HR58
I really wanted to request a room for myself. Dinig ko kasing matutulog si Yrine sa silidni Yusuf. I know that they missed a lot of years together kaya pinagbigyan ko kung iyon ang kanilang plano. Pero hindi ako papayag kapag maging ako ay kasama sa silid na 'yon.
Wala sa plano ang makipagbalikan kay Yusuf. Wala ito sa plano at pinagbigyan ko lang talaga ang anak ko. She deserve to know the truth, she deserve to know her father, she deserves everything. Pero sana ay labas na ako sa kanilang dalawa, labas na ako kung ano ang gusto nilang gawin.
But how can I do that when my daughter requested me to join them. To sleep with them?! Sana talaga ay hindi na ako pumayag. Lalo lang nag init ang ulo ko kay Yusuf dahil sa usapan namin kaninang dalawa. Mabuti na lang talaga at nakawala pa ako doon. Akala ko nga malulunod na ako na parang kumunoy sa braso niya.
Hindi ko maintidiha
HR 59 Naalimpungatan ako nang makaramdam ng kakaibang bigat sa aking beywang. Naalala ko kagabi na ang posisyon namin ay nasa gitna ni Yrine at ako naman ay papalayo na nang papalayo sa kanila para hindi lang maabot ni Yusuf. Ngunit ngayon, parang kakaiba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may kamay na sa aking beywang... Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko ngayon si Yrine at si Yusuf ngunit ang kamay ni Yusuf ay nakasakop sa aking maliit na beywang. Abot na niya ako ngayon dahil malapit na ako sa kanilang dalawa ni Yrine. Parang may kung ano akong naramdaman sa aking puso nang makita ang isang kamay ay nasa pisngi ni Yrine. Si Yrine naman ay komportable ang tulog na para bang ilang beses niya ng nakasama ang ama sa pagtulog. Inalis ko ang kamay ni Yusuf sa aking beywang. Mabuti naman ay hindi siya nagising sa ginawa kong iyon. Dahan dahan akong bumalik sa pinakagilid at muli akong bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan ay n
HR60Simula makarating kami dito sa isang sikat na mall at puro kaartehan ng anak ko ang aking naririnig. Hindi ko naman ma saway dahil nakikita kong maganda ang kanyang ngiti at masayang masaya dahil kasama niya ang ama.Nawala ako sa mood simula kaninang pag-uusap namin ni Yusuf tungkol sa nangyari dati. Until now, hindi pa rin siya naniniwala na magagawa iyon ng ina niya. Kung sabagay, wala naman siya doon noong nangyari ang mga pananakit nila sa akin. Wala naman siya noong inaalipin at inasaktan ako ng dalawa. Hindi rin naman ako nagsusumbong dahil ayaw kong lumaki ang gulo sa loob ng bahay nila.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung mag-away silang mag-ina. Wala na akong pakiramdam sa mga nararamdaman nila. Sa ngayon ang iisipin ko na lang ang kapakanan ng anak ko at ng mga kapatid ko. Wala na akong pake sa iba dahil noong iniisip ko ang iba ay nawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
HR61 Mabilis ang paglakad ko papasok sa loob ng kompanya. Ramdam na ramdam ko rin ang kalabog ng puso ko sa binalitang iyon ni Halil. Dadalhin ko sana si Yrine ngayon dito sa kompanya dahil wala siyang makakasama sa bahay. Ngunit nang malaman din iyon ng dalawa ay minabuti namin na iwan na muna doon si Yrine at babantayan nilang dalawa. Nanginginig ang kamay ko nang sinalubong ako ng aking sekretarya. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at bumungad sa akin ang tatlong katao. Si Halil, Yusuf, at iyong sinasabi niya kaninag imbistigador na humahanap ng ebinsya. "Zey," dinig kong tawag sa akin ni Halil. Ngunit ang tingin ko ay nasa lalaking imbistigador. Gustong-gusto ko na talaga malaman kung sino ang may pakana ng nangyari sa sitio dati. Gusto ko na ibigay sa ina ko ang hustisyang matagal na niya dapat makuha. A lot of people suffer because of that brutality and worst they lost their own land. Kabuhayan nila at ang mga magagandang karanasan doon sa sitio. "This is Simon, my frie
SIMULAHR00“Ate, talaga bang kaya mo? Gusto mong sumama ako sayo?” nag-aalalang tanong ni Alyn, nakakabatang kapatid ko.Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko. “Dito ka lang, Alyn. Ako na ang luluwas para makapagtrabaho. Huwag na huwag mong pababayaan si Nanay at Alice. Kung gusto mong makatulong, dito ka maghanap ng trabaho.” Mahinahon ko na sabi sa kanya.Kasalukayan akong nag-iimpake para sa pagluwas ko sa lungsod. Pinasuyo ako ni Celene, kaibigan ko, sa isang pamilya sa lungsod para maging kasambahay. Huling taon ko na lang sana sa koleheyo at makakamtan ko na ang pangarap ko. Ngunit kailan ko talagang mag-aral para sa pamilya namin.Hindi ko kayang tignan sina Nanay at dalawa kong kapatid na naghihirap ng ganito. Noong buhay pa si Tatay, hindi naman kami ganun kahirap. Kaya naman namin araw-araw, pero nang namatay siya nalunod kami sa
Kabanata 1HR01Kinabukasan paggising ko ay halos mahiwa ang beywang ko dahil sa sakit. Tatlong palapag ng bahay ang nilinis namin. Kahit anim pa kami kasambahay dito ay hindi talaga namin kaya, ngayon na tuka ako sa paglilinis ng swimming pool.Dahan-dahan akong bumangon at nag-ayos ng sarili para sa panibagong araw. Tulog pa si Celene dahil marami ang ginawa niyang trabaho kahapon. Lumabas ako ng silid at pinaghanda ng agahan ang ibang kasambahay kasama na si Nanay Tesang.Maalam naman ako sa pagluluto dahil culinary ang kurso ko. Pangarap kong maging isang na chef, namana ko ang galing kay Tatay. Bata pa lang ako ay pinapanood ko na siyang magluto hanggang sa nahasa na ako.All around kaming kasambahay ni Celene, ang apat naman ay may nakatukang trabaho talaga. Sabi ni Nanay Tesang habang wala pa ang mga Circassian ay hindi daw ako kabahan dahil hindi naman niya
HR02 Nilinisan ko ang buong kalat sa sahig. Napapikit pa ako ng masugatan ako, ginamit ko lang kasi ang kamay ko sa paglinis. Nagmadali akong bumaba sa maids quarter at binasa ang aking kamay sa lababo. “Anong nangyari Zey? Bakit parang may narinig kaming nabasag?” nag-aalalang tanong ni Celene sa akin. “Hinawi ni Sir Yusuf ang mangkok kaya nabasag.” Sagot ko naman. “Hala, nasugatan ka?” hinawakan ni Celene ang kamay ko at tinignan iyon. “Sige, ako na ang maglilinis ng silid at sa nabasag. Gamutin mo muna ‘yan.” Prisenta ni Celene at nagtungo sa taas para linisin ang kalat ko. Tinignan ko ang aking kamay, akala koi sang sugat lang ang mayroon ako. Apat pala iyon, maliit lang ang dalawa ngunit dinudugo rin. Hindi ko namalayan na apat na pala ang sugat ko dahil iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Yusuf. Hind
HR03Isang araw pa lang ang pagkaalis ni Nanay Tesang pero ramdam ko na ang lungkot. Kaunting panahon ko lang siyang nakasama pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya na tinggap niya ako bilang kasambahay ng pamilyang Circassian.Bumuntong hininga ako kasabay ng pagwalis ko sa malapad na barukan ng mansion. Maaga akong nagising para gawin ang gawaing ito, ramdam ko kasi na hindi ko kaagad matatapos ito kapag hindi ko inagahan. Sa laki ba naman nito parang buong bahay na namin sa probinsiya ang nalinisan ko.Magdidilig pa ako sa mga malalaking mga pananim at isusunod ko ang swimming pool dahil may mga dahon na naman doon. Hindi naman nagagamit iyon pero pinaalalahanan ako kanina ni Celene na kailangan ko iyong linisan dahil sa paparating na party nila Sir Yusuf.Gagawin ko na lang ang inuutos ni Celene sa akin dahil baka may magawa pa akong kaunting mali ay papaalisin pa ako dito nang biglaan. Wala na
HR04 “Zey, nakita mo ba secretary ni Sir Yusef?” pagkarating ko tanong ni Celene sa akin, nag-aabang din ang ibang kasambahay sa sasabihin ko. Si Beca at Fiona ay lumapit pa talaga sa akin. Kumunot ang noo ko, “Lalaki ba?” tanong ko sa kanila. Baka kasi si Manuel iyong tinutukoy nila na secretary ni Sir Yusuf pero parang hindi din naman dahil inalok pa nga niya ako ng trabaho sa opisina niya. Kung secretary lang siya, hindi ganun ang inaasta niya. At mukhang close na close din sila ni Sir Yusuf dahil nagbibiro pa ito kanina sa harap niya. Komportable pa sila kung mag-usap na dalawa. “Hindi, babae!” sabay ni Celene, Beca at Fiona. Tumawa pa ang tatlo at nag-apir sa kanilang pagkasabay-sabay. “May nakita akong babae kanina, nasa kandungan ni Sir pero hindi ko alam kung secretary niya iyon o hindi. Pormado kasi ang babae at mag