Share

Chapter 8

Chapter 8

Paasa

"Saan niya nakuha ang number mo?"Dumapo ang tingin ko Kay Shane na may pag tataka ang mga mata. Nag kibitbalikat ako sa kanya dahil maski ako ay hindi alam kung bakit niya nakuha ang number ko.

Tinignan kong muli ang text ni Keane sa aking phone.

Unknown:

I can't pick you up, sorry. Wait for me at New CoastBy the way this is Keane.

"Did you gave your number to someone we don't know, Ae? Kaya siguro nakuha ni Keane ang number mo."I looked at Crystal with frowned.

No one knows my number. Shit, yes. Chyna! She had my number pero impossible namang ibinigay niya Kay Keane.

Nakataas ang mga kilay nila Shane at Crystal sa akin, nag hihintay ng sagot.

"Chyna have my number but it's impossible ya' know?"

Nagulantang ako sa sigaw ni Shane."No, it's not impossible! She's a freak, remember?!"

Sumama ang mukha ni Crystal dahil sa sigaw ni Shane."God, Shane."Humarap siya sa akin at nanliliksi ang mga mata."She has a thing to Keane."

Now I remember the picture I saw at her room. Bakit niya naman ibibigay ang number ko e, alam naman niyang gustong gusto ko si Keane. May kapalit ba?

"Guys, punta na akong New Coast. Baka maunahan pa ako ni Keane."

Crystal frown."What did you say?"Hindi pa makapaniwala ang tono ng boses niya kaya kumunot noo din ako.

"Aella, dapat hindi ikaw ang mauuna doon. Dapat si Keane ang mag hihintay, hindi ikaw!"Shane voice echoed.

Nasa kwarto pa kasi kami ni Crystal. Nakabihis na ako dahil pinilit ako nila na mag bihis. Damit pa ni Crystal ang suot kong floral dress at doll shoes.

Ngumiwi ako sa sinabi ni Shane. Alam ko naman yun e, dapat ganun pero mukhang may gagawin pa si Keane at matatagalan siya.

"Sabi niya mauuna na daw ako."

"Infatuation."Bulong ni Shane at umirap pa. Binulong daw pero rinig ko naman.

Pinalo siya ni Crystal na natatawa kaya natawa nalang din ako. Tumawa si Crystal at hinila na ako.

"Tayo na Shane, hatid na natin baka kidnapin pa pag mag ta-taxi. Alam mo na..."

Nasa likuran kaming tatlo dahil hindi daw pweding mag drive ni Crystal ngayon sabi ni tita dahil gabi na daw.

Nasa legal age na naman kami pero wala lang daw kasing tiwala ang mommy niya.

"Text us kung anong mangyayari hah."Pinakita pa ni Shane ang phone niya.

Tumango ako at natawa."I'll try baka ma carried away ako sa usapan namin, hindi ko na kayo maisip."

"Baka pag katapos nyung kumain aakyat kayo sa kwarto ah. Hotel pa naman yang New Coast."

"Ui, hindi ah."

Umirap lang siya sa akin. Mabilis ang byahe at nakarating narin kami sa New Coast. Alas syete pa naman kaya maaga pa.

"Balitaan mo kami ah."Tumango ako Kay Crystal.

"Wag Kang mag alala hindi kami aalis."Tawa niya at sinarado ang pintoan.

Naguguluhan pa ako sa sinabi niya. Pumasok ako sa New Coast at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa gilid ng glass wall. Nakita ko ang sasakyan ni Crystal na hindi pa umaalis.

Hinihintay talaga ako ng mga ito.

Lumapit ang waiter sa akin at binigyan ako ng tubig at menu.

"What do you like, ma'am?"

Tinignan ko ang menu at shit ang mamahal ng mga nandito. Wala akong pera.

Nginitian ko ang waiter. Nakakahiya."Sorry, may hinihintay pa kasi ako."

Tumango siya at ngumiti din."Okay po."

Nakakaramdam ako ng kaba dahil mag iisang oras na hindi padin dumadating si Keane. Sisiputin niya ba ako?

Nahihiya pa ako dahil ikatatlong balik na ng waiter pero pinapaalis ko dahil Wala pa ang kasama ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ang number ni Keane.

Me:

Keane, where are you? I'm waiting her at New Coast.

Walang reply na dumating. Malapit na akong mawalan ng pag asa. Dalawang oras na siyang wala at nandito parin ako nag hihintay.

Mabilis na kinuha ko ang phone ko sa pag aakalang si Keane yung pero si Crystal lang pala.

Crystal:

Tara na, uwi na tayo.

Lumingo-lingo ako at mabilis na nag tipa ng sagot. Alam kong nakikita nila ako ni Shane dahil nasa gilid lang ang sasakyan nila pero medyo malayo dito.

Me:

Nope, I'll wait. Baka may ginagawa lang, papunta na rin yun.

Dalawang oras na ay mag sisirado na itong hotel at wala pang Keane ang nakikita ko.

Pinaglalaruan niya ba ang feelings ko para sa kanya? The hell is he thinking?

My brothers right, Keane is so heartless to me. Dahil ba alam niyang may gusto ako sa kanya? Dahil ba alam ng campus na gusto ko siya?

What's wrong with him at anong plinaplano niya? Na paasahin ako? Durugin ang puso kong nag mamahal sa kanya?

Ano, Keane?!

Nakita ko ang waiter na palapit sa akin ulit.

"Ma'am, if wala kayong o-orderin pweding lumabas na kayo kanina pa kayo nandito. Hindi po ito tambayan."

Tumango."I'm sorry."Tumayo na ako at nakita ko ang sama ng tingin ng waiter sa akin.

Kanina pa siguro sila naiinis dahil wala akong ginawa kundi paalisin sila.

"Aalis rin naman pala. Tumambay tambay."Bulong ng isang mas batang waiter sa nakakatandang babaeng waiter.

Nahihiya akong lumabas at tumayo sa daan.

"Pinaasa niya nga ako." Bulong ko nalang sa kawalan habang pinipigilan ang luhang babagsak.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang nag babadyang babagsak. Nakita kong lumabas sila Crystal at Shane sa sasakyan at pareho silang may lungkot sa mukha.

"Hayop na, Keane na yun pinaasa ka lang pala!"Galit na sabi ni Shane habang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan.

"Alisin mo na kasi yang Keane sa puso mo, Aella! Wala yung puso! Wala yung pakialam sa nararamdaman mo kaya please move on."

Ang sakit naman mag salita ng babaeng ito. Sumimangot ako sa kanya.

"Nagugutom na ako."

Narinig kong tumawa si Shane sa gilid ko at kumunot noo naman si Crystal habang may inis sa mukha.

Totoo naman talagang nagugutom na ako. Kanina pa akong tanghali walang kain pero dahil nabusog ako sa meryenda kanina pero hindi naman yun sapat.

"MacDonald tayo."Na eexcite na sabi ni Shane sabay hila sa akin papuntang sasakyan.

"Kuya, sa MacDonald tayo."Sabi ni Crystal sa driver."

Tinignan ko ang phone ko nag babakasakaling may text si Keane doon pero wala.

"Hindi yun mag te-text."Naiiritang tono ni Crystal habang sa kalsada nakatingin.

"He is so heartless."Bulong pa niya.

"Crystal, tumahimik ka nga dyan para kang tanga."Natatawang saad ni Shane.

I get Crystal. She's mad at Keane kahit naman ako dahil hindi naman tama ang ginawa ni keane.

Ang sakit kaya pag pinaasa ka ng taong gusto mo. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya para paasahin niya ako at pahiyain.

Hiyang hiya ako sa waitress kanina at sa waiter na nagtanong sa akin.

Keane, I will make you pay. You wait. I'll break your heart when it's my turn. I'm sure of that. Let's turn the table, baby. You'll pay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status