KARINA
“Hi sis, kumusta ka na? Masaya ka ba kung nasaan ka ngayon? Masaya ka ba…kasi iniwan mo akong mag-isa? B-bakit? B-bakit—”Tuluyan na akong napahikbi sa harapan ng kanyang libingan. Matapos nang may mangyari sa amin ni Sergio kagabi ay lumiban muna ako sa trabaho sa opisina niya. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko at naniwala naman siya. Birthday kasi namin ni Katherine ngayon. Kaya nandito ako sa libingan niya. Gusto ko siyang sumbatan sa tuwing nagpupunta ako dito. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako ka-miserable ngayon. Kung gaano kabigat ang nararamdaman ko. Pero kahit ganun gusto ko pa rin marinig niya na mahal na mahal ko siya. At hindi ko pa rin magawang patawarin ang lahat ng taong nanakit sa kanya. Lalong-lalo na si Sergio!“Happy birthday, sa atin Katherine.”Hinipan ko ang isang kandila at nagpunas ako ng luha. Pero patuloy parin ito sa pag-agos sa aking pisngi.“Naalala mo ba noon? Hindi tayo halos makapag-celebrate ng birthday kasi kapos tayo sa pera. Pero kahit ganun, never tayong na-ingit sa iba nating mga kaibigan. Maraming beses tayong sinubok ng problema. Lalo na noong namatay sila inay at itay…walang-wala tayong dalawa. Ni hindi nga natin sila nabigyan ng maayos na libing. Tanging kahoy na krus lang ang nagsilbi nilang lapida. Naranasan natin matulog ng walang laman ang sikmura. Pero ni minsan hindi ko naisip na sumuko…Katherine. Ni minsan hindi ko naisip na kunin ang buhay ko para makatakas ako sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako naging selfish para hindi isipin ang mararamdaman ng mga taong nagmamahal sa akin kung sakali mang mawala ako. Maraming tao ang may mga sakit at gusto pang mabuhay. Pero ikaw…basta mo na lang sinayang ang buhay mo dahil sa isang lalaki…Isang lalaking handang iwan ang kanyang asawa’t anak para sa kanyang mistress!”Hindi ko napigilan ang ikuyom ang aking kamao. Kapag iniisip ko kung paano bilugin ni Sergio ang ulo ko! Kung paano niya ako dinadala sa matamis niyang dila. At kung paano niya ako angkinin kagabi! Nandidire ako! Pero tiniis ko! Hindi pag-ibig kundi poot ang nararamdaman ko sa ngayon. At ang makita siyang nakaluhod sa mga paa ko nagsisisi sa pagpatay niya sa kapatid ko ang nagbibigay ng lakas sa akin para magpatuloy!Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Pinahid ko ang aking luha at sinulayapan ko ang kanyang lapida.“Nag-uumpisa pa lang ako sa paniningil, Katherine. At handa akong tangapin ang lahat ng consequence ng ginawa kong pagpapangap na ito kahit kapalit pa ang aking buhay.” Mahinang sambit ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.Alam kong lahat ng ginagawa kong ito ay may kapalit. Pero wala akong paki-alam. Hinding-hindi ko sila patatawarin. Hinding-hindi!Pagkarating ko sa kotse ay pinahurorot ko na ito pauwi sa condo. Simula nang magtrabaho si Katherine noon ay hindi na ako nagpapadala sa kanya ng pera. Malaki ang naging ipon ko kaya bumili ako ng condo. Maliit lang ito ngunit comportable naman para sa mag-isa sa buhay. Malapit lang din ito sa kompanya kaya hindi ako nahirapan na magtrabaho.Noong mamatay si Katherine. Walang ibang nakaalam kundi ako at si Marla. Ang kaibigan ni Katherine na kasama niya sa trabaho at sa apartment. Bestfriend siya ni Katherine at parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Siya din ang tumawag sa akin at nakadiscover sa bangkay ni Katherine. Siya lang ang nakakaalam na ako si Karina. At tinutulungan niya ako para isakatuparan ang aking paghihiganti.Gabi na nang makarating ako sa condo. Dumaan pa kasi ako sa shop upang bumili ng pagkain. Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita ko ang sahig. May mga petals ito ng pulang rosas. Nang pumasok ako ay nakita ko naman si Sergio. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at may hawak siyang isang kumpol ng bulaklak.“Happy birthday my love.”Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Thank you. May pa surprise ka pang nalalaman.” Nakangiting sambit ko sabay amoy ng bulaklak na inabot niya sa akin.“Kanina pa nga ako dito eh, nagutom na nga ako pero okay lang kahit habang buhay akong maghintay basta para sayo Katherine.”Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.“I miss you…” bulong niya sa akin. Umangat ang sulok ng aking labi. Ilang oras palang noong huli kaming magkita. Pero hinahanap na niya ako.Hindi man lang niya sinasabi sa akin kung hindi ba nagalit si Catalina sa kanya dahil inumaga na siya ng uwi.“Kumain na tayo.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang bitbit ko at ipinatong sa mesa. Inayos ko naman ang dala niyang pagkain para makakain na kami.“My love, papasok ka na ba bukas?” tanong niya habang kumakain kaming dalawa.“Oo Sergio. Ayokong umabsent ng matagal dahil natatambakan ako ng trabaho.” Wika ko sa kanya.“Mabuti naman, buong maghapon ka na kasing tumatakbo sa isip ko.”Natigil ako sa pagsubo at tinignan ko siya.“Bolero ka talaga, at bakit mo naman ako iniisip?” Naiiling at nakangiti kong sabi sa kanya.“Hindi ko rin alam, ganito siguro ako kapag nagmamahal.”“Mabuti pa kumain ka na lang.”Sinubuan ko siya ng karne bago pa humaba ang usapan naming dalawa na wala namang kuwenta.Pagkatapos ng pagkain namin ay inayos ko na yung mga pinamili ko. Naghugas na rin muna ako ng plato. Panay ang kwento niya sa akin tungkol sa trabaho.Ngiti at tango lang ang naging sagot ko. Binuksan niya ang dala niyang wine at naghiwa din siya ng tsokolate cake na dala niya.“I’m planning to annul our marriage.”Nagulat ako sa sinabi niya kaya nabitawan ko ang baso na hawak ko at dumerecho ito sa sahig.Mabilis akong yumuko ngunit inunahan niya akong pulutin ang basag na baso.“Baka masugatan ka, ako na dito. Magpalit ka na ng damit mo.”Napilitan akong tumayo at mabilis akong pumasok sa kuwarto. Pagkapasok ko ay napasandal ako sa likuran ng pinto. Hindi ito ang plano ko. Ayokong madaliin ang paghihiwalay nilang dalawa dahil hindi pa ito ang tamang panahon!Wala sa sariling hinubad ko ang aking damit at naligo ako sa banyo. Habang kinukuskos ko ang aking katawan ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko kay Sergio.Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.“Can I join you?” tanong niya na ikinatango ko naman. Pumasok siya sa loob na boxer shorts na lang ang tanging suot.Kinuha niya ang sabon at siya mismo ang nagsabon sa aking likuran.“Nagulat ka ba sa sinabi ko? Yun naman talaga ang plano ko noon pa. Kapag nailipat na sa aking pamamahala ang kompanya ni Dad.” Paliwanag niya sa akin. Napapikit ako nang halikan niya ako sa leeg.“Bakit mo siya iiwanan? Paano ang anak niyo?” tanong ko sa kanya.“I don't love her. Siya lang ang may gusto na ikasal kaming dalawa. Ginawa niya ang lahat para makuha niya ako. Nahulog ako sa kanyang patibong at nagbunga yun kaya kita iniwan noon.”Hinarap niya ako sa kanya at nakatitig siya sa aking mukha.“Ikaw ang mahal ko Katherine. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.”Tuluyan na niyang inangkin ang aking labi. Nagpaubaya ako sa kanya at sa pangalawang pagkakataon ay binigay ko sa kanya ang aking katawan ngunit hindi ang aking puso.THIRD PERSON'S POINT OF VIEW…“Sergio, dahan-dahan lang baka bumanga tayo!” Paalala ni Karina sa kanya dahil pasikot-sikot na sila sa gubat at paliit na rin ng paliit ang nadadaanan ng kanilang kotse. “Kailangan natin siyang mahabol, dahil kung hindi baka lalo lamang tayong mahirapan na mahuli si Bernadette.” Sagot ni Sergio sa kanya habang nakatuon ang attensyon sa harapan at dadaanan nila. Habang si Bernadette ay hindi na rin alam ang gagawin para makalayo sa dalawa. “Bakit ka tumatakbo, Bernadette? Yung mga nagpahirap sa'yo ang nakasunod sayo diba dapat harapin mo na sila?” Bulong ng isip ni Bernadette. “Kapag tumigil ka mahuhuli ka nila at mabubulok ka sa kulungan! Paano kung p@tayin ka rin nila kagaya ng ginawa mo sa mga mahal nila sa buhay?! Paano ka pa maghihigante?!” Bulong ng kabilang isip ni Bernadette. Napatingin siya sa upuan at nakita niya ang isang c@liber 45 at kaagad niya itong kinuha. Ngunit nagulat siya nang sa mababaw na bangin na pala tumalon ang sasakyan niya
THIRD POINT OF VIEW…“Gising na ba siya?” Bungad na tanong ni Bernadette nang bumaba siya ground floor ng pinagtataguan nilang lumang bodega. Tumayo ang mga nag-iinuman na mga tauhan nito at tinigil ang ginagawa nila. “Madam, kakagising lang po. Gusto niyo po bugbug!n namin ulit?” Ngising aso na sabi ng isa niyang tauhan. “T0nt0! Kaya ko nga tinatanong para makausap ko na ang paki-alamerong police na yun! Teka? Diba sinabi ko na sayong ayoko nang tauhan na mabigote? Gusto mo ako mismo ang magtangal ng bigote mo?!” Singh@l nito. Napatakbo sa takot ang lalaki na ikinatawa naman ng iba pa. “Akin na ang susi,tama na yang pag-iinuman ninyo at magbantay kayo sa labas dahil may parating akong bisita.” Utos pa niya sa mga ito at kaagad naman nagpulasan at umakyat ang mga ito. Dala niya ang susi nang bumaba siya sa makipot at nilulumot na hagdan ng dating p!g sl@ughteR house. Ilang sandali pa ay bumungad na sa kanya ang kanyang bihag. “Kumusta? Mabuti naman at gising ka na.” Nakangiting s
SERGIODinig ko mula sa kinatatayuan ko ang naging masaklap na pagkikita ni Ash at ni Francis. Sasamahan ko sana siya sa loob ngunit binilinan niya akong siya na lamang ang lalapit sa ataul nito. Kung nandito si Karina siguradong mahahabag din siya sa kanyang kaibigan. Pero ayokong isa-alang-alang ang kaligtasan niya para damayan si Ash dahil alam kung kakayanin ito ni Ash. “Ano na ang development ng case ni Francis at nang iba pa? May pagkakakilanlan na ba sa mga um4mbush sa kanila?” Usisa ko sa Police Inspector na mula sa kanilang departamento at may hawak ng imbistigasyon.“Hanggang ngayon wala pa ring kumukuha ng mga bangkay sa m0rgue kaya wala pa rin kaming idea kung sino ang mga lalaking yun na lumusob sa kanila.” Sagot niya sa akin. Hindi maari ito, kahit ang mga kasamahan nila sa station ay ayoko nang pagkatiwalaan. May pakiramdam akong nasa loob lamang ng police station na yun ang nagkanulo sa kanila para magpunta sa liblib na lugar na yun at abangan ng mga kalaban.Tinawaga
KARINADalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailipat kami sa isang safe house. Naka-leave din si Ash sa kanyang duty kaya magkasama kami dito sa isang pribadong isla. Naghilom na ang mga sugat namin ngunit bakas pa rin ang mga pas0 namin sa balat pero unti-unti din naman itong gumagaling dahil na rin sa Cream na pinapahid namin upang mawala ang peklat. Kinailangan ko din magpagupit ng mas maiksi dahil na-apektuhan ang buhok ko sa pagkasunog. Samantala, wala pa rin kaming balita kay Bernadette. Kaya sa tingin ko mas kailangan namin na mag-ingat ngayon. Araw-araw naman umuuwi si Sergio samantalang si Francis naman ay tuwing sabado at linggo lamang pumupunta dito dahil tinutukan niya ang kaso at ang paghahanap kay Bernadette. “Kape?” Alok ni Ash sa akin at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. Nandito kami sa may veranda at pinapanuod namin ang malakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. “Next week babalik na ako sa Maynila. Kailangan kong tulungan si Francis sa imbestigas
SERGIONaglalagablab na apoy mula sa kamalig ang bumungad sa amin. Mabilis akong bumaba at tumakbo patungo doon. Umaasang aabutan pa namin sila ng buhay ngunit sa laki ng apoy malabo na kaming makapasok.“Karina! Karina!” malakas na sigaw ko habang pinapanuod ang pagkatupok ng apoy nito. Pinigilan kami ni Francis na makalapit dahil gusto na naming pasukin ang loob nito. Kung hindi dahil sa unknown number na tumawag sa phone ko kanina at sa taong nag-send ng pictures at address kung nasaan sila hindi namin sila mahahanap.“Karina!”“Ashley!”Napaluhod na lamang ako sa damuhan. Wala akong nagawa, hindi ko siya nailigtas. Nahuli kami ng dating. Natakasan na kami ni Bernadette at Marla nakuha pa nila si Karina at Ash. Walang ibang dapat sisihin nito kundi ako! Wala akong silbi!“Aahhh! Karina!”Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na galit at paghihinagpis. Kung naging mabilis lang sana ang kilos ko. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana nauwi sa kamatayan nila ang paghihigant
KARINA “Saan niyo ba talaga kami dadalhin?” angil ko sa lalaking nagpapangap lang pala na pulis. May mga iilan ding silang pulis na kakampi kaya may dala silang police mobile upang hindi namin mahalata. Katabi ko ngayon si Ash at pareho kaming nakaposas. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi na ako lumaban dahil tagilid kami sa kanila. Masyado silang marami at pinagbantaan pa ako na kung kikilos ako ay papatayin nila si Ash kaya hinayaan kong bihagin nila kami. “Huwag kang maingay diyan!” singhal niya sa akin. Nag-alala na ako sa maaring mangyari. Dapat sa mga oras na ito ay nahuli na nila si Bernadette at Marla. Ngunit malakas ang kutob ko na sila ang may kinalaman nang pagpapadukot sa amin. Sigurado din akong sa mga oras na ito ay alam na si Sergio na hindi kami nakarating sa farm ni Francis. Sana lamang ay maging ligtas pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pa ang plano nilang gawin sa amin ngunit umaasa ako na magkikita pa kaming muli. Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Ash.