Share

Chapter 7

MARUH's POV

Pagkalabas ko ng room, nagdaresto ako ng Dean's Office. 

Ang hindi ko maintindihan, ano bang problema sa sinabi ko? Anong mali sa sagot ko? Masyadong nakakagago lang. 

Kapag sila ang magtatanong ng pabalang ay ayos lang, pero kapag ang nakakababa sa kanila ay hindi? Masyadong hindi patas na pakikitungo. 

Pagkarating sa front door ng D.O, kumatok ako ng tatlong beses. Sapat na upang iparating ang aking presensya. 

Nang wala akong makuhang sagot ay kusa kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa'kin ang sanggano...este nakasimangot na mukha ni Mr. Lazo. Si Dean nama'y magkasiklop ang kamay na nakaupo sa magarang upuan sa kabila rin ng magara nitong mesa. 

"Good morning Dean." bati ko. 

"Good morning. Take a seat." paanyaya nito. "Mr. Lazo told to me everything Ms. Velarde. But I want to hear your side." mahinahong sabi ng Dean. Hindi ako nagsalita. 

'Everything?'

Hanggang saan naman kaya umabot ang katotohanan sa everything na sinasabi ni Dean? 

Hindi ko malaman kung anong mali sa ginawa ko. Nagtanong siya, sinagot ko. Nasa'n ang pagiging bastos do'n? Tss. 

"Kung hindi niyo mamasamain.. Ser. Ano ba ang mali sa sinabi ko?" tanong ko. Tss!! Inulit ko lang kung ang anong tumatakbong tanong sa isip ko. 

"'Po' Miss Velarde." may pagtatama ni Dean sa pananalita ko. "Use polite words when you're talking to someone who is older than you." pangangaral niya pa. 

"Sa paraan ng pagsalilita mo.. Miss Velarde. Masyadong nakakawalang galang ang ginawang pagsagot mo sa klase ko." inis na sabi ni Mr. Lazo.

"May binabagayan ang paggalang.. ser." sabi ko na mas ikinaagalit pa nito ng lugod. 

"What are you trying to say then? That I'm not respectful? Is that what you mean Ms. Velarde?" medyo pagalit na tanong nito. 

"Wala 'ho' akong sinabi, sir" aniya ko.

"Enough." si Dean. 

"Miss Velarde, if you want to be respected, learn to respect others first. Besides, Mr. Lazo is your teacher and you're just his student, you should respect him. Within this school, it is your obligation to honor each of teacher here. Do you understand Miss Velarde?" habang tinuturo ang kanyang mesa tanda na sila ang naghahari sa ganitong uri ng lugar. 

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Dean.

"With due your 'respect' Dean. Oo nga't estudyante ako.. But it doesn't mean na mananahimik ako sa kung paano ako tratuhin ng nasa paligid ko." tugon ko. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa pagsalita. 

"Kung ang respeto ay dapat simulan sa iba, paano ka irerespeto ng iba kung sa sarili mo wala kang respeto? And if you just saying na ang respeto is just for who have a name, kung sino ang mga tinitingala.. baka kayo ang dapat matuto ng salitang iyon?" I said. 

"Miss Velarde!" biglang singhal ni Dean. 

"Huh! Do you mean, you are more respected than us? Is that it Miss Velarde!?" galit na sabi ni Mr. Lazo.

"Hindi ganun ang nais kong sabihin.. ser." pormal at mahinahon kong sabi. "Pero kung ganun ang dating sayo, lets consider it, then." pamamangkra ko. 

"You're so rude!" aniya pa. 

Hindi sila patas sa pagbase kung sino at anong posisyon ng isang tao ang dapat irerespeto. Kung ako ang tatanungin, ang respeto dapat sa nagsisimula sa sarili. You should have learn to earn that within yourself and not because of the title or whatsoever name you have, bago mo simulan sa iba.

Alam kong masyado nang bastos ang dating ng pananalita ko. This is me. 

Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan, kung saang banda ako naging bastos para sa kanya?

"I want to talk to your parents Miss Velarde. They need to be here tomorrow. I will talk to them about your issue with Mr. Lazo" si Dean. Sandali akong natigilan sa sinabi ni Dean.

Parents? 

Sa halip na sumagot ay muli akong nagsalita. 

"Napagbintangan ka na ba sa bagay na hindi mo naman ginawa...po ser?" tanong ko kay Mr. Lazo.

"What?" tila naguguluhang tanong nya. "I assure you that I've never been involved in anything I didn't do!" si Mr. Lazo. 

"Ganun ba?" tatango tango kong pagsang-ayon kahit wala naman akong pakialam. Muli ko siyang tinanong. "Kung ikaw ang nasa sitwasyong hindi naman ikaw ang nagkamali, tatanggapin mo ho ba ang parusang ipapataw sayo?"

"What kind of question is that!? Of course not! Why would I let myself suffer to a crime or something that I never did!?"

"Exactly Sir! Bakit ko hahayaang mawarning-an at mapatawag ang m-magulang ko kung wala naman akong ginawang mali?" pagtaas ng tonong sabi ko. 

"Pero naging bastos ang pagsagot mo sakin at nabastos ako sa harap ng classmates mo! Sa subject ko mismo! Ano't hindi mo matanggap na may pagkakamali ka Miss Velarde? Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" pagalit nyang sabi.

May namuong kung anong pakiramadam sa akin sa huling sinabi nito. 

"Kelan pa naging bastos ang sumagot sa tanong sir? You asked what my name was and I answered you. Where is the rudeness there?" napipikon na ako sa leche plan na to! "So tell me Mr. Lazo, sino ang mas nakakabastos sa'ting dalawa? Ang sagutin ang tanong mo o ikaw na basta na lang nang-aakusang binastos ng estudyante mo at pati taong wala rito ay isasama niyo without knowing kung anong pinagdaan ko?" 

Kung ang batayan niya ay ang pagsagot sa kanya ay isang kabastusan. Lintik na! Ba't pa siya nagtanong?! Nakakaliit ng utak ang batayan niya kung ganun. 

"Ms. Velarde! Enough! If you can't respect Mr. Lazo as your teacher, at least respect them as older than you. And be respectful because you are inside of my office! Estudyante ka pa rin ng school to na at obligasyon mong igalang ang lahatlahat ng narito. Lalo na kung guro ang kinakausap mo!" sigaw ni Dean sa'kin. 

"Mr. Lazo you may leave. Ms. Velarde stay, I'll talk to you." hinihilot ang sintidong sabi ni Dean. 

"Yes Dean. Thank you and excuse me." binigyan niya muna ako ng tinging nagpapahiwatig na hindi oa siya tapos sa akin, bago lumabas ng office.

Pagkasarado ay binalingan ako ni Dean ng tingin. 

"Ms. Velarde, I want your parents here tomorrow. I'll talk to them about this." 

Natigilan at nauutal akong sumagot. 

"I.. I d-don't have o-one, Dean. Nag-iisa lang a-ako." itinuon ko ang paningin sa ibang dereksyon. Nakakatawa lang na wala akong kabang naramdaman kanina habang nagkakakinitan kami ni Mr. Lazo. Pero kapag sila na ang nababanggit, daig ko pa pagiging duwag. 

Bakit ba hindi pa ako nasanay? Bakit hanggang ngayon natitigilan at masakit pa rin kapag sila na ang pinag-uusapan? 

Nangyari na rin naman na pinapatawag sila sa dati kong pinapasukan noon, pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Na sana... sana at 'umaasa' akong nandito sila. Tss! Lecheng utak to! Lahat na lang naiisip. 

"You don't have one? Nasa'n ang mga magulang mo kung ganun?" 

Nasan nga ba? I don't have any idea. 

Nanatili akong walang imik. Ayukong pag-usapan ang tungkol dito. 

Mukhang nahalata naman ni Dean na ayaw kong mapag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. 

"Okay. For now, I'll let this one pass. Just this one Miss Velarde. But remember. Once I heard that you have been rude to your teachers again. You know what the policy of this school Miss Velarde. Once you did the same case, or been at any trouble inside of school, as a dean, I'll not tolerate this kind of behavior here. Do you understand?" pagpapaliwanag niya.

"Yes Dean." simpleng sagot lang ang ibinigay ko. 

"You can go now." saka niya inilahad ang kaliwang kamay hudyat na wede na akong umalis. 

"Thank you, Dean." pagpapasalamat ko at umalis.

Nang makarating ako sa room ay nagsisimula na ang klase. Natigilan ang lahat, ulit.

Mga leche!

Napatingin ako sa lecturer na nasa unahan at ganun din siya sa'kin. Pero ganun na lang ang gulat ko ng mapagsino ito. 

'Shin!' 

"Why are you late, miss?" tanong nya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status