Share

Her Revenge
Her Revenge
Author: threyang

SIMULA

SIMULA 

HR00

“Ate, talaga bang kaya mo? Gusto mong sumama ako sayo?” nag-aalalang tanong ni Alyn, nakakabatang kapatid ko.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko. “Dito ka lang, Alyn. Ako na ang luluwas para makapagtrabaho. Huwag na huwag mong pababayaan si Nanay at Alice. Kung gusto mong makatulong, dito ka maghanap ng trabaho.” Mahinahon ko na sabi sa kanya.

Kasalukayan akong nag-iimpake para sa pagluwas ko sa lungsod. Pinasuyo ako ni Celene, kaibigan ko, sa isang pamilya sa lungsod para maging kasambahay. Huling taon ko na lang sana sa koleheyo at makakamtan ko na ang pangarap ko. Ngunit kailan ko talagang mag-aral para sa pamilya namin.

Hindi ko kayang tignan sina Nanay at dalawa kong kapatid na naghihirap ng ganito. Noong buhay pa si Tatay, hindi naman kami ganun kahirap. Kaya naman namin araw-araw, pero nang namatay siya nalunod kami sa hirap.

Binenta namin ang aming lupa at naghirap kami ng husto. Minabuti kong huminto sa pag-aaral at magtrabaho, ang dalawang kapatid ko naman ay hindi ko pinayagan na huminto. Kakayanin kong pag-aralin silang dalawa, ayaw kong huminto sila.

“Ate, dapat kasi huminto na rin ako sa pag-aaral.”

“Huwag nga, kung hindi mo kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Magfocus ka na lang sa pag-aaral. Matalino ka, sayang naman.” Sabi ko.

“Matalino ka rin naman Ate at isang taon na lang magtatapos ka na pero huminto ka pa.”

Hinarap ko siya, “Anong gusto mo, mag-ulam ng asin at kape araw-araw? Nahihiya na ako kay Nanay, ramdam ko na nahihirapan na siya.”

Ngumuso si Alyn at mukhang nakuha naman ang punto ko. Sa aming tatlo siya talaga ang pinakamatalino. Proud na proud sa kanya si Tatay dahil halos taon-taon ay may medalyang nakukuna.

Ang pinakabunso naman sa amin ay matalino din kaya lang palaban. Iyon ang sakit ng ulo nila Nanay dahil nakikipag-away talaga kung alam niyang tama siya.

“Pagbubutihin ko ang pag-aaral Ate. Ako na ang bahala kay Alice at Nanay.”

Ngumiti at tumango ako sa kanya. Muli kong pinagtuonan ng pansin ang aking pag-iimpake. Wala na akong iba pang maisip na paraan para umayos ang kalagayan namin kung hindi ay ito lang. May utang pa kami na dapat bayaran at may pang-araw-araw pa.

Hindi talaga sapat kapag dito lang ako magtatrabaho, kailangan sa syudad talaga para mas malaki ang sahod ko doon.

Magsasakripisyo ako kahit malayo ako sa kanila. Magsasakripisyo ako kahit hindi ko sila kasama. Kailangan ko itong gawin para sa kanila, para sa kinakabukasan ni Alice at Alyn. Ayaw kong maghirap pa kami dito.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga ang byahi namin ni Celene. Tamang-tama naman na gising na rin ang dalawa pagkalabas ko ng aking silid. Ginawa namin ang aming gawain para paggising ni Nanay ay wala siyang aalahanin pa.

“Zeynep!” dinig naming tawag ni Celene sa labas.

“Ako na lalabas Ate, pagpatuloy mo na lang diyan.” Sabay pagtalikod ni Alice at pinuntahan ang pintuan.

Isang ngiti mula kay Celene ang sumalubong sa akin. Dala-dala na niya ang isang maleta at isang bag. Binate ko siya at pinaupo muna. Kung wala si Celene, hindi ko alam kung anong kukunin kong trabaho para maayos ang buhay namin.

Siya kasi iyong may pinagtrabahuhan sa lungsod, umuwi siya dito para sa magulang niya. Nang nalaman niyang naghahanap ako ng trabaho sinuyo niya ako sa mayordoma nila. Sumama lang daw ako kay Celene at titignan nila ang kakayanan ko bago nila ako tanggapin.

Hindi ko naman bibiguin ang pamilyang iyon, marunong naman ako sa gawaing bahay at hindi naman ako tamad. Hindi nga ako sanay kapag wala akong ginagawa ko, kaya sure na sure ako na makukuha nila ako.

Bago kami lumisan ay kumain muna kami, nagpaalam din ako kay Nanay. Tutol na tutol siya sa balak kong pagluwas ng lungsod ngunit nang maintindihan na ang kalagyan namin ay hinayaan na din niya ako sa aking disisyon. Twenty one na rin naman ako at kayang-kaya ko ang sarili ko.

“Maingat ka doon Zeynep, kapag hindi muna kaya umuwi ka na lang dito. Ako na ang magtatrabaho para sa atin.” Mahinahon na wika niya habang hinahamplos ang aking pisngi.

“Kapag hindi ko na kaya uuwi din naman ako Nay, basta huwag kang magpapagod ha. Alagaan ninyo ang sarili niyo para wala na tayong iintindihin pa.” Ani ko.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya, sunod naman ako sa dalawang kapatid ko. Si Alice ang higpit pa nang yakap sa akin at ayaw akong paalisin. Kumaway ako sa kanila bago kami pumasok sa trysikil ni Celene.

“Gan’yan na gan’yan din ako noong una Zey, kaya mo ‘yan.” Sabi ni Celene.

Tumango ako sa kanya. Kakayanin ko talaga. May pangrap ako sa pamilya ko at may pangarap din ako sa sarili ko na kailangan kong tuparin. Mahirap man malayo sa kanila ay kakayanin ko.

Mahigit apat na oras ang byahe namin ni Celene hanggang sa labas na kami ng village. Nanibago ako sa syudad dahil noong huli kong punta ay nasa elementarya ako at halos hindi pa ganito kaganda. Marami ng building at halos lahat ay high tech na.

Muli kaming sumakay ni Celene sa shuttle kung tawagin nila. Hindi naman ako ganoon ka inosente sa mga bagay-bagay. Kahit laki ako sa probensya alam ko din naman ang mga ganito dahil sa techonolohiya, kaya lang hindi ko dinala ang cellphone ko dahil kailangan ng dalawa.

Manghihiram na lang ako kay Celene kong kailangan ko silang tawagan at may number din naman sila ni Celene kung gusto nila akong tawagan.

Sa isang matangkad at engranding gate kami bumaba ni Celene. Nanlaki ang mga mata ko dahil napaganda talaga. Sinalubong kami ng isang gwardiya at binuksan ang pintuan.

“Magandang umaga po, Manong Bert.” Bati ni Celene sa gwardiya.

“Magandang umaga din, Celene. Mabuti naman at nakabalik ka na galing sa bakasyon.” Sabi pa ng gwardiya.

“Nandito pa ang mga Circassian?”

Umiling si Manong Bert, “Ay wala Celene, umalis noong isang araw. Buong pamilya umalis, tatlong kasambahay din ang pinaalis ni Sir Yusuf dahil hindi daw pulido ang gawa nila.”

Napalunok ako sa kwentong iyon galing kay Manong Bert. Bigla akong nakaramdam ng takot, baka kaunting mali ko lang sa loob ng mansyon ay matanggal kaagad ako.

Ganoon ba talaga ka strikto ang may-ari ng bahay?

Nakakatakot naman, mabuti nagtagal dito si Celene.

“Ganoon po ba, may kasama nga pala ako si Zeynep. Magtatrabaho siya bilang katulong. Kaya pala nagmamadali si Nanay Tesang ng mga kasambahay dahil marami pala ang natanggal.” Sabay pakilala sa akin ni Celene kay Manong Bert.

Binate ko siya binate rin naman niya ako pabalik. Hindi na ako nagsalita dahil wala din naman ako sasabihin. Mahiyaan kasi ako kapag bago ang mga tao sa paligid ko lalo na kapag sobrang strikto ng nagmamay-ari ng bahay na ito.

“Oh siya, papasok na kami Manong Bert.” Sabay silang nag-apir na parang magtropa bago kami tuluyang pumasok ni Celene.

Sa likod kami dumaan doon daw ang papasok ng mga kasambahay. Isang matandang babae ang sumalubong sa amin pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.

“Nanay Tesang,” maligayang ani Celene at niyakap ang matanda. Pagkalas niya ay pinakilala niya kaagad ako, “Siya nga po pala iyong sinabi kong kasambahay, kababata ko siya sa probinsya at naghahanap ng trabaho. Si Zeynep, Zeynep si Nanay Tesang ang mayordoma ng bahay.”

Ngumiti ako sa kanya bago ako nagmano. Ginulo naman niya ang aking buhok at binate ako. Hindi naman siya ganoon ka tanda, mukha ngang malakas pa siya.

“Mabuti naman at nakapunta ka dito hija. Kailangan na kailangan talaga namin ang kasambahay ngayon dahil tatlo ang nawala.”

Pinaupo niya kami sa upuan ni Celene. Kumuha si Celene ng tubig at binigyan ako bago siya tuluyang umupo sa gilid ko.

“Ay oo nga Nanay, iyon din sabi ni Manong Bert kanina sa labas. Nagalit ba si Sir Yusuf?” usisa ni Celene.

“Mainit ang ulo ni Yusuf noong araw na iyon, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa batang iyon. Sinigawan niya ang mga kasambahay at nagalit siya. Sabi niya sa akin ginalaw daw mga importanteng bagay niya kaya pinaalis niya.” salaysay ni Nanay Tesang

“Sabi ni Manong Bert, hindi daw pulido ang gawa nila.”

“Isa din iyon, kilala mo naman si Yusuf. Kaunting maliit na mali, sa kanya napakalaki na ‘yon.” Huminto si Nanay Tesang at humarap sa akin, “Kaya ikaw Zeynep, pag-igihan mo ang trabaho mo. Kung pwedeng huwag mo siyang kausapin, huwag na lang dahil masakit iyon magsalita.” Paalala niya pa.

Tumango ako sa bilin niya, “Nahihiya din naman ako Nanay, baka hindi rin naman kami mag-usap dito.” Sagot ko.

Tumayo si Nanay Tesang sa pagkakaupo, “Oh siya, mag-ayos na kayo at kailangan niyo nang maglinis. Wala akong ideya kung kailan babalik ang pamilya, kaya kailangan malinis palagi ang buong bahay.”

Sabay kaming napatayo ni Celene. Pumunta kami sa maid room, tatlo ang silid ng maid room. Bawat silid ay may dalawang higaan, maliit lang ang lugar pero ayos na dahil maayos din naman ang mahihigaan at malinis din.

Inayos muna namin ang mga gamit namin. Nilagay ko sa isang cabinet ang mga damit ko at pinalitan ang damit ko bago kami lumabas ng bahay.

“Huwag na huwag kang papasok sa loob ng silid ni Sir Yusuf kapag hindi niya sinasabi Zey, huwag ka ring pumasok sa loob ng silid na ‘yan.” Sabay turo sa akin ni Celene sa isang pintuan, “Office niya ‘yan, diyan ang pinakabawal.”

Tumango ako sa paalala niya at nagsimula na kaming maglinis sa unang palapag ng bahay. Sa laki ba naman ng bahay na ito talagang mapapagod talaga ako pero kahit anong pagod ko ay magpupursigi ako para sa Nanay at dalawa kong kapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status