Matamlay na pumasok si Selene sa kanilang opisina pero hindi inasahan ang magandang balitang naghihintay sa kaniya.
“Hindi pala talaga siya nangopya?”
“Oo, may expert na dumating kahapon pagkatapos ng showcase tapos nakompirma na pareho lang ang istilo nila pero hindi sila magkaparehong-magkapareho.”
“Pero bakit kaya biglang may dumating na eksperto? Napahiya tuloy si Ms. Vellor kahapon.”
“Attention.”
Natigil ang bulungan nang dumating si Mr. Garcia na nakangiti't may hawak na folder.
“The client was pleased by the showcase yesterday. Although, there were some unexpected events,” sambit ng manager bago tumingin sa kinaroroonan ni Selene.
Agad naman itong tumungo ngunit napataas agad ang ulo pagkarinig sa sumunod nitong sinabi. “Selene's HavenHue gained the client's attention and he decided to go with it. So, congratulations Selene on your first contract.”
Nagpalakpakan ang lahat dahil alam nilang deserve ng dalaga ang pagkilala. Maliban nalang kay Marion na nakatingin nang matalim sa kumpulan.
Sa pinakataas ng gusali naman ay pumasok si Aestra sa opisina ni Damon, ang tunog ng kanyang mga takong ay malumanay na tumutunog sa makintab na marmol na sahig. Hawak niya ang isang sleek na itim na sobre with no sender information, tanging pangalan lang ni Damon ang nakasulat gamit ang gintong tinta.
“Damon, honey...” “Huwag mong akong tawaging honey,” agad na pagputol ni Damon sa kaniyang sekretarya. “You knew I was just putting on a show.”Ang malamig na tono ng CEO ang nagpatanggal ng ngiti sa mukha ni Aestra. Pero hindi ito naging hadlang para ipasa niya ang package kay Damon, sabay ng isang mapang-akit na tingin.
“This arrived for you. It’s… unmarked,” sabi niya, habang maingat na inilapag ang sobre sa desk ni Damon.Itinaas ni Damon ang kilay at dahan-dahang binuksan ang sobre. Sa loob ay may mga high-resolution na larawan, mga dose-dosenang piraso. Binuksan niya ang unang ilang larawan, at unti-unting nagiging matigas ang kanyang ekspresyon sa bawat isa.Si Selene. Nakangiti. Tumatawa. At Nakaupo sa harap ng isang lalaking may pilak na buhok sa isang cafe. May isang larawan kung saan nakatayo ang mga ito sa harap ng isang luxury hotel. At ang braso niya ay nakayakap sa matandang lalaki nang walang pag-aalangan.
Hinaplos ni Damon ang mga larawan. Kilala niya ang lalaki, si Donatello Harven, isang respetadong politiko mula sa kalapit na lungsod. Nakita na siya ni Damon minsan sa isang summit.
Isang matinding init ang bumangon sa dibdib ni Damon. Sinubukan niyang iwasan ito, pero ang galit ay umapaw. Baka ito ang dahilan kung bakit siya tinanggihan ng dalaga noon? Siya ba ang pinili nito imbes na ang CEO?
Tumayo siya mula sa kanyang upuan na puno ng galit, at naglakad papunta sa bar sa sulok ng silid. Habang ibinubuhos ang inumin sa baso, nilunok niya ito ng sabay, ang mga mata ay nakatuon sa mga larawan nang walang buhay na titig.
Si Elene. Always Elene.
Isang katok ang nagpatigil sa kaniyan pagmumuni.
Pumasok si Selene. Nakasuot siya ng propesyonal na beige slacks at blouse na nakatupi, may dalang tablet at mga file na inutos nanaman ni Mr. Garcia.
“Pinabibigay ni Mr. Garcia. And if you’re free I’d like to talk about the project,” sabi ni Selene, sinusubukang maging propesyonal.
“There’s no need for that. Tanggal ka na sa project,” malamig na sambit ni Damon.
Napatigil si Selene. “Excuse me?” “I said, the project won’t be needing you anymore. Besides, pwede bang sabihin mo kay Mr. Garcia to stop sending you here. I don’t want to see you anymore”Iyon ang pinakamahabang sinambit ng lalaki mula noong magkita sila pero iyon din ang pinakamasakit.
“Damon—”“It’s Mr. Thorne in this office,” mabilis na sagot ni Damon na agad na nagpatahimik sa paligid.
Lumiko si Damon at naglakad patungo sa bintana. “That’ll be all. Pwede ka nang umalis.”
Hesitant na tumalikod si Selene habang sinusubukang intidihin ang sitwasyon pero ang puso niya ay parang tinutusok ng kung anong matulis.
Sinamahan siya ni Aestra hanggang sa pinto, at bumulong, “Akala mo ba sa pag-hire niya sa’yo rito’y babalikan ka na niya? May mga bagay na hindi nagbabago, Elene.”
Kinagat ni Selene ang loob ng kanyang pisngi at umalis nang hindi nagsasalita.
Makaraan ang ilang oras ay tumunog ang telepono ni Selene habang tinititigan niya ang hindi pa nauubos na kape. Tiningnan niya ang caller ID: Uncle Harven.
“Uncle!” sagot niya, pilit na pinapalakas ang tinig na walang kasiyahan.“Aalis na ako 2 days from now. Bakit hindi ulit tayo maglaro ng huling round ng golf bukas? Katulad ng dati.”Ngumiti si Selene, isang genuine na ngiti. “Gusto ko ‘yan.” Bahagyang nakalimutan ang pagkakabigo kanina.
Kinabukasan, nagkita sila sa private Stonewell Elite Golf Course. Ang sariwang hangin ng umaga at ang luntiang kabukiran ay nagbalik ng mga alaala. Ang kanyang uncle, isang mabait pero mailap na lalaki na nasa kanyang fifties, ang nagturo sa kaniya na maglaro ng golf nang siya’y 12 pa lamang. Siya ang naging pangalawang ama sa kanya noong nasa abroad pa ang chairman.
Tawang-tawa siya sa hindi matagumpay na swing ng kanyang uncle, kaya biniruan siya nito, “Hindi ka makakahanap ng asawa kung laging talo ang mga lalaki sa golf, Selene.”
Wala silang kaalam-alam, ngunit si Damon ay naroroon, nakikipag-usap sa mga investors malapit sa kanila. Nakaupo siya sa lounge habang umiinom ng espresso nang makita niya si Selene.
Sa una, akala niya’y nananabik lang siya. Pero nang makita niyang muli ang lalaki mula sa mga larawan, muling sumabog ang galit na kinimkim niya. Tumibok ang kanyang puso sa pagkamuhi at siya’y naglakad patungo sa kanila.
“Elene.”
“Damon?”Naglakad si Damon patungo sa kanila. “Didn’t take long for you to run back to your sugar daddy, huh?”Nagulat si Selene habang ang kaniyang uncle naman ay nagtataka. “Did he just call you Elene?”“U-uh, uncle…”
“Uncle? Ha! What a joke. Nice try Elene. You thought no one would spot you habang nakikipaglandian ka sa kaniya?” Itinuturo niya ang kanyang uncle.Naglakad paabante ang uncle ni Selene. “I think you’re mistaken ijo. Besides, she’s not Elene, she’s…”
“Uhhhhhmmmm, uncle.” Pagpigil ng dalaga sa kaniyang tiyuhin.
Magsasalita pa sana ito ngunit nahila na siya ng binata sa isang private meeting room ng golf course.
“D-damon!” Hindi makapaniwalang sigaw ng dalaga nang mapunit ang pang-itaas nito at lumabas ang kaniyang mga balikat. Isang maling galaw lang at makikitang muli ng binata ang kaniyang dibdib.
Marahas na hinalikan ni Damon ang kaniyang leeg pababa sa balikat ng babae.
Litong-lito si Selene kung bakit nagkakaganun ang binata ngunit nagawa niyang itulak ito palayo.
“W-what's your problem?!”
“Problem? Wow, huwag kang magmaang-maangan Elene. Niloko mo'ko 5 years ago and now you're doing it again!”
Napalikod ang babae sa gulat. “Hindi kita niloko-” napatigil ito nang maalala ang pagtatago niya ng tunay niyang pagkatao.
“Ha! I can't take this anymore. Ilan pa ba ang lalaking tinatago mo huh?!” Bulalas ng kanina pang nagtitimping binata bago ibalibag ang pinto ng kwarto saka umalis.
Naiwan ang babaeng yakap-yakap ang sarili habang pilit na ibinabalik ang napunit niyang damit.
Mabilis na kumalat ang chismis sa SVT matapos matanggal si Selene sa major project. Lahat ay may kanya-kanyang kwento, may dagdag, may bawas.“Balita ko si Mr. Thorne ang nagtanggal sa kanya?”“Oo, galit na galit daw siya rito.”“Nakakapagtaka nga eh, bakit kailangang mangialam si sir dito?”“Baka may nagawa siyang lubos na ikinagalit ni Mr. Thorne. Remember, the gossip about her being a slut?”Habang si Selene ay nilulunod ng panghuhusga, si Marion naman ay tila lumulutang sa ulap. Siya ang pumalit kay Selene sa proyekto at hindi siya nag-aksaya ng panahon para ipagdiwang ito.“Naku, sa akin naman Talaga dapat ang project, umepal lang ang baguhang ito,” pagpaparinig ni Marion.“Tama ka, di hamak na may mas marami kang experience dito,” pagtugon ng isa pa nilang kasamanahan.Nginitian na lamang siya ni Marion at lumabas para kitain ang kanyang savior. “I got the project.”"Special thanks to—" bungad ni Marion, pero agad siyang pinutol ng babaeng nakatalikod, walang kaemosyon-emosyong
Matamlay na pumasok si Selene sa kanilang opisina pero hindi inasahan ang magandang balitang naghihintay sa kaniya. “Hindi pala talaga siya nangopya?”“Oo, may expert na dumating kahapon pagkatapos ng showcase tapos nakompirma na pareho lang ang istilo nila pero hindi sila magkaparehong-magkapareho.”“Pero bakit kaya biglang may dumating na eksperto? Napahiya tuloy si Ms. Vellor kahapon.”“Attention.”Natigil ang bulungan nang dumating si Mr. Garcia na nakangiti't may hawak na folder. “The client was pleased by the showcase yesterday. Although, there were some unexpected events,” sambit ng manager bago tumingin sa kinaroroonan ni Selene. Agad naman itong tumungo ngunit napataas agad ang ulo pagkarinig sa sumunod nitong sinabi. “Selene's HavenHue gained the client's attention and he decided to go with it. So, congratulations Selene on your first contract.”Nagpalakpakan ang lahat dahil alam nilang deserve ng dalaga ang pagkilala. Maliban nalang kay Marion na nakatingin nang matalim
Akala ni Selene ay handa na siyang haraping muli ang CEO ngunit hindi pala niya napaghandaan ang nakita niya.Si Aestra, secretary at fiancée ni Damon, nakaupo sa kandungan nito habang nagtatawanan sila at bumubulong sa tenga niya. Hindi siya itinulak ni Damon. In fact, he brushed a lock of her hair behind her ear, his smile became cold and calculated nang makita si Selene na nakatayo roon.“Oh,” sabi ni Damon, “Didn’t see you come in.”Sumikip ang dibdib ni Selene. Pinilit niyang ngumiti nang magalang at lumapit sa mesa ng CEO.“Pina-pinabibigay ni Mr. Garcia,” nagpipigil nitong sambit.“Put it there.” Sambit ng binata at saka tiningnan ang center table sa di kalayuan.Pagtalikod ng Selene ay hindi nakalampas sa pandinig niya ang giggle ng babaeng nakaupo pa rin sa lap ng CEO. “Ano ba honey. Alam mo namang namamanhid pa rin ang balakang ko dahil sa ginawa mo kanina.” Sinubukan ni Selene ‘yung lahat para di ito pansinin, pero ang tanawin na hawak niya ang ibang babae, winawasak nto a
Nasa taxi na si Selene, pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa opisina kanina. May fiancée na si Damon. Paulit-ulit na umuukit sa kanyang isip ang mga salitang iyon, parang bangungot na muling sumugat sa pusong sugatan. Limang taon na ang nakalipas nang bigla siyang iwan nang walang paliwanag. Ngayon, nakita niya si Damon, successful, powerful, at engaged. Lalo lang lumakas ang sakit sa pag-iisip na naka-move on na siya, habang siya’y nakakapit pa rin sa mga alaala nila.Naalala niya bigla ang daan na lagi nilang tinatahak noon sa college. May maliit at lumang café sila na madalas puntahan sa likod ng park. “Even if I have nothing now, I swear, Elene... I’ll work hard. I’ll become the biggest investor in the country. I’ll give you the life you deserve.”Naalala niya na ngumiti lang siya, hindi niya sinabi na may kaya ang pamilya niya. Ayaw niyang layuan ito ng lalaking minamahal niya dahil hindi sila pareho ng estado sa buhayNgayon, iniisip niya kung ang desisyong iyo
Tumayo si Selene sa harap ng matayog na gusali ng SVT, mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Pero alam niyang ito ang kaniyang pagtakas, mula sa kanyang ama, mula sa bigat ng responsibilidad sa kumpanyang nais nitong ipamana sa kanya. Ayaw niyang maging tagapagmana ng Avenir Corporation. Dahil ang pananatili roon ay magbabalik lamang ng mga alaala noong buhay pa ang kanyang ina. Bukod pa rito, nais niyang bumuo ng sariling pangalan lalo na sa mundo ng interior design.Kaya muling ginamit ni Selene ang pekeng identidad na limang taon na niyang nilimot. Kailangan, para hindi siya makilalang anak ng isa sa pinakamayaman sa Mayanka. Nag-apply siya sa isa sa pinakalamalalaking kompanya ng design, umaasang makapagsimula muli."Elene Crawford," mahinang sambit niya habang binabasa ang pangalan sa folder, pangalan ding ginamit niya noon para makapasok sa art school. Hindi niya akalaing magagamit pa ito muli, matapos ang lahat. Ngunit mabilis niyang nilimot ang mga alaala at dumiretso sa reseps