Mabilis na kumalat ang chismis sa SVT matapos matanggal si Selene sa major project. Lahat ay may kanya-kanyang kwento, may dagdag, may bawas.
“Balita ko si Mr. Thorne ang nagtanggal sa kanya?”
“Oo, galit na galit daw siya rito.”
“Nakakapagtaka nga eh, bakit kailangang mangialam si sir dito?”
“Baka may nagawa siyang lubos na ikinagalit ni Mr. Thorne. Remember, the gossip about her being a slut?”
Habang si Selene ay nilulunod ng panghuhusga, si Marion naman ay tila lumulutang sa ulap. Siya ang pumalit kay Selene sa proyekto at hindi siya nag-aksaya ng panahon para ipagdiwang ito.
“Naku, sa akin naman Talaga dapat ang project, umepal lang ang baguhang ito,” pagpaparinig ni Marion.
“Tama ka, di hamak na may mas marami kang experience dito,” pagtugon ng isa pa nilang kasamanahan.
Nginitian na lamang siya ni Marion at lumabas para kitain ang kanyang savior. “I got the project.”
"Special thanks to—" bungad ni Marion, pero agad siyang pinutol ng babaeng nakatalikod, walang kaemosyon-emosyong bumulong sa kanya.
“Shut up. I told you, wala dapat makaaalam na may kinalaman ako rito.”
Natahimik si Marion. Napangiti pa rin siya, pero halatang nawalan ng kumpiyansa. Alam niyang dahil sa babaeng ito kung bakit nandoon pa rin siya sa position niya. Kaya’t gagawin niya ang lahat para sa taong itinuturing niyang savior.
“Pero bakit ayaw—"
Agad nanaman itong pinutol ng babae. “Diba sinabi ko na sa’yo, huwag kang tanong nang tanong. Now, just do anything para mapaalis mo iyang si Elene,” diretsong sambit niya bago tuluyang naglakad palayo.
“Yes, Ms. Aestra.”
Samantala, isang party ang ginanap bilang selebrasyon pagkatapos magpirmahan ng kontrata ang SVT at panig ng kliyente. Bilyon din kasi ang proyektong iyon kaya nag-sponsor si Damon para sa mga masisipag niyang empleyado.
Pinasara nila ang isang bar upang mabigyan ng pagkakataon lahat ng empleyadong makapagsaya. Puno ng halakhakan ang venue. Lahat masaya. Lahat may kausap. Lahat, maliban kay Selene.
Nasa isang sulok siya ng bar, tahimik at halos hindi pinapansin. Hawak ang baso ng alak habang tahimik na umiinom, paulit-ulit, para bang inaasahang malulunod din sa lason ang bigat sa dibdib.
Akala nito ay dito siya makapagsisimula ngunit parang hindi pa siya nagsisimula’y talon a siya. Iaangat na sana ulit niya ang bason ang may pumigil sa kamay niya.
“Enough,” pamilyar ang boses. “You know you can’t handle alcohol.”
Tinitigan ng dalaga nang mabuti ang nagsalita at kahit blurred ang paningin ay naaninag niya ang pamilyar na mukha.
“A-ano ba,” nauutal nitong tutol bago itulak ang kamay na pumipigil sa kanya. “Pakialam mo ba, Damon Thorne ha. Eh ekaw nga may kashalanan neto kung hinde mo lang ako tinanggal—"
Napahinto ito matapos takpan ng CEO ang kanyang bibig. Pilit pa ring nagpupumiglas ang dalaga pero laban sa katawan ng lalaki? She was no match for him.
Hinablot niya nang marahan ang baso sa kamay nito at inalalayan siyang tumayo. Halos matapilok si Selene pero agad siyang nasalo ni Damon.
Hindi na sila napansin ng mga kasamahan dahil busy ang mga itong kumanta at sumayaw. Ang iba nama’y nakahiga na dahil sa kalasingan.
“Hmmm… Shi-shino ka? Gushto ko pang uminom!” Sumigaw bigla si Selene nang imulat ang mata at ma-realize na wala na siya sa bar.
“Will you shut up. Pag ikaw naospital nanaman dahil sap ag-inom mo,” naiinis na turan ng binata. Inis na inis ito sa sarili niya dahil hindi niya alam kung bakit concern pa rin siya para dito.
Nagdadrive na ito ng kotse nang maalalang hindi alam kung saan ihahatid and dalaga.
“Where are you staying?” tanong niya.
Tiningnan siya ni Selene na parang takot saka niyakap nang mahigpit ang katawan. “Kuya huwag po.”
Napailing nalang si Damon sabay kuha sa telepono ng dalaga. Tumigil muna ito sandali upang hanapin sa telepono kung mayroong pwedeng pagtanungan kung saan ito nakatira.
Ngunit natigil ito nang makita sa contacts ang papa.
Ang alam nito’y pareho silang wala nang mga magulang. Kaya nga nagkamabutihan sila sa kolehiyo dahil marami silang pagkakatulad.
Nang mapansin ni Selene ang pagtahimik ng kapaligiran ay agad itong napabalikwas nang makitang hawak ng binata ang kanyang telepono.
“A-anong ginagawa mo,” sambit nito sabay hablot sa kanyang phone. Sa sobrang kaba ay bigla itong nahimasmasan at tila hindi nakarami ng inom kanina.
Nawala naman ang kaba niya nang makitang nasa contacts lang ang lalaki. Pero bakit parang may Nakita itong multo sa ekspresyon niya?
“B-ba… bababa na’ko,” sabi niya at akmang bubuksan ang pinto nang pigilan siya ng lalaki.
“I will send you home. Tell me your address,” malamig nitong tugon.
Hindi agad nakaimik ang babae.
“Ano na?” Naiinis na tanong ni Damon.
“Uhm, s-sa Bautista Compound, Brgy. San Roque.”
Agad na bumalot ang katahimikan sa pagitan ng dalawa nang banggitin ni Selene ang dating inuupahan nila 5 years ago.
"Still in that tiny apartment? Thought your sugar daddy could afford better,” bulong ni Damon bago paandaring muli ang sasakyan.
Pero sa gilid ng kalsada, isang lalaking sakay ng motorsiklo ang kanina pa pala nakamasid. At sa cellphone niya, litrato ni Selene ang makikita.
Mabilis na kumalat ang chismis sa SVT matapos matanggal si Selene sa major project. Lahat ay may kanya-kanyang kwento, may dagdag, may bawas.“Balita ko si Mr. Thorne ang nagtanggal sa kanya?”“Oo, galit na galit daw siya rito.”“Nakakapagtaka nga eh, bakit kailangang mangialam si sir dito?”“Baka may nagawa siyang lubos na ikinagalit ni Mr. Thorne. Remember, the gossip about her being a slut?”Habang si Selene ay nilulunod ng panghuhusga, si Marion naman ay tila lumulutang sa ulap. Siya ang pumalit kay Selene sa proyekto at hindi siya nag-aksaya ng panahon para ipagdiwang ito.“Naku, sa akin naman Talaga dapat ang project, umepal lang ang baguhang ito,” pagpaparinig ni Marion.“Tama ka, di hamak na may mas marami kang experience dito,” pagtugon ng isa pa nilang kasamanahan.Nginitian na lamang siya ni Marion at lumabas para kitain ang kanyang savior. “I got the project.”"Special thanks to—" bungad ni Marion, pero agad siyang pinutol ng babaeng nakatalikod, walang kaemosyon-emosyong
Matamlay na pumasok si Selene sa kanilang opisina pero hindi inasahan ang magandang balitang naghihintay sa kaniya. “Hindi pala talaga siya nangopya?”“Oo, may expert na dumating kahapon pagkatapos ng showcase tapos nakompirma na pareho lang ang istilo nila pero hindi sila magkaparehong-magkapareho.”“Pero bakit kaya biglang may dumating na eksperto? Napahiya tuloy si Ms. Vellor kahapon.”“Attention.”Natigil ang bulungan nang dumating si Mr. Garcia na nakangiti't may hawak na folder. “The client was pleased by the showcase yesterday. Although, there were some unexpected events,” sambit ng manager bago tumingin sa kinaroroonan ni Selene. Agad naman itong tumungo ngunit napataas agad ang ulo pagkarinig sa sumunod nitong sinabi. “Selene's HavenHue gained the client's attention and he decided to go with it. So, congratulations Selene on your first contract.”Nagpalakpakan ang lahat dahil alam nilang deserve ng dalaga ang pagkilala. Maliban nalang kay Marion na nakatingin nang matalim
Akala ni Selene ay handa na siyang haraping muli ang CEO ngunit hindi pala niya napaghandaan ang nakita niya.Si Aestra, secretary at fiancée ni Damon, nakaupo sa kandungan nito habang nagtatawanan sila at bumubulong sa tenga niya. Hindi siya itinulak ni Damon. In fact, he brushed a lock of her hair behind her ear, his smile became cold and calculated nang makita si Selene na nakatayo roon.“Oh,” sabi ni Damon, “Didn’t see you come in.”Sumikip ang dibdib ni Selene. Pinilit niyang ngumiti nang magalang at lumapit sa mesa ng CEO.“Pina-pinabibigay ni Mr. Garcia,” nagpipigil nitong sambit.“Put it there.” Sambit ng binata at saka tiningnan ang center table sa di kalayuan.Pagtalikod ng Selene ay hindi nakalampas sa pandinig niya ang giggle ng babaeng nakaupo pa rin sa lap ng CEO. “Ano ba honey. Alam mo namang namamanhid pa rin ang balakang ko dahil sa ginawa mo kanina.” Sinubukan ni Selene ‘yung lahat para di ito pansinin, pero ang tanawin na hawak niya ang ibang babae, winawasak nto a
Nasa taxi na si Selene, pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa opisina kanina. May fiancée na si Damon. Paulit-ulit na umuukit sa kanyang isip ang mga salitang iyon, parang bangungot na muling sumugat sa pusong sugatan. Limang taon na ang nakalipas nang bigla siyang iwan nang walang paliwanag. Ngayon, nakita niya si Damon, successful, powerful, at engaged. Lalo lang lumakas ang sakit sa pag-iisip na naka-move on na siya, habang siya’y nakakapit pa rin sa mga alaala nila.Naalala niya bigla ang daan na lagi nilang tinatahak noon sa college. May maliit at lumang café sila na madalas puntahan sa likod ng park. “Even if I have nothing now, I swear, Elene... I’ll work hard. I’ll become the biggest investor in the country. I’ll give you the life you deserve.”Naalala niya na ngumiti lang siya, hindi niya sinabi na may kaya ang pamilya niya. Ayaw niyang layuan ito ng lalaking minamahal niya dahil hindi sila pareho ng estado sa buhayNgayon, iniisip niya kung ang desisyong iyo
Tumayo si Selene sa harap ng matayog na gusali ng SVT, mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Pero alam niyang ito ang kaniyang pagtakas, mula sa kanyang ama, mula sa bigat ng responsibilidad sa kumpanyang nais nitong ipamana sa kanya. Ayaw niyang maging tagapagmana ng Avenir Corporation. Dahil ang pananatili roon ay magbabalik lamang ng mga alaala noong buhay pa ang kanyang ina. Bukod pa rito, nais niyang bumuo ng sariling pangalan lalo na sa mundo ng interior design.Kaya muling ginamit ni Selene ang pekeng identidad na limang taon na niyang nilimot. Kailangan, para hindi siya makilalang anak ng isa sa pinakamayaman sa Mayanka. Nag-apply siya sa isa sa pinakalamalalaking kompanya ng design, umaasang makapagsimula muli."Elene Crawford," mahinang sambit niya habang binabasa ang pangalan sa folder, pangalan ding ginamit niya noon para makapasok sa art school. Hindi niya akalaing magagamit pa ito muli, matapos ang lahat. Ngunit mabilis niyang nilimot ang mga alaala at dumiretso sa reseps