Share

CHAPTER SIX: GO ON, AND JUDGE ME

Jeni

NAKAYUKO pa rin ako pero alam ko na malayo na kami ni Thirdy sa hotel na pinanggalingan namin. Hindi na naka-akbay sa akin si Thirdy at magkapanabay na lamang kami naglalakad ngayon. Medyo nilalamig na rin ako dahil iyong coat lang niya ang nakapatong sa aking katawan.

I'm still wearing my high heels and holding the mask I used not to reveal myself. But tonight, my identity was revealed to Thirdy and everyone in that room already. And I can't wait for Thirdy to judge me.

Gano'n naman ang lahat ng tao lalo kapag nalalaman na ganito lang ang trabaho ko. Isa akong maruming babae sa paningin ng lahat na hindi ko naman kinakahiya. Ito na ang bumuhay sa akin simula disiotso pa lang ako. Kailan lang naman ako natanggap sa law firm pero 'di ko binitiwan ang isa ko pang buhay na madali kahit na marumi.

Nagitla ako ng hawakan ni Thirdy ulit ang magkabilang braso ko. Isang dahilan para hayunin ko paangat ang aking mga mata.

“Wait here, Jeni. I'll just buy some clothes for you.” Hindi ko na siya napigilan dahil bigla siya umalis. Ang nagawa ko na lang ay luminga sa paligid at humanap ng puwede ko tambayan.

Sa bawat pagtingin ko sa paligid, hindi nakatakas sa akin iyong mga tingin ng bawat taong naglalakad sa gilid ko. Tingin pa lang nila alam ko na agad ang laman ng kanilang isip. Kaya minabuti ko na umalis at tumungo sa lugar kung saan ako hindi gaano makikita ng lahat. Iyon ay kahit pa sinabi ni Thirdy na maghintay lang ako kung saan niya ako iniwan.

I chose to stay outside a convenience store and took the vacant seat there. Nakita ko na may lumabas na grupo ng mga estudyante mula roon.

Gaya kanina, parehong tingin lang din ang pinukol nila sa akin. Isang dahilan kaya nagawa ko tingnan ang aking sariling repleksyon mula sa salamin pader ng convenience store. That woman in front of me isn't same woman live passionately before. It's all because of an event that changes everything.

It's one of a hell traumatic event. I wished it didn't happen.

“I told you to stay there, right?”

Napalingon ako agad sa pinanggalingan ng frustrated na tinig na iyon. May hilam na luhang naglandas pa sa mga pisngi ko ng lingunin ko siya na hindi ko dapat ginawa. Thirdy seen too much for tonight and I can't withstand his deep dark stares on me.

“Aalis na ko,” I say.

“Ihahatid na kita -”

“Puwede bang husgahan mo na lang ako kaysa iyong ganyan na nakatingin ka lang at hindi ko mabasa ang isip mo.” Tumayo ako para mas maharap ko siya ng maigi. “Go on, and judge me. Sanay naman na ako mahusgahan ng iba lalo na ng mga katulad mo.”

“I pulled you out of that room not because I want to judge you. Please stop putting words to my mouth, Jeni.” Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita. “I didn't think you less of a woman since the day we first met. Your mystery is pulling me closer to you to know you better.”

“The story of my life is ugly. Mas okay pa na huwag mo na lang ako kilalanin pa, Atty.”

KABADO 'man ay pumasok pa rin ako sa law firm kinabukasan. Wala naman siguro dito iyong mga kasama ni Thirdy kagabi sa hotel. Alam ko na maliit lang mundo ng lawyers pero kailangan ko kumayod. Lalo't hindi naman ako nabayaran kagabi dahil 'di ko natapos ang gig. But Czarina gave me small amount a while ago to add up my savings.

Tumungo ako sa HR department para magtanong kung anong arrangements ang puwede nila ibigay sa tulad ko na nagbabalak maging working student.

“Mag-aaral ka uli? Hindi ba tapos ka na?” Iyon ang gulat na tanong ni Miss Bing sa akin.

“Papasok po ako sa law school. Pangarap ko po kasi talaga maging lawyer,” tugon ko.

“Lawyer? Sigurado ka ba sa desisyon mo? Mahirap doon saka nakikita mo naman ang sitwasyon dito sa firm araw-araw, Jeni. Kakayanin mo ba?”

“Kaya ko po. Sabi nga po ng kasabihan, sky is the limit.” Ngumiti ako kahit napipilitan.

Maraming gaya ni Miss Bing na para bang walang tiwala sa kakayahan ko na gawin iyong bagay naisin ko. But I'll continue to prove them wrong.

“Kung gano'n i-a-akyat ko sa taas iyong request mo. Mas okay sana kung may school schedule ka na para maibaba agad ang working arrangements para sa iyo. Nakapag-take ka na ba ng exam? Saang school ka papasok?”

“Mag-re-review at magte-take pa lang po ako. Sa U.P. College of Law po ako papasok.”

“Sigurado ka ba talaga?”

“Opo. Siguradong-sigurado na po ako.” I am determined to do what I really want. Wala akong oras para mag doubt sa sarili kong kakayahan. Matagal ko na ito pinag-iipunan kaya bawal na umatras. “Uhm, Miss Bing, may scholarship offer daw po ang firm. Puwede po ba ako mag-apply?”

Ngumiti si Miss Bing at kumuha ng papel sa drawer na malapit sa kanya. “Kapag nakapasa ka na sa LAE at naka-enroll, i-fill up mo iyan at kumpletuhin ang mga kailangan. Ako na bahala mag-akyat sa taas.”

“Salamat po, Miss Bing!” Niyakap ko siya at iyon ang eksena na naabutan ni Thirdy nang pumasok sa loob ng HR Department.

“Good morning, Atty. De Luna!” Iyon ang sabay-sabay naming bati pero iyong akin bulong lang at hindi ko pa magawang tingnan siya ng diretso.

“Good morning! Bing, can I talk to you for a second?”

Binundol ng kaba ang aking dibdib nang marinig iyon. Ano kaya pag-uusapan nila? Hindi kaya aalisin ako sa trabaho kasi iyong nangyari kagabi?

“Oh, Jeni, iyong mga requirement na kailangan ha. Good luck sa pag-re-review at exam mo, future attorney.”

Ngumiti ako na napawi rin ng mapatingin ako kay Thirdy. Agad naman ako nag-iwas at nagpaalam na aalis na para magtrabaho. Mas lalo ako kinakabahan dahil mag-uusap sila ni Miss Bing.

Kakatanong ko pa lang tungkol sa working arrangements at scholarship! Think positive lang tayo, Jeni. Hindi naman mangyayari iniisip ko. Hinding-hindi!

PAGTAPOS ng trabaho ko, naghanap ako ng reviewer para sa LAE. Sa kakahanap ko, napadpad ako sa coffee shop kung saan kami huling nagkita ni Thirdy. Iyong lugar kung saan niya ako hinalikan. Hindi ko alam kung ano sumanib sa akin natagpuan ko na lang ang sarili ko na pumasok sa loob. I particularly glanced at the spot where we talked and stayed until midnight.

Huminga ako ng malalim saka dumiretso sa counter para mag-order. I ordered the same drink Thirdy ordered before as well as the cake. Pagkakuha ko noon ay doon sa puwesto namin dati ako umupo. Isa-isa nilabas ang mga gamit ko gaya ng notebook, ballpen at pass book ko sa banko. I have to make a budget chart now. Para malaman kokung sapat na ba ang ipon ko o kung kailangan ko pa rumaket ulit.

“That's my spot,” anang tinig na pumukaw sa akin. Nag-angat ako ng tingin at literal na umawang labi ko ng makita ko si Thirdy.

Kumurap-kurap ako at pinostura ang sarili. “May pangalan mo ba itong lamesa?”

He chuckled. “Yes, it has.” Sinipat ko ang lamesa at nakita ko na may pangalan nga niya na nakasulat sa gilid. “You're eating my favorite too.”

“Binayaran ko naman ito at hindi hiningi.”

Tinuloy ko lang ang ginagawa ko at umakto na parang wala akong kasama ngayon sa lamesang inokupa ko. Bakit kasi narito siya? At ang lakas pa ng dating niya ngayon. Actually, kanina pa ako naiilang sa kanya kaya nangangati na ako kausapin si Miss Angel na palitan na lang ako ni Sandra kaso 'di ko nagawa.

“I heard from Miss Bing that you're planning to enter a law school,”

“Tatanggalin mo ba ako sa firm kasi bayarang babae ako?”

He groaned. “You're doing it again, Jeni.” Tumahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nitong kolokoy na 'to. “U.P. Law School?”

“Ang ambisyosa ko ba?”

“No you're not. Actually, I'm impress.” Inirapan ko siya. Alam ko kasi na labas iyon sa ilong niya. “You're beautiful without heavy make up on your face.”

“Share mo lang 'yan, Atty?” Mahina siyang tumawa. “Bakit ka ba narito?” Aasa ba ako na sinusundan niya ako? No, Jeni, don't go there.

“I want to eat and I found the companion I want to be with here today.” Luminga-linga ako sa paligid namin. Konti lang ang taong kasama namin ngayon sa loob ng coffee shop. Ang totoo nga'y hindi ko namalayan na pumasok pala siya dito. Nang wala akong makitang posibleng tinutukoy niya muli akong tumingin sa kanya.

“Ako ba ang tinutukoy mo?”

“The one and only, Jeni.” Ugh, bakit iba ang pakiramdam ko kapag tinatawag niya ako sa aking pangalan? I have to control myself since he knows what life I've been hiding from everyone. “Come on. I know a nice place where you eat all you can.”

“Busy ako, Atty. Iba na lang ayain mo,”

“I want you, Jeni. Only you.”

Paano ko ba maitataboy ang isang ito? Pagbigyan ko na kaya para makalayo na ako sa kanya? Will he fuck my brains out if I did give in?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status