“BELLE!” Nakatanaw sila Devina at Jeydon kay Jenjen na tumakbo kung saan nakaupo si Arabelle. Kita nila ang saya sa muka ng bata ng makita ang kaniyang kaibigan. Sino nga bang mag-aakala na ang kasama mong bata sa ampunan ay kamag-anak mo pala. Tinapik ni Devina ang likuran ni Jeydon ng makita niya na malungkot na nakatanaw ito sa anak. “Sigurado akong maiintindihan niya ‘din,” ngiti niyang sabi dito. Hindi pa kasi nagsasalita ang bata tungkol sa mga ipinaliwanag nila dito. Mahirap intindihin pero sigurado si Devina na maiintindihan ito ng bata. Lalo na unang tingin palang niya dito ay maunawain na ito at mabait. Sapat na ebidensya nang minahal nito ang anak niya kahit pa na wala silang alam na magkadugo sila. “Natatakot ako Devina pero susubukan ko. Magpapakatatag ako para sa kaniya,” “Dapat lang. After all bata pa siya, ikaw ang ama. You should give your best. Akala ko talaga tatanda kang walang anak,” Natawa sila pareho dahil doon. Kahit papaano ay nabawasan ang pagka-
“DADDY!” Nakangiting sinalubong ni Valentine si David ng makarating siya sa bahay ni Devina. “Bakit ikaw lang mag-isa dito? Nasaan sila mommy mo?” Kuno’t noo niyang tanong sa anak. “Nasa taas po sila, si mommy katulong si tito Jeydon alagaan ang pinsan ko na si Jenjen. Habang sila lola at tita Adeline naman po ay inaalagaan si Arabelle,” “Pinsan? Kaninong anak?” Mas lalong nanguno’t ang noo niya dahil sa narinig. Sa pagkaka-alala niya ay wala ng ibang bata pa sa pamilya nila Devina. “Kay tito Jeydon po! Natagpuan na po ang anak niya, kaibigan po pala siya ni Arabelle sa ampunan. Umiyak nga po siya kanina nu’ng makita si Jenjen. Siguro naalala niya nanaman yung mga nangyari,” Mas lalong nakuha ni David ang atensyon ni Valentine sa mga sinasabi niya kaya inakay niya ang anak na maupo sa sofa upang mas mag kwento pa ng tungkol sa bagong dating na bata. Mabuti nalang at sa edad na pitong taon ay madaling makaunawa si David at madali niya ‘ding naipaliwanag sa ama ang lahat. N
DEVINA ILANG araw na ang lumipas simula ng mangligaw saakin si Valentine. Nalaman naman iyon kaagad ng pamilya ko dahil halata mo saaming dalawa ang pagiging close namin. Isa pa, hindi ko naman gusto na magtago sa kanila kaya sinabi naman ito namin agad. Hindi naman tutol doon si Valentine at masaya pa nga siya na legal na kami. Sa side naman ng pamilya niya ay boting boto ang mga ito saakin pwera nalang sa daddy niya na magpahanggang ngayon ay hindi pa ‘rin nagigising. Kahit ako ay nag-aalala kung bakit ganoon, lalo na si David. Alam kong gusto na niyang makausap ang lolo niya pero siguro ay hindi pa iyon ang tamang oras. Tungkol naman kay Jeydon at sa anak nitong si Jenjen ay sa wakas okay na ‘din ang dalawa. Noong una, hindi pa sila ganoon ka-close at hindi pa ganoon kagaan ang loob saamin ni Jenjen pero ngayon ay okay na. Nagagawa na niyang makipag-usap saamin ng malaya at makapagtanong. Malaki ‘din ang naitulong niya kay Arabelle dahil kahit papaano ay nagagawa na niyang tu
“WE should eat first Ms. Devina. Bawal pinaghihintay ang pag kain,” Napatitig ako sa lalaking aking kaharap. Unang tingin mo palang ay masasabi ko na agad na isa siyang Montoya lalo na at kahawig niya si Valentine. Anong kailangan niya saakin? Sigurado ako na hindi ito tungkol sa pagiging architect ko. “I see you already know me,” bigla niyang sabi at ibinaba ang kutasara’t tinidor niya. Mukang napansin niya na hindi ko ginagalaw ang pagkain na hinain sa harapan ko. Kaming dalawa lang dito dahil ang kasunod na table ay malayo saamin. “Also the way you look at me, I know you know why I approached you.” Pagpapatuloy niya ngunit hindi ko pa ‘rin siya sinagot. Napakunot ang noo ko ng bigla nalang siyang tumawa. “Tama nga ang sabi nila, matapang ka nga Devina.” Napakuyom ako ng kamao dahil doon. Ibig sabihin binabantayan niya ako. “I heard a lot about you. A lot,” “What is it?” tinignan niya ako ng kunwari ay nagtataka siya. “What do you want from me?” “Straight to the point eh?
NAPATINGIN silang lahat saakin ng buksan ko ang pinto. Gising na nga talaga ang daddy ni Valentine. Ngumiti ako sa kanila at naglakad palapit doon. “How are you Mr. Montoya?” “I’m fine now Devina, but can you please cut the formalities? Alam kong nililigawan ka na ng anak ko ngayon,” napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya. Lahat sila ngayon ay nakangiti na ‘din saakin. “Gusto ko ulit humingi ng tawad sa’yo Devina, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo,” umiling naman ako agad dahil sa sinabi niya. “Okay na po tayo doon. Isa pa, may kasalanan ‘din ako kaya humihingi ako ng tawad sa paghihiganti ko,” “Nalaman ko nga na lumuhod ka pa. Hija, kahit saan man tignan ako ang mali. Wag ka na ulit luluhod okay? And please do call me papa,” “Ako ‘din Devina, magiging pamilya ka na namin. Mas sasaya ako kung magkakaroon pa ako ng isang anak na babae,” Hindi ko na napigilan na yakapin ang mommy ni Valentine dahil doon. Niyakap ko ‘din ang daddy nito at nagpasalamat sa ka
VALENTINE “PUNTAHAN mo si Devina, Valentine. Alam kong may alam siya na hindi sinasabi sa’yo,” Napahigpit ang kapit ko sa manibela ng aking kotse ng maalala ang huling sinabi ni daddy. Katulad ng inaasahan inabot kami ng dalawang araw sa pag-asikaso sa nangyaring gulo sa underground. Nagkaroon ng naunang pagsugod sa grupo namin. Ginamit pa nila ang mga ka-kontrata namin. I hate it. Naiinis ako kapag hindi ko napaghahandaan ang mga bagay-bagay. Halos isang buwan ko ng inaasikaso ang pag-aaral para sa underground pero hindi pa ‘rin sapat ang kaalaman ko. Ngayon naman malalaman kong napapabayaan ko na sila Devina. Napasandal ako sa kinauupuan ko at inalala ang huli naming usap. Pumunta pa siya sa opisina ko at humihingi siya ng oras para sa mga anak namin. Nagiging pabaya na ba ako? Kung hindi ko ito gagawin kami ang mahihirapan. Kung totoo man ang sinasabi ni daddy, ano naman ang alam niya? Biglang tumunog ang aking cellphone kaya sinagot ko agad ito. “Hello,” “Valentine, wh
DEVINA “I have an appointment today—yes—dederetsyo nalang ako jan pagkatapos—yeah, right—I know, you don’t have to remind me—bye—” Napairap ako ng ibaba ko ang tawag namin ni Jeydon. Tatlong araw na ang lumipas mula ng pumunta sa bahay si Valentine at hindi na kami ulit nagkita simula niyon. Maayos naman kami at nakakapag-usap sa gabi sa telepono lalo na ng mga bata pero sadyang wala siyang oras para puntahan kami at naiintindihan namin ‘yun. Sa nakalipas na tatlong araw ay naging busy ‘din kami ni Jeydon dahil sa paghahanda sa gera na magaganap. Mabuti nalang at mayroon kaming mata sa underground kaya malaya naming nalalaman ang galaw ng bawat grupo doon lalo na kila Valentine. Tinawagan na nga ako ni Jeydon para sabihin na kailangan na ako sa Guild. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang kumpanya namin. As a architect I still need to finish my oder businesses lalo na ‘yung kumpanya sa pagitan ng Montoya at Valderama, hindi ko pinatigil iyon maging ang airline. Sumasakit ang ulo k
I guess may isa pa naman kaming advantage, walang alam si kuya Jules na kasali ang Guild namin o wala siyang alam na nakausap ni Valentine si Jeydon. Good point ‘yun, at kailangan kong sabihin ang bagay na ‘yon sa lolo ni Valentine. Matapos kong maisend ang message dito ay nagmaneho na ako papalayo sa lugar na iyon. Napapahigpit ang kapit ko sa manibela habang nakatanaw sa sasakyan na nakasunod saakin. Alam kong si Sheila iyon, hindi ako takot mamatay pero takot ako para sa pamilya ko. Hindi alam ng lolo ni Valentine kung may iba pang inutusan si kuya Jules para ipapatay ang pamilya ko. Si Sheila lang ang alam kong makakasagot saakin kaya kailangan ko siyang labanan. Matapos ang halos isa’t kalahating byahe ay nakarating ako sa isang liblib na lugar sa itaas ng isang burol. Nakatanaw lang ako sa malawak na tanawin at sa papalubog na araw. Nakikiramdam sa paligid... Hanggang sa inihagis ko ang small knife na hawak ko sa aking likuran tamang tama lang para masugatan ang pisnge ni S