공유

Chapter 17

작가: PROSERFINA
last update 최신 업데이트: 2023-05-23 11:28:53

SERGIO

“Wala ka na ba talagang natitirang respeto para sa akin Sergio? Para sa ina ng anak mo?” salubong sa akin ni Catalina nang umuwi ako kinabukasan pagkagaling sa condo ni Katherine.

Napabuntong-hininga ako at iniwasan ko siya. Tinungo ko ang anak namin na karga ng kanyang yaya. Hinalikan ko ito sa noo at umakyat na rin ako sa hagdan. Kaya kong maging ama sa anak namin pero hindi ko kakayanin na maging asawa pa si Catalina. Dahil isa lamang ang kayang mahalin ng puso ko. At si Katherine yun.

“Sergio! Nag-uusap pa tayo!” Narinig kong sigaw niya nagpatuloy ako sa hiwalay na kuwarto naming dalawa at naghubad ako ng damit. Bumukas ang pinto at pumasok si Catalina. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa beywang ko.

“Please, kalimutan mo na ang babaeng yun. Bumalik na tayo sa Amerika kasama si Chollo. Huwag mong gawin sa akin ito Sergio.” Pagmamaka-awa niya sa akin. Tinangal ko ang kamay niya at humarap ako sa kanya.

“Kahit bumalik pa tayo sa Amerika hindi na rin magbabago ang lah
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Asle Tutaan Delizo
cno kya s knila ang salarin
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Her Twin's Revenge   Chapter 36 (FINALE)

    KARINA“Kumusta na ang daddy mo?” paunang tanong ko kay Sergio nang muli kaming magkita. Isang linggo matapos ang lib!ng ni Bernadette. “Sa ngayon, unti-unti na siyang nakakabangon. Inayos niya ang lahat para magkasama na sa himalayan sila Bernadette at sa kanyang Ina at mga kapatid. Ikaw? Kumusta ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Akala ko ayaw mo na akong makita. Kaya pinuntahan na kita dito.” “Sa totoo lang Sergio, napag-isip-isip ko na bumalik na lamang sa dati kong buhay. Pareho tayong magsimula ulit. Kalimutan ang sakit na nararamdaman natin sa nangyari. Alam ko pareho tayong nasaktan ang isa’t-isa. Pareho tayong nagdusa. Pareho nating hindi ginusto na mangyari ang lahat ng ito. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, gusto ko parin maging masaya na kasama ka. Gusto kong sabay nating i-let go ang lahat ng masas@k8 na nangyari sa ating buhay. Para makapagsimula ulit tayo. Sa tingin mo? Deserve nating dalawa ang magsama bilang pamilya?” nangingilid ang luhang tanong k

  • Her Twin's Revenge   Chapter 35

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW…“Sergio, dahan-dahan lang baka bumanga tayo!” Paalala ni Karina sa kanya dahil pasikot-sikot na sila sa gubat at paliit na rin ng paliit ang nadadaanan ng kanilang kotse. “Kailangan natin siyang mahabol, dahil kung hindi baka lalo lamang tayong mahirapan na mahuli si Bernadette.” Sagot ni Sergio sa kanya habang nakatuon ang attensyon sa harapan at dadaanan nila. Habang si Bernadette ay hindi na rin alam ang gagawin para makalayo sa dalawa. “Bakit ka tumatakbo, Bernadette? Yung mga nagpahirap sa'yo ang nakasunod sayo diba dapat harapin mo na sila?” Bulong ng isip ni Bernadette. “Kapag tumigil ka mahuhuli ka nila at mabubulok ka sa kulungan! Paano kung p@tayin ka rin nila kagaya ng ginawa mo sa mga mahal nila sa buhay?! Paano ka pa maghihigante?!” Bulong ng kabilang isip ni Bernadette. Napatingin siya sa upuan at nakita niya ang isang c@liber 45 at kaagad niya itong kinuha. Ngunit nagulat siya nang sa mababaw na bangin na pala tumalon ang sasakyan niya

  • Her Twin's Revenge   Chapter 34

    THIRD POINT OF VIEW…“Gising na ba siya?” Bungad na tanong ni Bernadette nang bumaba siya ground floor ng pinagtataguan nilang lumang bodega. Tumayo ang mga nag-iinuman na mga tauhan nito at tinigil ang ginagawa nila. “Madam, kakagising lang po. Gusto niyo po bugbug!n namin ulit?” Ngising aso na sabi ng isa niyang tauhan. “T0nt0! Kaya ko nga tinatanong para makausap ko na ang paki-alamerong police na yun! Teka? Diba sinabi ko na sayong ayoko nang tauhan na mabigote? Gusto mo ako mismo ang magtangal ng bigote mo?!” Singh@l nito. Napatakbo sa takot ang lalaki na ikinatawa naman ng iba pa. “Akin na ang susi,tama na yang pag-iinuman ninyo at magbantay kayo sa labas dahil may parating akong bisita.” Utos pa niya sa mga ito at kaagad naman nagpulasan at umakyat ang mga ito. Dala niya ang susi nang bumaba siya sa makipot at nilulumot na hagdan ng dating p!g sl@ughteR house. Ilang sandali pa ay bumungad na sa kanya ang kanyang bihag. “Kumusta? Mabuti naman at gising ka na.” Nakangiting s

  • Her Twin's Revenge   Chapter 33

    SERGIODinig ko mula sa kinatatayuan ko ang naging masaklap na pagkikita ni Ash at ni Francis. Sasamahan ko sana siya sa loob ngunit binilinan niya akong siya na lamang ang lalapit sa ataul nito. Kung nandito si Karina siguradong mahahabag din siya sa kanyang kaibigan. Pero ayokong isa-alang-alang ang kaligtasan niya para damayan si Ash dahil alam kung kakayanin ito ni Ash. “Ano na ang development ng case ni Francis at nang iba pa? May pagkakakilanlan na ba sa mga um4mbush sa kanila?” Usisa ko sa Police Inspector na mula sa kanilang departamento at may hawak ng imbistigasyon.“Hanggang ngayon wala pa ring kumukuha ng mga bangkay sa m0rgue kaya wala pa rin kaming idea kung sino ang mga lalaking yun na lumusob sa kanila.” Sagot niya sa akin. Hindi maari ito, kahit ang mga kasamahan nila sa station ay ayoko nang pagkatiwalaan. May pakiramdam akong nasa loob lamang ng police station na yun ang nagkanulo sa kanila para magpunta sa liblib na lugar na yun at abangan ng mga kalaban.Tinawaga

  • Her Twin's Revenge   Chapter 32

    KARINADalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailipat kami sa isang safe house. Naka-leave din si Ash sa kanyang duty kaya magkasama kami dito sa isang pribadong isla. Naghilom na ang mga sugat namin ngunit bakas pa rin ang mga pas0 namin sa balat pero unti-unti din naman itong gumagaling dahil na rin sa Cream na pinapahid namin upang mawala ang peklat. Kinailangan ko din magpagupit ng mas maiksi dahil na-apektuhan ang buhok ko sa pagkasunog. Samantala, wala pa rin kaming balita kay Bernadette. Kaya sa tingin ko mas kailangan namin na mag-ingat ngayon. Araw-araw naman umuuwi si Sergio samantalang si Francis naman ay tuwing sabado at linggo lamang pumupunta dito dahil tinutukan niya ang kaso at ang paghahanap kay Bernadette. “Kape?” Alok ni Ash sa akin at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. Nandito kami sa may veranda at pinapanuod namin ang malakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. “Next week babalik na ako sa Maynila. Kailangan kong tulungan si Francis sa imbestigas

  • Her Twin's Revenge   Chapter 31

    SERGIONaglalagablab na apoy mula sa kamalig ang bumungad sa amin. Mabilis akong bumaba at tumakbo patungo doon. Umaasang aabutan pa namin sila ng buhay ngunit sa laki ng apoy malabo na kaming makapasok.“Karina! Karina!” malakas na sigaw ko habang pinapanuod ang pagkatupok ng apoy nito. Pinigilan kami ni Francis na makalapit dahil gusto na naming pasukin ang loob nito. Kung hindi dahil sa unknown number na tumawag sa phone ko kanina at sa taong nag-send ng pictures at address kung nasaan sila hindi namin sila mahahanap.“Karina!”“Ashley!”Napaluhod na lamang ako sa damuhan. Wala akong nagawa, hindi ko siya nailigtas. Nahuli kami ng dating. Natakasan na kami ni Bernadette at Marla nakuha pa nila si Karina at Ash. Walang ibang dapat sisihin nito kundi ako! Wala akong silbi!“Aahhh! Karina!”Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na galit at paghihinagpis. Kung naging mabilis lang sana ang kilos ko. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana nauwi sa kamatayan nila ang paghihigant

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status