Share

Chapter 4

"I am talking to you!" may pang-gigigil sa boses nito. Ano pa bang aasahan ko? Sa bungad pa nga lang, may umentrada na ang bibig, hindi na 'ko magtataka kung hanggang dito may mga asungot, tulad nitong nasa harap ko. "Bingi ka ba? Tinatawag kita 'di ba?" medyo pikon na niyang sabi. Tiningnan ko lang sya.

"Pabida ka din eh 'no? Hindi dahil nilapitan kita ay magpapa-trying hard ka pa?" mahihimigan ang kayabangan sa sinabi nya. Ano bang problema nito?

"Pre mukhang may katapat ka na ah?" natatawang sabi ng nasa likuran nya. 

"Hah! Eto? Magiging katapat ko? Nagpapatawa ka ba Constantino?" mayabang niyang sabi. Saka muli akong hinarap. "Eh pagsalita nga hindi magawa, ang maging katapat ko pa kaya?" ngumisi sya ng nakakaluko at saka tumayo ng ayos sa harap ng mesa ko. 

"Baka pipi? Kaya hindi nagsasalita. Hahahaha!" tawang komento nung isang at nakitawa ang karamihan. 

"Baka kamo nahipnotismo sa kagwapuhan ni DT. Hahahaha!" nagtawanan lalo ang lahat.

Samantalang kanya-kanyang parinig at pandidiri ang ibang kababaihan. 

"Tss" singhal ko.

"Woooooohhh!" nagnunudyong sigaw ng karamihan. 

"Mukhang hindi na gumagana ang gayumang baon mo Sebastian! Mukhang wala nang bisa! Hahahaha! Kumakasa e!" nang-aasar na sabi ng isang lalaki na medyo mayabang at parang takaw sa gulo ang dating. 

"Shut up Fadriquela! Baka hindi kita matantya!" inis na binalingan 'yong lalaki. Natahimik naman ito. 

"Eto? Gagamitan ko ng gayuma? What the hell? May hangover ka pa yata? Dating pa lang nito, baka gayuma na mismo ang magtago!" panlalait nya.

"Hahahahahaha!!" nagtawanan lahat sa room maliban kay Alex at sa isang lalaki na naroon. 

Masyadong mahangin ang isang 'to. 'Pag ako tinupak, maglalako ng ube 'to!

Gusto ko silang patulan kaso wala ako sa mood pumatol sa mga mababaw ang utak. Ayukong masira ng tuluyan ang unang araw ko, kaya mas minabuti kong manahimik na lang. 

"Binge ka ba ha? I'm talking to you. Kilala mo ba kung sino ako? Ha!?" sunod-sunod na singhal nya sa mukha ko. 

"Are you one of the lecturers here?" walang gana kong tanong.

Mapapalaban pa ata ako ng english-an ah!?

"What?" kunot noo nyang tanong. Ay! Bingi!

"Sa ating dalawa, mukhang ikaw ang bingi?" sabi ko at umayos ng pagkakaupo. 

"Huh!? And who do you think you are to say that? Kaya ki---" 

"Kung hindi ka isa sa mga nagtuturo dito, why do I need to recognize you?" putol ko sa sasabihin nya.

"Woooooohhh!!!" malakas na hiyaw ng karamihan.

"She's dead!" 

"Double dead to be exact!" 

"Pumapalag p're! Mukhang gustong maingay ang buong taon nya dito sa Sebastian Academy?" sulsol nung isang babae. 

"The question is, makatagal kaya ng isang taon ng isang 'yan? Hahaha!" komento naman ng isa. 

"Matapang ka ah? Alam mo bang kaya kong gawing miserable ang pananatili mo dito?" si Sebastian. 

"Kalalaki mong tao pero masyado kang madada." ako na medyo napipikon na. 

Pabagsak n'yang ipinatong ang dalawang kamay sa mesa ko. 

"Ang ayuko sa lahat eh yung sinasagot ako ng pabalang! You're really looking for a mess, aren't you?" ako pa talaga ang naghahanap ng gulo?

"Baka ikaw ang naghahanap, ikaw ang lumapit eh." sasagot pa sana sya kaya lang dumating na ang unang lecturer para sa unang subject. 

"What's going on here? All of you! Go to your seat, now!" kanya-kanyang nagsibalikan sa upuan ang lahat, maliban sa lalaking nasa harapan ko. Walang emosyon ko lang syang tinititigan at sya naman ay halos magdikit ang may katamtamang makapal na kilay sa galit. 

"Mr. Sebastian!" pagtawag ng Lecturer. 

"We're not done yet!" diin nyang sabi bago nagpunta sa upuan. Hindi ko na sya pinansin at tinuon ang sarili sa lecturer na nasa unahan. 

English ang unang subject namin. Tulad ng ginagawa kapag first day, pakilala dito, pakilala doon. Tumayo ang lahat para magpakilala sa unahan. Todo impit ang tinig ng kababaihan sa kilig nang si Sebastian ang tumayo. 

"Good morning everyone! Hindi ko na patatagalin ito, kasi alam ko namang kilala nyo na 'ko. Sa mga hindi pa.." sabay tumingin sya sa'kin. "I'm Drix Tharn Sebastian. One of the players and team captain of basketball of this school, and a MVP holder. And lastly...  The only son of the owner of this school. That's all." at ngingiti na para bang sinasabi kung bakit kelangan ko siyang kilalanin. 

'Kaya naman pala malakas ang loob magyabang' 

"Okay class! As you can see, there is a new student in this section. She's a transferee from Thailand Charity University. Please stand and introduce yourself." pagtukoy sakin ng lecturer. Tumayo ako at akmang magpapakilala ng may nagsalita. 

"Bakit wala man lang nagsabi na... may pulubi na pala ang section natin?" biglang sabat nung lalaki sa kabilang dulo. Nagsitawanan ang iba.

"Mr. Fadriquela! Who gave you a permission to speak?" nagsitigil sa pagtawa ang lahat at ngingisi lang ang lalaking tinawag na Fadrequela. "Keep going Miss!" 

"I'm Maruh Velarde! Estudyante at hindi pulubi!" hindi na ako nag-abalang pumunta sa unahan. Binalingan ko yung lalaki saka mataman kong itinuon ang paningin sa kanya. "Kung nag-aaral ka mister. Malalaman mo kung estudyante ang kaharap mo o hindi.  Iyon ay kung nag-aaral ka?" Namumula ang mukha nung lalaki sa pagkapahiya. 

"That's enough! You may take your seat." panunuway ni Miss. "Okay. So now, I will be your English teacher for the whole year! I'm Ms. Vivian Medina." pagpapakilala nya. "I always giving a quiz. Everyday. So you should always be ready. And you must study everything I teach. Are we clear?" 

"Yes Miss!" sagot ng lahat.

Nagtuloy-tuloy sa pagdiscuss si Ms. Medina hanggang sa nagbell. Habang nag-aayos ng gamit ay sandali akong natigilan nang may lumapit sa mesa ko. Muli akong nagpatuloy sa ginagawa. At prente akong humarap ng matapos. May tatlong babaeng nagkakapalan ang kolorete sa mukha ang nasa tabi ng mesa ko at pawang nakahalukipkip with taas kilay. Tinignan ko lang sila. Pabagsak na pinatong nung isa sa tatlo ang dalawa nyang kamay sa mesa ko.

Ano ba ang galit nila sa mesa ko? 

"Anong kelangan mo?" prente ang pagkaupo at inayos ang salaming tanong ko sa kanya. 

"Para namang may kelangan kami sayo?" maarte nyang sabi. "Wag ka nang magpapansin kay DT! As if naman na mapapansin ka niya? At saka, you're gross! Walang magkakainteres sa'yo." 

Wala daw kelangan, pero nasa harap ko at lumilinya ng walang kwenta! Anak ng tokwang nakababad! Na-infect na yata 'to ng koloretang nasa mukha niya! 

"May ipuputestra ka pa? Kung wala na, umalis ka sa harapan ko." sabi ko. Umayos sya ng tindig saka magkasunurang nagsilayas pati alipores nya. 

Ilang minuto ang hinintay namin bago ianunsyong walang next class dahil absent daw ang lecturer. 

'Unang araw ng pasukan sya pa ang absent! Tss!' 

Kanya-kanyang nagsilabasan ang lahat dahil bteaktime na rin naman. Hindi pa man ako nakakarating ng pinto ay may humampas sa likod ko... dahilan para tumilapon ang suot kong salamin at mapasubsob sa pinto. Naikuyom ko ang kamao ko sa sakit. Pigil ang inis na pinulot ko ang salaming nahulog saka ko sila hinarap. 

"Ano Velarde? Nasa'n ang tapang mo kanina?" mayabang na dada nung lalaking payat. "Akala mo kung sino kang umasta kanina, ke bago-bago mo lang naman, napakayabang mo na." patuloy nya. Inayos ko ang pagkakalagay ng salamin saka nagsalita. 

"Ano na naman ang eksena mo? Sinagot ko lang ang tanong mo, nasa'n ang kayabangan do'n?" tanong ko at lumapit sa kanila. Napaatras ng bahagya ang dalawa nyang kasamahan. 

"'Yang hitsura mo kasi mukha naman talagang nanggaling sa ampunan! Hahahaha!" tumawa sya at ang dalawa nyang kasama. Ngumisi lang ako ng nakakaluko. 

"Alam mo, ang ganyang mga asta, pang bata lang yan. Walang kakwenta kwenta." inayos ko ang bag na dala ko. "Pero kung ga'no kasakit ang mahampas n'yang bitbit mo, ay hindi na nakakatuwa." tinuro ko ang hawak nya. Tinignan nya naman ang hawak  saka inilagay sa balikat na halatang nagyayabang. 

"Eto? Pa'no ko malalaman eh ikaw ang hinampas ko. Bobo!" 

Nangulit pa! Hanep! 

"Kung ayaw mong iparanas ko sayo, lumayas ka sa harapan ko." seryuso kong sabi at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. 

"Aba'y hindi ka lang mayabang, matapang ka din eh no? Ano papalag ka? Huh!?" sabi nya habang pinupokpok sa palad ang hawak nya. 

"Mayabang na 'ko at nagmamatapang. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong idada." isinenyas ko ang isa kong kamay. Gutom na 'ko tas makakaengkwentro ka pa ng gulo! Tch!

"Roy! Tara na! Baka may makakita pa sa'tin dito isumbong pa tayo!" aya ng alipores nya.

"Hindi pa ako tapos sayo." banta nya. Tinignan ko sila hanggang makalabas ng room. 

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria, hindi maubos ubos ang ugong ng mga bubuyog sa paligid. Para bang makina ang mga bibig, walang kapaguran. 

"Grabe! Parang hindi man lang sya nasaktan sa paghampas ni Roy." walang anoy komento ng isa. 

"She was hurt, that's for sure. Hindi lang pinapakita para magmukha syang malakas." 

'Tss! Ikaw kaya ang hampasin ng nilulong libro!' 

Pagkarating ko sa cafeteria, pumila ako para umorder at saka nagbayad. Nang makuha ko na ang order ko, agaran akong naghanap ng pwedeng mapwestuhan. 

Kaliwa't kanan, nakasunod ang mga matang mapanghusga hanggang sa marating ko ang isang bakanteng mesa. Ipinatong ko ang pagkain ko at nilapag sa bakanteng bangko 'yong bag ko. Umupo ako at nagsimulang kumain. Subalit hindi pa man nangangalhati ang kinakain ko.. nang bigla na lang itong tumilapon sa harap ko! 

'Shit!' 

Natapon lahat sa suot ko 'yong pagkain. Pati salamin ko natalsikan. 

"Woooooohhh!!" 

"Nice strike!" 

"Poor girl!" 

"Lalo syang nagmukhang basahan. Hahahaha!" 

"Eeeww! Disgusting!" 

Napapikit ako sa inis! Kinuha ko sa bag ang panyo ko para ipunas sa damit ko at sa salamin ko. Pagminamalas ka nga naman! Asahan mo tuloy-tuloy! 

'Unang araw pa lang 'to. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?' 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status