Share

Chapter 6

Sa hallway oa lang, rinig naming tatlo ang hindi magkamayaw na ingay na nagmumula sa 'di kalayuan. Nagkatinginan kaming tatlo saka agarang tumakbo para makalapit sa pinagmumulan ng ingay. Sa room 4A!

Pagkapasok na pagkapasok namin, naratnan namin ang nagkakagulong mga estudyante habang ang dalawang kasamahan ni Roy ay hawak si Hambog sa magkabilang braso. Bago na ang suot nitong damit. 

'Anong nangyayari dito?'

Mas lumapit pa ako sa mga ito. Magsasalita na sana ako para awatin sila nang akmang ihahampas ni Roy ang libro sa mukha ni Hambog. Subalit t hindi iyon tumama rito nang paikot na tumalon patalikod si Hambog kasabay sa pag-ikot nito ay isang sipa sa dibdib ni Roy, dahilan para mapaatras ito at matumba. Ang lahat ay nabigla sa ginawa niyang iyon. Na kahit ako ay napatanga sa ikinilos nito.

Nang makawala sa pagkakahawak sa mga lalaking pumipigil sa kanya, buong pwersa niyang hinigit ang isang braso nang bataan ni Roy saka walang kahirap-hirap na ibinalibag sa semento. Napasigaw at napaatras ang iba sa ginawa niyang iyon! Imingit nmana sa sakit ang alagad ni Roy dahil sa pagkakabagsak nito. Ang isa nama'y hindi malaman kung susugod o aatras sa takot. Pero mas pinili nito ang sumugod dahilan para salubungin siya ni Hambog ng mapwersang suntok! Napasigaw ito at dumudugo ang ilong na napaupo! 

'What the fuck!?'

Ang lahat ay hindi makahuma sa mga nakikita. Kahit na ako ay nanlalaki ang mata sa pagkabigla. Pasgaw na sinugod ni Roy si Hambog ngunit naunahan na siya nito at panaulanan ng isang suntok sa panga. Muling tumalsik si Roy sa mga upuan.

'Paano niya nagawa ang patalsikin ito sa isang suntok langlang?' 

"Aaahh!!" inda ni Roy sa sakit na natamo. 

Napaatras ang lahat sa paglapit niya. Bahagyang napaatras si Roy sa pagkakaupo sa semento. Akala ko'y susugudin pa ulit nya ang mga ito, pero hindi. Sa halip, pinulot niya lang ang gamit niyang nagkalat saka prenteng naupo. Na parang walang nangyari! 

Humalukipkip siya at pumikit. Ang iba'y hindi magawang kumilos sa gulat at takot. Kahit ako'y nakatanga pa din. Ilang saglit pa't nagsalita si Hambog nang magmulat. 

"Simulan niyo nang mag-ayos ng kalat. Total kayo naman ang nagsimula." mahinahon pa din niyang turan. 

Masama pa rin ang tingin sa kaniya ni Roy. Para sa katulad niya, alam kong hindi pa dito natatapos ang gulo nilang dalawa. Walang nagawa ang kasamahan ni Roy kundi pulutin ang lahat ng kalat na sanhi ng gulo nila. Inayos din nila ang mga upuang nagulo. Nang nasa ayos na ang lahat saka sila umupo at dumaing muli ng sakit.

Nagsibalikan na rin sa pwesto ang lahat at kaniya-kaniyang bulungan maliban sakin na nanatili sa harap ni Hambog. Siguro ay mananatili pa din ako sa ganoong posisyon kung hindi ako kinalabit ni Steve. Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin. Halos mapatalon ako sa pagkakatayo ko nang magsalita si Hambog. 

"Kung atat kang manermon, simulan mo na." saka ko siya binalingan at napapalunok nang sakin na siya nakatingin. 

"A-at ano naman ang itatanong ko s-sa'yo?" medyo kabadong tanong ko. 

"Kung alam ko, sana hindi na ako nagsalita pa." sarkastikong sabi niya. 

Hanep! Anong akala nya? Na por que nabanatan niya ang grupo ni Roy matatakot din ako sa kaniya? Huh! 

"Ang tindi din ng apog mo 'no? Akala mo ba sa ginawa mo, matatakot na 'ko sa'yo? P'wes! Ibahin mo 'ko!" napipikon na 'ko sa hambog na 'to. 

Sa inis ko'y tinanggal ko sa pagkakasabit sa balikat ang bag ko at walang alinlangang inihampas sa kaniya iyon ng malakas! Na sa sobrang lakas ay napaikot ako!

Pero gayon na lang ang gulat ko nang makita s'yang nakatayo sa likuran ng upuan ni Kevin. 

'Paanong...?' 

Gulat na naman ako at may pagtatakang tinignan ang upuan niya at saka hindi makapaniwalang ibinalik sa kaniya ang tingin.  

Kung pa'no siya walang ingay at hirap na umalis sa upuan niya ay walang ingay din siyang bumalik doon. Ang lahat ay literal na nakanganga at gulat sa kaniyang ginawa! 

"Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase. Kapag nakita ng susunod na lecturer ang mga mukha niyan.." turo niya sa mukha nina Roy. "..magtatanong kung ano ang nangyari. Malamang, ituturo niyo ako kasi ako naman talaga ang may pakana niyan..." saka bumaling sakin. "Kaya lalagyan na din kita para pisan ang pagbisita ko sa Dean's Office." lumait siyag ng dahan-dahan sa akin. Dahil sa gulat at takot ay napaatras ako. 

Lumalapit siya, umaatras ako. 

'Bakit ba 'ko umaatras? Shit!'

"Tama na 'yan! Kung gusto niyong magbasagan ng mukha, do'n kayo sa labas at 'wag dito!" lumapit si Steven at pumagitna sa amin ni Hambog. "Ano ba p're? Tigilan mo na. Babae pa rin 'yan." panunuway niya sakin. Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

'Nakakasagad na ng pasensya ang kumag na 'to e!' 

"Maupo ka na din. Masyado ng madaming gulo ang inilikha mo." baling ni Steven sa kaniya at para mabawasan ang tensyong namamagitan sa aming dalawa.

'Hindi ko papalampasin ang ginawa mo!'

Nagpupuyos ang kalooban ko sa nangyayari! May araw ka din sa 'kin!

Padabog kong hinila ang bangko at naupo. Maya-maya'y dumating ang sunod na lecturer. 

Si Mr. Lazo! 

Ang pinakaterror na guro sa buong campus! 

"Good morning class!" pabagsak nitong ibinaba ang dalng libro. "Magpakilala ang hindi pa nakakakilala sa akin. Now!" pasigaw niyang utos. 

Karamiha'y takot siyang maging guro dahil sa kilala nga itong terror na teacher. Kumpara sa ibang nagtuturo, walang sinasanto ang isang 'to! Anak ka man ng makapangyarihang tao. Ang motto nya. Sa loob ng klase ko, bawal ang bobo! 

Inilibot niya ang tingin sa buong klase, natuon ang tingin niya sa dulo. Kung nasan ang hambog ng taon! 

'Huh! Tingnan natin kung sa'n ka tatagal!' 

Lumapit si Mr. Lazo sa pwesto niya. 

"Akalain mo nga naman.. mayro'n pang nakulangan ng tulog no'ng bakasyon, pati sa klase ko, nananaginip pa din!" natawa ang iba sa sinabi ni Mr. Lazo.

"Shut up!" sigaw niya at tumahimik ang lahat. Napangisi ako sa sinabi ni Sir. Nagmulat ng mata si Hambog at saka umayos ng upo. 

"Hoy! Kung gusto mong matulog, umuwi ka sa inyo at do'n mo ituloy 'yang kung ano mang panaginip mo!" pamamahiya nya kay Hambog. "Hindi oras ng pagtulog ang subject ko!" 

Tahimik ang lahat.. Pero ang mas nagpagulantang sa amin ay nang sumagot si Hambog ng pabalang. 

"Nakapikit lang ako, hindi natutulog... po Ser." hindi makikitaan ng takot niyang sabi. Napakawalang-galang! Nanatiling sa unahan ang tingin niya. 

"Aba't nasagot ka pa? Stand up!" malakas na sigaw sa kanya. "What's your name?!" Tumingin muna siya kay Mr. Lazo saka tumayo at nagpakilala. 

"Maruh Velarde...ser."

"Masyado bastos ka kung sumagot! Saan bang paaralan ka nanggaling at masyadong masama ang tabas ng dila mo?" prangka kung magsalita si Mr. Lazo. Walang makatapat dito dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig nito.

'Hindi lang bastos Sir.. Mayabang din ang ugali!'

"Nagtanong ka ser, sinagot ko. Alin sa sagot ko ang bastos sa pandinig mo? Ang pangalan ko o ang apelyido ko...sir? " makahulugan nyang sagot. "Baka yung salitang 'ser'...sir?" Bawat salitang lumalabas sa bibig nya, laging may diin at na parang may nais iparating! 

"'Yong nagmamay-ari ng pangalan at apelyido!" sigaw pa din ni Sir sa kaniya. 

"Masiyadong walang kwenta ang tulad mo para magpasindak ako sa 'yo Velarde! Iukit mo diyan sa kukote mo.. Estudyante lang kita! Ang nalalaman mo ay wala pa sa kalingkingan ng mga nalalaman ng utak ko! Kaya 'wag mo kong paandaran ng kayabangan!" Hindi sumagot si Hambog. ''Sa lahat ng estudyanteng tinuruan ko, sa kabastusan ay ikaw ang numero uno!" ibinaling nya sa magkabilang side ang ulo nya. 

"Eto ang tandaan niyo! Ako ang gumagawa ng grades niyo! Kaya kong ibagsak ang sinoman sa inyo! Ora mismo! Kung tatanga at magyayabang kayo sa klase ko.. magdrop out na kayo! Naiintindihan niyo?" nakatungo ang lahat na sumagot kay Sir. 

''Yes sir!" 

Iilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Sir nang muling magsalita si Hambog. 

"Tss! Hindi naman yata tama na ibabagsak mo kami kung kelan mo maisipan...ser. Kayo lang ang nagsusulat at kami.. ang gumagawa ng sarili naming grades. 'Di ba.. ser?" walang emosyon nyang sabi. 

'Hindi ba sya titigil sa pagyayabang?' 

Sinulyapan ko si Mr. Lazo. Pulang-pula na ang mukha nito sa galit! 

"Yoouu!!!! At Dean's Office! Noow!" malakas na sigaw ni Mr. Lazo kay Hambog. Lahat ay sa kaniya nakatingin. Ilang minuto pa niyang matamang tinitigan ang lecturer at walang paalamang lumabas ng room!

Padabog na niligpit ni Sir ang gamit niya at lumabas. Napabuga na lang ako ng hangin nang makalabas si Mr. Lazo. Kani-kaniya namang bulungan ang iba. 

"Sa'n siya kumuha ng lakas ng loob para sumagot ng ganun kay Sir? Nakakakilabot ang palitan nila ng salita. Grabe! Parang mauubusan ako ng hangin sa nangyari. Hooh!" napahawak pa sa dibdib si Kevin sa sinabi. Napaka-OA talga nito kahit kailan. 

"Sa ginawa niyang iyon, hindi malabong ma-warning-an siya. This is the first day of school, yet she's been through this. What more the next days?" mahihigan ang concern sa sinabi nyang iyon ni Steve. 

"Concern na concern ang dating mo ahh? Mukhang ikaw ang tinamaan sa mahambog na 'yon Steve?" pambibiro ko. 

"Tss! Shut up." sabi niyang nag-iwas ng tingin. 

Nagkatinginan kami ni Kevin saka natawa. Ano na naman kaya ang sasabihing kahambugan no'n sa Dean's Office?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status