Share

Chapter 3

KARINA

Kinabukasan ay pumasok na ako sa opisina. Hindi natulog si Sergio kagabi sa condo ko dahil tinawagan siya ng kanyang ama. Ayaw pa nga sana niyang umalis pero nahihimigan kong may importante silang pinag-usapan kaya napilitan siyang iwan ako.

“Good morning Ma’am!” nakangiting bati sa akin ng security guard sa lobby. Sinuklian ko naman ito ng matamis na ngiti bago ako pumasok sa loob.

“Sandali! Pasabay!” Nagmamadaling pigil sa akin ni Marla. Pinindot ko ulit ang elevator upang hindi ito tuluyang magsara.

“Belated happy birthday.” bati niya.

“Salamat Marla.” Nakangiting sagot ko sa kanya. Actually dalawa kaming secretary ni Marla sa office ni Sergio. Sa ibaba lang ang table niya kasi siya ang nag-aasikaso ng internal papers para kay Sergio. Ako naman ang nakatoka sa schedule at meeting niya sa loob at sa labas kaya mas madalas akong nakakasama ni Sergio. Si Marla din ang nag-training sa akin nang bumalik ako. Isang buwan pa lamang ang nakalipas. Pinalabas niyang kinailangan kong magbakasyon habang pinaghahandaan ko pa ang paghihiganti ko. Pinahupa ko pa ang pagluluksa ko kaya hindi ko kaagad nagawa ang plano. Anim na buwan din na nanatili sa Amerika si Sergio at Catalina dahil doon sila nag-honeymoon. Nang bumalik sila ay malaki na ang tiyan ni Catalina. At nang manganak ito ay saka ako pumasok sa eksena at muling nagbalik.

Akala ko mahihirapan akong makuhang muli ang loob ni Sergio. Ngunit nang magkita kami ay ipinakita niya sa akin kung gaano siya nangulila nang hindi ako nakita ng matagal. Hangang sa palagi na lamang niya akong hinaharang sa tuwing papasok ako sa office niya.

“Kumusta kayo ni Sir Sergio?” tanong niya na nagpa-angat ng tingin ko sa reflection namin sa salamin ng elevator.

“Okay naman kami.” nakangiting sabi ko sa kanya. Ayoko siyang madamay sa paghihiganti ko. Kaya pinilit ko siyang umiwas sa akin. Pero dahil nasa iisang company lang kami ay masyadong mahirap para sa akin ang iwasan siya.

“Mabuti naman kung ganun, sana naman kalimutan mo na lang ang paghihiganti Karina–”

Marahas ko siyang nilingon nang marinig kong tinawag niya ako sa aking pangalan.

“Ako na si Katherine ngayon, Marla! Inilibing ko na ang pangalang yun kasama ng paglilibing ko sa kapatid ko!” may diin na singhal ko sa kanya.

“I’m sorry…” nangingilid ang luhang sambit niya. Alam kong nasaktan din siya nang mamatay si Katherine. Pero wala siyang karapatan na diktahan ako sa ano pa ang aking gagawin. Matagal bago ko siya napilit na ipasok ako sa kompanya. Kaya nagmakaawa ako sa kanya. Para maipaghiganti ko ang kaibigan niya at ang kakambal ko.

Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib at malalim na nagbuntong hininga.

“Hindi ko na magagawa ang gusto mo. Ibinigay ko na sa kanya ang sarili ko.”

Namilog ang kanyang labi nang sabihin ko yun.

“What? Sa ganitong paraan mo ba balak gumanti? Ang maging mistress ni Sergio?” hindi makapaniwalang litanya niya sa akin. Inayos ko ang aking buhok at mas pinatatag pa aking pagkakatayo.

“Why not? Uso yun ngayon. Ang mangabit sa may asawa diba? Gusto kong masiraan ng bait si Catalina.” Nakangising sabi ko sa kanya.

“Lalo mo lamang inilalagay sa gulo ang buhay mo Karina.”

“Bago ako pumasok sa gulong ito, sinabi ko na sa’yo na wala akong pagdadalawang isip na gawin ito. At kung bumalik man sa akin ang lahat ng gagawin ko. Handa ako, Marla. Handa akong masaktan. Pero bago ako, sila muna.”

Natigil ang pag-uusap namin nang bumukas ang pinto. Lumabas si Marla ngunit nilingon niya ako.

“Mag-iingat ka, nandito lang ako.” wika niya sa malungkot na tinig.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagsara na ang elevator. Nag-umpisang mangilid ang aking luha. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Sinumpa ko sa libingan ng kapatid ko na hindi na iiyak para sa ibang tao. Kaya pinahid ko ang nagbabadya kong luha.

Nasa ganung kalagayan ako nang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Sergio.

“What happen? Bakit ka umiiyak?” Nag-alalang tanong niya sa akin. Hindi ko akalain na maaga siyang papasok. Kadalasan kasi nauuna ako sa kanya.

“Wala napuwing lang ako.” Pagdadahilan ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya niya ako patungo sa office niya. Walang tao dito sa 15th floor kundi kami lang. At nasa labas ang aking table ng kanyang opisina.

“You’re lying, umiyak ka diba?” pangungulit pa niya sa akin na ikinailing ko.

“Hindi nga, napuwing lang ako kanina. Pero okay na ako.” nakangiting sabi ko sa kanya. Balak pa kasi niyang tignan ang mga mata ko kaya napakalapit na ng kanyang mukha sa akin.

“Mabuti naman, akala ko talaga may nagpaiyak na sa’yo.”

Mabilis niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit.

“I’m sorry kung iniwan kita kagabi.” Sambit niya habang nakayakap sa akin.

“I understand, hindi naman ako ang asawa mo kaya natural lang na doon ka uuwi.”

Humiwalay siya ng yakap at tumitig siya sa akin.

“Sinabi ni Catalina kay dad na may babae ako. Kaya galit na galit si dad. Nagalit din ako kaya sinabi ko sa kanya na makikipaghiwalay na ako kay Catalina. Nagalit si Catalina at pinagbantaan niya ako na ipapahanap ka niya at sisirain. Pero huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ako papayag na gawin niya yun sa’yo. Hindi na mauulit ang nangyari noon Katherine.” Paninigurado niya sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanya pero inangkin niya ang aking labi. Hinapit niya ang aking beywang at hinawakan ang aking pisngi upang mas lumalim ang kanyang halik. Sa isang iglap ay nadala niya ako sa ibabaw ng mesa nang hindi naghihiwalay ang labi naming dalawa. Gumapang ang kamay niya pababa sa aking dibdib at ikinawit ko naman ang aking kamay sa kanyang leeg. Thirty minutes pa naman bago mag alas-otso kaya wala pang magtatangka na mang-abala sa amin.

Napaliyad ako nang bumaba ang kanyang labi sa aking leeg. Bawat daanan nito ay nagpapaningas sa aking katawan. Inaamin kong malaki ang epekto nito sa aking katawan dahil nagugustuhan nito ang kanyang ginagawa. Kaya sa tuwing may nangyayari sa aming dalawa ay naglalaban ang aking katawan at aking isip.

“Ahhh–Sergio!” ungol ko nang sips*pin niya ang aking dibd*b para siyang taong gustong maibsan ang nararamdamang uhaw. Mabilis niyang kinalas ang aking bra kaya tuluyan niya itong naibaba. Naging malaya ang kanyang kamay sa pagpisil sa aking malusog na dibd*b. Napasinghap ako nang bumaba ang kanyang kamay sa gitna ng aking hita. Habang ang bibig niya ay nagsasalitan sa dalawa kong korona.

“Damn! Please, huwag kang magsuot ng ganito kaiksing skirt.” Reklamo niya nang hilahin ang zipper sa tagiliran nito.

“Why? Kahit naman makita yan nila. Ikaw pa rin naman ang nagmamay-ari niyan Sergio.” Nang-aakit na sagot ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi at lalong nakita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa. Buong pananabik niya akong hinalikan. Nakulong ang ungol ko nang ibaba niya ang aking saplot sa ilalim ipinatong niya ito sa ibabaw ng mesa. At bumaba din siya upang sambahin ang aking hiyas.

“Ohhh—sh*t!” mura ko nang maramdaman ko ang matalas niyang dila. Napahawak ako sa kanyang buhok habang walang tigil niyang nilalantakan ang aking sariwang laman.

Hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Ipinatong pa niya ang aking isang hita sa kanyang malapad na balikat. Hindi ko akalain na puwede palang gawin ang ganito sa ibabaw lang ng table. O hindi kaya bihasa lang si Sergio sa kanyang ginagawa. Kaya niyang panginigin ang aking systema at buhayin ang aking mga natutulog na laman.

Hangang sa naramdaman ko nang naabot ko na ang sukdulan. Nanghina ang aking binti ngunit wala pa rin siyang tigil sa kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at tinangal ang kanyang belt. Ibinaba ang kanyang zipper at agad na pumuwesto sa pagitan ko. Hinanda ko ang aking sarili sa muling pagpasok niya. Sa una masakit pero habang tumatagal ay nawawala na ang sakit.

“Ohhh—Katherine! I love being inside of you! Matagal kong inasam ito!” Hingal at nangingil niyang ungol sa tenga ko. Habang mariin siyang umuulos sa kaloob-looban ko.

Kahit ako ay walang tigil sa pagungol dahil sa nararamdaman ng katawan ko. Muli niyang sinakop ang aking labi. Naglaban ang mga d*la naming dalawa habang pabilis din siya ng pabilis. Hangang sa tuluyan na siyang sumabog sa loob ko. Hingal na ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Inantay niyang maubos ang k*tas niya sa loob ko.

Pagkatapos ng nangyari ay pumasok ako sa banyo niya at nilinis ko ang aking sarili. Ganun din siya dahil malaki naman ang banyo. Inayos ko din ang suot ko at pagkalabas ko ay bihis na rin siya.

“Maiwan na kita, marami pa akong trabaho.” Pormal na sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako pero pinigilan niya akong buksan ang doorknob.

“Katherine, kapag natapos na ang problema ko. I promise, pakakasalan kita kahit saang simbahan mo gusto. Kaya huwag ka sanang magtatampo at magagalit sa akin.”

Sinalubong ko ang kanyang mga mata at ngumiti ako sa kanya.

“Hindi mo kailangan na gawin yun. Willing akong maging mistress mo at tapunan ng katiting na pagmamahal Sergio. Ganun kita kamahal, kaya lahat kakayanin ko para sa’yo.’’

Umiling siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Dinala niya ito sa kanyang labi at dinampian ng halik.

“No, we deserve to be happy. I love you so much!” Giit pa niya. Mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa kanya.

“Kailangan ko nang magtrabaho saka na natin pag-usapan ang bagay na yan.” Nakangiting sabi ko sa kanya at kaagad na akong lumabas ng pinto. Pagdating ko sa table ko ay kaagad kong kinuha ang pills at uminom agad ako. Naikuyom ko ang aking kamao habang inaalala ang mga sinabi niya sa akin.

Gugustuhin mo pa kayang maging masaya kasama ako kapag nalaman mong hindi ako ang Katherine na pinapangakuan mo ngayon?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status