Maraming salamat po. Gulat po ako sa isang bagsakan na gems. Thank you so much sa suporta ninyong lahat.
Taranta akong bumangon nang marinig ang malakas na katok. “Ano ba naman—” Paulit-ulit kong nakusot ang mga mata ko. Lalo akong nadismaya nang makita ang oras. Ala-sais pa lang ng umaga. Antok na antok pa ako.“Myra naman eh!” Papadyak akong lumabas ng kwarto. Alam naman niyang kailangan kong bumawi ng lakas, ang aga pa rin kung mangbulahaw.“Ano ba, Myra—” Naputol ang pagsasalita ko at nanlaki ang mga mata. Nawala rin bigla ang antok nang makita ang pagmumukha ng lalaki na nasa harapan ko—si Justin.Halos lumawa rin ang mata niya at umawang pa ang bibig. Maya maya ay lumunok siya at ngumisi, sabay sabing, “hindi ka pa handa?” Kumunot ang noo ko at umawang pa ang bibig. Para lang naman akong na bobo. Hirap ako na e-proseso ang nangyayari ngayon at nakikita ko. “Huh?” nalilito ko namang tanong. Nakusot ko uli ang mga mata ko. Sinisiguro kung gising na nga ba ako o binabangungot lang. “Ano ba, Erica? Hindi mo ba nabasa ang message ko? Maghanda ka na at aalis na tayo?” sikmat niya. Bah
"Oo o hindi lang ang hinihingi kong sagot, pero ang dami mong satsat!" gigil na sabi ni Justin sa tainga ko. "Lumayo-layo ka, bago pa maubos ang pasensya ko at masakal na kita!" gigil ko na namang sagot sabay hila sa seat back adjuster. "Sh*t! Ang sakit hah!" reklamo niya nang tumama sa mukha niya ang backrest. "Buti nga sa'yo!" pabulong ko namang sabi. Dada pa rin siya ng dada, pero hindi ko na pinansin. Pumikit ako, at pinilit ang sarili na matulog. “The nerd! Gumising ka na!” rinig kong sigaw sa tainga ko. Nakusot ko ang mga mata ko. Pero hindi kaagad dumilat. Antok na antok pa nga ako.“Ang lakas mo humilik!” Malakas na pagsara ng pinto ang kasabay ng sinabi ni Justin.Kita ko na rin si Myra na nakatayo at nakayuko sa harap ng kotse. Busy na naman siya kapipindot sa cellphone niya, at hindi lang simpleng pindot ang ginagawa niya, may kasamang panggigigil. Imbes na mag-enjoy siya sa ganda ng paligid. Mas gusto niya pang e-entertain ang walang kwentang lalaki na sinasabi niya n
“Erica, ano ba! 'Wag mo na nga silang pansinin, alam mo namang papansin talaga ang mga 'yan,” pigil sa akin ni Myra, pero hindi ko na pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at talagang malalaki ang hakbang ko. Alam kong hindi dapat ako maging-involve sa issue nila, pero kinutuban kasi ako habang tanaw ang mga impakta na nagkakagulo sa cottage. Na kay Justin lahat ang tingin nila na ulo na lang ang nakikita habang kumukumpas-kumpas ang mga kamay. Alam ko na totoong nalulunod siya at hindi nagloloko lang. “Erica, ang tigas talaga ng ulo mo,” inis na sigaw ni Myra, pero alam ko namang sinundan niya ako. “Erica, ang kamay mo,” rinig ko pang sigaw niya, as I dived into the water to save Justin. “Kumapit ka,” sabi ko habang hawak na ang bawang niya. Walang salita na sinunod ni Justin ang sinabi ko. Kumapit siya sa baywang ko, at alam kong nasa akin ang tingin niya. Alam kong nagugulo ang utak niya ngayon. Niligtas ba naman siya ng babae na tinatawag nilang nerd. “Reynald, si Justin! Tul
Nanliit ang mga mata ko habang naghihintay sa sasabihin ni Justin na usad pagong kung maglakad. Masakit pa yata ang binti niya dahil sa nangyari kanina. Kita rin ang discomfort sa mukha niya sa kada hakbang niya. Pero pwede naman sana siyang magsalita habang naglalakad, sinadya niya talagang paghintayin ako at painitin na naman ang ulo ko. Humalukipkip ako, sabay sabi, “ano na naman ba ang kailangan mo?” Pero para naman siyang tanga na hindi sumagot at tumitig lang sa akin. “Tara na nga, Erica, wala ayos ang papansin na ‘yan. Sana talaga, hindi mo na lang siya—” “Myra!” Pinandilatan ko siya ng mga mata nang tumahimik siya. Umismid siya pero kaagad namang sinara ang bibig. Kaya lang, mga mata niya ay panay na naman ang titik. Dahil sa bungangang hindi niya ma-control, siya ang nagmumukhang masama, walang awa, at walang puso. Napapailing ako. “Myra naman, hindi ba, sabi ko, iraos na muna natin itong project natin, saka ka na tumodo ng patol kapag tapos na. ‘Yong siguradong wala na
Napangiti ako, all this time, tama ako—tama ang hinala ko na lahat ng ginagawa ni Reynald, are just part of a scheme. Baka akala nitong demonyong si Reynald ay nahuhulog na ako sa palabas niya. Kung patahimikin niya kasi si Shaira, parang feeling niya, um-effect ang pagpapanggap niya. Hindi naman! “Bakit kasi hindi mo sinabi?" iritang tanong ni Shaira, sabay pahid sa luha at lumabi pa. "Bakit hinayaan mo na magalit at magselos ako ng ganito? Nakakainis ka naman e,” nagtatampong sabi pa nito at sinabayan niya pa ng hampas ang pagsasalita niya. Binuksan ko ang pinto, pero bago ko iyon ginawa, siniguro ko muna na matamis ang ngiti ko at kalmadong-kalmado. Ang ganda nga kasi ng mga eksena na nakikita ko, at ang ganda rin ng mga dialogue na naririnig ko. Wala nang lusot si Reynald. Kaya hindi pwede na hindi ako umiksina. Ako nga ang bida dito. Ako ang pinag-uusapan nila at balak lokohin. "Ang ingay-ingay n'yo naman," sabi ko sa mahinahong boses, at syempre may matamis na ngiti 'yong kas
Pahapyaw akong tumawa, saka ako matapang na tumayo sa harapan niya. Pero ang totoo, takot naman talaga ako, tapang-tapangan lang para seryosohin naman niya itong project na gagawin namin, at hindi niya ako aandaran ng yabang. Kasi kapag hindi pa namin matapos ‘to, baka tuluyan na akong sumuko at bahala na kung solo akong magpapasa ng project. Bahala na rin kung makapasa ba ako o hindi. “May nakakatawa ba sinabi ko?” tanong niya, bumakas ang inis at pagtataka sa mukha, pero nando'n pa rin ang pagiging mayabang. Humalukipkip pa siya at walang hiyang bumukaka. Sentrong-sentro ako sa pagitan ng hita niya. Akala yata uupuan ko siya. Sira-ulo siya. Ang sarap kaya niyang tadyakan! Hindi ko mapigil ang mapailing at napakuyom pa. “Aba, syempre mayr’on. Mukha mo pa nga lang nakakatawa na, lalo na ‘yong sinasabi mo,” matapang ko pa ring sagot kahit para na siyang mananakal. Tumiim kasi ang bagang at umayos sa pag-upo. Bahagya niya ring inilapit ang mukha sa akin at ngumisi. Nanliit naman an
" 'Wag mo nga—" Natigil ang pagsasalita ko at umawang pa ang bibig nang hawakan niya ang balikat ko. Pinagtitripan na naman ba ako ng tarantadong 'to? "Take your hands—" "Ang sabi ko, 'wag mong takpan ang magandang view!" sabi niya, sabay usog sa akin na parang dummy at ipinuwisto sa tabi ng puno ng talisay. " 'Yan perfect!" Ngingiti-ngiti pa siya habang nakatingin sa cell phone niya at kinunan na nga ako. Hindi ko na naman tuloy mapigil ang pagbusangot ng mukha. "Gumalaw ka naman, sayang ang magandang view kung pangit ang pose mo." Nakagat ko ang labi ko at pigil na bumuga ng hangin. Pinagloloko talaga ako nitong lalaking 'to. Ginagalit na naman ako. Alam ko namang hindi lang ang pose kong pangit ang tinutukoy niya, kung hindi, ang pangit kong mukha mismo. "Lakad ka do'n," utos niya, sabay turo sa may puno ng niyog. Gusto yata niya na mabagsakan ako ng bunga. At saka pansin ko, ang hilig niya sa mga puno. Sumunod na lang din ako, para iwas problem, at iwas away para matapos na k
"She's mine, Justin! So, stay away from her!" "Mine? Wow, I didn't know, na mine mo na pala siya?" tanong ni Justin, pero na katutok naman sa akin ang tingin nitong matalim. "Kasi ako, nagsisimula pa lang na e-mine siya—""Talagang pumapapel ka—""Ano ba kayo? Papansin na nga kayo, mga baliw pa!" sigaw ko at napasabunot pa sa buhok ko. " 'Tsaka, anong mine pinagsasabi mo, Reynald? Ano ang tingin mo sa akin? Item sa online selling para e-mine mo? Sira-ulo ka!" "Ayan pa mine-mine kasi—""Isa ka rin!" Dinuro ko si Justin, patawa-tawa pa rin kasi, kahit hawak pa ni Reynald ang kwelyo niya. "Ang sarap n'yong pag-uuntugin!" gigil na gigil kong sabi. "Ilang ulit ko pa bang sasabihin sa inyo? Hindi nga bebenta sa akin 'yang mga style n'yo!" Napisil ko ang noo ko. Ang sakit na e. Bukod sa ulo kong malapit nang sumabog, habol ko na rin ang hininga ko kaya putol-putol ang pagsasalita ko. "Hindi ako 'yong tipong kikiligin at magtatalon sa tuwa dahil pinag-aagawan ng dalawang demonyo!" Nanlili