Share

Chapter 26

Karina

Nandito kami ngayong tatlo sa farm ni Francis sa Laguna. Dito kami tumuloy pagkatapos ng nangyari. Malawak naman dito at hindi nakakabored ang berde na tanawin. Marami silang hayop at mga tanim na gulay sa likod ng kanilang malaking bahay. Sabi ni Francis nasa ibang bansa daw ang kanyang mga magulang at dumadalaw lang siya dito kapag may mahaba siyang bakasyon.

"Okay dito sa farm mo ah, puwede kaming magsanay pa ni Ash." Wika ko sa kanya habang inililibot ko ang buong lugar na naabot lang sa aking paningin. Andito kami sa malawak na farm nila at kasalukuyang nagsasanay si Ash sa pagbaril sa target na taong nakatayo ilang kilometro ang layo mula sa kinatatayuan namin. Dito rin pala nagsasanay si Francis tuwing nauwi siya kaya puwede naming magamit ang mga equipments na ginagamit din niya.

"Oo, Karina. Matagal ko na ring niyaya si Ash dito kaya lang. Palagi niyang sinasabi na hindi daw kami puwedeng magsama sa lugar na kami lang. Masyado kasing advance mag-isip ang kaibigan mo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status