Share

Chapter 5

Chapter 5

Beautiful voice

Rinig na rinig ko ang mga sigawan ng mga ka-klase ko dito sa stage. Kaharap ko ang stand mic. Nahihiya ako pero kailangan to.

Tumugtog ang music at sakto ding nakita ko si Keane at mga ka gang niya papasok sa pintoan. Pinipigilan kong ngumiti.

Napatingin ako sa harapan at nakita si Crystal at Shane na nag vi-video. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at sabay naman silang nag good luck.

Pumikit ako at kumanta na. Dadamahin ko ang kantang ito talaga.

Everytime you walk into the room . Got me feeling crazy, shock my heart boom boom

Fene-feel ko yung kanta. Nakapikit ako at dumidilat din. Malamig ang boses ko.

Any other girl would stare But me, 
I look away 'Cause you making me scared

Lyrics is like a words na para kay Keane. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko naman kaya dahil hindi naman kami close.

Tryin' not to breathe 1, 2, 3

Everytime he look at me nawawalan ako ng hininga dahil sa ka gwapohan niya. Na e-intimidate ako pag nakatingin siya. Sa mga mata palang niyang nakakatunaw.

Tryin' not to freak when you look at me

Trying to be calm even if I'm not. Kahit na sasabog na ako sa kilig kailangan parin kumalma dahil baka isipin niyang baliw na baliw ako sa kanya na siyang tunay naman.

Gotta make a move but I freeze
You don't have a clue what you do to me

Pagbukas ng aking mga mata ay nakita ko ang nakatinging si Keane sa akin ng malalim. Kinakausap siya ni Chase pero tango lang ang sagot niya habang nakatingin sa akin. Umiwas ako kasi baka hindi ko matapos ang kantang to dahil sa panginginig.

Boy, you make me shy, shy, shy

Marami ang mga sigawang narinig ko at ang sigaw talaga ni Crystal at Shane ang puma-ibabaw sa lahat dahil nasa front naman sila.

You make me run and hide, hide, hide

Patapos na ang kanta at hindi mawala sa isip ko ang tingin ni Keane sa akin kanina. Bakit siya ganun makatingin? Pinapaasa niya ba itong puso ko? Pinapaasa niya ba ako? Damn!

Can't even talk to you boy, you make me shy

Ngumiti ako at nag bow na sa harapan. Marami ang nag sigawan at tanging tawa lang ang maisasagot ko dahil nakakahiya.

"Aella! Kanta ka pa! Gusto pa namin marinig boses mo."Rinig kong sigaw ng lalaki sa dulo ng umupuan. Kinagat ko ang labi ko dahil sa narinig.

"Aella! I like your voice! Ang galing mo!"

"Mapapansin ka na ni Keane niyan!"

Ngumiti ako ng pilit. Nahihiya na talaga ako. Sing pula na ng kamatis ang pisngi ko siguro.

"Thank you, Aella Monteverde for that wonderful song you've shared. Your voice was like an Angel whispering to us. Beautiful."

Napatingin ako sa M.C na nakangiti sa akin. Hindi ko inaasahan ang pahabol niya.

"Keane, crush ka nito, pansinin mo na!"Tumawa pa ito habang nakatingin kay Keane.

I saw him smirked and shook his head. Nakita ko rin si Kyzo na katabi niya ngayon. Malamig ang tingin sa akin.

Maraming sumigaw dahil doon.

"Date na yan!"

"Kinikilig na yan!"

Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan kong nakangisi. Sila pa ata ang kinilig.

"Nakakahiya ka."Bulong ko sa M.C na tumawa lang.

Mabilis na natapos ang contest. Magagaling ang mga kalaban ko pero laking pasasalamat ko nung ako ang nanalo.

Kasama ko sila Crystal at Shane na nag lalakad papunta sa parking lot. Malayo palang kami ay tanaw na namin ang bogbogang nangyayari.

Nakita ko si Keane na may binubogbog. Taga ibang iskwelahan ito kasi iba ang uniform.

"Ghad! Anong nangyayari dyan?"Ani Crystal sa biglang boses.

Sinipa ni Keane ang lalaki at sinuntok ito sa mukha. May dugo na nga ang puting pulo nito.

"Hayaan mo na sila, ganyan talaga pag Gangster. Sino-sino nalang aawayin."Ani Shane sa naiinis na boses.

"Oh, shit! Si Chase, papatayin na ata ang naka pula!"Bulalas ni Crystal.

Nakatitig lang ako sa nangyayaring bogbugan. Ganyan pala talaga ang gawain nila. Ang astig!

Naka dapa na ang nakapulang lalaki sa sahig habang patuloy sa pag sipa si Chase. Tumingin si Kyzo sa akin at may sinabi ata siya kila Chase dahil napahinto ito.

"Tara na guys, gutom na ako. Octagon tayo. Let's go!"Hinila na kami ni Shane kaya nabitiwan ko din ang tingin ko kay Keane.

Bakit parang nag iba ata ang tingin niya sa akin o baka guni-guni ko lang yun dahil sobrang gusto ko siya?

"What do you like, Ae?"Napatingin ako kay Crystal na umiinom ng cocktail.

Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Shane. "Cocktail nalang din. Ikaw na bahala sa pag kain."

Tumango siya at sinabi na sa waiter. Nasa VIP room kami dahil kakain pa kami. Nakakagutom din naman ang nangayari kanina. Hindi ko muna iisipin ngayon si Keane dahil mag e-enjoy kami ng mga kaibigan ko.

Dumating ang mga pag kaing enorder ni Shane at agad namin iyong nilantakan.

"Maya hanap tayo boys."Nakangising saad ni Crystal at may pa kindat pa sa akin at kay Shane.

Ngumiwi ako."Kayo ni Shane nalang."

Sumama ang mukha nilang dalawa aa akin. Tapos na kaming kumain.

"Ang kill joy mo! Ngayong gabi lang naman tsaka single ka naman!"Ngumisi pa si Crystal.

Inirapan ko siya."Taken na ang puso ko!"

Umirap naman siya pabalik."Baliw kana talaga! Pag ikaw ma broken dyan sa lalaking yan wala na kaming pakialam dyan! Bahala na kung iiyak ka!"

"Ang sama mo naman."Natatawa kong sagot.

As if gagawin niya ang sinabi niya. Kailan pa yan hindi nag care sa akin? Hindi ako naniniwala dyan.

"Tayo na sa dance floor."Tumayo si Shane at hinila ako ni Crystal kaya napatayo narin ako.

"Walang excuse ngayon."Sabi niya bago binuksan ang  pintoan.

Wala na akong kawala dito.

Pagkalabas namin ay parang nabingi ako sa ingay ng music. Amoy na amoy ko ang sigarilyo at alak sa mga tao.

Nakakahilo lalo ng nakainom ako kanina sa VIP room. Hindi naman ako mabilis tamaan ng alak pero dahil sa naamoy ko at sa ilaw na pabukas-bukas ay nakakahilo.

Hawak ni Crystal ang kamay ko habang palapit kami sa dance floor. Nakita ko ang classmate ko na nakangiti sa akin kaya nginitian ko din siya. Hindi ko alam ang pangalan nito.

"Congrats, Aella! Ang ganda ng boses mo, sobra!"Sigaw niya upang marinig ko.

"Salamat!"

Sumayaw nalang ako kasama nila Crystal at Shane pero nung nag tagal ay hindi ko na alam kong nasaan sila kaya lumayo ako sa dance floor at nag punta nalang sa bar counter.

Umupo ako sa stool at uminom ng tequila na nakalagay sa shot glass.

Nakaubos ako ng lima pero hindi parin ako natatamaan. Okay panaman ang pakiramdam ko pero may kunting hilo lang. Umaapoy ang lalamunan ko dahil sa nainom.

"You have a very beautiful voice."Napalunok ako dahil sa mainit na hininga na nag tungo sa leeg ko. Shit! Pamilyar ang boses na yun ah.

Ang husky ng boses niya at parang nang-aakit pa.

Lumingon ako at nakita ang pamumungay ng mga mata ni Keane. Ngumiti siya sa akin ng matamis.

"Where's your friends? Alone?"

Bumalik ang tingin ko sa harapan ng mga inomin at nakita ko naman sa peripheral vision ko si Keane na umupo sa gilid nakatingin sa akin.

"I don't know where they went."

Hindi ko siya tinignan pero kita ko naman na tumango siya.

"Hi, Aella. Ang galing mo!"Tumingin ako sa nag salita sa tabi ni Keane. It's Kyzo looking at me with smile.

"Thank you."Nahihiya kong sambit. Ang awkward naman ata ng sitwasyon ko ngayon.

Uminom si Keane ng alak at kinunutan ako ng noo gulaw pa ang kanyang bangang.

"Bakit ako walang thank you? Sinabihan naman kita ng maganda ang boses ah!"

My mouth left hanging dahil sa narinig. Para siyang bata na nag dadabog. Uminom siya ng alak ng parang walang nangyari.

Nakatitig ako sa kanya. Ang hirap mo basahin, Keane! Nakakainis ka na!

"Medyo lasing na yan."Hindi ko tinignan si Kyzo.

Ano ba talaga yang pinapahiwatig mo sa akin, Keane? Hindi ko kailangan ng mga galawan ngayon kailangan ko ng mga salita. Jusko! Na babaliw na talaga ako sayo!

"Pinalayas ka daw?"Napalingon na ako kay Kyzo. Bakit niya alam?

Lumunok ako ng laway dahil sa paninitig niya sa akin para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

Nasa kabilang upuan si Kyzo sa right side ko at dahil nasa left side si Keane ay hindi niya kami maririnig.

"B-bakit mo a-alam?"

Uminom siya ng isang shot ng jack Daniels. "Papa wants to see you after your graduation."Hindi niya ako sinagot. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

Anong kinalaman ng papa niya at anong gusto akong makita? Tangina may kasalanan ba ako na hindi ko alam?

Naguguluhan ako sa sinabi niya.

Nag tiim bagang siya at uminom ulit ng alak. "Anong ibig mong sabihin?"Naguguluhang sambit ko.

"I'll bring you to your long lost father after this graduation."He stated.

What the hell! Ngayong nakuha ko na ang mga sinasabi niya ay nasasabik na ako. So that mean one thing.

Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. "You're my brother."Hindi yan tanong. Nakita ko ang pag ngisi niya bago uminom.

His my brother. Half brother na kailan man hindi ko kilala pero ngayong kilala ko na...Nakikita ko siya palagi pero wala akong alam na mag kapatid pala kami pero siya alam niya...

"Anong pinag-uuspan niyu dyan?"Narinig kong ang boses ni Keane.

"Nothing, Keane."Malamig ang boses ng kapatid ko.

Umirap lang si Keane at tumingin sa akin. "Where's my thank you?"Nag taas pa siya ng kilay.

Masaya ako ngayon sa sobrang saya ko hindi ko mawala ang ngiting nasa aking labi.

Nalaman kong kapatid ko si Kyzo at ma me-meet ko na ang papa kong matagal ko ng hiniling sa panginoon na sana mag-kita na kami at dininig niya iyon at ngayong pinapansin na ako ni Keane ay sobra-sobra na ang saya ko. Thank you Lord.

Baka pinapansin niya lang ako dahil nakainom na siya? May alak ng humahalo sa utak niya pero wala akong pakialam basta kinausap niya ako.

Nakatitig ako kay Keane habang nakangiti. Baliw na talaga ako. Mariin akong huminga at nag pasalamat na. Dahil sa pag pansin niya sa akin, pag tabi niya sa akin, sa inis niya kanina at ngayong pag kausap niya.

The best day of the year. For how many years napansin niya ako!

"Thank you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status