Share

Chapter 4

Chapter 4

Dreams.

Bukas na ang singing contest at kailangan ko talagang sumali dahil sa pambayad ng apartment na tinutuluyan ko.

Nag offer naman si Shane at Crystal na sa kanila nalang ako tumira pero hindi ako pumayag dahil ayaw ko namang maging pabigat sa kanila kaya tinulungan ako ni Shane na kumuha ng apartment.

Nagalit nga si Crystal nong araw na tumawag si Shane sa kanya at sinabing pinalayas ako. Agad siyang pumunta sa bahay nila Shane.

"Bakit? Anong nakain ng ina mo at ganun ang mga sinasabi sayo?!"Galit na galit siya. Sila nalang talaga ni Shane ang pamilya ko.

Hindi ko naman alam kong anong name ng daddy ko na nasa spanya at yung kapatid kung lalaki wala din akong alam sa kanya kaya hindi ko sila mahahanap.

"Kumalma ka nga, Crystal."Kalma lang ang boses ni Shane na naka-upo sa tabi ko.

Nakatayo naman si Crystal sa gilid niya. Parang nanghahamon ng away. Si Crystal kasi yung tipong babae na walang inaatrasan.

"Hindi e, mali yung mga sinasabi ng Mommy niya sa kanya...mommy mo ba talaga siya, Ae?! Nakakainis na talaga! Isa payung kapatid mong inutil! Mapapatay ko talaga yun!"

Tuwing naaalala ko ang galit ni Crystal sa pamilya ko ay nasisiyahan ako, hindi dahil galit siya kundi dahil may concern pang tao na natitira sa buhay ko. Shane and Crystal will always be my family.

"Okay na ba yan?"Napalingon ako kay Shane na kasama ko sa pag gro-grocery.

Itinuro niya ang nasa cart ko na mga pag kain. Tumango ako sa kanya at tumango rin siya. Ako ang mag babayad nito hindi pweding siya nalang palagi.

"Ako na ang mag babayad."Sabi niya ay iwinagayway ang credit card sa ere. Ngumiwi ako at lumingo-lingo.

"Ako na. May pera naman ako."

Hindi siya mananalo sa akin kahit anong pilit niya pang siya ang mag bayad. Kaya sumuko din.

Nakauwi kami sa apartment ko at agad na dinisplay ang mga gulay,  karne at iba pa sa ref.

Umupo ako sa sofa katabi ni Shane. "Ready kana ba bukas? Anong kakantahin mo?"

Wala pa akong napipili na kanta. Nag pra-practise kasi ako ng tatlong kanta pero wala akong mapili.

"I don't know."

Tumaas ang kanyang kilay at parang hindi makapaniwala sa akin.

"Panong 'I don't know'?"

"Tatlo kasi yung napili ko, hindi ko alam kong alin dun."

"Kantahin mo nga ang tatlo at ako na na ang pipili."

Tumango nalang ako at kinuha ang phone ko. Pinatugtug ko ang tatlong kanta at kumanta dun isa isa.

Natapos ako sa pag kanta sa tatlong songs at nakita ko ang hitsura ni Shane na satisfied.

"Gusto ko yung pangalawa. Maganda."Tumango-tango pa siya habang hinahawakan niya ang kanyang panga.

Maganda naman talaga ang pangalawang kanta kaya yun nalang din. Nahihiya ako baka manood si crush para sa kanya pa naman ang minsahe ng kanta.

"Si Keane, nandoon ba bukas?"

She frown."Ha?"

Ngumisi ako."Si Keane."

Nag kibitbalikat siya. "Ewan, di ko alam. Baka. Mahilig yun sa mga music e. Kaya siguradong nandoon yun."

Tumango-tango ako at tumingin sa kawalan. Mahilig siya sa music at pansin ko iyon dahil sa palaging suot niyang headphones.

Kailangan kong galingan bukas dahil magagaling ang kalaban ko. Hindi pa na announce kung anong prize pero yung pera ay na announce na at sabi may dalawang awards pa daw na surprise.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Kinuha ko muna ang phone ko ma may message ni Shane at Crystal sa Group Chat. Parang sira nanaman si Shane at pinalitan ang name ng group.

LaNeTal Group

PrettyAlways (Crystal) : Saan kayo?

Beautiful (Shane) : Nandito sa bahay, aga mo namang nagising.

PrettyAlways (Crystal) : Para fresh, lam mo HAHA. By the way anong time ang singing contest?

Beautiful (Shane) : 7: 30 pm daw.

Alas singko sila nag simulang mag chat. Anong ginagawa ng dalawang to at alas singko nagising, o gising pa.

7 am na ngayon. Nag message mo na ako bago tumayo sa kama. Buti nalang hindi nila pinalitan ang nickname ko.

Aye (Me) : Preparing! Excited ako mamaya baka matalo ako kasi baka pupunta si Keane!!

Pumasok na ako sa banyo at mabilis na naligo. Tapos na akong mag bihis at mabilis na kinuha ang bag ko na may lamang damit at laptop para mamaya at mga papers at nilagay ko sa aking bulsa ang cellphone.

May pasok panaman ngayon pero half day lang. 8 am na tapos 8:30 pa naman ang pasok. Ma la-late ako nito pag hindi ako mabilis na makakakuha ng masasakyan.

Nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag ni Crystal.

"Sup?"

"Asan kana? Sunduin kita?"

"Wag na! Pumapara na ako ng taxi."

Nasa campus na siguro yun. Huminto ang taxi at sumakay ako. Sinabi ko sa driver ang school ko at nag drive na siya.

"Ako mag ma-make up sayo, hah?! Wag ka ng umangal!"

Ayaw ko talaga sa make up dahil nangangati ang mukha ko. Kailangan ko siguro ng hypoallergenic na mga gamit dahil baka masira pa itong mukha ko.

Hindi naman ako maka angal kay Crystal dahil kung aangal man ako paniguradong lalagyan parin ng make up ang mukha ko. Hindi na naman kailangan ng make up e, okay naman ang normal face ko.

"Oh s'ya! Kita nalang tayo sa school."Nasabi ko nalang.

Narinig ko ang pag tili niya. Excited talaga ang isang to.

"Bye bye, Ae. Galing mo mamaya ah."

Pinutol na niya ang tawag at tumingin nalang sa labas. Malapit na pala ako sa school.

Nag bayad na ako at pumasok sa campus. Pinakita ko muna ang I.D ko bago ako pinapapasok. Hindi ako naka uniform at pwede naman dahil half day lang mamaya.

Nakarating ako sa building namin at pumasok na ako. Thank God wala pang teacher dahil baka pagalitan na naman ako. Shit!

"Aella, Fighting!"Tumingin ako sa sumigaw at nakita ko ang lalaking ka-klase Ko. Ngumiti ako sa kanya at pumunta na sa upuan ko. Hindi ko alam ang pangalan niya. Nakalimutan ko.

Hindi ako magaling sa pag memorize ng mga names kaya nahihiya ako sa kanila minsan dahil halos nine months kaming mag kasama hindi ko parin memorize mga names nila.

"Anong kakantahin mo mamaya, Aella?"Aniya ng katabi kong may bangs at hanggang balikat ang buhok.

Makahulugan akong ngumisi sa kanya at kinagat ang labi. "Secret. Nood ka nalang mamaya para masaya at exciting."

Napatawa siya sa sinabi ko."Nakalimutan mo na naman ang pangalan ko no? Ikaw talaga, kahit kailan! Pa check up kana nga, Aella."Galit-galit niyang sabi pero alam kong biro yun.

Ngumisi nalang ako."Basta maganda makakalimutin talaga yan."

Inirapan niya ako at ngumiwi."Pano yung maganda?"

Nag kibitbalikat ako at kinuha ang mga papers sa bag ko. Ito yung nga copy at assignment ko na photo copy ko kahapun.

"Balita ko wala ka nadaw kila, Chyna."Napalingon ako sa bulong ng katabi ko.

"Ah...Lumipat na ako kasi alam mo na malayo ang bahay namin kaya sabi ni mommy mag apartment nalang daw ako para less hassle."Mahabang paliwanag ko pero hindi naman totoo.

Tumango-tango siya."Leizel nga pala, Aella. Wag mo ng kalimutan yan!"Nanliliksi ang kanyang mga chiniting mata sa akin.

I chuckled and nodded.

"Baka may hint ka sa kakantahin mamaya. Share naman kahit kunti."Natatawa parin siya. Hindi ko alam na ganito pala ka ingay ang katabi ko.

Sa ibang subject kasi mag ka-klase kami ni Crystal at Shane kaya dito sa first subject ay hindi.

"Basta para yun kay Crush. I'm going to sing my feelings pag nandyan siya."I wiggled my eye brows.

Her mouth form 'o' shape.

"For Keane. Wow, bagsak na bagsak ka talaga sa lalaking yun ah. Si Kyzo at Cayden at Chase at Keane akin sila lahat."Tumawa pa siya kaya umasim ang mukha ko.

Hindi na ako nakaimik dahil dumating na ang teacher namin. Nag turo siya at nag pa assignment na naman. Palagi nalang.

"Miss Monteverdi, I heard Ikaw ang sasali sa singing contest mamaya. Hindi pa kita narinig na kumanta ah, maganda ba boses mo?"Walang emosyong sabi ng guro namin. I can't believe na tinanong niya sa akin yan pero bago pa ako makapag salita ay nag unahan na ang mga ka-klase kong sumagot.

"Oo, ma'am sobrang galing niyan."

"Ma'am, boses ng anghel yan."

"Pag marinig mo ang boses niya ma'am, hindi ka mag sasawa."

Nahiya naman ako sa mga sinasabi nila. Tumango tango lang si ma'am sa kanila.

"Good luck Miss Monteverdi."

Umalis na siya sa classroom at nag sitayoan na kami para sa last subject. Iba iba na ang mga ka-klase Ko.

"Good luck, Aella."

"You can do it!"

"Fighting!"

Tango at ngiti lang ang mga sinagot ko sa kanila. I feel bad kasi hindi ko alam ang mga pangalan nila pero ganito sila ka supportive sa akin.

"Thank you."

Pumasok ako sa ibang classroom at nakita ko si Shane at Crystal na naka upo na. Umupo ako sa tabi ni Shane.

"What's your dream?"Rinig kong tanong ni Crystal habang naka harap sa cellphone.

Sino ba kausap niya? Tumingin si Shane sa akin pabalik kay Crystal.

"Sinong tinanong mo?"Aniya kay Crystal at hinampas pa ang balikat nito.

Sinamaan niya ng tingin si Shane."Ang sakit nun ah. Malamang sino ba ang nasa tabi ko? Syempre kayong dalawa ang tinanong ko."Umirap pa siya.

Katabi ni Crystal ang pader at si Shane sa left at ako naman. Nasa pinaka likod kami.

"Ganyan, ganyan dapat. Hindi yung nag tatanong ka ng nakatingin sa phone. Baka si Siri ang tinatanong mo at mag mukha pa kaming tanga."

"Baliw! Sagutin niyu nalang kasi."

"My dream? Maging isang singer. Halata naman siguro."Medyo Sarcastic kong sabi na nag patawa kay Shane.

"Sa akin, maging doktor."

Nakita naming isinulat iyon ni Shane sa kanyang phone. Sa notes ata. Trip niya na naman?

"Good luck mamaya, Ae! Pag manalo ka punta tayong club? Inoman."

Puro inoman lang talaga ang nasa utak nitong si Shane. Magaling naman siya sa klase pero sobrang hilig rin uminom si Crystal din mahilig uminom ako lang yata ang hindi.

Umiinom naman ako pero mild lang ayaw kong malasing. Hindi pa ako ready sa stage na yan. 18 palang ako.

"Bet ko yan."Sabat ni Crystal na may ngiti.

"Wala akong pera."Agarang sabi ko naman.

Ngumiwi ang dalawa."Kailan ka ba namin pinag bayad? Hindi na kami tumatanggap ng excuse, Ae."

Mabilis ang oras. Natapos sa pag tuturo ang teacher namin at tapos na ang klase. Nag good luck ang mga ka-klase ko at puro ngiti lang ang maisagot ko. Alas dose na at kakain lang kami nila Shane at Crystal bago mag prepare para mamaya.

"Oh, shit!"Bigla kong bulong sa hangin nang namataan ko si Keane na palapit sa amin.

Papunta palang kami sa canteen at pabalik naman siya kaya mag ka salisi kami ng daan.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Oh My Shit! Bakit yan nakangiti sa akin?!

"Good luck, Aella. I'll watch you sing later."

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko galing kay Keane. I'm gonna die right now here! My dream come true. Shit! Pinansin niya ako?! Kilala niya ako?! Oh my!!

Lumagpas na sila Keane at Cayden sa amin. Habang ako ay napahinto sa pag lalakad.

"Shane, hawakan mo, baka lumipad."Rinig kong tawa ni Crystal sa tabi. Mabilis naman akong hinawakan ni Shane sa braso habang tumatawa.

Tumatawa pa si Shane."Ano, Aella? Punta na tayong Cr? Baka maihi ka."

Sinamaan ko sila ng tingin pero sobra ata ang kilig ko ngayon. Kilala niya ako!! I can't believe it na Kilala ako ng Crush ko?!

"Kain nalang nga tayo!"Pagalit kong sabi pero dito sa loob-loob ko nag fi-fiesta na ang mga paro-paro.

"Asus! Kunyari galit-galitan pero kinikilig naman. Mag tigil ka nga, Ae. Kilala ka naman, hoy!"

Nakasunod lang sila sa akin. Hindi ko pinansin si Shane sa panunukso niya at si Crystal na tawa lang ng tawa. Hindi pa siguro naka get over sa sinabi kanina.

"Ikaw na mag bayad para sa akin, Crystal. Wala akong pera."Sumalampak ako sa upuan. Tumatawa si Crystal habang nag o-order at si Shane na nakatingin kay Crystal na nandito sa tabi ko.

"Para na kayong tanga."Ani ko kay Shane.

Ngumisi siya ng napakatamis. Kulang nalang mga langgam.

"Ang saya siguro natin ngayon ah? Akalain mo yun, pinansin ka ng isang Keane a.k.a Crush mo!"

"Sira!"

Sobrang saya ko na ngayon. Gusto ko ng pumunta sa stage at mag kanta. Hindi na ako makapag hintay para mamaya.

Wag ka lang paasa Keane!

Para na akong lumilitaw sa saya. Sa sobrang saya ko pinipigilan kong ngumiti dahil kay Crystal at Shane na parang tanga kakatawa.

May mga sinasabi kasi si Crystal sa kanya kaya tawa ng tawa si Shane at nanghahampas pa.

I can't wait for the contest later. I'll make you mine, Keane!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status