Share

Chapter 27

Nagtatawanan kaming dalawa habang nasa loob kami ng bnuo. Sabay kaming nag-toothbrush ng ngipin sa harap ng malaking salamin at hindi maiwasang napapangiti. Para kaming bagong mag-asawa sa aming sitwasyon. 

Naligo rin kami nang sabay at hinayaan ang mga sariling nakababad sa bathtub ng hotel. Tapos na siyang maligo kanina pero pinilit ko siyang samahan ako. Nilalaro ng mga daliri ko ang mga bula sa bathtub at hinihipan patungo sa mukha niya. Natatawa ako sa naging reaksyon niya, sa tuwing nakikita ko siyang naiirita ay hindi ko maiwasang matawa. Ganito talaga ang tunay niyang ugali noon pa man. 

Nakasandal ako sa dibdib niya habang hawak naman nito ang kanan kong kamay. Hinahalikan niya ako sa balikat at haplos naman niya ang isa kong dibdib. 

"Huwag mo nga akong inaakit, baka magahasa pa kita," pagbibiro kong sabi sa kaniya. Dahil kanina pa siya hindi tumitigil sa pagdampi nang halik sa akin. 

Tumawa naman siya nang malakas at niyakap

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status