Kabanata 1
HR01
Kinabukasan paggising ko ay halos mahiwa ang beywang ko dahil sa sakit. Tatlong palapag ng bahay ang nilinis namin. Kahit anim pa kami kasambahay dito ay hindi talaga namin kaya, ngayon na tuka ako sa paglilinis ng swimming pool.
Dahan-dahan akong bumangon at nag-ayos ng sarili para sa panibagong araw. Tulog pa si Celene dahil marami ang ginawa niyang trabaho kahapon. Lumabas ako ng silid at pinaghanda ng agahan ang ibang kasambahay kasama na si Nanay Tesang.
Maalam naman ako sa pagluluto dahil culinary ang kurso ko. Pangarap kong maging isang na chef, namana ko ang galing kay Tatay. Bata pa lang ako ay pinapanood ko na siyang magluto hanggang sa nahasa na ako.
All around kaming kasambahay ni Celene, ang apat naman ay may nakatukang trabaho talaga. Sabi ni Nanay Tesang habang wala pa ang mga Circassian ay hindi daw ako kabahan dahil hindi naman niya kayang magtanggal ng mga kasambahay. Dahil sinabi niyang iyon ay nabuhayan ako, natakot kasi ako kahapon kaya marami akong ginawa.
“Wow, mukhang masarap ang niluluto mo Zey.” Nagulat ako kay Celene.
Buhaghag pa ang buhok at kagigising lang. Ngumiti ako sa kanya at tinulungan na ako sa paghahanda ng makakain namin. Tamang-tama na tapos na kami sa paghahanda ay lumabas na ang ibang kasambahay. Maging si Nanay Tesang ay bumaba na rin sa amin.
“Bango naman ng niluto mo Zeynep.” Komento ni Karin, kasamahan naming kasambahay.
“Tara, kain na tayo.” Aya ko sa kanila at sabay-sabay kaming kumain.
Nagkwentuhan kami habang kumain, tatlong kaming bagong kasambahay dito kaya hindi namin kilala ang ugali ng mga Circassian. Napatanong kami kay Nanay Tesang kung mabait ba sila o hindi para ready na kami kapag nakarating sila.
“Si Sir Yusuf lang talaga ang umuwi dito dahil nagtatrabaho siya. Kasama niya palagi ang kanyang kapatid ngunit may condo naman iyon kaya kung minsan lang dito. Ang nanay naman nila ay sa ibang bansa, minsan lang kung umuwi dito, mabuti naman iyon kaya lang nag-iba ang ugali simula noong namatay ang asawa niya.”
“Wala na pong Tatay si Sir Yusuf?” tanong ni Karin.
Ngumuya si Nanay Tesang at umiling, “Namatay sa ambush dahil sa negosyo.”
“Matagal na po kayo dito Nanay Tesang?” kuryoso kong tanong.
“Wala pa si Yusuf at kapatid niya, kasambahay na ako ng mga Circassian. Sa akin lumaki si Yusuf dahil palaging negosyo ang inaatupag ng pamilya niya.”
Tumango-tango ako. Muling nagtanong ang ibang kasambahay tungkol sa mga Circassian hanggang sa natapos kami sa pagkain. Nagpahinga muna ako saglit bago ako naglinis sa swimming pool. Hindi lang iyon ang ginawa ko, nilinis ko rin ang mga bakanteng silid sa loob ng mansyon hanggang sa dumalim.
****
Hindi ko mapigilang sumaya dahil naka-isang linggo ako sa mansyon ng mga Circassian. Nagandahan din si Nanay Tesang sa gawa ko lalo na sa pagluluto ko. Si Nanay Tesang talaga ang nagluluto sa Circassian dahil ayaw ni Sir Yusuf na may ibang naghahanda sa kanya, ayon iyon kay Celene.
Ngayon, narito ako sa aking silid at inaayos ang aking mga damit na bago kong laba. Dati hirap na hirap talaga ako dahil gamit lang ang kamay ko at nagkakasugat pa, ngayon may washing machine na hindi ko na kailangang isa-isahin pa ang mga damit ko.
“Zeynep! Mag-ayos ka bilis, nandito na si Sir Yusuf. Nagbabalik na ang demonyong amo natin. Bilis!”
Hindi ko na tinapos ang pagtutupi ko ng aking mga damit at lumabas na sa aking silid. Pinapunta kami ni Nanay Tesang sa kusina kung saan naroroon daw si Sir Yusuf. Ramdam ko na ang kalabog ng puso ko hindi ko pa man siya nakikita, nakakaramdam na ako ng takot.
Kanina lang ang saya-saya ko. Nagtagal ako dito sa mansyon at may mga kaibigan na rin ako. Natatakot ako at baka bigla niya akong paalisin o ‘di kaya ayaw niya ng panibagong kasambahay.
Sana naman hindi niya gawin iyon, malaki kasi ang sahod ito at kada kinsenas kung dumating. Malaking tulong na iyon para sa mga kapatid ko at kay Nanay.
Nasa likod kami ni Nanay Tesang kasama ko ang dalawang bagong kasambahay. Nakayuko ako lang ako hanggang sa naramdaman kong nasa harap na kami ng isang lalaki. Kita ko ang kintab ng kanyang mamahaling sapatos.
“They are the new maids, Nay Tesang?” baritonong boses ang narinig ko.
“Yes Yusuf, noong wala ka maayos naman ang gawa nila lalo na si Zeynep. Napakagaling niyang magluto, kung gusto mo matikman ang luto niya?” maligayang ani Tesang pero kinakatakot ko iyon.
Ano ba ‘yan, ayaw ko ngang matanggal ng maaga eh. Paano kung magkamali ako at ayaw niya ang niluto ko?
Bakit pa kasi ako binida ni Nanay Tesang, kinabahan tuloy ako.
“Where are you from? Face me.”
Sa palagay ko ako iyong tinutukoy niya kaya dahan-dahan kong tinaas ang aking ulo hanggang sa maglapat ang aming mga mata. Para akong napaso dahil doon kaya kaagad kong iniwas ang aking tingin.
“Sa probinsya po, Sir.” Maikling sagot ko.
“I don’t need to taste your cook, baka malason pa ako. I need my lunch now, Nay Tesang cook for me. I will change my clothes first.” Saka walang sabi-sabi na umalis na.
Hindi ko alam kung maiinsulto o magagandahan ako sa sinabi ni Sir Yusuf. Hindi ko naman kasi kayang lumason ng tao, kahit pa siya na malademonyo daw ang ugali. Hinding hindi ko gagawin iyon dahil hindi ako ganoong tao.
Pero dahil doon nakahinga ako ng maluwag, baka kasi matanggal ako bigla dahil ayaw niya ng sa niluto ko.
Bumalik kami sa baba at sinalubong ako ni Celene.
“Ano kumusta? Nagalit ba siya? Ayaw niya ba?” sunod-sunod niyang tanong.
Umiling ako, “Hindi, suplado lang siya. Baka daw malason ko siya.”
Natawa si Celene sa sinabi ko kaya kumunot ang aking noo.
“Hinding hindi kakain iyon ng hindi niluto ni Nanay Tesang, mapili iyon sa pagkain. Tamang tama ka na suplado talaga siya.” sabi pa niya.
Muli akong bumalik sa aking silid at binalikan ang aking pagtutupi. Ngunit hindi pa ako nakakapagtupi ng isa ay muli akong tinawag ni Celene.
“Girl, pinapatawag tayong lahat. Bilis!”
Inis na hinampas ko ang aking damit sa kama at tumakbo papunta sa taas. Sumalubong sa amin ang nag-aamoy na mata ni Yusuf at mukhang galit na galit. Ramdam ko ang pagbangga sa akin ni Celene na parang may pinapahiwatig ngunit hindi ko alam kung ano.
“Who clean the room next to mine?” matigas na ingles ni Yusuf.
Hindi ko maalala ang mga silid na nilisan ko dahil marami iyon. Hindi ko rin maalala kong nalinisan ko ba ang silid na ‘yon. Tatlong araw na simula noong naglinis ako doon.
Tahimik ang lahat at parang nag-iisip kong sino. Ang unang palapag ay nalinisan ko, ang swimming pool, at ibang silid ngunit wala akong ideya sa mga silid.
“Who fucking clean the room next to my room!”
Natapalon ako sa sigaw na iyon mula kay Yusuf, sinabayan niya pa ng hampas sa lamesa. Nagkatinginan kami, hindi ko talaga alam kung sino o ako ba ang naglinis.
“Who fucking left this food inside that room?” sabay lapag niya sa mesa ng isang mangkok na may lamang cake!
Bigla akong kinabahan dahil doon. Tatlong araw noong nagdala ng cake si Nany Tesang, galing siya ng grocery at dinalhan kami ng pagkain.
Napapikit ako dahil alam kong nagdala ako ng pagkain na iyon habang naglilinis dahil sabi ko hindi ako magsasayang ng oras. Tinawag ako ni Celene matapos kong malinis ang silid at nakalimutan kong dalhin ang mangkok!
Napapikit ako dahan-dahan na tinaas ang aking kamay, “A-Ako po ang n-naglinis, S-Sir.” Nauutal kong sabi dahil sa takot.
“Iwan niyo kami.” Kaagad na nagsi-alisan ang mga kasambahay kasama si Nanay Tesang.
Ngayon, katapusan ko na talaga. Bakit kasi ang tanga-tanga ko. Bakit pa kasi ako nagdala ng pagkain. Bakit kasi naiwan ko at nakalimutan iyon. Magtatatlong araw na iyon surado akong may langgam na doon!
“You’re new right?” tanong niya, ramdam ko ang galit sa boses niya.
Tumango ako, “Y-Yes, Sir.” Mahinang sagot ko sa kanya.
Hinawi ng kamay niya ang mangkok kaya natapon iyon sa sahig at nabasag pa ang mangkok. Nagkalat ang bubog at ang pagkain sa sahig. Napapikit pa ako sa lakas ng tunog na nilikha ng pagkabasag. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa takot sa kanya.
Nang patingin ako sa mata niya ay kaagad din akong umiwas dahil sa nag-aapoy at nagagalit na mata niya. Idagdag pa ang paggalaw ng panga at pagyukom ng kamay. Tama nga sila Nanay Tesang, kaunting mali lang ay parang napakalaki na sa kanya. Galit na galit na siya kaagad.
Muling dumako ang mata ko sa kamay niya, Sasaktan niya ba ako? Muli akong napapikit sa takot.
“Clean that shit and clean the room. Sa susunod huwag kang tatanga-tanga. Huwag mong dalhin sa bahay na ‘to ang ugaling nakuha mo sa probinsya niyo. Sa susunod na gawin mo pa ‘yan, umalis ka na sa bahay ko.” sabi niya at umalis.
Nakahinga ako ng ngunit hindi pa rin nawawala sa akin ang kaba at takot. Parang naiiyak din ako dahil pang-iininsulto niya sa akin, nangilid ang luha ko. Pinigilan kong maiyak dahil walang lugar ang iyak sa pagkakataong ito. Kailangan kong maging malakas para sa pamilya ko. Hindi dapat ako mahina, dahil ang mahina ay palaging talo.
HR61 Mabilis ang paglakad ko papasok sa loob ng kompanya. Ramdam na ramdam ko rin ang kalabog ng puso ko sa binalitang iyon ni Halil. Dadalhin ko sana si Yrine ngayon dito sa kompanya dahil wala siyang makakasama sa bahay. Ngunit nang malaman din iyon ng dalawa ay minabuti namin na iwan na muna doon si Yrine at babantayan nilang dalawa. Nanginginig ang kamay ko nang sinalubong ako ng aking sekretarya. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at bumungad sa akin ang tatlong katao. Si Halil, Yusuf, at iyong sinasabi niya kaninag imbistigador na humahanap ng ebinsya. "Zey," dinig kong tawag sa akin ni Halil. Ngunit ang tingin ko ay nasa lalaking imbistigador. Gustong-gusto ko na talaga malaman kung sino ang may pakana ng nangyari sa sitio dati. Gusto ko na ibigay sa ina ko ang hustisyang matagal na niya dapat makuha. A lot of people suffer because of that brutality and worst they lost their own land. Kabuhayan nila at ang mga magagandang karanasan doon sa sitio. "This is Simon, my frie
HR60Simula makarating kami dito sa isang sikat na mall at puro kaartehan ng anak ko ang aking naririnig. Hindi ko naman ma saway dahil nakikita kong maganda ang kanyang ngiti at masayang masaya dahil kasama niya ang ama.Nawala ako sa mood simula kaninang pag-uusap namin ni Yusuf tungkol sa nangyari dati. Until now, hindi pa rin siya naniniwala na magagawa iyon ng ina niya. Kung sabagay, wala naman siya doon noong nangyari ang mga pananakit nila sa akin. Wala naman siya noong inaalipin at inasaktan ako ng dalawa. Hindi rin naman ako nagsusumbong dahil ayaw kong lumaki ang gulo sa loob ng bahay nila.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung mag-away silang mag-ina. Wala na akong pakiramdam sa mga nararamdaman nila. Sa ngayon ang iisipin ko na lang ang kapakanan ng anak ko at ng mga kapatid ko. Wala na akong pake sa iba dahil noong iniisip ko ang iba ay nawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
HR 59 Naalimpungatan ako nang makaramdam ng kakaibang bigat sa aking beywang. Naalala ko kagabi na ang posisyon namin ay nasa gitna ni Yrine at ako naman ay papalayo na nang papalayo sa kanila para hindi lang maabot ni Yusuf. Ngunit ngayon, parang kakaiba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may kamay na sa aking beywang... Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko ngayon si Yrine at si Yusuf ngunit ang kamay ni Yusuf ay nakasakop sa aking maliit na beywang. Abot na niya ako ngayon dahil malapit na ako sa kanilang dalawa ni Yrine. Parang may kung ano akong naramdaman sa aking puso nang makita ang isang kamay ay nasa pisngi ni Yrine. Si Yrine naman ay komportable ang tulog na para bang ilang beses niya ng nakasama ang ama sa pagtulog. Inalis ko ang kamay ni Yusuf sa aking beywang. Mabuti naman ay hindi siya nagising sa ginawa kong iyon. Dahan dahan akong bumalik sa pinakagilid at muli akong bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan ay n
HR58 I really wanted to request a room for myself. Dinig ko kasing matutulog si Yrine sa silidni Yusuf. I know that they missed a lot of years together kaya pinagbigyan ko kung iyon ang kanilang plano. Pero hindi ako papayag kapag maging ako ay kasama sa silid na 'yon. Wala sa plano ang makipagbalikan kay Yusuf. Wala ito sa plano at pinagbigyan ko lang talaga ang anak ko. She deserve to know the truth, she deserve to know her father, she deserves everything. Pero sana ay labas na ako sa kanilang dalawa, labas na ako kung ano ang gusto nilang gawin. But how can I do that when my daughter requested me to join them. To sleep with them?! Sana talaga ay hindi na ako pumayag. Lalo lang nag init ang ulo ko kay Yusuf dahil sa usapan namin kaninang dalawa. Mabuti na lang talaga at nakawala pa ako doon. Akala ko nga malulunod na ako na parang kumunoy sa braso niya. Hindi ko maintidiha
HR57Bumalik ako sa gawi nila matapos kung matawagan si Halil. Mabuti na lang ay kilala ni Celene si Halil kaya alam ni Celene kung ano ang ugali ni Halil.“Mabait naman iyong si Halil, kaya ayos na ayos lang iyon sa kanya na dito kayo matutulog.” Si Celene.Hindi na ako nagsalita nang makita ang pagdugtong ng kilay ni Yusuf. Itong si Celene ay nagkwento pa talaga ng mga pinagagawa dati ni Halil doon sa sition namin dati at gaga ay kinuwento pa sa mga kasamahan, kasama si Yusuf na nakikinig na niligawan daw ako ni Halil.Tikom lang ang bibig ko, ayaw kong makisali sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko.Nagsimula kami sa pagkaing lahat. Si Yrine ay nagpapasubo sa ama habang nanonood siya ng kung ano ano sa cellphone ni Yusuf. Lihim akong napangiti nang makita ang lock screen wallpaper ni Yusuf, siya iyon at si Yrine. Nakahalik siya sa pisngi ni Yrine habang ang na
HR56“How old are you, Yrine?” si Beca iyon, nandito kami sa kusina.“Five po, kaka-five lang.” sabay pakita niya pa ng limang daliri niya.“Cute mo naman.” Ani Celen.“No po, I’m gorgeous po sabi ni Tita Alice.”Umuwang ang bibig ni Celene at nagulat sa anak ko. Natawa sila kay Yrine. Sumama naman si Fiona na may dalang pagkain.“Sabi ni Sir doon daw tayo sa sala” aniya pa.Lumipat kami doon. Tumakbo si Yrine papunta sa ama niya at umupo sa kandungan. Tinaas ng kaunti ni Yusuf ang tube niyang dress na medyo nalalaglag na naman.Inabala ko ang aking sarili sa pagkain ng pizza, si Yrine ay ganoon din at sinusubuan ng ama habang tumakbo takbo na para bang nakalabas sa mataas na tower. Hiyaan ko siya, masaya lang siya dahil nandito siya sa bahay ni Yusuf.