Share

CHAPTER 2

ASH's POV

Pagdating ko sa isang coffee shop na palagi naming tina tambayan ng mga kaibigan ko ay ako na lang ang hinihintay.

Itinext ko kasi sila kanina na magkita-kita kami dahil baka makatulong sila sa problema ko.

"Pucha pre, naunahan ka pa namin!" bungad ni Blade.

"Ang tagal mo pre. Asap pala, ha? Asap!" pang-aasar naman ni Axel.

"Tsk I am just 5 minutes late!" saad ko.

Nakipag-fist bam muna ako sa kanila bago naupo, agad ko namang ikinuwento sa kanila ang naging usapan naman ni Lolo kanina.

"What's your plan pre? Sino naman ang ipapakilala mong girlfriend n'yan?" si Axel.

"I don't know, that's why I'm asking for your help." Inis na sabi ko.

"Bakit ka pa kasi nagsinungaling pre? Kilala mo ang lolo mo, kapag nalaman n'yang nagsinungaling ka baka parusahan ka pa lalo." Seryosong saad naman ni Blade bago humigop ng kape n'ya. Tinignan ko naman s'ya ng masama, sa halip kasi na palakasin ang loob ko tinatakot pa ako. "Don't look at me like that, nagsasabi lang ako ng totoo." dagdag pa nito.

"I don't have any choice. Like what I've said, Lolo blackmailed me."

"Why don't you just date Denice na lang kasi? She's beautiful and sexy... She's your family friend, remember?" tatawa tawang saad ni Blade kaya tinignan kong muli ito ng masama.

"No way!"

"Then what are you going to do? Kapag wala kapang ipinakilala sa Lolo mo ay panigurado ng magdududa yun baka magalit pa yon dahil sa panloloko na ginawa mo."

Napaisip naman ako dahil sa sinabi ni Axel. Damn!! This is driving me insane. I don't know why I need to have this kind of problem.

Saglit kaming na tahimik at pareho ng nag-iisip.

"I knew it!" biglang sabi ni Axel habang nakataas pa ang hintuturo n'ya kaya sabay kaming napatingin ni Blade sa kanya at naghintay ng sasabihin niya.

"Why don't you choose someone you can deal with? Like hire a fake girlfriend and make a contract something like that." Tumatango-tango na dagdag na sabi pa nito.

Hire a fake girlfriend? Hmm.. Not a bad idea.

"Where can I find my sane fake girlfriend then? Mamaya yung makuha ko pang fake girlfriend ay mas malala pa kay Denice."

"Basic, then choose someone na hindi maiinlove sayo at hindi maapektuhan nang kagwapuhan mo dre. 'Yung 'di magkakainteres sayo and vice versa." seryosong komento ni Blade na nagsimula ng magpipindot sa cellphone nya.

"The question is, meron kaya ang di na aamaze sa taglay na kagwapuhan at kamandag ng kaibigan nating ito?" Tanong ni Axel kay Blade kaya sabay sabay kaming natawa.

Hindi naman talaga maipagkakaila na pare-pareho kaming mga gwapo, pagpasok ko palang nga ng coffee shop na 'to ay marami nang mga babaeng nag titilian at nakakarindi silang lahat.

"So? What's your decision?" Blade asked, I glanced at him before sipping my coffee.

"I will try Axel's suggestion. Para lang may ipapakilala ako kay Lolo at hindi na niya ako ipagpilitan kay Denice o sa ibang app ng mga kaibigan niya."

"Sige, we will try to find someone na pwede mong maging contract girlfriend." Blade

"Siguraduhin mong maayos 'yan, ha!" duro ko sa kanya.

"Of course. Nakapili nga ako ng matino at magandang girlfriend, hindi ba?" Natatawang saad nito. Sa'ming tatlo kasi si Blade palang ang may girlfriend, si Axel naman masyadong pihikan sa babae minsan nga naiisip namin ni Blade na baka bakla ang isang 'yan at isa samin ang trip nya.

Axel and Blade have been my best friends since elementary and we are entering 1st year college this academic year.

"Naninigurado lang," natatawang saad ko atsaka inubos na rin ang kape kong kanina ko pa iniinom.

Alright! My problem is solved.. All I need to do is to find someone who can pretend to be my girlfriend, end of story.

**

KINABUKASAN ay nagkita-kita ulit kaming magkakaibigan. May ipapakilala sana sa'king babae si Axel para maging hired girlfriend ko pero hindi ito sumipot. What a waste of time.

Kaya naman yung 'manok naman daw ni Blade ang pinapunta n'ya at kasalukuyan naming hinihintay sa isang restaurant.

"Saan mo naman napulot 'yang manok na sinasabi mo Blade?" tanong ni Axel.

"Psh! Kasamahan namin sya ni Yassy sa piano class last year." Yassy is his girlfriend for 3 years.

"Are you really sure na maayos 'yan kausap, ha? Mamaya dumikit dikit sa akin 'yan kapag hindi siya nagustuhan ni Ash." banat na naman ni Axel, habang ako tahimik lang na nanonood at nakikinig sa kanilang dalawa.

"Oo nga! Allergic ka ba sa babae ha, pre, are you gay?" nakangising pang-aasar ni Blade.

"Tss. I'm just getting away from any harm a girl can do." nakangusong saad ni Axel kaya naman sabay kaming natawa ni Blade.

"She's here." maya maya pa'y sabi ni Blade kaya naman napatingin si Axel sa may entrance.

Nakatalikod kasi ako sa entrance ng restaurant kaya hindi ko makita yung tinawag n'ya, hindi na rin naman ako nag-abalang lumingon pa.

"Jessica, here!" sigaw ni Blade at itinaas ang kamay nya para kumaway sa tinawag n'yang babae na pumasok.

"Hai!" saad nito ng makarating ito sa table namin.

Napatingin ako dito from head to toe, I can say that she's sophisticated and a nice girl. I think she's from our school too. She's kinda familiar.

Inalalayan naman itong maupo ni Blade sa harap ko bago tumingin sakin. Bale ako, si Axel sa kaliwa, sa kanan si Blade na katabi nung babae na katabi naman ni Axel.

"Jessica, this is Ash and Axel." Pagpapakilala samin ni Blade sa babaeng Jessica raw ang pangalan, napanganga pa ito ng makita kaming dalawa.

"Oh my ghad, hindi mo naman sinabi Blade na sila Ash at Axel pala ka na hot and handsome ang mga friends mo na kikitain natin hihihi. Hello, Axel. Hello, Ash." nakangiting saad nito atsaka bahagyang kumaway sa amin ni Axel. Tinanguan ko lang naman s'ya at gano'n din si Axel.

Umorder muna si Blade bago kami sabay sabay na kumain.

"So how are you Jess? I heard nagbakasyon ka sa Italy." Pagsisimula ni Blade ng usapan.

"I'm okay naman, I super super enjoyed my vacation there. I met a lot of new friends and yummy boys hihi." masayang saad nito habang napahinto pa sa pagkain, animo'y naalala ang mga nangyari sa kanya sa Italy.

"Actually hindi lang sa Italy ako nakapag travel, nakapunta rin ako sa may Singapore, Taiwan, and sa Japan. Maraming business ang Mommy and Daddy all over the Philippines so I can afford to travel wherever country I want. And alam n'yo ba na sa bawat country na napuntahan ko sobrang daming boys na nagkakandarapa sa akin, hindi naman ako ganun kaganda, hindi ba? Maybe I'm charming? Hahaha!" Mahabang kwento nito atsaka kunwaring nahihiya pang tumingin samin nila Blade at Axel.

What a narcissistic bitch.

Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Blade at Axel dahil sa sinabi nito at sa tingin na pinakita ko gets na nila na ayaw ko sa babaeng ito.

"So who's gonna be my boyfriend ba?" maarteng saad ni Jessica habang papalit palit ang tingin samin ni Axel.

"Not me." poker face na sagot ni Axel kaya naman napatingin naman sakin si Jessica.

"So, it's you Ash?"

"Not me either." walang ganang sagot ko atsaka tumingin sa kanya.

"Then who? Sinabi sakin ni Blade na one of you will be my boyfriend, and it's a big favor for me. Kasi you know, maipapamukha ko na sa Denice na 'yon na I'm more gorgeous than her kasi one of the famous and hot man is my boyfriend. And to prove to her that I'm supposed to be the queen--"

"Stop it, will you?" I cut her off. Andami daming sinasabi nakakairita.

"Oww why?" malanding tanong nito.

"Get lost! We don't need you here, we don't need narcissistic bitch like you!" prangkang sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.

Kitang kita sa mukha n'ya ang pagkagulat sa sinabi ko. Naiwan pang nakabukas ang bibig nito at hindi nakakapagsalita.

"How dare you call me a narcissistic bitch!" galit na sigaw nito habang napatayo pa ng makabawi sa pagkagulat.

Pinagtitinginan na kami ng ibang kumakain.

"What do you want me to call you, then?" seryosong tanong ko.

"Arrrrgh! You're so mean!" inis na sigaw nito atsaka padabog na lumabas ng restaurant.

"Hey Ash, you're being rude." si Blade na sinundan pa ng tingin si Jessica.

"If telling the truth is being rude then, I can't do anything about it. Honesty is the best policy, right? " walang ganang sagot ko tsaka nag crossed arms bago ko inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng resto.

I perfectly think that nothing's wrong with what I've said.

"You don't need to be that mean to her, you know." natatawang saad nito.

Psh! Sabi sabihan akong rudetapos pagtatawanan n'ya rin. Siraulo!

"Grr! Medyo kinilabutan ako roon." sambit ni Axel kaya naman nagtawanan kami.

Marami pa silang mga pinapunta na mga babaeng kilala nila pero ni isa sa kanila ay 'hindi ko napili para magpanggap na girlfriend ko.

A narcissistic bitch.

A clingy flirt.

A psycho.

An amazona.

No one fits my standards. Ayokong kumuha ng batong ipupokpok ko sa ulo ko pagdating ng oras.

In the end, pinatigil ko nalang sila sa kakapapunta ng kung sino sino sa harap ko. Matagal pa kaming nagkwentuhan ng mga kung ano ano, pagkatapos ay pumunta kami saglit sa mall para maglaro sa Game Zone.

Maghahapon na ng matapos kaming mag lakwatsang magkakaibigan. Pinapatugtog ko lang 'yung sounds sa kotse ko habang nagmamaneho.

Huminto ako dahil red light, kaya naman patingin tingin lang ako sa paligid.

Naagaw ang pansin ko ng isang babae sa loob ng restaurant, kitang kita ko s'ya mula rito dahil glass wall naman ito.

Kaagaw agaw naman kasi talaga s'ya ng pansin..

Average height...

She's wearing their uniform pero malaki naman para sa kanya ..

Thick eyeglasses...

Her hair is totally a mess.. It looks like a nest!

In short, she's a certified NERD in my eyes.

Kulang na lang ata sa babaeng to ay Libro para talagang mag mukha siyang "Nerd".

Saglit na iniwas ko ang tingin sa kanya at tinignan kung hindi na red light, pero nanlalaki ang mga mata ko ng pagbalik ko ng tingin sa babaeng 'iyon ay mabilis niyang kinuwelyuhan at hinala patayo ang isang foreigner at walang kagatol gatol na sinapak ito..

Damn! Seriously? Para sa laki n'ya nakaya n'ya ang lalaking mas malaki pa sa kanya!? I bet that was hard.

Hindi ko nakita ang dahilan pero sa tingin ko binastos s'ya nito, kitang kita ko mula rito ang inis at galit sa mukha n'ya..

Nang mag Go na ang light ay agad kong ini-start ang engine ng kotse ko.

"Hell! She's definitely a small but a terrible woman. Note to myself, wag gagalitin ang mga babaeng Nerd." Natatawang saad ko sa sarili ko atsaka nagmaneho na ulit..

Pagdating sa bahay ay ipinark ko lang ang kotse ko sa labas at di na nag-abala pang ipasok ito sa loob.

**

Thank you for reading, I hope you'll enjoy this story. See you in the next chapter!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status