Share

KABANATA 2

HR02

Nilinisan ko ang buong kalat sa sahig. Napapikit pa ako ng masugatan ako, ginamit ko lang kasi ang kamay ko sa paglinis. Nagmadali akong bumaba sa maids quarter at binasa ang aking kamay sa lababo.

“Anong nangyari Zey? Bakit parang may narinig kaming nabasag?” nag-aalalang tanong ni Celene sa akin.

“Hinawi ni Sir Yusuf ang mangkok kaya nabasag.” Sagot ko naman.

“Hala, nasugatan ka?” hinawakan ni Celene ang kamay ko at tinignan iyon.

“Sige, ako na ang maglilinis ng silid at sa nabasag. Gamutin mo muna ‘yan.” Prisenta ni Celene at nagtungo sa taas para linisin ang kalat ko.

Tinignan ko ang aking kamay, akala koi sang sugat lang ang mayroon ako. Apat pala iyon, maliit lang ang dalawa ngunit dinudugo rin. Hindi ko namalayan na apat na pala ang sugat ko dahil iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Yusuf.

Hindi pa ako nakatanggap ng gano’ng salita galing sa ibang tao. Masyadong masakit iyon pero babaliwalain ko na lang para sa pamilya ko. Muli kong hinarap ang mga sugat ko sa daloslos ng tubig nang makarinig ako ng tawag mula sa itaas.

Naalarma ako ng si Sir Yusuf iyong tumatawag sa akin. Tinakbo ko na ang hagdan at nadulas pa ako kaya nabangga ang noo ko sa hagdan. Napadaing ako sa sakit ngunit binalewala ko iyon at tinakbo papunta sa itaas.

“Sabi ko ikaw ang maglinis, bakit mo ipinasa sa iba? Gan’yan ka ba sa probinsya niyo? Ha?!” sigaw niya na ikinabigla ko, “Umalis ka diyan Celene, bumalik ka sa trabaho mo at Zeynep ang maglilinis niya!” galit na sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Celene, kita ko ang awa sa mga mata niya. Tumango ako sa kanya at tuluyan na siyang umalis. Muli kong nilinis ang nabasag na mangkok at nagkalat na cake.

“This is your first day with me, Zeynep. Gusto na kaagad kitang tanggalin, masyado kang pabaya!” dinig kong wika niya sa likod ko.

Kinabahan ako, “P-Pasensya n-na po, S-Sir. H-Hindi na po m-mauulit, huwag n-niyo po akong t-tanggalin.” Nauutal kong sabi dahil sa kaba.

“Finish that and clean the room.” Sabay alis niya.

Nilinis ko ang kalat at sinunod ang silid. May mga langgam nga doon kaya medyo nahirap ako. Hindi ko alam kung ilang oras ang paglilinis ko doon dahil paglabas ko ay madilim na sa labas at wala ng araw.

Napabuntong hininga ako at bumalik sa maids quarter. Sinalubong ako ni Celene at kunot noong nakatingin sa noo ko. Hinaplos niya iyon at kaunting pinindot kaya napadaing ako sa sakit.

“Anong nangyari diyan? Bakit ka may pasa sa noo?”

“Nadapa ako sa hagdan sa pagmamadali kanina.”

Pinaupo niya at kumuha ng ice bag. Nilagyan niya ng ice at pinuwesto iyon sa noo ko. Ginamot niya rin ang kamay ko at nilagyan ng band aid. Matapos niyang malagyan iyon ay tinawag ako ni Karin.

“Pinapatawag ka ni Sir Yusuf sa opisina niya, Zeynep.” Aniya.

Nilapag ko ang ice bag sa lamesa at iniwan muna si Celene para puntahan si Yusuf. Nasa labas na ako ng opisina niya at dahan-dahan akong kumatok. Dinig ko ang pagsalita niya kaya pumasok ako.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ganda ng opisina niya. Bumalik sa isipin ko ang pinaalala sa akin ni Celene na ito daw ang pinakabawal sa lahat na puntahan namin, hindi ako makapaniwala na nakapasok ako dito.

“I need coffee, make me one. And clean that table.” wika niya at tinuro ang table na nasa gilid.

“Yes Sir,” sabi ko at lumabas.

Pumunta ako sa kusina at ginawan siya ng kape. Napatingin ako sa coffee maker, hindi ko alam kung paano manipulahin iyon. Sa amin kasi instant coffee lang e ayos na. Dito kailangan gawin talaga ang proceso.

Sinunod ko ang instruction sa coffee maker at minanipula iyon. Natuwa ako ng magawa ko iyon ng tama. Nilagyan ko ng creamer at hinalo bago ko dinala iyon papunta sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang opisina ni Yusuf.

“Bakit ang tagal mo?” kaagad niyang tanong sa akin pagkapasok ko.

Nilapag ko muna ang kape sa lamesa niya, “Hindi po kasi ako marunong manipula ng coffee maker Sir, pasensya na po.”

Hindi na siya nagsalita pa kaya sunod kong pinuntahan ang lamesa na pinapalinis niya sa akin. Nagkalat doon ang mga papel at mga papeles niya. Habang nasa kahabaan ako ng paglilinis dinig ko ang pagdaing niya.

“Bakit ganito ang kapeng ginawa mo? This is too sweet, change this, made one again!” dumadagongdong ang boses ni Yusuf at hindi nagustuhan ang tinimpla kong kape.

Nagmadali akong tumakbo sa gawi niya at kinuha ang baso. Lumabas ako para magawan siya ng bago. Dapat pala kaunti lang ang creamer na nilagay ko. Ngayon, unti-unti na akong natuto. Sana naman magtagal ako dito, wala na akong ibang trabaho na alam na mas mataas pa sa sahod dito.

Matapos kong magawa ang kape ay bumalik ako sa opisina niya at binigay sa kanya ang kape. Tinikman niya iyon at tumingin sa akin. Nangatog ang tuhod ko sa tingin niya.

“Get me a cake and bread.” Muling utos niya.

Hiningal ako ng makalabas sa silid niya. Sa haba ng hagdan at sa layo ng kusina, nakakapagod talaga. Tapos iniisa-isa pa niya talaga ang utos niya at may balak pa akong pagurin. Sorry na lang siya dahil hindi ako mapapagod, kailangan ako ng pamilya ko kaya ginagawa ko ‘to.

Bumalik ako sa kusina at kumuha ng utos niya. Nilagay ko sa tray para hindi na ako mahirapan pa. Nasa hagdan na ako at hinabol ang hininga. Bumuga ako ng hangin at muling naglakad papasok sa loob ng opisina niya.

“Ito na po, Sir.” Isa-isa kong nilapag ang cake at tinapay.

Tumango siya. Bumalik ako sa aking ginagawa at nilinis ko ang lamesa. Pagkatapos kong malinis iyon ay nagpaalam ako sa kanya ngunit hindi naman siya sumagot at tutok sa kanyang laptop kaya umalis na lang ako doon.

Hindi ko namataan ang ibang kasambahay pagkapasok ko sa loob head quarter namin. Bumalik ako sa ginagawa ko kanina, tinupi ko ang aking mga damit bago ko nilagay sa aking kabinet.

Sa loob ng apat araw na pamamalagi ko dito sa loob ng mansyon na kasama ang may-ari pakiramdam ko may galit talaga siya sa akin. Pakiramdam kaunting galaw ko lang ay mali na kaagad sa kanya. Sa apat na araw samu’t saring mura na ang natanggap ko, samu’t saring insulto. Ngunit binabaliwala ko na lang iyon lahat para sa pamilya ko.

Palihim na umiiyak na lang ako tuwing gabi. Paminsan gusto ko na siyang sagutin dahil sobra na talaga ang ugali niya kaya lang pinipigilan ko rin ang sarili ko. Baka matanggal ako sa trabaho, malapit na ang sahod ko, ayaw kong maging bato pa iyon.

“Masakit pa ba likod mo? Maayos na ang noo mo, hindi na masyadong kita ang pasa.” Sabi ni Celene, narito kami ngayon sa baba.

Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil nandiyan siya para palakasin ang loob ko. Sabi ni Celene, hindi naman daw talaga nagpapasok si Sir Yusuf sa loob ng opisina niya. Hindi rin daw iyon kumakausap sa mga kasambahay. At higit sa lahat, masyadong perfectionist daw iyon. Kaya nagtaka nga si Nanay Tesang kung bakit hindi niya ako tinggal pa.

Natatakot ka ako baka gusto niya talaga ako ang umayaw dahil grabe na ang pinapagawa niya sa akin. Pinalinis niya sa akin ang garden ng mag-isa, pinalinis din ang garahe, at maging ang swimming pool. Kaya ngayon iniinda ko ang sakit ng aking likod.

Bente uno lang ako pero dahil sa trabaho, pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na. Isa lang masasabi ko kay Yusuf, hinding hindi ako susuko dito. Kung tatanggalin niya man ako, magmamakaawa ako para hindi niya magawa iyon.

Sayang talaga ang sahod ko. Sayang din dahil malapit na ako sa mga kapwa ko kasambahay na tinuring ko ng pamilya at si Nanay Tesang na para ko na ring ina.

“Medyo pero hindi kagaya kahapon na halos mahihiwa ang likod ko.” sabay na ngumiti ako sa kanya.

Isang sigaw mula kay Yusuf ang nagpaalarma sa amin at kaagad kaming pumunta sa itaas ni Celene. Nakayuko lang ako at walang balak na tignan siya. Palaging galit si Yusuf sa akin, natatakot ako.

“Bakit po Sir?” magalang na tanong ni Celene.

“Nanay Tesang will off to states this afternoon, the two of will guide the whole maids. I also need one cleaner in my office company and that will be you Zeynep.”

Napapikit ako sa huling sinabi ni Sir Yusuf. Trip niya talaga akong paghirapan. Lihim akong bumuntong hininga at tumango sa kanyang sinabi.

“Sir, diba po may cleaner kayo sa kompanya?” tanong ni Celene.

“I fired her already, my office still messy. And this week, magiging busy na kayo. Pupunta ulit dito mga kaibigan ko, we have mini party and alam niyo naman siguro kung ano ang gagawin niyo.” Dagdag pa ni Sir Yusuf.

“Noted po sir, pero kailan po magsisimula si Zeynep sa paglilinis sa opisina niyo sa kompanya?” muling tanong ni Celene.

Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ni Yusuf dahil hindi siya nagsalita pero kita ko pa rin ang kanyang paa.

“Spokesperson ka ba niya Celene?”

“Ay hindi po Sir, mahiyain lang talaga si Zeynep.” Natatarantang sagot ni Celene.

Mahinang tinampal ni Celene ang aking likod kaya napa-angat ako ng tingin. Tamang-tama naman na nakatingin sa akin si Sir Yusuf. Umiling iling si Sir Yusuf at muling nagsalita.

“You will start tomorrow.” Sabi niya at tumalikod para umalis.

Para bang kasalanan ko na tumingin pa ako sa kanya.

Dali-dali akong hinigit ni Celene paalis doon at bumalik kami sa aming lugar. Tinawag ni Celene ang lahat ng kasambahay, pinakita din niya sa amin ang intercom sa bawat silid na pinagawa ni Sir Yusuf.

Pagkatapos no’n ay sinabi na sa amin ni Celene ang mga gagawin para sa party na magaganap dito sa mansyon. Ang dalawang dating kasambahay ay kinilig pa dahil sa anunsiyon iyon galing kay Celene.

“Pupunta ang mga hot bosses dito?” kinikilig na wika ni Beca.

“Oo sympre kaibigan sila ni Sir Yusuf.” Si Celene.

“Madami ba silang pupunta dito?” kuryuso kong tanong dahil wala akong alam kung ano bang party iyon.

“Yup, madami sila. Halos lahat ay mga boss ng malalaking kompanya, siguro may naipanalo silang business kaya may party na magaganap. Hindi lang sila, may kasama silang maarteng babae na feeling girlfriend, e pang isang gabi lang sila.” Kwento ni Celene.

Natawa si Beca at Fiona sa kwentong iyon. Mukhang alam na alam na talaga nila ang daloy ng party.

“Hindi lang ‘yan baka magulat kayo na may maghahalikan, normal lang iyon huwag kayong mabibigla.” Paalala pa ni Fiona.

Napangiwi ako. Hindi dahil talaga probinsiya ako, inosente na kaagad ako. Hindi lang talaga ako sanay na may nagkikitang naghahalikan in public place. Panget kayang tignan no’n, parang nakakawala ng puri.

Nagkwento pa sila Beca, Fiona, at Celene tungkol sa party. Iyon daw ang pinaka matrabaho dahil marami ang pupunta at marami ang ikakalat nila. Mag-ingat daw kami dahil kung ano kasama ang ugali ni Sir Yusuf, ganun din kasama ang ugali ng kanyang mga kaibigan.

Kapag lasing na ang mga tao, umiwas na lang daw kami para hindi kami pabastos. Madami pang pinaalala sa amin si Celene na kailangan namin sundin kahit pa na medyo palayo pa iyon.

“Marami ring gwapo diyan guys, pero siympre hanggang tingin lang tayo. Sino ba naman tayo, mga kasambahay lang naman.” Ani Beca.

“Makikita ko na si Sir Josef,” kinikilig na sabi ni Fiona.

“Sino si Sir Josef?” tanong ni Karin.

“Ay oo nga pala, hindi pa namin nasabi. Si Sir Josef, pinsan ni Sir Yusuf. Napupunta ‘yon dito, itong mga nakaraan lang hindi dahil umalis ng bansa.” Sagot ni Fiona.

Napatango-tango na lang ako. Kahit papaano may nalalaman ako sa mga Circassian. Natapos ang pag-uusap namin nang aalis na si Nanay Tesang, kailangan daw siya ng nanay ni Sir Yusuf sa ibang bansa kaya aalis siya.

Isa-isa niya kaming hinalikan sa noo hanggang sa ako ang pinakahuli. Napalapit na talaga ako sa kanya kahit na kaunting araw lang kaming nakasama. Miss na miss ko na kasi si Nanay…

“Kung kaya mong tiisin si Yusuf, tiisin mo ha. Pero kung pagod ka na, sumuko ka na. Nahahalata ko kasi na pinapahirapan ka niya sa lahat ng bagay na hindi naman niya ginagawa sa ibang kasambahay. Nakikita ko naman sayo palaban ka, Zeynep.” Sabi ni Nanay Tesang.

“May pamilya po akong umaasa sa akin, hindi po ako susuko.” Sabay ngiti ko.

Ngumiti siya sa akin pabalik, “Nawa’y magamit mo iyan para mapalambot ang puso niya.” makahulugang ani Nanay Tesang bago siya nagpaalam ulit at tuluyan ng umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status