maliit na lamesa. Pumikit siya at hinayaan na tangayin ng antok. Samantala, pagkalipas ng ilang oras, tulog pa rin si Elle. Nakaraan na rin ang tanghalian pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Habang si Jack ay naghahanda na para umalis ng bahay. Nagsuot muli ito ng damit na may mahabang manggas, pajama, gloves, at damit na s

  • Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise    6 - Kundisyon Ni Mister Sungit

    Nang lumakad ang matanda ay sumunod agad si Elle. Nasa likod lang siya dahil may kabagalan na rin ang paglakad ni Lola Tyla. Habang palapit na sila sa bahay ay nakatitig lamang si Elle doon, may ibang parts na din kasi ng bintana ang wala na, pero may harang naman na sako. Kung sa siyudad ang may ganoong bahay, siguradong makakapasok ang mga kawatan. Lumingon muli si Elle sa likuran ng matanda na muntik pa niyang mabunggo dahil nakatutok ang pansin niya sa bahay. Napangiwi siya dahil kamuntikan na iyon at baka mabuwal pa ito. Sa likurang pinto ng bahay sila dumaan, kaya nakita ni Elle ang kusina. Maayos naman, hindi lang katulad sa nakagisnan niyang itsura ng kusina. Nang nakarating sila sa sala ay nadatnan nila Sandy si Jack na nakasandal sa mahabang upuan na gawa sa kahoy habang nakapikit ang mata nito. "Iho." Nagmulat naman si Jack ng mata at tumingin sa gawi nila Sandy. "Nay." Umayos ng upo si Jack, tumingin kay Elle saka bumalik muli kay Tyla. "Gusto kitang makausap tungkol

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status