Problemado si Lauren dahil ilang araw na hindi umuuwi ang kaniyang grandpa sa hacienda. Bukas na ang uwi ni Easton pano pa nila ito makukumbinsi na tigilan ang pina-planong engagement.
"What are we going to do? hindi ko alam kong kailan uuwi si grandpa," napahawak siya sa buhok niya at ginulo iyon. Nasa kwarto sila ni Easton habang nanonood ng movie sa n*****x. Siya naman ay hindi makapag focus dahil sa mga iniisip.
"May problema ba sa business ng lolo mo? my dad texted me a while ago, kinukumusta ako rito at kong ano raw ang balita sa business ng lolo mo."
"I don't know, wala naman sa aking binabalita si dad," for sure kasi kong may problema sa kompanya sasabihan siya ng ama niya.
Napatingin siya sa phone niya pero wala pa ring reply sa kaniya si Kenzo. Tinext niya kasi ito para sabihang magkita sila mamayang gabi sa wine cellar. Pero gabi na at hindi pa rin ito nagre-reply.
"Kailan mo balak bumalik sa america?" nagkibit-balikat siya rito. Hindi niya talaga alam kong kailan siya uuwi. Nagba-balak na nga siyang magpalipat sa pilipinas, para dito na lang siya magtrabaho sa bansa. Papayag naman siguro ang kaniyang ama.
"Mag-iisang buwan ka na rito. May trabaho ka pa 'di ba? Well, Don Azunto won't mind if you stop working for a while."
"Tiyaka ko na iisipin 'yan."
"Wow! Nasaan na ang Lauren na work-a-holic? Kahit na sa sarili niyong kompanya ka nagta-trabaho, kailangan mo pa rin pumasok 'no!" naiiling na sambit nito sa kaniya. Humiga siya sa kama at tumutok sa cellphone niya.
To Kenzo,
- Busy ka ba? nandiyan ka ba sa barn? puntahan kita!
Sinend niya iyon at laking gulat niya nang mag-reply agad ito.
From Kenzo,
- Wala ako sa hacienda, nasa manila ako. I'll just meet you tomorrow, evening.
Nangunot ang noo niya dahil hindi lang man ito nagsabi na aalis ito sa hacienda. Sumama lalo ang mukha niya sa inis at napapadiyak pa.
"Shit! ang sakit no'n ah! bakit ka naninipa?" singhal sa kaniya ni Easton. Hindi niya napansin nasipa niya pala ito. Nawala kasi sa isip niya na nasa paanan niya ito naka-pwesto.
"Sorry, naiinis lang ako kay Kenzo."
"At bakit?"
"Nasa manila pala siya, hindi man lang nagsabi na aalis."
"Hey, you're not his girlfriend—"
"We're dating! parang gano'n na rin 'yon... hindi nga lang siya seryoso," humina ang boses niya.
"Siya? eh ikaw? pareho naman kayong hindi seryoso 'di ba? ayan ang sinasabi ko sa'yo, parang ang bilis mo mahulog sa lalaking 'yon."
Mahulog? hindi naman siguro, baka lang talaga clingy siya rito. Gusto niya na lagi itong kausap at nakikita. Hindi niya na pinansin si Easton at nagtaklob na lang ng kumot.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya nang deretso at nagising na lang siya dahil ginising siya ni Easton. Nakaayos na ito kaya napatingin siya sa orasan at alas-siyete na ng umaga.
"Bumangon ka na! Samahan mo ako mag breakfast dahil aalis na ako!" Kinusot niya ang mata niya at bumangon.
"5 minutes, maghihilamos lang ako."
"Fine, baba na ako." Tinanguan niya ito at dumeretso na sa kaniyang banyo para maghilamos ng mukha. Nag skincare muna siya ng mabilisan bago bumaba.
Nang makalabas siya ng kwarto at makababa, narinig niya ang boses ng kaniyang grandpa kaya dali-dali siyang pumunta sa kusina.
"Grandpa!" tawag niya rito at niyakap ng makita. "Bakit ang tagal mo? uuwi na ngayon si Easton." sambit niya rito at tiningnan ang kaibigan. Sinesenyasan niya ito na iyon na ang tamang oras para sabihin nito na tutol din sa kasalang pina-plano.
"Yes, i know. Busy lang talaga sa kompanya." Napansin niyang parang puyat ito dahil sa itsura.
"Why? is there a problem?" tanong niya rito. Ngumiti naman ang kaniyang grandpa at umiling.
"Wala, marami lang talagang dapat asikasuhin. Let's eat breakfast!" tumango na lang siya rito at tumabi na kay Easton. Nag-serve ang cook nila nang mga pagkain at sinandukan niya na agad si Easton.
"Bagay talaga kayo, hindi na ako makapag-hintay na ikasal kayong dalawa." Natigil ang pagsandok niya sa pagkain.
"Grandpa, we're just friends. Please? 'wag mo nang ipilit ang plano niyo. We are both against to that marriage." mariin na sambit niya habang nakatingin dito.
"You too, Easton?" nakakunot noong tanong ng kaniyang grandpa habang nakatingin kay Easton.
"Sorry, Don. She's just a friend to me," sagot ni Easton.
"Hindi ba maganda ang apo ko?" nanlaki ang mata niya dahil sa tanong ng grandpa niya.
"Of course, she is pretty and smart. Maraming nagkaka-gusto sa kaniya, Don."
"But you?"
"I'm not one of them, ang tingin ko po kay Lauren ay isang kaibigan lang." Bumuntong hininga ang kaniyang grandpa kaya akala niya okay na.
"Mahuhulog din ang loob niyo sa isa't isa, hindi naman namin kayo minamadali." Napatayo siya dahil sa sinabi ng kaniyang grandpa.
"Grandpa—"
"End of discussion, Lauren. Hindi niyo na mababago ang isip ko dahil napag-usapan na namin ito ng magulang mo Easton." Tumayo na ito at hindi na tinuloy ang pagkain. Napatingin siya kay Easton na napainom ng tubig.
"Hindi ko na maintindihan si grandpa!" naiinis na sambit niya at tiyaka umupo.
"Should I tell him? that I'm g—"
"Shh! may mga kasambahay, manahimik ka riyan." saway niya rito. "No need, kahit anong gawin nila hindi nila magagawa ang plano nila."
"'Wag muna siguro natin siyang kulitin tungkol sa engagement, wala pa namang date." Wala na siyang nagawa kon'di tumango rito. Sisiguraduhin niya namang hindi matutuloy, kahit mag set pa sila ng date.
Nang matapos sila mag breakfast nagpaalam na si Easton. Mahigpit niya itong niyakap at nagpasalamat siya sa ginawang tulong nito sa kaniya. Kumaway pa siya nang makasakay ito sa kotse. Hinantay niya munang makalayo ang kotse na sinasakyan nito bago siya pumasok ng hacienda.
Dumeretso siya sa kaniyang kwarto at umupo sa kaniyang kama. Binuksan niya ang kaniyang laptop para mag check na rin ng email tungkol sa trabaho niya. Ilang oras din siyang nakatuon doon para kahit papaano may mabawas siya sa naiwan na trabaho. Doon na rin siya kumain ng lunch habang nagpapaka-busy sa ginagawa,.
Nang matapos siya dumeretso na siya sa loob ng banyo para maligo dahil pupuntahan niya si Kenzo kong nasaan man ito.
Nagbabad lang siya saglit sa bathub, mga isang oras din ang tinagal niya bago siya matapos maligo. Amoy vanilla ang buong katawan niya dahil sa ginagamit niyang shower gel at pati na rin ang kaniyang perfume.
Naglagay lang siya ng lip balm para safe, baka kasi pag lipstick kumalat pareho sa mukha nila ni Kenzo. Napahigikgik naman siya dahil sa iniisip. Pakiramdam niya nagiging maharot na siya ng husto dahil sa binata. She's a party girl who's had a few flings in the past, but she'd never get crazy because of a man.
Kinuha niya naman ang cellphone niya para tawagan ang binata. Naka-ilang ring din ito bago sumagot.
"Hi!" masiglang bati niya rito.
"Meet me at the wine cellar," lumawak ang ngiti niya lalo.
"Sure, I'll go now." Mabilis niyang pinatay ang tawag at lumabas na sa kaniyang kwarto. Tiningnan niya pa sa paligid kong nasa labas ba ang kaniyang grandpa. Kailangan niya mag-ingat sa lahat, pero siyempre lagi naman siyang nasa vineyard, barn or wine cellar kaya hindi na magtataka ang mga trabahador kong bakit lagi siyang pumupunta roon.
Nang makapasok siya sa wine cellar nakita niya roon si Kenzo na nag-che-check ng mga wines. As usual naka poker face ito habang ginagawa ang trabaho.
"Hi," bati niya sa binata.
"Let's eat dinner after i finish this," sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa. Tumango na lang siya at umupo sa isang tabi, may hagdan kasi roon. Sinandal niya ang kaniyang baba sa kamay habang naka-tingin pa rin sa binata.
"Can i ask you a few questions?" tanong niya dahil ayaw niyang manahimik lang. Baka ito na ang chance niya para matanong ang mga gusto niyang itanong sa binata.
"Okay, just five questions."
"Where's your family? parents?" agad na tanong niya rito. Curious talaga siya sa buhay ng binata.
"I'm from orphanage," umawang ang labi niya at hindi alam ang sasabihin. "Next question," kaswal na sambit ulit nito. Sinundan niya ito ng tingin ng lumipat ito ng kabilang shelf.
"You're good in english, anong tinapos mong course?"
"Business ad, and english is our second language, lahat naman ata marunong mag-english." Napatango naman siya dahil may punto naman ito.
"Nagkaroon ka na ng girlfriend?" tumayo siya para sundan ito nang lumipat ito muli ng shelf ng mga wines.
"Just flings, i don't have any time for real relationship." Ngumuso siya, parang na-disappoint siya nang malaman na hindi ito nagse-seryoso talaga.
"Bakit? ayaw mo talaga?"
"No. Pang-apat na 'yon, last question."
"Ha?! karugton 'yon ng pangatlong tanong ko, madaya ka naman!" mas lalong humaba ang nguso niya. Nagulat pa siya nang humarap sa kaniya ang binata at pinitik ang noo niya. Bumuntong hininga siya bago itanong ang gusto niyang tanungin.
"Do you have secret?" ewan niya ba, gusto niya lang talaga tanungin iyon. Para sa kaniya napaka-misteryoso talaga nito. Hindi agad nito sinagot ang tanong niya, sinundan niya pa ito nang ilagay ang mga papel sa tamang lagayan doon.
Hinarap siya nito at tinitigan sa mga mata. Nagtaka siya nang umiba ang aura nito, pakiramdam niya mali iyong tinanong niya. Babawiin na sana niya nang magsalita ito.
"I have, and you'll know it soon."
Tumili siya nang buhatin siya nang binata, pareho silang walang saplot sa katawan dahil kakatapos lang nila maligo. Maaga silang umalis sa wedding reception nila dahil hindi na siya komportable sa suot na gown at talagang nanlalagkit na ang mukha niya sa make-up. Tinugon niya ang mga halik na binibigay sa kaniya ng binata, marahan iyon at punong-puno ng pagmamahal. Sa wakas ay kasal na sila, isa na siyang Mrs. Lauren Celestine Sanders. Hindi pa rin siya makapaniwala na ikinasal na talaga sila. Maingat na umibabaw sa kaniya ang asawa, limang buwan na ang tiyan niya at talagang may kalakihan na. "Ohh, m-mahal ko..." "I miss this, and this, oh fuck i can't believe that i didn't taste this for a month." Pinanggigilan nito ang dibdib niya at bumaba pa ang halik hanggang sa gitnang parte niya kaya mas lalo niyang naibuka ang hita. She also miss this, they didn't make love for a month because they are both busy preparing the wedding. Lumikot ang dila ng asawa sa kaniyang gitna kaya
"Alam mo madam, kong masakit na 'wag na pilitin kahit mahal mo pa ang isang tao. Lalo na po kong ikaw lang ang nagmamahal. Naranasan ko rin 'yan madam," ngumiti ng mapait si Erna habang nakatuon ang tingin sa may mga gamit niya."Tama! kasi ikaw lang ang madudurog," singit pa ni Irna.Tinulungan siya ng kambal hanggang sa maligpit niya na ang gamit niya. Paglabas nila ng kwarto kumunot ang noo niya ng dumeretso si Erna sa kabilang dulo kung nasaan ang isa pang guestroom."Bakit dito tayo pupunta?" tanong ni Irna sa kakambal."Manahimik ka! tara muna rito at may sasabihin pa ako sa'yo madam!" baling sa kaniya ni Erna. Hinayaan niya muna ito at pumasok na lang sa guest room na iyon. Nang makapasok silang tatlo ay ni-lock ni Erna ang pinto at hinarap siya."Madam, alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sa nakita mo. Siguro naman po na ramdam mo na parang ahas si ma'am Glyzel 'di ba? Ang punto ko lang dito, 'wag ka magpadalos-dalos dahil nakikita ko sa mga mata ni sir Kenzo na may pag-ting
Tatlong araw na nababaliw si Kenzo kakahanap kay Lauren dahil hindi niya talaga ito mahanap. Pinuntahan niya ito sa unit pero wala ang dalaga roon, kahit chineck niya ang cctv ng condominium ay walang footage ni Lauren na pumunta roon at lumabas."Hey bro! I think she's just somewhere in the philippines. Pina-check ko sa kakilala ko sa airlines at walang Lauren Celestine Altaran ang lumabas ng pilipinas," sambit ni Danilo sa kaniya. Ginulo niya ang buhok dahil talagang matutuluyan siyang mabaliw pag hindi niya pa nakita si Lauren. "I don't know where she is, hindi naman siya pumunta sa hacienda nila. I don't have any clue where did she go." He tried to call Lauren again but still her phone is off. Tiningnan niya si Danilo nang tumawa ito habang umiiling."Gusto mo pa siyang pakawalan, at anong sabi mo noon? kukunin mo ang anak niyo para maging malaya siya at makahanap ng karapat-dapat na lalaki para sa kaniya, pero ito ka ngayon tatlong araw na nababaliw dahil hindi mahanap si Laur
Tinungo ni Kenzo ang opisina ni Glyzel, gusto niya itong tanungin ng harapan. "Omg, i didn't expect that you're the one who will go here to see me," tuwang-tuwa na sambit ni Glyzel at hinawi pa ang buhok niya.Wala namang makikitang emosyon sa mukha ni Kenzo, nagtitimpi ito dahil ayaw niyang patulan ang babaeng kaharap niya. "Did you use my phone?" deretsong tanong niya sa dalaga. Natigilan naman si Glyzel at napaiwas pa ng tingin."O-of course not! I didn't use it!" tanggi nito at tinalikuran ito para umupo sa swivel chair. Kenzo licked his lower lip and brushed his hair using his fingers. He don't want to threat her but he don't have a choice."I'll ask you again, did you use my phone?" tanong niya muli rito. "No! I swear—""Okay. I'll pull my shares to your business," ma-awtoridad na sambit niya rito. Halatang nagulat ito sa nagawa niyang desisyon dahil napatayo muli sa pagkakaupo si Glyzel."What?! no way, Kenzo!""I can do whatever i want, Glyze. You're aware of what I am cap
Nakayuko lang siya habang nasa tabi niya si Kenzo, nagda-drive ito. Kasalukuyan silang papunta sa bahay ni Easton para ihatid ang kaibigan. Pasimple siyang sumilip sa binata at masama pa rin ang tingin nito kahit nakatutok naman ang mata sa daan. "Tangina! mahal daw pero h-hindi naman ako kaya tanggapin," nagulat siya nang sumigaw si Easton. Nilingon niya ito at nakita niyang nakadilat na ulit ang mata. "Easton," saway niya rito kahit alam niyang hindi siya nito susundin dahil lasing. Nag-aalala siyang baka mailantad nito ang sarili kahit lalaking lalaki pa rin ang boses."Kasi kong mahal mo talaga 'yong isang tao kahit anong kabahuan pa ang malaman mo rito tatanggapin mo! Eh tangina, hindi naman ako 'yong drug lord at mas lalong hindi ako 'yong nagdo-droga! Bakit pati ako nadamay? Ayaw niyang ma-issue gano'n ba?!" Bumuntong hininga siya at napahawak sa ulo, pati siya naii-stress sa kaibigan. Nang makarating sila sa bahay nito ay hinatid nila ito mula sa loob, mabuti na lang din na
Nilalantakan niya ang mango graham na ginawa ni Irna habang nanonood ng cartoons sa sala. Two months na ang tiyan niya at parang mas nagiging bloated na ang pakiramdam niya. "Madam ito na ang grated cheese," inabot sa kaniya ni Erna ang cheese kaya agad niya iyong binuhos sa matigass na mango graham. Ewan niya ba pagkatapos ng ice cream at manggang hilaw ito naman ang cravings niya, pero sabi nga ni Erna mas masarap at okay raw ito kaysa sa manggang hilaw at ice cream. Naibaba niya naman ang bowl na hawak niya sa hita niya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Agad niya iyong sinagot nang makita na ang daddy niya ang tumatawag."Hello dad?""Anak, did you go outside? nandito ako sa unit mo ngayon," nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya pa kasi nasasabi sa daddy niya ang sitwasyon niya ngayon, wala pa itong kaalam-alam na buntis siya at si Kenzo ang ama. "Y-yes, dad. Bakit po kayo napadalaw? nandito kasi ako sa kaibigan ko," pagsisinungalin niya."I just want to che