“My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit
This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin
"Pangit ka na nga, bobo ka pa!" sigaw ni Kuya Eman habang paulit-ulit na dinidiin ang daliri niya sa noo ko. "Didn't I tell you, 'wag na wag mo akong lalapitan, especially when I'm with my friends! Pero ang bobo mo—""Eman!" sigaw ni Mama. She ran up to us in panic and hugged me right away, nang mapansin niya na hirap na akong huminga dahil sa pigil na pag-iyak. "Bakit mo inaaway ang kapatid mo?" she asked as she stroked my hair."Napahiya po ako, Ma! Nasira ang araw ko dahil sa pangit na 'yan—""Sumusobra ka na, Eman!" sikmat ni Papa habang dinuduro na rin ang kapatid ko."Siya po ang sumusobra, Pa. Ang simple lang naman ng utos ko, hindi niya pa magawa! Ang bobo-bobo—""K-kuya, sorry na po, hindi ko naman po talaga gustong lumapit sa'yo—""Shut up and get lost, or better yet, die so that I will not be in shame because of you!" he yelled as he slammed the door shut."Erica, tahan na. Intindihin mo na lang ang kuya mo. Alam mo naman nagbibinata na—"Napabalikwas ako sabay ang pahapyaw
Sikreto akong napangiti, hindi dahil sa ang gwapo ng demonyo na kaharap ko ngayon, kung hindi dahil ang ganda ng bati na narinig ko. The nerd–'yon ang tawag ng karamihan sa akin. "I missed you so much, The Nerd," sabi niya pa sa pinalambing na boses. Kung ibang babae siguro ang nilambing niya ng gano'n, siguradong magtitili sa tuwa na parang mga kiti kiti. Yumuko ako, as I walked to my former seat, ignoring Justin, the bully's leader—one of the demons that were continually causing havoc in my life."Ayaw mo pa rin akong pansinin, The Nerd? Did you not miss me? Kasi ako, na miss kita, sobra-sobra," madiin nitong sabi na parang bata ang pinanggigilan. Kulang na lang, pisilin niya ang pisngi at kurutin ang singit ko. Pero dahil sanay na ako dito sa mga pinagsasabi niya na walang kwenta. Manigas siya! Pero sa totoo lang, napangiti naman ako, sa isip ko nga lang. Paanong hindi ako ngingiti sa isip ko, miss na nga raw niya ako. At alam kong totoo 'yon. Miss na niya akong bully-hin, gawi
Hindi agad ako nakapagsasalita. I merely gazed at Myra before slowly resting my head.Ni minsan, hindi pumasok sa utak ko na gumanti, against those who bullied and humiliated me. Mas magiging magulo lang ang buhay ko kapag ginawa ko 'yon."Don't you want our classmates to treat you differently, Erica?" seryosong tanong ni Myra. "Are you just going to let them bully you for as long as they want?" Hindi pa rin ako sumagot, pero sandali naman akong sumulyap sa kanya. "Kasama mo na ako, Erica. May kaibigan ka na tutulong sa'yo kapag may umapi sa'yo," pangungumbinsi pa rin niya. "Alam mo, Myra, masaya ako dahil gusto mo na maging kaibigan ako sa kabila ng pagiging ako. Pero ni minsan, hindi ko naisip na gumanti. Kung gagawin ko kasi ‘yon, wala na rin akong pinagkaiba sa mga taong kinaiinisan ko.""Okay, fine, I won't make you take revenge. Pero pwede ka naman sigurong lumaban? Ang ibig kong sabihin, if they throw a rock at you, batuhin mo rin sila ng mas malaking bato!" maangas nitong sa
Napapailing ako. Ano ba ang pumasok sa isip ng Reynald na 'yon at biglang nag-iba ang timpla? In three years na naging magkaklase kami, wala namang ibang ginawa ang grupo nila sa akin, kung hindi puro pambubully at panlalait. "Anong pumasok sa utak ng isang 'yon?" hysterical na tanong ni Myra. Patalikod niya pa na itinuro si Reynald, pero nasa akin naman ang tingin. " 'Tsaka tama ba ang rinig ko? Gagawin niya ang lahat, to win your heart? Nabaliw na ba 'yon?" Umangat ang hulmang-hulma na mga kilay nito habang nagtatanong. "Grabe, nabara ko lang kanina, ngayon biglang type ka na?" Sekreto akong napangiti sa naging reaction niya. Gulat na gulat kasi. "Akala ko ba, bully ka? Sabi mo pa nga, alam mo ang likaw ng mga bituka ng mga bully na 'yon, pero hindi mo pala maintindihan ang bagong tactic niya." Nagkamot sa ulo si Myra, humaba pa ang nguso. Parang tanga nga, pero ang ganda pa rin—ang gandang tanga na dahilan kung bakit maraming napapalingon sa akin ngayon. Syempre, nagtataka si
"W-wala… wala akong kasama," utal-utal kong sabi, sabay ang pag-lock ng pinto. "Tara na, hindi ba sabi mo. Sabay na tayo kumain." "Teka nga lang, may kasama ka, narinig ko—"“W-wala nga akong kasama. Mag-isa lang ako rito. Tingin mo, sinong may gusto na makasama ang gaya ko?” putol-puto kong sabi. “Hindi e… may narinig ako,” akmang ididiin niya pa ang tainga sa pinto pero hinila ko na siya. “Bakit ba ang kulit mo? Halika na nga.” “Hoy, Erica—” Panay lingon pa rin siya, kahit hila ko na siya palabas."Alam mo, Myra. Gutom ka lang, kaya kung ano-ano na lang ang naririnig mo. At saka, kanina pa nga rin ako gutom. Tiyan ko lang siguro 'yong narinig mo," palusot ko habang ni-lo-lock ang pinto."Ito naman, masyadong malihim. Talaga namang may narinig ako–" Kamot na naman niya ang ulo sabay haba ng nguso. “ 'Wag ka ngang praning. Sino naman kaya ang magkakagustong makasama ako—” halos pabulong kong sabi. Nasa labas na nga kasi kami. “O, bakit biglang tahimik ka na naman?” nagtatakang ta
“Hoy, ano ba, Myra?” My hands were trembling, habang tinatapik-tapik ang likod ni Myra. Sobra akong nagulat nang bigla siyang sumalpak sa lupa at umatungal na parang bata. Wala na nga rin siyang pakialam sa lugar kung nasaan kami ngayon, hindi niya alam, kung gaano ka dumi ang inuupuan niya. Sapo niya ang mukha, umiiyak at parang hindi na ako naririnig.“Tumayo ka na, Myra.” Umupo ako sa harap niya at tapik na naman ang balikat niya. “Tahan na, hoy, bilib pa naman ako sa’yo kanina. Ang tapang-tapang mo. Nagkukunwari ka lang pala,” parang maiiyak na alo ko sa kanya.“Ang sakit-sakit… mahal ko ang gagong ‘yon. Ni minsan, hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ‘to. Akala ko, mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako nagkulang, Erica,” halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Puro ngawa niya ang naririnig ko.“Gano’n? Kahit maliit ang manhood niya, mahal na mahal mo pa rin siya?” sandali niya akong sinulyapan, saka humaba na naman ang nguso. Hindi ko kasi alam