Share

Chapter 5

"Grabe pre! Akalain mong may naglalakas loob ng banggain ang 'sang tulad mo? Hahaha!!" pang-aasar na komento ni Kevin. "Isang Drix Tharn Sebastian, hindi kilala? Bago 'yon pre sa kasaysayan mo! Hahahaha!! Ang astig niya lang." tatawang dagdag pa nya. 

"Anong astig dun? Eh ikaw na nga ang nagsabi. BAGO lang sya. Kaya hindi PA.. nya ako kilala. Pero 'wag syang mag-alala, dahil magpapakilala ako sa kanya ng maayos!" ngisi kong tugon. At sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan kung pa'no ako magpakilala. 

"'Yan! 'Yang ganyang ngisi mo pre, alam na alam ko 'yan! Ngisi ng taong nagbabalak ng masama!" si Kevin . 

"Baka trip mo 'yon? Hahaha!!" si Steve. 

"Gusto mong sapak? Trip pinagsasabi mo dyan? 'Wag ka ngang patawa!" inis kong sabi kay Steve. 

"Easy! Makareact oa ah?" si Steve. Nagtawanan naman silang dalawa. 

Tsk! Kahit malakas mang-asar ang dalawang 'to, the best bestfriends naman 'tong dalawang kulukoy na 'to! Maasahan sa kahit anong bagay. Mapatino man o hindi.

Tungkol sa kung bakit ko nilapitan ang hambog na iyon, ay sa kadahilanang sya lang ang bukod tanging hindi man lang natinag at walang pake nang dumating ako.

Ako na si Drix Tharn Sebastian!?

Ang pinagpapantasyahan ng kababaihan sa campus! Three times MVP and at the same time captain ng basketball team ng SA! Pinagkamalan pa talaga akong lecturer! Huh! 

'Masyado kang nakakalalaki!' 

Napahiya ako sa ginawa nya kanina! Sa tanang-buhay ko, wala pang naglakas loob na magpahiya sakin ng ganun! Sya pa lang! Tignan lang natin kung hanggang sa'n ka kayang dalhin ng angas mo, kapag ako ang nantrip sa'yo!

Nagtuloy lang ako sa pagkain. Sa paglingos ko'y saktong pagpasok ni Hambog ng cafeteria. Deretso sya sa counter. Matapos n'yang makuha ang kanyang order, lumilingalinga sya sa buong cafeteria, mukhang naghahanap ng mauupuan. 

Karamihan ng mata ng mga estudyante'y nakatuon sa kanya. Kahit sina Steve at Kevin ay napansin ang pagtitinginan ng karamihan. Hanggang sa makarating sya sa bakanteng mesa sa sulok. Malayo sa karamihan.

Kahit sino ay mapapansin sya, well, if you will see her right now, she look 'common'. Hindi sa panalalait pero... 'Wala syang kadating dating sa katawan!' 

Hindi pa man nag-iinit ang p'wet nya sa pagkakaupo nang biglang tumilapon sa mukha nya ang kinakain.

Hahaha!!! Now, she really look a mess! She deserve it anyway. 

Napapikit sya. Halatang nagpipigil ng galit. Nagtawanan ang mga estudyanteng nasa cafeteria. Kahit ako'y medyo natawa. Hahaha!!! She looked miserable in her clothes dude! 

Kinuha nya ang panyo sa loob ng bag at ipinunas sa damit nya'ng puno ng dumi gano'n din sa baduy niyang salamin. Na para bang sa paraang nyang iyon ay mawawala ang dumi sa kanyang damit. Pero ang nakakainis, parang wala lang sa kanya ang nangyari. Walang kahit anong reaksyon o ekspresyon ang nagpapakitang inis o galit sya. Grabe sa pagkaweirdo ang 'sang to! Kung sa'kin nangyari yan? Ora mismo! Tanggal na sa listahan ng mga estudyanteng pumapasok dito ang kung sino mang may kagagawan niyan! 

Nagpatuloy lang sya sa pagpunas. Natahimik ang lahat sa malakas na ingay dulot ng biglaang pagtunog ng bangkong kanyang inuukupa. Naningkit ang mata ko ng bahagya nyang paglibot ng tingin. Sa tingin ko'y mukhang inaalam niya kung saan naroroon at sino man ang gagong gumawa no'n! Sinundan ko ng tingin kung sa'n sya nakatitig. Kay Roy! 

Iyan ang pinakaluko sa campus! Well, ibang kalukuhan mero'n ang isang 'yan, kumpara sa'kin. Lahat binabangga at pinapatos ng isang 'yan! Kaya karamihan sa mga estudyante dito sa campus ay iwas at takot na makabangga sya. Except sa akin! And my bestfriends of course!

"Oh my god!? Mukhang may round two ang gulo nila ni Roy!" may arteng komento ng isang babae. Naagaw ang pansin ko sa sinabi ng babae na nasa kabilang side ng table namin. 

'Round two?' 

Sa dating nya, hindi ako magtataka kung gulo ang masalubong nya. Masyadong maangas kung kumilos! Mayabang! Sa bawat lakad niya, iisipin mong gulo ang hanap nya. Nakatuon pa din ang atensyon ko sa kabilang mesa pero ang mga mata ko ay na kay Hambog. 

"Mukha nga! Hindi ba s'ya natakot at nasaktan sa paghampas sa kanya ni Roy kanina?" 

"Mukhang naglalakas lakasan. Binalaan pa nga n'ya sina Roy kanina eh!"

"Grabe! Parang hindi sya babae! Nahampas na nga't lahat parang hindi manlang ininda ang sakit." 

Masakit 'yon panigurado! Masapak pa nga lang, masakit na! Mahampas pa kaya? 

Lumapit si Hambog sa kinauupuan ng grupo ni Roy. Tumayo naman si Roy kasunod ang dalawa nyang alipores. Kahit babae sya ay papatulan sya ng ugok na 'yan! Nasisiraan na sya ng ulo para banggain ang grupo ni Fadriquela. 

Tinignan sya ni Roy mula ulo hanggang paa tsaka nagngising aso. 

"Anong nangyari sayo Velarde? Bakit parang nangalkal ka ng tirang pagkain? Bakit? Wala ka bang pera pambili kaya pasimple kang nagkalkal sa basurahan? Hahahaha!!!" pang-aasar ni Roy dahilan para tumawa ang ibang estudyante. 

Hindi sya sumagot. Nanatili syang nakatayo sa harapan ni Roy at walang ekspresyong ipinapakita. Paano nya nagagawang maging kalma sa lahat ng nangyari? 

"Oh mukhang iiyak na? Don't tell me, sa pagtapon ng pagkain ka maiiyak at hindi sa paghampas ko sa 'yo?" mayabang na pa sabi ni Roy. "Dahil ba... wala ka ng pera pang bili? Pauutangin kita... No. Bibigyan na lang kita bilang limos. Hahaha!!!" 

So totoo ngang nagkainitan na sila?

Na kay Hambog at sa grupo ni Roy ang tingin ng karamihan. Nakipagsukatan sya ng tingin na parang sinasaulo ang bawat magulong mukha ni Roy. Lumapit pa sya ng bahagya para mapaatras si Roy. Walang sabing dinampot nya ang pagkain nasa likod ni nito. 

'Don't tell me, gaganti sya sa nangyari? She's crazy if she do that.'

Pero ang inaasahan kong mangyari ay hindi nagkatotoo. Lumapit lang sya kay Roy para kunin ang pagkain nito. Huh! May topak pa yata ang isang to! Tinalikuran nya ang grupo ni Roy saka bumalik sa mesa nya. Patuloy lang sya sa pagkain na para bang walang nagyari. Para bang wala lang sa kanya ang nanlalagkit na pagkin sa damit nya. Tinitigan ko lang sya habang kumakain. Kahit sa pagkain ay hindi mo makikitaan ng ekspresyon ang mukha nya!

"Grabe! Hindi man lang sya nasindak kay Roy?" namamanghang sabi ni Steve. At halata sa mukha nito ang paghanga sa parteng iyon. Somethings is off right here? 

"Pre look, mukhang hindi pa tapos." tumingin ako sa dereksyon kung sa'n nakatingin si Steve at Kevin. 

Now she's really dead! 

Si Roy ang taong kapag sinabihang tama na, lalong nag-uubra. Hinila nya ang damit ni Hambog nang makalapt ito sa kaniya. Hindi sila kalayuan sa pwesto namin kaya medyo kita ko ng pagbakat ng harap ni Hambog. 'Seriously? Sa lahat ng pwede mong mapansin, 'yong harap talaga?' 

"Bakit mo kinuha 'yong pagkain ko huh?!" may kalakasang sigaw ni Roy para matuon ang atensyon ng lahat sa kanila. 

"Bitiwan mo 'ko." malumanay nyang sabi. Pero hindi sya binitiwan ni Roy. 

"Mayabang ka talaga eh no!? Eh kung sapakin kaya kita? Kanina pa 'ko kating-kati na sapakin ka eh." Nagkibit balikat lang si Hambog na parang sinasabing pabor sa kaniya ang kagustuhang iyon ni Fadriquela.

'Huh! Sobra talaga sa yabang ang isang 'to!' 

"Basta ba ikukwento mo ng detalyado ang lahat ng mangyayari sayo?" simpleng sabi nya. "Pero mukhang kahit hindi ka magkwento, sa dami nila..." saka bahagyang tinignan ang mga estudyanteng nakikiusyuso. "...sigurado akong detelyado ang mangyayari sayo kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko." 

Wala sa sariling tumayo ako bigla at nagpunta sa pwesto nila. Tiningnan ko si Hambog at saka bumaling kay Roy. Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin! Samantalangsi Fadriquela ay napatingin sa gawi ko. 

"Napakaaga niyo naman yatang gumawa ng eksena?" naiinis kong sabi. "Masyadong akong naririndi sa mga boses nyo! Ni hindi ko ma-enjoy yung food ko oh!" tinignan ko silang pareho. "And you! First day mo pa lang, gulo na agad ang pinasok mo!? Sino ka ba sa inaakala mo?" tanong ko sa kanya. 

"Sino bang unang lumapit? 'Di ba ikaw?" nanatili pa din kay Roy ang tingin nya. Hindi ko alam kung ako ba o si Roy pa rin ang tinutukoy nya. 

"Ipaubaya mo na sa 'kin ang isang 'to Sebastian. Isang sapak lang, pikong pikon na 'ko sa tarantadang 'to eh!" aniyang hindi na makapagpigil ng galit.

"Tama na 'yan. Babae yan p're!" suway ni Kevin na lumapit na rin sa pwesto namin si kasama Steve. 

"Umalis ka na Fadriquela." si Steve.

Pabalyang binitawan ni Roy ang damit nya at masama pa din ang tingin nito habang patalikod na lumalakad palayo. Nanatili akong nakatingin kay Hambog. Hinila ni Steve ang braso ko palayo sa pwesto nya. Ito nama'y tumayo at naunang umalis sa'min. Kinuha ko na ang gamit ko saka umalis din sa lugar na iyon at nagtungo papunta sa room.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status