Share

Her Secret Identity
Her Secret Identity
Author: Siekeexine

Ainee Davina Rae

Chapter 1

Ainee's POV (Monday 11:20 am at Rae Corp.) 

"Carmyne, give me my full schedule for tomorrow." Utos ko sa secretary ko habang abala ako sa pag kalikot ng ibang papers.

"Eto na po ma'am." Anang secretary ko... Sabay abot ng paper. 

I stared at my Tuesday's Schedule. At 8:20 am I have a business meeting with the owner of one of the big food company here, and at 9:00 am, staff interview will begin. I need to hire a new employees for my company. On the other hand, I have a meeting naman with the head of Hamilton University at exactly 10:00 am, and the last on my list is 11:30 am appointment with Mr. Valdez.

Arggh... " Cancel the third one." Mataray na Sabi ko at ibinagsak sa table ang papel. 

"But, ma'am that's impor---" Pinutol ko ang sa sabihin Niya. 

"Just do!" Iritang sagot ko at sumandal sa swivel chair. 

"Y-yes ma'am." Susunod din naman pla ang dami pang satsat... Nagtataka kayo kung bakit ko ginawa yon? Simple, first: doong university ako nanggaling, second: kinamumuhian ako ng mga teacher don and I don't know why, and last: kinamumuhian ko rin sila, naging impyerno ang buhay ko sa school na yon tapos ngayon kukunin nila akong investor ng school nila? GREAT!!

It's Already 11:30, tumayo ako sa kinauupuan ko at agad na lumabas, puro pag bati ang bumungad sakin at sanay na ako diyan. 

"Hi, ma'am."

"Hello ma'am Ainee."

"Good morning po ma'am."

Wala rin naman akong balak pansinin sila, sayang lang sa oras. Nag lakad nalang ako papunta sa kotse ko at agad pinaharurut papunta sa bahay ni Guine. 

----------Guine's House---------- 

Pag dating ko ay nag park agad ako, may ibang sasakyan na ring naka park... Andito na sila. Bumaba ako at agad pumasok sa bahay, walang tao sa sala kaya parigurado nasa basement sila kaya tinahak ko agad ang daan patungong basement. 

Sa basement ang secret base namin, kaya lagi kaming nandito sa bahay nato... At bago ka makakarating sa mismong base namin ay baba ka muna sa hagdan at dadaan sa pasilyo, kaliwa at baba ulit ng hagdan pagkatapos kanan at may makikita kang tatlong itim na pinto, yung sa kaliwa nandon lahat ng armas... Mga ibat ibang klase ng baril, espada at bomba yung sa kanan naman nandon lahat ng mga importanteng documeto, nandon ang papeles na iniingatan namin, tulad ng Impormasyon tungkol samin at yung pinto sa gitna... Wala lang ginawa nilang tambayan pero don namin pinaplano yung mga kailangan naming gawin at doon kami inaatasan sa mga misyon namin.

Nasa hallway palang ako rinig ko na ang mga tawanan ng iba, panigurado mga kalokohan na naman yan. 

Pag bukas ko ng pinto bumungad agad sakin si jake, kevin, Olivier, Guine, at Pearl na tumawatawa habang may hawak na kanya kanyang baso ng alak. 

Habang nandito kami sa base nato, walang sinuman ang tumatawag samin sa totoo naming pangalan dahil yon ang unang rule sa organization kahit pa naka tambay lang kami. 

We are calling Jake as Agent Zey while Kevin naman, we called his Agent K. Olivier's nickname is Agent Dark because it is what he wants us to call him, Guine as Agent Red, so simple yet so cute. Pearl as Agent Sea, her nickname is kinda weird but it's make sense naman because it matched her name which is Pearl, and lastly, me, Ainee a.k.a Agent A.

"Woahh! Zup Agent A." Bati ni Kevin, hindi ko siya pinansin at pumunta nalang sa bar area para kumuha ng alak. 

"Agent A niyo bad trip." Si Jake. 

"Hahahaha, what's wrong Agent A?" Tanong ni Pearl. 

Umupo ako sa sofa na kaharap ni guine bago sinagot si Pearl. "Nothing important." Sagot ko. 

"How's your company?" Sunod na tanong ni Guine. 

"As usual, interview here... Appointment there... Meeting everywhere." Naka ngisi kong sagot at bahagya silang natawa

Tss... 

"Well... That's good." Maarteng sabi naman ni Pearl. 

"Good huhh?" Sarkastikong sambit ko na pinag diinan pa yung salitang 'good'. "Nakaka irita kaya." Natawa nalang siya. 

Lumingon naman ako kay Guine na nilalaro ang baso niya. "Where's your dad, Agent Red?" Pag iiba ko ng usapan. 

"He's in business trip to Europe? I guess..." Sagot niya, ano pa nga ba lagi namang di tong di sigurado sa mga bagay bagay. 

"It means... Wala pa tayong mission, Yes!" Si Olivier, isa den to ehh... Ang saya kapag walang trabaho kulang nalang mag pa party. 

Daddy kasi ni Guine ang nag bibigay samin ng misyon... Lalo na kapag may mga gustong kumalaban samin. 

"Happy ka na niyan Agent dark?" Natatawang asar ni Kevin sa kanya, na may diin pa yung 'agent dark', tiningnan naman ito ng masama ni Olivier... Ayan na. 

"Oo naman, lalo na kapag kasama kita." Malanding sabi nito sabay hawak sa baba ni Kevin... At mabilis itong hinampas ni Kevin. 

Yuckk... 

"Ulul! Kadiri." Pag iinarte ni Kevin. 

"Gagui... Tol ang sakit ng hampas mo." Reklamo ni Olivier. 

"HAHAHA..." Tawa naman ng dalawang babae sa harap ko. 

"Tumigil na nga kayo diyan." Napataas ang kilay ko nang sinaway ni jake yung dalawa... Kadalasan kasi nakikisali pa siya sa asaran ehh himala ata ngayon. 

"Selos ka?" Nakangiti pang satsat ni Olivier. 

Nag salubong agad ang kilay ni jake, pinanood ko nalang sila. "Lul!" Singhal niya lang. 

"Hey... Can you please stop?" Ako na ang tumapos ng sagutan nila mukha kasing iisa lang ang hahantungan nito at baka wala na ring matirang buhay.

Nawala ang atensiyon ko sa tatlo ng biglang mag ring yung phone ko. 

**Carmyne is Calling... **

Lumayo ako nang konti sa kanila bago sinagot ang tawag. 

"Yes, hello?" Kaswal kong sagot. 

[Ma'am you have an appointment to Mr. Earnhardt after 2:30pm]

"Yeah, I know."

[It's Already two---]

"You can handle that."

[But ma---] pinutol ko agad ang tawag sa cellphone ko, tss sabi na kasing wala ako sa mood para sa appointment appointment na yan, bumalik nalang ako sa kina uupuan ko kanina. 

Sandali kaming nabalot ng katahimikan bago nag salita si Pearl. 

"Don't you have a meeting today? or any appointment?" Basag niya sa namuong katahimikan. 

"I have an appointment with Mr. Earnhardt." Aniya ko. 

"Why aren't you leaving yet? you need to go to your appointment." Kumbinsi niya, umiling nalang ako... Wala akong gana makipag appointment ngayon. 

"My Secretary can handle that." Walang gana kong sagot, at kumuha ng panibagong alak. 

"Secretary huhh?" Sarkastiko ring sabi niya. "What a lazy CEO." Nang aasar at naka ngisi niyang sabi... Hindi naman ako nainsulto don dahil normal lang naming pag uusal yon, ngumisi nalang ako. 

"I'm just not in the mood to attend an appointment." Depensa ko, tumawa nalang kami pareho at uminom ng alak. 

Tulog yong tatlo... Ewan ko din kung paano sila naka tulog ng ganon kabilis nalingat lang ako saglit tulog na, sabagay kanina pa sila nandito baka tinamaan na ng alak. Ha! Ang aga din nila dito... Imagine they also have a company holding then... they even managed to get here so early just to hang out... they didn't even bother to look at their schedules... Tsk tsk tsk

*After 30 minutes*

I said goodbye to pearl to leave because I still have paperwork to do, I didn't bother to wake up the others because they were sound asleep.

I came out of the basement and walked away... when I came out I immediately went to the parking lot and immediately started my car, it's already 2:40 pm and I'm sure the appointment was over so I went straight to my home.

Mabilis ang andar ng sasakyan ko kaya mabilis lang akong makakarating sa bahay... But I stepped on the brakes even faster when a man suddenly appeared in front of me... I barely bumped on the steering wheel of the car because of my sudden braking.

Fuckk!!

"Hey!! Do you want to die?!" Inis kong tanong sa kanya... Bwisettt!!. 

Agad akong bumaba ng sasakyan ko para tingnan yung lalaki. "Hey... Mister are you okay?" Tanong ko. 

Tiningnan niya lang ako bago tumayo, nag taka pa ako nang pinaka titigan niya ang mukha ko nakita ko pa ang bahagyang pag awang ng bibig niya na animong may malaki siyang atraso sakin lumayo siya at nag mabilis na naglakad papalayo na parang walang nangyari. 

Seriously?

napa irap nalang ako at sinundan siya ng tingin... Di ko na siya pinigilan, diko naman ugaling pigilan ang taong gusto ng umalis...

I think di na dapat ako nag tanong... Mukha namang okay siya... Tsk...

At kailan ka pa nagkaroon ng pakealam Ainee?

Tskk...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status