Share

Chapter 25

"Mukhang may disgrasya sa unahan," nababahalang sabi ni Petrus.

Napansin naming maraming sasakyan ang nag-U turn sa daan at ang mga sasakyan sa unahang banda naman ay hindi umuusad. Madilim na ang buong paligid at tanging mga ilaw lang ng mga poste at ng mga kotse ang nagsilbing liwanag sa daan. Malakas na rin ang buhos ng ulan at dahil sa matinding pagbuhos ay hindi na namin masyadong maaninag ang daan.

Kanina bago kami makarating sa isang mamahaling restaurant ay malakas na talaga ang tili ng ulan. Hinintay muna namin na tumahan ng konti ngunit hindi ito umaayon sa gusto namin. Sa halip ay mas dumoble pa ang lakas at pagbuhos nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil nakakatakot ang bumyahe sa ganitong panahon. Nakaramdam rin ng panghihina dahil sa pagod at panlalamig sa buong katawan. 

Sumulyap sa akin si Petrus at napansin niyang giniginaw ako. Kaya kusa niyang pinatay ang aircon kahit hindi ko ito hiniling. Hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status