Share

Kabanata 72

Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.

“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin.

Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin.

“Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela.

Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Talaga Naman Ang Ganda itong kwentong ito.Sabik na Ako sa Anong mang yayari sa ginawa ni Justine sa pagpunta sa Bahay ni Erica.
goodnovel comment avatar
Aliyah
ahahahah bilib n ako sau Justine
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status