Hahahahhahahahaahh yariii
“WALA pa ba sila?” Hindi na naitago ni Atlas ang inis. Tumingin pa siya sa relong pambisig, pasado alas onse na ng gabi. Ang usapan, dito kakain ang anak at binilin niyang dalhin si John. Pero hanggang ngayon, wala pa rin sila. “I-I think, alam nilang nandito ako, Tito.” Tumingin si Atlas sa malungkot na si Simone. Kailangan niya ng eksplanasyon mula kay John, pero hanggang ngayon, hindi pa dumadating ang mga ito. “What if bumalik ka na lang bukas, Simone?” dinig niyang suhestiyon ng asawang si Keana. Tumingin din ito sa kanya at may pahiwatig na pauwiin na muna niya ang pamangkin. “Tama ang Tita Keana mo, Simone. Bumalik ka na lang bukas ng umaga rito. Sisiguraduhin ko sa ‘yong nandito na sila. Alright?” Mukhang seryoso naman ang Tito Atlas niya kaya tumayo si Simone kahit na yamot na yamot na. Sigurado naman ang Tito niya kaya kailangan niyang magtiwala. Alam niya kung gaano siya kalakas dito, kaya bukas pagbalik niya, nandito na si Kana. Hindi tuloy siya makapaghintay na makita
ANG buong akala ni John, hindi na nila pag-uusapan si Simone. Pero pagdating sa condo ni Kana ay hinarap siya nito, kagat ang labi at namumula ang gilid ng mata. “Alam mo bang naiinis ako, John?” Naikuyom din nito ang labi kapagkuwan. Mukhang pinipigilan nito ang nararamdaman nito. “I’m tired of her! Guess what kung ano ang nagpapataas ng dugo ko ngayon?”“A-ano ‘yon, hon?” nauutal na tanong ni John.“I know, hindi totoo ang video na ‘yon. Pero ang isiping ikaw ang kasiping niya that night? Ughh!! My heart hurts, John!” Tumingin pa ito sa kanya na at napaseryoso. “H-hindi ko alam ang gagawin kapag naging totoo ‘yon.”“H-hon,”“Hindi ‘yon totoo, right? Hindi mo naman gagawin ‘yon sa akin. I know you.”Natigilan si John. Paano ba niya sasabihin kay Kana na hindi siya sigurado? What if totoo nga ang nangyaring iyon? Anong gagawin niya? Matatanggap kaya siya nito?Imbes na sumagot niyakap na lang ni John nang mahigpit si Kana at hinalikan sa ulo. Hindi pa rin niya alam ang isasagot sa no
MATAGAL na tulala si Kana kaya naisipang lapitan ito ni John.“Hon?” untag ni John sa nobya.Mabilis na tinago ni Kana ang hawak na papel pero hindi iyon nakawala sa paningin ni John.“Ay, diyan lang pala naiwan ang kalahati ng resibo? Hinahanap kanina ni Astin ‘yan dahil kailangang mai-record daw.”Napatitig si Kana kay John. “K-kay Astin ‘to?” Tinaas niya ang resibo na iyon.Mabilis na tumango si John. Wala man lang siyang makita na kakaiba sa mga ikinikilos nito kaya pinalis na lang niya sa isipan. Baka gawa-gawa lang ni Simone iyon. Talagang desperada na ang pinsan niya.Binigay na lang niya kay John at nakangiting kumapit dito. Mabilis din niyang hinalikan ito sa labi nang mabilis na ikinawaang nito.“Let’s go,” nakangiting sabi ni Kana rito. Mukhang nagulat na naman niya si John. Hindi na nga nito namalayan na bumitaw siya sa pagkakakapit.Akmang iiwan ni Kana ang nobyo nang hilahin siya nito pabalik. Pumulupot sa maliit na bewang nito ang braso niya at mapusok na sinakop ang la
PAGDATING na pagdating ni John sa tapat ng bahay ni Rogando ay agad siyang nag-doorbell. Hindi na siya nag-alangan. Wala siyang balak na patagalin pa. Hindi na siya natutuwa. Parehas na nasa picture si Rogando kahit na magkaibang pangyayari, kaya sinunod na niya ang nararamdaman. May mga ebidensya naman na sila, pero parang kulang pa kasi. Pero ngayon, malakas na ang pakiramdam niya. Kailangan lang niyang paaminin ito. Galing na si John a condo nito pero wala rin ito doon. Ilang araw na raw itong hindi umuuwi doon ayon sa natanungan niya. Kaya nagpasya siyang dumiretso dito sa bahay nito. Imbes na si Rogando, asawa nito ang humarap sa kanya na ikinagulat niya. “Matagal nang hindi umuuwi rito si Danilo,” mahina at seryosong sabi nito. Pero iba ang sinasabi ng mata nito kaya hindi niya maiwasang magduda. “S-sige ho, tatawagan ko na lang siya.” Tumango si Mrs. Rogando sa kanya. Nagpaalam na rin siya kapagkuwan. Umisang sulyap pa si John sa bahay na iyon bago bumalik sa sasakyan. Hin
AKMANG hahawakan ni Kana ang kamay ni John para pigilan itong pumasok sa silid ni Simone nang tanggalin nito ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay niya nang din napansin ni John.“Hindi ka pa sigurado na ikaw ang ama, ‘di ba?”“Saglit lang naman ako. Saka ayokong dumating ang araw na pagsisisihan ko ang bagay na ito, hon.”Hindi nakaimik si Kana. Napayuko lang ito.“Aalamin ko lang ang kalagayan ni Simone. Pangako, mabilis lang ako.” Nag-angat nang tingin si Kana. Wala siyang emosyon ng mga sandaling iyon, pero hindi man lang nakita ni John. Ang isipi nito ay nasa babaeng umuukupa ng silid na iyon.Mapaklang ngumiti si Kana pagkuwa’y tumango na lang. Wala naman siyang magagawa. Paano nga kung si John ang ama? Hindi naman niya ito masisi dahil nawalan ito nang ulirat. Kaya ang dapat na sisihin, si Simone lang. “S-sa cafeteria lang ako,” paalam niya kay John. Mabilis ang pagtango ni John sa kanya. Medyo disappointed lang siya. Gusto niya sanang pigilan siya nito at isama sa loob, p
NAKANGITING kumaway si Kana kay Grant nang makita itong nakasandal sa sasakyan. Nasa labas na siya noon ng ospital. Sabay silang nagtungo na naman dito ni John. Pero magkaiba ang sadya nila. Siya sa doctor na tumingin sa kanya nitong huli. Si John naman ay… Pinilig ni Kana ang ulo dahil sa isiping iyon. “Kumusta? Ano ang sabi ng pinsan ko?” Oh, yes. Napag-alaman niyang pinsan iyon ni Grant matapos makita ang full name nito sa hawak niyang result kanina. Kita ni Grant ang lungkot ni Kana kaya lumapit ito para yakapin ang kaibigan. Ilang beses pa nitong hinaplos ang likuran ni Kana kaya nakaramdam ang dalaga nang pag-iinit sa mata. Kaya tinulak niya ang kaibigan at tinampal sa dibdib. “‘Wag nga ako! Alam mo na ang result tapos tatanungin mo ako?” kunwa’y sabi ni Kana. Sinabi lang niya iyon para hindi na niya maramdaman ang pag-aalala nito. “Kaya ka nga nandito, tama ba?” Hindi naman magaling magsinungaling si Grant kay Kana kaya kamot sa ulo lang ang ginawa nito. “Actually, kinuli
“KAILANGAN mo nang pahinga, Ma’am.” Inilapag ni Maricel ang gamot sa mesa niya. “Tawagin ko ho ba si John—” “‘Wag!” pigil ni Kana nang marinig ang sinabi ng secretary niya. Hinilot niya ang braso niya dahil nangangalay din. “O-okay po.” Nagpaalam na sa kanya si Maricel kaya napasandal na siya sa upuan niya. Wala nang aircon pero nilalamig pa rin siya dahil sa lagnat. Hindi niya alam kung dahil sa naging tagpo nila ni John o dahil sa check up niya kanina. Umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang sinabi ng doctor. *** “I’m sorry, Miss Palma. Same pa rin ang diagnose. You have leukemia. Nagsasayang ka lang ng oras, hindi na mababago iyon. Kaya ang sinasabi mo sa akin na chest pain na nararamdaman mo lately ay isa sa symptoms. Hindi lang dahil sa nasasaktan ka sa mga nangyayari sa relasyon niyo ng boyfriend mo, iyon dahil sa sakit mo. Kahit ang pagsusuka mo, isa rin sa sintomas. Kaya dapat harapain na natin ito.” Umiling-iling siya rito. “Tell me, doc? Biro lang ito, ‘di ba?” Naroon
MAAGANG nagising kinabukasan si Kana para puntahan si John. Pero pagdating niya, nag-aayos na ng gamit si John. Lahat na ay isinilid nito sa isang bag. “S-saan ka pupunta?” nauutal niyang tanong. Kahit na alam ni Kana ang problema ng nobyo, nagawa pa rin niyang tanungin ito. Kagabi kahit na sinabi na niyang hahayaan ang nobyo, pero hindi niya pala kaya. Nagpadala siya nang text dito kagabi pero wala siyang reply na natanggap. Sinabi niyang puntahan siya nito sa silid niya, pero namuti lang ang mata ni Kana. Doon siya nagsimulang mag-alala. Hindi niya pala kayang ibigay si John kay Simone. Pero mukhang galit din ang nobyo sa kanya dahil sa pagkakulong nito noon. “Nagpaalam ako sa Daddy mo, may mahalaga lang akong gagawin sa Bicol. Babalik din naman ako kaagad. Baka kasi biglang tumawag din si Simone.” Parang gustong magsisi ni Kana na pumunta siya rito. Sana pala hindi na. Ang aga nitong manakit. “Simone,” bigla na lang inulit ni Kana ang pangalan ng pinsan niya. “S-schedule na b