Home / All / Her Regrets / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Dada
last update Last Updated: 2021-06-09 12:39:44

"Pumasok ka na." Turo niya sa pinto namin bago siya aalis. 

Dahil sa mga pangyayari ay hindi na niya ako hinayaang umuwing mag-isa.

Nagpresenta siyang ihatid ako sa bahay kahit na magabihan pa siya nang uwi sa kanila. 

"Hindi ka ba muna tutuloy sa loob?" Aya ko sa kaniya pero napapansin kong ilag siya. 

"Huwag na marami pa akong gagawin sa bahay," mabilis niyang tanggi sa naging alok ko. 

"Sige na para makilala ka ng parent's ko," pagpupumilit ko sa kaniya.

Napansin kong tiningnan niya ang buong bahay namin at tumingin ulit sa akin. Umiling siya at nag-alangan. 

"Huwag na," pinal nitong tugon sa akin. 

"Sige na mabait naman 'yong mga parents ko," pamimilit ko sa kanya. 

Umiling siya at sasagot na sanang muli pero hindi niya nagawa dahil biglang sumulpot si Mommy.

"Hija, sino 'yang kasama mo?" tanong ni Mommy sa akin. Hindi man lang namin napansin ang biglaang pagsulpot niya sa likod ko. "Hijo, pumasok ka na muna," nakangiti nitong aya kay Petrus. 

Wala na siyang nagawa dahil makulit si Mommy, mas higit na makulit kaysa sa akin.

Inasikaso ko rin siya dahil halatang naiilang siya sa presensiya ng mga magulang ko.

Nagpaalam ako sa kaniya na aakyat muna ako sa taas upang makapagbihis at para mailigpit ko rin ang mga gamit ko sa school.

Bumaba rin ako kaagad dahil ayaw kung paghintayin si Petrus. 

"Hijo, ano nga ulit 'yong pangalan mo?" 

"Petrus Gavallo, Daddy," sagot ko sa tanong ng ama.

"Anak kanina ka pa hindi naman ikaw ang tinatanong ko pero ikaw itong laging sumasagot," natatawang ani ng Daddy ko. 

"Saan ka nga pala nag-aaral, Petrus?" Si Mommy naman ang nagtanong. 

"Sa Nuestra College po, graduating student," he answered confident.

"If you don't mind. Ano 'yong course mo, Hijo?" 

"Engineer po, full scholar at working student," complete sentence niyang sagot.

"Wow!" Sabay na papuri ng mga parent's ko. Manghang- mangha sa narinig. 

"Dapat tularan mo si Petrus, anak," pagkokompara nila sa binata sa akin. 

"Syempre magaling akong mamili Mommy," pagmamayabang ko sa kanila. 

"Anak mabuti na lang at si Petrus ang binoyfriend mo. Bukod sa matalino, mabait ay magalang pa. Bonus na lang ang gwapo niyang mukha," masayang komento ni Mommy at binalingan nang tingin si Daddy. "'Di ba sweetheart? " Kaya biglang nabilaukan si Petrus dahil sa sinabi ni Mommy. Mabilis ko itong sinalinan ng tubig upang makainom ito kaagad. 

"Hindi niya po ako boyfriend, Ma'am," pagtatama ni Petrus sa sinabi ni Mommy. 

"Ah! Hindi pa pala?" tumatangong tanong ni Daddy. "Dawn Tonette, kailan mo naman balak sagutin si Petrus? Huwag ka ng masyadong pakipot, anak at baka maunahan ka ng iba," pangaral ng aking ama at nang tingin ko si Petrus ay napainom ulit siya ng tubig. 

"Dad, hindi pa po siya nanliligaw sa 'kin," mabilis kong reklamo. 

"Ha bakit naman? Maganda ka naman anak at saka mabait pa. Petrus, kailan mo ba balak naligawan 'tong anak namin?" napaubo ulit si Petrus dahil sa mga pinagsasabi ni Daddy kaya ako ang nahihiya sa mga tanong nila. 

"Mom, Dad, tumigil na nga kayo! Nakakahiya!" saway ko sa mga magulang ko.

Nagtinginan ang mga magulang ko kaya humingi ito ng pasensiya sa bisita. 

"Pasensiya ka na Petrus, ha! Matagal na kasi naming gustong magka-boyfriend itong si Tonette. Kung napapansinin mo matanda na kami, menopausal baby kasi 'yan at nag-iisa lang. Matagal kaming hindi nagkaanak ng Daddy niya kaya para na niya kaming Lola at Lolo. At sana nga bago kami mawala ay makita namin siyang nasa tamang tao," malungkot na paliwanag ni Mommy. 

"Mom, Dad, lumalamig na 'yong pagkain kaya please naman po hayaan na muna nating makakain si Petrus," nakasimangot kong sabi. 

"Pasensiya ka na, Hijo! Sige na kumain kana at lumalamig na ang pagkain," wika ni Mommy at patuloy pa rin sa paghingi ng paumanhin. 

"Salamat po at saka hindi naman po kayo mukhang matanda para nga po kayong thirty five years old pa lang," nakangiting sagot ni Petrus.

Pero wala sa mukha niya ang pangbobola. Makikita sa mukha niya na nagsasabi ito ng totoo.

Sa unang pagkakataon ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito kaganda.

Mas lalo lang tuloy lumalim ang kaniyang biloy sa pisngi at naalala ko ang sikat na artista na si Aga sa kaniya. 

"Ay, talaga ba, Hijo? Nako! Magkakasundo talaga tayo. Dawn, ang galing mo talagang mamili, anak. Bukod sa mabait na, matalino, gwapo at napaka-honest pa. Sige na, Hijo kumain ka pa, ubusin mo 'yan lahat," masayang utos ulit ni Mommy. 

"Salamat po, Tita ang sarap po ng mga luto niyo," sinsero nitong sabi at sumubo siya ng kanin na pinatungan ng ulam. 

"Ahem, ako ang nagluto niyan. Magaling ka pa lang tumikim, Hijo dahil nagsasabi ka talaga ng totoo. Honey, magugustuhan ko talaga ang batang 'to, hindi nagsisinungaling," masayang tugon ng aking ama. 

Matapos maghapunan ay binigyan kami ng oras ng mga magulang ko na makapag-usap kaming dalawa. 

"Pasensiya ka na, ha! Sana pala hindi na lang kita pinapasok. Ang kukulit kasi nila," tukoy ko sa mga magulang ko.

"Nagmana ka," natatawa nitong tugon. 

Halos hindi ako makagalaw dahil umabot sa mata ang ngiti niya.

Simula sa araw na kinukulit ko siya ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng ganito.

Palagi lang itong seryoso kaya maraming nag-aalangang lumapit sa kanya.

Mas lalo tuloy akong nagkakagusto sa kaniya dahil mas lalo siyang gumagwapo sa ngiti niya.

Agad din siyang nagpaalam sa akin nang biglang nagkasalubong ang mga mata namin.

May konting ilang na nararamdaman sa pagitan namin pero pinilit kung umasta ng kaswal.

"Uwi na ako." Paalam niya sa akin.

Tinuro niya ang labas ng daan habang nagpapaalam sa akin. 

Pero bago siya umalis ay sinagad-sagad ko na habang mabait pa siya.

"Pwede bang humingi ng number mo?" Tumango siya sa akin bilang tugon at inabot sa akin ang cellphone niya.

Pinindot ko ang mga numero sa dialled number at sini-save ang pangalan ko.

Nagpaalam din ako sa kanya na hintayin niya muna ako dahil kukunin ko ang cellphone ko sa kwarto.

Nagmamadali akong umakyat sa hagdan at halos takbuhin ko na ang kwarto para lang mapadali.

Dinala ko ang cellphone niya sa kwarto ko para siguradong hindi siya uuwi.

Baka kasi bigla niya akong iwan ng walang paalam. 

At ayaw kung maghintay lang sa kaniya kung kailan siya te-text sa akin o tatawag.

Napapangiti ako habang pinipindot ko ang mga numero sa cellphone ko para ma-save ko ang number niya.

Nang matapos ko nang ilagay ang number ko sa cellphone niya ay agad din akong bumaba dahil baka namuti na ang mga mata nito sa kahihintay sa akin.

"Pasensiya na, ito na 'yong cellphone mo. Nilagay ko na 'yong number ko r'yan." nakangiti kong turan habang binabalik ang cellphone niya.

Tumango siya sa akin at nakitaan ko nang saya ang mukha niya.

Hindi gaya nang dati na palagi lang itong nakasimangot. 

"Sige, mauna na ako," paalam nito ulit at parang ayaw pa nitong umuwi.

"Teka, lang ha! Ihahatid kita at magpapaalam lang ako kay Mommy at Daddy." Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong pinigilan. 

"H'wag na, hindi na kailangan," umiiling nitong sagot. 

"Sige na please, okay lang naman kay Mommy at Daddy, eh! Narinig mo naman sila kanina 'di ba? Kung gusto mo asawahin na rin kita?" pagbibiro ko rito pero pinanliitan niya lang ako ng mata. Halatang hindi gusto ang narinig.

"Relax, nagbibiro lang naman ako," nakangiti kong ani. "Pero nasa sa iyo kung totohanin mo!"

"Huwag na, ako ng bahala sa sarili ko kaya ko namang umuwi," patuloy niyang tanggi. 

"Pahiram nga ulit ng cellphone mo." 

Inabot niya sa akin ulit ang cellphone niya na may halong pagtataka. Pero mas pinili niya na lang ang tumahimik. 

"Teka lang hintayin mo ako rito! Pag-umuwi ka, hindi ko 'to ibabalik sa 'yo," pagbabanta ko sa kaniya. 

"Marunong ka ring mang block mail ano?" reklamo niya pero nginitian ko lang siya at tinalikuran. 

Matapos kong magpaalam ay dala ko na ang susi ng kotse.

Marunong naman akong mag-drive kaya lang ay sadyang tamad lang kaya nagpapahatid at nagpapasundo ako sa driver. Natutulog kasi ako sa byahe.

Mainipin rin kasi ako pag-heavy traffic at nakakawala ng kondisyon sa pagmamaneho. 

Inangat ko ang kamay ko at ipinakita ang susing hawak.

Nakangiti ko siyang nilapitan at kaagad na kinawit ang kamay ko sa braso niya. 

"Let's go!" Aya ko sa kaniya. "Marunong kang mag-drive?" tanong ko rito habang naglalakad kami patungo sa kotse. Tumango siya kaya binigay ko sa kaniya ang susi. 

"Para sa'n to?" nagtataka niya akong binalingan at napahinto sa kaniyang paglalakad. 

"Susi para sa kotse. Bakit, 'di ba marunong ka namang mag-drive? Kaya ikaw na ang magmaneho," pinal kong sabi rito. 

"Baka makasira ako," nag-aalangan ito kaya pilit na binabalik sa akin ang susi ng kotse. "Mamahalin pa naman 'yang kotse n'yo," patuloy nitong sabi. 

"Magda-drive ka lang naman hindi mo naman 'yan wawasakin 'di ba? At isa pa gusto ko 'yong feeling na ipagda-drive mo ako," kinikilig kong ani. 

Pinilit ko siya kahit ayaw niya, napabuntong hininga na lang siya dahil sa kakulitan ko.

Pumasok agad ako sa kotse at hinintay siya sa loob. Napansin kong kinakabahan siya kaya dumaldal ako para hindi siya mailang na gamitin ang kotse.

Binuhay niya ang makina at ilang sandali ay pinatakbo na niya ito.

Habang nagmamaneho siya ay nakitaan ko siya ng pag-e-enjoy. Ang cool niyang tingnan mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

At ang mas maganda ay hindi siya kagaya ng iba na kaskasero.

"Dito na ba?" masaya kong tanong ng mapansin ang paghina nang takbo ng kotse.

Dahan-dahan niyang tinabi sa gilid sa isang bahay ang kotse na hindi gaanong malaki ngunit hindi rin maliit. 

Sapat lang ang bakante para maayos niya ang pag-parking ng kotse.

"Ang astig ng kotse n'yo," mangha niyang wika habang binibigay ang susi ng kotse na hawak niya.

"Dito, ba?" Turo ko sa bahay nila at tumango rin agad si Petrus sa akin. 

"Anong ginagawa mo?" nagtataka niya akong tinanong nang makita niya akong bumaba at dumiretso sa pinto nila.

Kumakatok din ako upang pagbuksan kami ng nasa loob.

"Papasok, syempre gusto kong makilala ang pamilya ng magiging future husband ko." 

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? H'wag mo nga akong binibiro, ka babae mong tao tapos ganyan ka kung magsalita!" 

"Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso na ako sa lagay na 'to," nakangiti kong sagot.

"Umuwi ka na nga, puro ka kalokohan!" naiinis nitong sabi ngunit halatang hindi naman totoong naiinis base sa ekspresyon ng mata niya.

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto at maayos na pinapasok sa loob.

Napabuntong hininga na lang ako dahil nakapagpasya na itong huwag akong papapasukin sa loob ng bahay nila. 

"Okay, sige na uuwi na nga ako! Basta pumasok ka na muna."

Pinanliitan niya ako ng mata ngunit hindi ito kumbinsido sa sinabi ko.

Ngunit sa huli ay ito na rin ang sumuko. Dahan-dahan siyang naglakad sa kalsada ngunit bigla na lang tumigil para balingan ako nang tingin.

Tinaasan ko siya nang kilay dahil may pagduda ito sa akin.

Kaya sa inis ko ay lumabas ako ng kotse at lumapit sa kaniya.

"Ba't ba ayaw mo pang pumasok? Gusto mo ba ng kiss?" seryoso kong tanong.

Nanlaki ang mga mata nito kaya gusto kong tumawa nang malakas ngunit labis ang pagpipigil ko sa aking sarili. 

"Babae ka ba talaga?" masungit niyang tanong. 

"Sa ganda kong 'to, mukha bang hindi?"

"Ewan ko ba kung saan mo napupulot 'yang lakas ng loob mo. Kung umasta ka parang hindi ka babae. Kulang na lang yata ligawan mo na ako!" matigas nitong komento sa akin. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Regrets    Chapter 67

    Kinausap kami ni Tita Anne at si Crizza naman ay walang ginawa kundi ang umiyak. Alam kong mabait siya dahil kung sa iba pa ito nangyari ay sigurado akong kinalbo na ako."Ikaw Dawn! Akala ko ba nakauwi ka na kagabi?" panenermon sa akin ni Tita."Ikaw naman Petrus!" matigas na sabi ni Tita at napahawak ito sa kaniyang noo. "Sumasakit na ang ulo ko sa mg ginagawa ninyo," patuloy na reklamo ni Tita."Ma, pwede bang hayaan mo muna kaming mag-usap ni Crizza ng kaming dalawa lang.""Mabuti pa at aatakihin ako rito sa puso," galit na tugon ni Tita Anne at ni minsan ay ngayon ko lang ito nakitang ganito kagalit.Sininyasan ako ni Tita na pumunta sa kusina at hayaang mag-isap ang dalawa. Dalawang oras na akong naghihintay rito sa loob ng kusina pero hindi pa rin sila tapos. Sakto namang nagpaalam si Tita Anne na may aakyatin siya sa itaas kaya nagkataon ako na ng pagkakataon na makinig sa usapan ng dalawa. Hindi ako mapakali kaya sekreto akong nakikinig at

  • Her Regrets    Chapter 66

    "I warn you. You can't stop me once I've started," namamaos niyang wika at mas lalo lang akong naakit sa kaniya."No, I won't!" tugon ko sa kaniya at ako na mismo ang kumaibabaw sa kaniya. Namimis ko na siya at marami akong gustong gawin sa kaniya.Hinawakan ko ang matigas niyang espada at itinutok sa aking kweba. Walang alinlangan ko iyong tinaob at kapwa kaming napaliyad sa isa't isa. Sabay din kaming umungol sa sarap at damang-dama ko ang unang tulak ko sa loob niya.Piniga niya ang bewang ko gamit ang kniyang mg kamay at ginabayan niya ako sa aking pagkilos. Pababa at pataas ang ginawa ko para bayo at siniguro kong tumagos iyon sa aking kailalaliman. Bawat tulak ko ay sinisiguro kong madiin at hahanapin niya ito sa akin. Maraming beses akong bumayo at kitang-kita ko siya kung paano siya napapakagat labi sa tuwing sinasagad ko.Hanggang sa dumoble ang aking bilis at hanggang sa hindi na kayang pigilan ni Petrus ang pagtalsik ng likido sa ka

  • Her Regrets    Chapter 65

    "Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas para sabihin sa akin 'yan, Dawn! Nakokonsinsiya ka ba talaga o sinasabi mo lang 'yan para manggulo na naman sa buhay ko?""Hindi dahil nakokonsinsiya ako kaya ko humihingi ng sorry kundi dahil nagsisisi ako kung balit ko 'yon nagawa sa 'yo. Hindi ko inakala na dahil sa ginawa ko ay ako rin pala ang magdudusa. Mahal pa kita hanggang ngayon Petrus. At galit na galit ako sa sarili ko dahil ako dapat ang pakakasalan mo at hindi si Crizza," umiiyak kong wika at ang mga luha ay para ng gripo sa lakas ng agos. Tumayo ako at nilapitan siya pero bago ko pa siya mahawakan ay kinompas niya ang kaniyang mga kamay na 'wag ko siyang kalimutan."Kung kakausapin mo lang ako ay r'yan ka lang. 'Di mo na kailangang lumpit dahil bibig ng nagsasalita hindi ng mga kamay!" matigas niyang sabi sa akin.Awang-awa ako ngayon sa sarili ko dahil sa aking sinapit. Para akong namamalimos ng pag-ibig at kinapalan ko pa ang aking mukha para

  • Her Regrets    Chapter 64

    Lasing na lasing akong dumating sa bahay nila Petrus. Dumiretso ako sa kanila matapos naming mag-inuman ni Ergie sa bar. Siguro ay dahil sa kalasingan ko kaya may lakas na loob akongbkausapin siya. Hindi ko pa rin matanggap na ikakasal na siya sa iba.Ang laki ng pagsisisi ko kung bakit ipinagtabuyan ko siya noon. Akala ko ay kaya kong wala siya sa buhay ko pero nagkamali ako. Dahil ngayon pa lang ay hindi ko na kayang tiisin ang sakit na mkitang ikakasal siya. Pakiramdam ko ay mamatay ako sa lungkot kapag nangyari 'yon."Tita Anne, please namn po kakausapin ko lang po si Petrus kahit saglit lang," pagmamakaawa ko kay Tita Anne nang makarating ako sa bahay nila."Hija, lasing ka na at isa pa ay tulog na rin si Petrus ngayon. Mabuti pa ay tawagan ko ang Mommy mo para mapasundo ka ng driver niyo."Umiling ako bilang pagtanggi sa kaniya at buo na ang pasya ko na hinding-hindi ako uuwi hangga't 'di kami nagkakausap ngayon."Tita Anne, please po!"

  • Her Regrets    Chapter 63

    Chapter 63Sa dami ng option ko na pwede kong pagpilian ay sa huli ay nandito ako ngayon sa isang bar at hinihintay si Ergie na dumating. Tinawagan ko ito para samahan ako at salamat dahil sa wakas ay hindi na ito nangulit pa.Akala ko pa naman ay hindi ako nito titigilan hangga't hindi ako nagbibigay sa kaniya ng rason. Sa lahat ng taong kilala ko sa mundo ay ito na yata ang pinakamakulit sa lahat kaya nakapagtataka kung bakit hindi ko ito narinig na magkomento."Hey, I am sorry ang heavy kasi ng traffic.""It's fine, alam ko namang may iba ka pang mga ginagawa tapos inisturbo pa kita.""Ano ka ba? Ikaw pa, alam mo namang isang tawag mo lang darating ako. Kahit pa gaano ako kaabala ay gagawan ko ng paraan lahat para sa 'yo. Alam ko naman na kapag kailangan ko ang oras mo ay nandiyan ka rin para sa akin," mahaba niyang paliwanag sa akin."Kukuha ba tayo ng VIP room?""Huwag na siguro, tayo lang namang dalawa.""Okay," tip

  • Her Regrets    Chapter 61

    Chapter 61"Dawn Tonette... alam mo na ba?" nag-aalangang tanong sa aking ng matalik kong kaibigan na si Ergie."Ang alin?" wala sa sarili kong tanong dahil nasa laptop ko ang aking atensiyon. Kasaluluyan kong pinaplano kung paano aangat ang sales ng kompanya dahil base sa aking nakita ay hindi naman bumababa ang income ng company namin ngunit hindi rin naman iyon tumataas."So, hindi mo nga alam?" tila nagduda nitong tanong sa akin. Kaya napatigil ako sa aking ginagawa dahil naiintriga na rin ako."Ang ano ba kasi 'yan?" ulit kong tanong sa kaniya at nawawalan na ng pasensiya. "Bakit ba hindi mo na lang ako diretsuhin dahil alam mo namang may importante akong ginagawa!" naiirita kong wika."Huwag na lang at mag-concentrate ka na lang sa trabaho mo.""Ano ba sasabihin mo ba o hindi?" naiinis kong tanong at pinanliitan ko ito ng aking mga mata."Hindi na... sige na magpatuloy ka na lang!" pinal niyqng ani at sinimsim ang hawak niyang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status